[2 hours ago] “Anong gusto mong pag-usapan?” ang tanong ko. Hindi kasi kami pwedeng magtagal dahil dumidilim na at ihahatid ko pa siya. “A-ano…” umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagpapatuloy niya sa sasabihin, “Sinasagot na kita.” Nabigla ako sa sinabi niya… ba’t parang ang bilis? Ba’t parang… hindi ko maramdaman ang saya ng isang taong sinagot ng nililigawan? “Hindi ka ba masaya?” Agad akong ngumiti at saka umiling. "Hindi, masaya ako... medyo, nabigla lang dahil….” nahinto ako at hindi na mahanap ang tamang salita. Matagal nanatili ang tingin niya sa akin hanggang sa mapabuntong-hininga siya. “I think… we need to stop this. I know na gusto mo ko, and I also like you. Pero ramdam ko kasi na may something like… a barrier. We’re close yet so far. Everytime na magkasama tayo? Ramdam kong nasa iba ang isip mo. Na may iba ng laman ang puso mo at hindi ako ‘yun.” Napakurap ako at hindi makuhang mag-react sa sinasabi niya. Ganoon ba ako sa kanya? Gano’n ba ang pinaparamdam ko sa kanya? “And now? Kitang-kita sa mukha mo na hindi ka talaga gano’n kasaya na sinagot kita. And honestly speaking, tini-test lang talaga kita. I know to my self na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa ‘yo yet pinayagan kitang manligaw. That was my mistake, ‘cause I don’t wanna lose a special friend like you.” Nakanganga akong nakatingin sa kanya. Ito ba talaga ang kilala kong Mary Rose? Bakit parang ibang tao ang kaharap ko? Parang sandaling sumanib sa katawan niya si Shiela. Fierce and straight forward. “Oh, I’m s-sorry,” ang dagdag niya pa na balik na sa dating siya na kilala ko. Mahinhin at naiilang. Tumikhim ako at baka pati ang sariling boses ay mahiya sa kahinhinan niya. “So… it means…?” Nagkibit-balikat siya sabay sabi ng, “Ikaw bahala kung pa’no mo i-e-interpret ‘yung sinabi ko. But I want us to stay friends, please?” ang tingin ay nakikiusap. Woah! Medyo, masakit din pala siya magsalita. Binasted or nakipag-break siya sa akin yet gusto niyang maging magkaibigan pa rin kami? Sa sumunod na sandali ay nanatili kaming tahimik. Nagpapakiramdaman. Hanggang sa binuksan na ang mga ilaw rito sa University at lumiwanag ang buong paligid. Mamaya nito ay mag-iikot na ang guardiya. Kapag nakita kami na narito pa ay tiyak na sisitahin at paaalisin kami. “Sa tingin ko ay kailangan na nating umuwi,” tumango siya sa sinabi ko at saka kami sabay na lumabas ng University. “Ihahatid na kita pauwi,” ang alok ko pa nang nasa labas na kami. Pero tumanggi siya. “Nakakahiyang magpahatid sa ‘yo tapos ganito pa ang nangyari.” Alam ko. Kung ako naman ang nasa katayuan mo ay mahihiya rin ako, pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ka na umuwing mag-isa. “Please, kahit ito lang.” Mukha siguro akong nakakaawa kaya hindi na siya tumanggi sa akin. Pagkatapos ay nag-abang kami ng masasakyan. Sa humintong bus kami sumakay ang kaso parang gusto ko nang bumaba uli nang makita ang katabi naming pasahero. Sa itsura palang ay halata ng mag-boyfriend-girlfriend ang dalawa. Naka-couple shirt ba naman. Tapos kung magharutan ay parang walang tao. Pinamumukha sa aking malas ako sa pakikipagrelasiyon. Hmp! ***** [Present] “Ano ulit ‘yung sinabi mo?” ang tanong ni Caleb?” “Nag-break kami na parang hindi kasi, sinagot nga niya ako pero nakipag-break din pagkatapos. Consider ba ‘yung break-up?” sandali akong napa-isip. “Wait, ba’t ako pumayag? Pwede naman akong humindi sa gusto niya.” Bakit hindi ko iyon naisip agad?! Hindi ko namalayang lumapit si Caleb