Homepage/Will You Love Me? (BL)/
Chapter 37
PUMIKIT ako matapos makainom ng tubig. Hingal na hingal at halos habulin ko na ang hininga ng maramdaman na may umupo sa tabi ko. Minulat ko ang mata at nakitang si Felix pala na tulad ko ay hingal na hingal din.
Patuloy sa pagpa-practice ang buong team ng mapansin na palapit si Caleb. Agad akong umayos ng upo sabay iwas ng tingin. Pero kahit ganoon ay kitang-kita ko pa rin sa peripheral vision na nasa tabi ko na siya. Ewan ko ba, parang hindi magandang tingnan ang pawisang Caleb. Masiyadong…
Muli akong sumulyap na agad pinagsisihan dahil nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Kaya pasimple agad akong tumingin kay Felix na umiinom na ng tubig. Napatingin naman ito sa akin pero saglit lang dahil nalipat sa katabi kong si Caleb.
Tuloy-tuloy ang lagok sa iniinom nang bigla na lang masamid dahil sa—!?
May dumamping malambot na bagay sa pisngi ko kaya agad na napatingin. Isang color blue na towel at ang kamay ni Caleb na pinupunasan ang pawis sa mukha ko.
“Pawis na pawis ka,” aniya na kulang na lang ay punasan pati ang pawis ko sa katawan.
Sandaling dumampi ang mainit niyang kamay sa leeg na agad kong ikina-react. Mabilis akong lumayo. “Kaya kong punasan ang sarili ko.”
“Iwan ko muna kayong—”
“Dito ka lang!” ang pigil ko kay Felix na akmang aalis. Ayokong maiwan kasama nito rito. Sa court. Sa harap ng ka-team. Lalong-lalo na sa harap ni Coach.
Ano ba kasing meron sa araw na ito at bakit ang ganda ng gising ng mokong. Pagkakita ko pa lang sa kanya nitong umaga ay gusto ko ng magtanong kung anong pinaggagagawa niya sa itsura niya at consistent ang pagiging g…w…a…p…o.
Nakakainis lang talagang aminin sa sariling mas may magandang lalake pa sa akin. Nakakasakit sa damdamin. Pakiramdam ko tuloy ang pangit-pangit ko. Kaya bumababa ang confidednce ko sa katawan, e.
Ang unfair na gwapo na nga siya tapos mayaman pa.
Kinuha ko sa kamay niya ang towel at ako na mismo ang kusang nagpunas sa sarili. Baka sabihin ng iba, ‘Oy, tingnan niyo pinupunasan ni Caleb ‘yung basahan’ sabay tawa. Kainis!
Ilang sandali pa ay natahimik bigla ang paligid. Walang maingay na pagkiskis ng sapatos sa sahig at bola na tumatalbog dahil sa biglaang pagdating ng mga cheerleader na mukhang dito rin magpa-practice.
Halos lahat ay sinundan ang mga ito ng tingin na nasa kabilang bahagi ng court pumuwesto at naupo. At dahil patapos na rin kami sa practice ay biglang nagpapansin ang iba sa team doon sa mga bagong dating. Pasimpleng ‘nagpahinga’ pero doon naman sa pwesto ng cheerleader ang nagpunta.
Pero mukhang napansin agad ni Coach ang mga galawan ng iba kaya agad sinita ang isang member na nakuha pang umupo sa tabi ng grupo.
Sabagay, sino ba namang hindi puporma kung sobrang gaganda at ang kikinis pa ng mga cheerleder. Well, mukhang ako lang yata dahil loyal ako kay Mary Rose. Hihihi.
“’Wag mong tingnan, baka magselos ako,” ang bulong ni Caleb na muntik ko ng makalimutan.
Kung makabawal, parang siya hindi. “Ikaw rin naman, wagas makatingin.”
“Sa ‘yo lang ako nakatingin.”
“Weeh?! Lokohin mong lelang mo.” Mang-uuto na nga lang sa akin pa.
