Chapter 38

ANG unfair talaga ng life. Iyong tipong gustong-gusto mong tumigil ang oras pero ayaw ka naman pagbigyan.
Ang ganda-ganda na ng moment kasama si Mary Rose at kung saan-saan na rin napunta ang kuwentuhan namin nang sa isang iglap ay nakarating na sa destination ang sinasakyan. Parang hindi nga nag-init ang p*wet ko sa upuan.
Gusto ko pa ngang manigurong nakarating na ba kami talaga kasi parang kalalarga lang namin mula roon sa public market. Kainis.
Mataman kong tiningnan ang driver nang pababa na ng bus. Mag-request kaya ako ng isang ikot sa lugar kasama si Mary Rose?
Kaso, ‘yung gusto kong makasama… Ayun, sumama na ulit sa mga kaibigan niya.
Hindi naman ako introvert na tao at napaka-socialize ko naman pero bakit wala man lang akong kaibigan na kasama? May mga kakilala naman ako pero ewan ko ba, hindi ko feel iyong mga kasama nila. Ang sama kung tumingin. Inggit yata sa gandang lalake ko. Kaya ito, laging out-of-place at mag-isa. Kakalungkot.
Pagtapak ko sa lupa ay agad akong tumingala. Ang lalaki at ang tataas ng mga puno nila rito. Halos hindi ko na nga makita ang langit.
Nilanghap ko ang hangin. Fresh! Hindi amoy usok. Probinsiyang-probinsiya at malayo sa magulo at mausok na siyudad. Nagustuhan ko agad ang lugar. Nakaka-relax.
“Kenan!”
Napatingin ako kay Mary Rose na nasa malayo na. Sumenyas siya sa aking lumapit at agad naman akong tumakbo na parang asong tuwang-tuwang lumapit sa amo.
“Sa’min ka na lang sumama,” aniya pa.
Awkward tuloy akong nangiti sa mga kasama niyang babae. “Okay lang ba?” ang tanong ko. Baka kasi hindi nila gusto na sumama ako sa kanila.
Lahat naman silang tatlo na kasama ni Mary Rose ay maganda ang response sa akin. Hindi big deal sa kanila kung may humalong iba sa grupo lalo na at lalakeng tulad ko.
Sa baranggay kami ng lugar unang nagpunta. Kinausap ng head-teacher na nagpasimuno sa mission na ito ang baranggay captain para sa gagawing pagtuturo sa mga bata. Pagkatapos ay dinala kami ng kapitan sa patag na lugar para pagtayuan ng tent na dala.
Wala kasing hotel o kahit matutuluyan lang na bahay ang buong grupo kaya sa tent kami matutulog. Maliliit at kubo kasi ang mga tirahan dito na nadaanan namin kanina. Mukhang ang bahay lang ng kapitan ang medyo malaki-laki pero hindi pa rin kami kakasiyang lahat.
Mainit ang sikat ng araw pero dahil sa mga puno at preskong hangin ay hindi ko ramdam ang maalinsangang panahon. Isabay pa na nakagagaan sa pakiramdam ang nakikita kong tanawin. Puro green ang paligid na masarap sa pakiramdam. Ano-ano kaya ang mga kakaibang halaman nila rito? Baka pwede akong humingi at iuwi para ibigay kay Mama at tita Janette. Paniguradong matutuwa ang mga iyon dahil muling madadagdagan ang mga halamang inaalagaan.
Ang batang nadaanan namin ay curious na curious sa aming bagong dating. Sinundan ba naman kami hanggang rito sa pagtatayuan ng tent. May ibang lumalapit at nagtatanong kung anong ginagawa namin dito.
“Ang cute naman nila tingnan,” rinig kong sabi ni Mary Rose. Magkatabi kami habang nagtatayo ng tent.
Seperated ang pwesto ng babae at lalake pero narito ako para tulungan siyang itayo ang tent niya. “Parang ikaw,” ang komento ko naman.
Umiwas siya ng tingin habang ang mga kaibigan niya na kasama rin namin ang nag-react sa sinabi ko.
“Basketball player ka nga, ang galing mambola,” ang komento ng isa sa kaibigan niya.
Nangiti na lang ako at hindi na sinagot ang hirit nito. Pagkatapos maitayo ang tent ay saka naman ako bumalik sa pwesto naming mga lalake para itayo ang tent ko.
Mabilis ko lang natapos ang ginagawa na tamang-tama naman dahil patapos ng magluto ang iba para sa hapunan kahit alas-kwatro pa lang. Ang sabi kasi ng Head ay kailangan naming magpahinga ng maaga para makabawi sa pagod at haba ng biyahe.
Mas mabuti ngang maagang kumain at magpahinga dahil paniguradong gutom na gutom na ang lahat dahil sa mahabang biyahe.
At nang tinawag na ang lahat para kumain ay parang nagmistulang palengke ang paligid. Umingay pang lalo at halos nag-uunahan ang lahat sa pagkuha ng pagkain.