sa akin at marahan akong niyugyog. “Break-up ‘yun! Saka, hindi magandang pinipilit ang isang bagay na tapos na. Hayaan mo na lang siya.” Hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko. Bakit parang tuwang-tuwa na siya ngayon? Kanina lang halos paiyak na siya. “Sige, pasok na ‘ko sa loob.” Nagugutom na kasi ako kanina pa. “Sige, good night. Bukas na lang ulit,” tumalikod siya at lumakad paalis nang marinig ko pa ang sinabi niya, “Pasasalamatan ko talaga si Mary Rose.” “Narinig ko’yun!” ang pahabol ko na hindi na niya pinansin. Masaya talaga siya, e, ‘no? Nailing na lang ako at pumasok na sa loob para makakain na. Kinabukasan ay wala si Mary Rose. Hindi ko siya nakita buong araw na normal lang naman. Baka, iniiwasan na niya ako kahit siya pa itong nagsabi na maging magkaibigan na lang kami. Mahirap kasi ang ganoon. Kahit gusto mo pang ibalik sa dati ang lahat. Tulad ng meron kami ni Caleb. Pinatawad ko siya at gustong ibalik ang dati naming pagkakaibigan. Pero dahil masiyado ng komplikado ay talagang mahirap nang bumalik sa dati. Pagdating ng hapon ay biglaan kaming pinatawag ni Coach para mag-practice. May friendly game raw kami sa kabilang University na gaganapin sa makalawa. At dahil biglaan ang practice ay sa may field muna kami nag-warm up habang nililinis ang court. In-occupy kasi ng ibang club. At habang nagwa-warm up ay napansin ko mula sa malayo si Shiela. Naglalakad ito ng mag-isa na tamang-tama lang dahil balak kong tanungin kung bakit absent si Mary Rose. Baka lang kasi na talagang iniiwasan ako nito. Tinawag ko ang pansin ni Felix na tulad ko ay nagwa-warm up. “’Pag hinanap ako ni Coach sabihin mo nag-C.R lang.” “Sa’n ka pupunta?” “Kakausapin ko lang si Shiela.” “Nasaan?” ang tanong niya at napatingin na sa paligid. Tinuro ko naman at nag-umpisa nang maglakad papunta sa kinaruruonan nito. “Anong kailangan mo?” “Magtatanong lang ako kung ba’t hindi pumasok si Mary Rose, hindi ko kasi ‘to nakita buong araw.” “Ah, baka dahil sa nangyari kagabi.” Nahinto ako at nagdalawang-isip kung susundan ba si Shiela o magtatanong muna kay Felix. Pero dahil mukhang may alam siya ay nagtanong na ako, “Anong nangyari kagabi?” “Ah, ganito kasi ‘yun…” at pinagpatuloy ang pagwa-warm up. Sandali kong nilingon kung nasaan si Shiela pero wala na ito at tuluyan ng nawala. “Pauwi na ako kagabi ng—” “Kenan, Felix,” ang putol ni Caleb. Tulad namin ay nagwa-warm up din siya pero malayo sa pwesto namin. “Kapag hinanap ako ni Coach sabihin niyo nasa restroom lang ako.” Pagkatapos ay napatingin sa hawak na cellphone. Kanina pa ito nagri-ring simula nang lumapit siya sa aming dalawa. At ako namang na-curious ay nakitingin din sa screen ng cellphone at nahagip ng paningin ang pangalang hindi pamilyar sa akin. Tinapik ni Caleb ang balikat ko. “’Kaw nang bahala.” At pagkatapos ay mabilis na tumakbo. “Bakit parang pamilyar ‘yung sinabi niya?” ang komento naman ni Felix. “Gayang-gaya ka.” At natawa pa. “Felix… may kilala ka bang Wesley?” “Wala, bakit?” “Walang nasasabi sa ‘yo si Caleb? Nakita ko kasi sa cellphone niya ang pangalan ng caller.” “Wala naman siyang nasasabi, baka kaibigan lang niya sa ibang bansa. ‘Di ba nga matagal-tagal din siya ro’n.” “Pero bakit hindi niya nakukwento sa ‘kin?” “Baka nakalimutan lang.” Pero kahit na at saka hindi naman palakaibigan ang isang iyon. Kaya sino si Wesley? Magkaano-ano sila ni Caleb? Bakit hindi ito nakukwento sa akin? ***** BUONG akala ko ay isang beses lang mangyayari iyon. Pero palagi na lang umaalis si Caleb