“Oy, Caleb. Mukhang type ka no’ng leader. Titig na titig sa ‘yo,” ang sabi ng isa sa kasamahan namin.
Mabilis ko tuloy hinanap kung sino ang tinutukoy. Saan? Sino sa kanila? Maraming nakatingin dito sa pwesto namin. “H-hindi, a! kay Felipe nakatingin,” ang komento ko ng makitang nakatingin nga iyong babaeng maganda. Siya ata iyong leader kasi siya lang ang hindi naka-uniform sa kanila. Feeling boss.
Pabiro naman akong siniko ni Felix. “’Wag ka nga baka kiligin ako kahit hindi naman talaga sa ‘kin nakatingin.” Hindi pa ba? Pulang-pula na kaya ang mukha niya. Papunta na siya sa kamatis.
Pero totoo naman na hindi kay Caleb… “Sinong kinakawayan mo?” ang tanong ko. Nalingat lang ako may kinakawayan na siya roon sa grupo ng mga cheerleader.
“Sino pa ba? Edi, ‘yung leader,” ang sabat ng kasamahan namin.
Bakit ba sabat nang sabat ang isang ito?!
Unti-unti akong nakaramdam ng init sa batok paakyat sa ulo nang makitang kumaway pabalik iyong babaeng mukhang leader. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Caleb na kumakaway pa rin at saka binaba. “Ang landi-landi mo talaga. Pa’no kung may crush pala sa ‘yo ‘yung tao?” ang saway ko. Ang harot-harot kasi. May gusto ba talaga ito sa akin? Para namang hindi.
“Anong masama? Okay nga ‘yun, e. Alam mo bang maraming nagkakagusto ro’n sa leader,” ang komento ng kasama naming ang papel lang ay sumabat sa usapan.
“Oo nga, wala namang masama… kasi single naman si Caleb, ‘di ba?” ang hirit pa ni Felix. “Saka, kung ako si Caleb? Aba, liligawan ko ‘yan. Maganda, makinis at sexy. Mukha ring matalino kaya ayos na ayos.”
Tang*na ‘tong mga ‘to! Lalo na ‘tong si Felix. Alam na alam naman niyang ako ang gusto ni Caleb tapos nakuha pang magsalita ng ganoon. Tapyasin ko bibig niya, e. Paano kung biglang magkagusto itong si Caleb?! Edi…
Wait? Mas, okay iyon! Dapat siyang magkagusto sa iba para hindi na niya ako ginugulo.
Pero… bakit mas lalo akong nainis sa halip na matuwa?
Aish! Buw*sit. Kasalanan ‘tong lahat ni Caleb, e!
“Gawin mo. Ligawan mo.”
Pero mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ko. Naguguluhan kasi ang itsura niya.
“Nagbabanta ka ba?” ang sabat ni Felix.
“Oo nga, parang nagbabanta kasi ang tono ng boses mo, P’re,” ang komento rin ng kasama namin. Kailan ba ‘to aalis?
Anong nagbabanta? Ang linaw-linaw ng pagkakasabi ko tapos iba intindi nila?
Mayamaya ay umalis ang kasama namin dahil tinawag ng kaibigan. Salamat naman.
“’Wag kang magalit. Nagbibiro lang kami. Hindi liligawan ni Caleb ‘yung leader kaya kumalma ka na.”
Iyon nga ang gusto ko. Ang manligaw siya. “Hindi, mali—”
Tinapik ni Caleb ang balikat ko. “Alam ko, sa ‘yo lang ako.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at sinubukang ipaintindi na mali sila ng akala. Pero hindi ko makuhang magsalita. Nahihirapan akong sabihin ang tamang salita sa maliliit nilang utak. Matatalino ba talaga ang mga ito?
Sa inis ay binatukan ko na lang silang dalawa. “Pareho lang kayong dalawa.” Pagkatapos ay mabilis na nagpaalam kay Coach. Ayoko ng mag-stay ro’n sa court.
Nakakainis!
Kinuha ko ang uniform sa may Locker at saka nagpunta sa restroom na katabi lang ng gym. Kailangan kong mag-shower muna bago pumunta sa klase.