Pero kahit ganoon ay nagawa ko pa ring makapwesto sa tabi ni Mary Rose. In-offer ko nga ang pagkain kong halos tumapon na sa pinggan. Ang unti lang kasi ng pagkain niya.
“Ang unti lang ng pagkain mo.” Pero tumanggi siya sa offer ko. Hindi ko na rin siya pinilit dahil napapatingin na ang mga kasamahan namin sa amin.
Baka mamaya niyan ay tuksuhin na kami na ayos lang sa akin pero mukhang hindi para kay Mary Rose. Naiilang kasi siya palagi.
Na minsan ay kinatutuwa ko. Ibig kasing sabihin ay concious siya sa akin at sa mga ginagawa ko para sa kanya.
Baka nahuhulog na ang loob niya sa akin. Mahirap mag-assume at ayaw ko sana talaga pero hindi ko maiwasang mag-isip ng malala kapag ganito ang reaction niya.
*****
KINABUKASAN ay maagang nagising ang lahat para maghanda sa gagawin naming pagtuturo sa mga bata rito sa lugar. At hinati-hati ang buong grupo sa dalawa. Bawat isang pair ay may hinahawakang subject na siyang ituturo sa mga bata.
Na-partner ako kay sir Patrick na siyang magtuturo sa mga bata habang ako naman ang assistant at taga saway kapag may makulit.
Hindi lang pagiging assistant ang trabaho ko at ng iba dahil sinabihan kaming mga estudiyanteng mag-take notes o tandaan ang gagawin ng mga teacher dahil ito ang magsisilbing guide namin balang araw kapag naging ganap na kaming teacher.
Ang subject na ituturo ni sir Patrick ay english at dahil nga wala kaming mahanap na lugar na mapagpupuwestuhan para magturo ay sa ilalim ng punong mangga na lang namin napili para hindi masikip at mainit. Baka kasi mahirapan mag-focus ang mga bata kung pipilitin namin na magturo sa maliit na lugar.
Sa hindi kalayuang puno naman nakapwesto ang iba naming kasamahan. Hindi kami pwedeng dikit-dikit dahil paniguradong maghahalo lang ang mga boses namin at baka ma-distract ang mga bata.
Buong araw kaming nagturo na kahit nakakapagod ay sobrang saya naman. Lalo na kapag nagtatawanan ang mga bata kahit sa simpleng mga joke.
At kahit nga noong nagtanghali ay hindi umuwi ang mga bata. Nagbaon sila ng pagkain at kung meron mang hindi nakapagdala ay uuwi sa kanila para kumuha ng pagkain pero sa amin makikisalo kaya mas lalong masaya. Hindi mapapalitan ng kahit anong bagay ang saya at tuwa sa mga mukha nila habang kasama kami.
Nakakalungkot nga lang dahil tatlong araw lang kami rito. Pero kahit magkaganoon ay siniguro naman naming babalik kami muli rito para muling magturo at makasama sila.
Pagdating ng hapunan ay sumama naman ako sa mga kasamahan kong papunta sa mataas na lugar para makasagap ng mas malakas-lakas na signal. Sobrang hina kasi talaga ng signal dito sa lugar at ang huling message na natanggap ko ay kahapon pa habang nasa biyahe.
Mga ilang minuto ang nilakad namin paakyat sa malapit na burol. Hanggang sa umingay na ang paligid dahil sa sunod-sunod na beep ng cellphone.
Messages mula kay Mama ang una kong binuksan kung saan ay nagtatanong kung kumusta ba ako rito. Nag-reply naman ako agad at pagkatapos ay binasa ang iba pang message na natanggap.
Hanggang sa makita na may message rin si Caleb. Hindi ko na nga sana babasahin pero na-curious ako sa unang sentence na nakita mula sa message.
Caleb:
[You’re not answering my calls, wh…]
Ito ang nabasa ko kaya ko binuksan. Na agad ko namang pinagsisihan dahil ito pala ang karugtong…
“Where are you? Pupuntahan kita r’yan,” ang basa ko pa kasi parang namalik-mata ako.
Imposible. Hindi naman niya alam kung nasaan ako ngayon dahil wala naman akong pinagsabihan—si Mama!
Agad kong tinawagan si Caleb pero out-of-coverage kaya si Mama na lang.
“’Ma! Nasaan ka ngayon?”
“Sa bahay, kumusta r’yan? Hindi ka nag-reply sa akin.”
“Mahina po kasi ang signal dito. Am, ‘Ma? May iba ba kayong pinagsabihan kung nasa’n ako ngayon? Except si Papa.”
“Hmm? Wala naman, anak… Ay, si Felix nga pala dumaan dito kahapon. Nasabi ko sa kanya.”
Patay na! ibig sabihin… alam ni Caleb na narito ako.
Matapos ang tawag ay sunod ko namang tinawagan si Felix. “Sinabi mo ba?” ang salubong ko agad pagkasagot niya sa tawag.
“Ang alin?”
“Na nandito ako?” nang hindi siya sumagot ay hindi ko na napigilan ang sariling sumigaw, “Masasákal talaga kita pag-uwi!” wala ng pakialam kung pagtinginan ng mga kasama.