kapag tumatawag iyong Wesley. Kahit pa sa kalagitnaan ng pagkain o kahit pa pigilan ko sa pag-alis ay talagang ayaw paawat na tila iniiwasan na may makarinig sa pag-uusapan nila. Hindi na rin siya pumupunta sa bahay at kapag sinasadya ko sa kanila ay laging wala. Kaya tuloy nakakapaghinala na kung anong pinaggagagawa ng isang iyon. At hindi ko laging matiyempuhan kapag gusto kong makausap. Pero mukhang hindi sa araw na ito… Palabas na ako sa gate ng dumaan ang kotse niya na tuloy-tuloy na pumasok sa kanilang gate. Mamaya na lang siguro ako bibili ng meryenda at baka bigla na namang maglahong parang bula iyong si Caleb. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng katulong. “Ay, umalis po si Sir Caleb.” Na naman?! Pero sa tingin pa lang ng katulong ay mukhang nagsisinungaling ito. “Ito ba ang laging inuutos ni Caleb kapag nagpupunta ako rito?” –kahit nandito naman pala talaga siya sa bahay? Nang hindi na ito makatingin sa akin ay nakumperma kung totoo nga ang hinala. “Ano po bang meron at bakit inuutos ni Caleb ang ganito?” “H-hindi ko po alam, Sir, sige po, may gagawin pa po ako.” At mabilis na umalis. Hindi na ako natutuwa sa nangyayari. Pati ba naman ang katulong ay dinamay na niya. Ano ba kasing problema nitong si Caleb? Agad akong nagtungo sa kwarto niya na naiwan pa talagang bukas. Sa pagkakaalam ko ay hindi nito iniiwan ng bukas ang pinto. Dahan-dahan akong pumasok at nakitang maraming nagkalat na damit na nakakapagtaka dahil hindi iyon makalat na tao. Meron sa sahig at sa kama. Ang isa pa sa pinagtataka ko ay ang style ng mga damit. Lahat makukulay na ang iba ay neon color pa hindi naman nito style. Lumapit ako sa banyo ng marinig ang mahihinang lagaslas ng tubig. Mukhang naliligo ito. Kaya bumalik ako sa kama at naupo. Tinabi ko ang nagkalat na damit at pinulot na rin ang nasa sahig nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Caleb. Gulat ang makikita sa mukha niya. “W-what are you doing here?” mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ako palabas ng kwarto. “Bumalik ka muna sa inyo, pupunta ako mamaya.” Binuksan niya nang malaki ang pinto at saka ako tinulak palabas. Mabilis akong kumapit sa pintuan at humarang talaga para hindi niya maisara. “Nandito naman na ako, ba’t kailangang sa bahay pa?” Ano ba kasing gusto niyang itago sa akin? “M-magulo kasi ang kwarto, kaya, sige na, do’n na lang tayo magkita—!" Tinulak ko siya habang ang mata ay nasa pinto ng banyo… kung saan ay may lumabas pa na isang tao. Ang banyo kung saan din siya lumabas kani-kanina lang. Isang lalake na hubad at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito ang nakatingin sa aming dalawa. Maputi at makinis ang katawan. May highlights ang buhok at tattoo sa kaliwang braso’t leeg. Basang-basa ang buhok nito na tumutulo pa sa sahig at amoy na amoy ko rin ang body wash ni Caleb na mukhang ginamit ng lalakeng ito. Nalipat ang tingin ko kay Caleb na kompleto ang suot na damit ngunit basa sa bandang ibaba at pagkatapos ay muling binalik sa lalakeng bagong ligo pa. “Anong... anong ginawa niyong dalawa?" ang wala sa sariling tanong na gusto nang sugurin ang lalake at tadyakan sa ibaba si Caleb. ***<[°o°]>***
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (99)
alecajoyjoson
Ganda❤
14/05/2024
0
InginAmir
i love it
23/04/2024
0
SimJaeyun
nice story para sa mga bl Reader's and watchers, good job po
Ganda❤
14/05/2024
0i love it
23/04/2024
0nice story para sa mga bl Reader's and watchers, good job po
22/04/2024
0Tingnan Lahat