Pagpasok ay pagmumukha agad ni Caleb ang nakita ko. Hindi pa siya nagpapalit ng uniform at nanatiling naka-jersey. Mukhang alam niyang dito ako papunta kaya nauna na siya.
“Bakit?” ang tanong ko matapos mailapag ang dalang uniform. “Kung wala kang kailangan, labas ka muna dahil maliligo ako.” Hinawakan ko ang laylayan ng damit para hubarin at saglit na pumikit nang aalisin ko na ang damit sa may ulo. Tapos pagdilat ay katabi ko na siya. Parang multo lang.
Titig na titig siya sa akin na parang may masamang balak. “Ano ba kasing kailangan mo?”
“Ba’t ka nag-walk out? Nagsiselos ka ba?"
Natawa ako sa sinabi niya. “Patawa ka rin, e, ‘no? Ba’t ako magsiselos? Kahit halikan mo pa sa harap ko ‘yung cheerleader, wala akong pakialam.” Kinuha ko ang towel at pumasok sa isa sa mga cubicle rito sa restroom. Isasara ko na sana nang humarang siya bigla.
“Talaga? E, ba’t ka nagalit kanina kung hindi ka nagsiselos?”
“Hindi naman, a. Tina-try ko nga ipaliwanag pero ang hirap. Saka, mukhang may gusto sa ‘yo ‘yung cheerleader.”
“So? Ano naman kung may gusto siya sa ‘kin?” umamo ang tingin niya sa akin. At kahit hindi agad ako nagsalita ay matiyaga siyang naghintay.
“Baka mag-assume ‘yun bigla kasi pinapansin mo. Binibigyan mo ng reason para umasa.”
“You know her? Concern na concern ka kasi sa mararamdaman niya."
"H-hindi naman sa gano’n pero… Ah, basta. ‘Wag mong paaasahin ‘yung mga babaeng may gusto sa ‘yo. Kakarmahin ka.” Marahan ko siyang tinulak para maisara na ang pinto pero hindi siya nagpatinag.
“Ba’t pakiramdam ko, nagdadahilan ka na lang para hindi ka mahalata?"
Dinutdot ko ang noo niya sa inis. “Ayusin mo ‘to. Kung ano-ano na lang kasi iniisip mo.”
Hinawakan niya ang kamay kong nasa noo niya at dinala sa tapad ng dibd*b. Ano na naman kayang pakulo nito?
“Do you feel it?” aniya na hindi binibitawan ang tingin sa akin.
Ang… ang lakas ng kabog ng dibd*b niya.
“Ganito ang epekto mo sa akin palagi,” aniya sa pinakamalambing na tonong narinig ko mula sa kanya.
Ang kamay kong nakalapat sa kanya ay biglang nakaramdamn ng init kaya mabilis kong binawi ito. “P-parang sira—” napalunok ako ng laway. “Ano? Super powers lang ang peg? Kayang magpabilis ng tibok ng puso?” Tapos ay natawa ako… tawa na parang hindi.
Pasimple akong kumapit sa pinto. Hindi ko alam. Basta gusto ko lang ng may makakapitan. “A-ano… maliligo na ako,” ang mahina kong sabi. Hindi ko na kasi mahanap ang sariling boses. Para akong napipi.
Inangat niya ang kamay at akmang hahawak sa pisngi na agad kong iniwasan.
“Can I kiss you?”
Sumama agad ang tingin ko sa kanya at tinulak siya ng may kalakasan. Mabilis kong sinara at ni-lock ang pinto.
Isang mahinang kalampag ang ginawa niya.”Why? ginagawa naman natin ‘to lagi, a.”
Anong lagi?! Hindi kaya. “Maliligo na ako, bumalik ka do’n sa court baka naghihintay na sa ‘yo ‘yung—” ‘yung cheerleader.
“’Yan ba ‘yung hindi nagsiselos? Alam mo bang ang unfair mo? Pwede kang magselos tapos ako, hindi? Pwede kang mag-walk out kapag may iba akong pinapansin, pero ako? Harap-harapan mo pang ginagawa habang kasama si Mary Rose.”
“Hindi nga sabi ako nagsiselos! Ang kulit ng bungo mo.”
“Then open this door! Patunayan mo!” Pagkatapos ay muling kinalampag ang pinto.
A-ano ng gagawin ko? Bubuksan ko ba o hindi?
*****
MAHINANG tapik sa balikat ang nagpagising ng diwa ko at agad na napatingin sa taong tumawag ng aking pansin.
“Walang nakaupo rito?” ang tanong nito.
Umiling ako at pinagmasdan siyang maupo sa tabi ko matapos ilagay sa itaas ang bag na dala.
Narito ako ngayon sa loob ng bus dahil may pupuntahan kaming mission. Sumama ako bilang isa sa mga volunteer. May tuturuan kaming mga bata sa probinsiya na hindi makapag-aral sa paaralan dahil sa sobrang layo.
Muli akong tumingin sa labas ng bus kung saan ay makikitang pasakay ang mga tulad kong estudiyante na sumama rin bilang volunteer.
Ito ang ginagawa ko simula kanina ang pagmasdan sila hanggang sa maalala ang nangyari roon sa restroom last week.
Ang ginawa ko?
Binuhusan ko si Caleb ng tubig para umalis. At mabuti na lang talaga ay may dumating na ibang tao. Baka kasi sa inis nito ay bigla na lang sirain ang pinto.
Pagkatapos ay hindi na ako nagpakita sa kanya. Balik sa dating gawi.
At tamang-tama naman na may paganito ang department namin. Makakalayo muna ako pansamantala.
Kailangan ko munang lumayo sa radar ni Caleb.
Matapos makita na wala ng estudiyante sa labas ay tumayo ako para tingnan kung saan naupo si Mary Rose na tulad ko ay sumama rin sa mission na ito.
Nakita ko siyang nakaupo sa bandang unahan ng bus. Sayang, gusto ko sanang katabi siya. Kaso, kanina pa niya kasama ang mga kaklase kaya hindi ako makasingit.
Upang hindi ma-bored ay nakinig na lang ako ng music habang bumabiyahe na ang bus papunta sa probinsiyang pagbo-volunteer-an namin.
Natulog na rin ako nang makaramdam ng antok. Medyo may kalayuan ang pupuntahan namin kaya babawi muna ako ng tulog.
Ingay mula sa paligid ang nagpagising sa akin. Agad kong nilibot ang tingin at nakitang nagsisibabaan na ang iba sa bus. Pagtingin ko sa labas ay nakitang huminto lang pala kami sa public market.
“Kenan,” ang tawag sa akin ni Mary Rose na sadyang lumapit pa sa pwesto ko. “Hindi ka bababa? Last stop na kasi ‘to, baka gusto mong bumili ng pagkain or mag-CR?”
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Bibili ako ng pagkain at baka gutumin ako mamaya. Pagkatapos ay magbabanyo na rin. “Sa’n ang mga kasama mo?”
“Nauna na, nakita kitang natutulog pa kaya nagpahuli ako.”
Naks! Ang sweet naman niya. Hindi ko tuloy mapigilang mangiti.
Pagkatapos ay nilapag niya ang bag sa upuan na katabi ng akin. “May nakaupo na r’yan,” ang sabi ko.
“Nakipagpalit ako, para tabi tayo mamaya.”
Ay, grabe talaga. Tinatalo mga galawan ko.
Pinagmasdan ko siyang nauna ng bumaba sa bus. Buti na lang talaga at sumama ako sa mission na ‘to.
Kaka-excite. Bukod sa mapapalayo ako sa taong gumugulo sa akin ay magkakaroon pa ako ng quality time para kay Mary Rose.
***<[°o°]>***I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (99)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda❤
14/05/2024
0i love it
23/04/2024
0nice story para sa mga bl Reader's and watchers, good job po
22/04/2024
0Tingnan Lahat