“Sorry! Alam mo namang team CaNan ako,” tapos ay biglang tumawa. “Ang sagwa ng CaNan.”
“Hindi nakakatuwa! Nasa’n na siya ngayon?”
“Hindi ko alam. Hindi naman kami textmate.”
“Ano ba, Felipe! Magseryoso ka naman.” Tapos ay napakagat na ako sa kuko dahil sa nerbiyos. Kinakabahan akong baka nga biglang dumating dito si Caleb. Kapag pa naman nagbitiw iyon ng salita ay talagang tututohanin ng isang iyon.
Ang tahimik ng linya pagkatapos hanggang sa muli siyang magsalita, “Baka nand’yan na.”
Napapikit na lang ako matapos marinig ang sinabi niya. Akala ko ay makakaiwas ako kahit ilang araw lang pero mukhang hindi iyon mangyayari.
Pinatay ko ang tawag at sinubukan uling contact-in si Caleb. Hindi ko tinigilan hanggat hindi ko naririnig ang boses niya.
Please, mali sana ako ng iniisip na wala talaga siya rito. Ayoko siyang makaharap.
“Balik na tayo at baka naghahapunan na sila ro’n,” ang sabi ng isa sa mga kasama ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama pabalik.
Grabe ang kaba ko habang kumakain at hanggang sa oras ng pagtulog. Baka biglang sumulpot si Caleb dito para pa namang multo ang isang iyon nagpapakita bigla-bigla. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa kakaisip.
Pero nakalimutan ko rin pagkagising hanggang sa huling gabi namin dito. Hindi na iyon darating dito—
Galing ako sa bahay ng kapitan para maki-C.R. nang pagbalik ay nakita ko ang pamilyar niyang likod. Nakaupo katabi si Mary Rose at parang gusto ko na lang tumakbo palayo.
Dahan-dahan ay naglakad ako paatras—
“Oh, Kenan! Bumalik ka na,” ang tawag sa akin ni sir Patrick. Ito agad ang nakapansin sa akin.
Napalingon ang lahat sa akin na nagtataka dahil umaatras ako. Maliban sa isa.
Si Caleb na wagas kung makangiti.
*****
WALANG oras na hindi ko inisip na tumakbo palayo. Pero itong mga kasama ko? Parang mga manhid!
Hindi man lang ramdam ang paghihirap ko. Kaya nga pagkatapos ng hapunan ay agad kong pinasunod si Caleb papunta sa labasan nitong lugar. Dahil kailangan na niyang umuwi. Ano ba kasing ginagawa niya rito tapos gabi pa siya pumunta. Mahihirapan siyang umuwi pero pakialam ko ba?
Basta kailangan niyang umuwi at huwag akong guluhin dito.
“Sa’n ba tayo pupunta?” ang tanong niya.
Hawak ang flashlight ay tinutok ko ito sa kanya. Sandali siyang napapikit dahil sa liwanag. “Umuwi ka na.” At bahagyag nilihis sa mukha niya ang flashlight.
“Pero kararating ko lang.”
“Eh, sino ba kasi ang nagsabing magpunta ka rito? Hindi ka naman welcome."
"Nag-alala lang ako ng hindi kita ma-contact.”
“O, nakita mo na akong safe, pwede ka ng umuwi.” Hindi ko hinintay ang sagot niya at basta na lang siya iniwan doon.
Nang malayo-layo na ay muli akong lumingon at nakitang hindi man lang siya umalis sa kinatatayuan. Kitang-kita kasi ang liwanag na nagmumula sa kanyang cellphone. Wala ba siyang planong gumalaw? Sa dami ng lamok dito sa lugar ay tiyak kong mauubosan siya ng dugo.
Mabigat akong napabuntong-hininga. Pagkatapos ay binalikan siya. Tinutok ko talaga sa mukha niya ang flashlight na muli niyang ikinapikit.
“Ang kulit mo talaga. Tara!”
“Sa’n?” ang tanong niya na bahagya pang lumapit sa akin.
“Sa tent, du’n ka na lang matulog.”
Baka mamaya n’yan ay mapano pa siya pag-uwi. Kargo de konsensiya ko pa kung may mangyaring masama sa kanya.
“Talaga?” bakas ang tuwa sa boses niya.
"Happy yarn?” tapos ay tinuro ko siya na may pagbabanta. “Subukan mo lang gumawa ng kalokohan, sa labas kita papatulugin. Bahala kang pagpiyestahan ng mga lamok.”
“Promise, behave lang ako.”
Mataman ko siyang pinagmasdan at kahit madilim ay kitang-kita ko ang tuwa sa mukha niya.
Tuwa na hindi ko gusto. Para kasing may ibang kahulugan ang sinabi niyang ‘behave’ lang siya.
***<[°o°]>***

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    alecajoyjoson

    Ganda❤

    14/05/2024

      0
  • avatar
    InginAmir

    i love it

    23/04/2024

      0
  • avatar
    SimJaeyun

    nice story para sa mga bl Reader's and watchers, good job po

    22/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata