I'm lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again Ooh ooh ooh "Steff! Hoy Steff!" Inalis niya ang pasak na earphone sa tenga. Kinakalabit naman siya ng magaling na si Yanna. It's her favorite song at ang lakas ng hugot niya doon. Nandoon sila sa cafeteria ng university at kumakain ng merienda. Actually hindi sana siya makapag-aaral sa sikat at mahal na unibersidad kung hindi dahil sa benefactor niya. Ang amo ng mama niya, ang mga Miller. Scholar siya ng mga ito, at kahit nahihiya ay pinapangako niya sa sarili na ibabalik niya ang kabutihang loob ng mga ito sa kanya. That's her promise. That's why she's working hard for her future. Di siya katulad ni Yanna na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Wala siyang papa, iyon ang pagkakaalam niya. Wala namang sinabi ang mama niya. Hindi na siya nagtanong sa pag-aakalang patay na ito. Well, for her mother it was a case closed already so there's no point in asking her. Her mother was once an OFW in Canada. Ngunit di umabot ng kalahating taon ay umuwi ito na pinagbubuntis siya. Nabuntis daw ito ng among amerikano kaya umuwi ng Pinas na pinagdadalantao siya. That was according to the gossip around them. But it was neither confirmed nor denied by her mother. She kept on silence. She respected it though. Wala siya sa posisyong magtanong. Limang taon siya ng namasukan ang ina sa mga Miller. Naging personal tutor cum sitter ito sa nag-iisang anak ng mga ito. Jensen Ian Miller, half-American and half-Filipino. Matanda ito sa kanya ng isang taon. At dahil bata pa siya ng mga panahong iyon ay dinadala siya ng ina sa malaking mansiyon ng amo. Hindi naman siya likas na malikot kaya hindi siya naging problema ng ina. Mabuti na lang mababait ang amo nito. Unang kita niya kay Jensen ay nakaramdam agad siya ng matinding crush dito. Oo na, maaga na siyang naglandi. Pero di niya mapigilan ang sarili lalo na at sobrang bait nito sa kanya. Pinapalaro siya sa mga laruan nito. At bibibigyan mg kung ano mang meron ito. Nahihiya siya nung una pero kalaunan ay naging komportable din siya dito. Ang sarap nitong kasama, hindi mayabang at higit sa lahat napakagwapo pa. Nang araw na inenroll siya ng ina sa public school ay agad na tinutulan iyon ng mag-asawang Miller. Sabi ng mga ito ay sila na daw ang magpapaaral sa kanya. May potensiyal siya at gusto nila itong mahasa sa de kalidad na paaralan. Di pumayag ang ina niya nung una sapagkat malaking kaabalahan iyon sa panig ng amo. Sino ba naman sila? Ngunit ng sinabi ng mga ito na ipapasok daw siya sa foundation para sa mga estudyanteng scholar ay nagdalawang-isip ang ina. Alam niya na ang mga Miller ang nagtatag ng foundation na iyon at tanging deserving na mga bata lang ang nakakapasok. Para mawala ang alinlangan ng ina ay hinikayat itong pakuhanin siya ng entrance exam para sa nasabing foundation. Sa kabutihang palad ay nakapasa siya sa labis na ikinatuwa ng ina. Sa ganung paraan daw ay hindi sila magiging pabigat sa amo. Ng sampung gulang sya, tumigil na ang ina sa pagtatarabaho sa mga Miller. Lumalaki na si Jensen at hindi na nito kailangan pa ng titingin dito. Nagkaroon ito ng sapat na ipon kaya nagtayo ng negosyo. Wala naman itong masyadong gastos sa kanya dahil sagot na ng scholarship niya ang lahat ng gastusin sa paaralan,mula sa miscellaneous, tuition at allowance. Sadyang masinop siya sa pera at hindi magastos kaya may sarili din siyang ipon. Gagamitin niya ito sa oras na pangangailangan. Hanggang ngayong nasa kolehiyo na siya ay iskolar pa rin siya ng mga Miller. Kumuha siya ng kursong Medicin dahil iyon ang nakahiligan niya. Gusto niyang tulungan ang mga taong nagkakasakit. Napakasimpleng pangarap at ideyalistiko. Tulad ng isang sagot ng batang wala pang muwang sa tunay na karahasan ng mundo. At iyon siya, she's a pure hearted person, a compassionate one. Kung pwede lang sana lahat sa ospital para sa mga bata ay ilibre niya. Bakit hindi? Kung mayroon lang siyang maraming pera. Siniko siya ni Alicia. "Hayan ka na naman nalunod sa malalim mong pag-iisip. Don't tell you're devising a way how to heal and care those unfortunate children who cannot afford to be in the hospital. Am I right?" Hula nito na nakataas ang kilay. Exactly. If only she had lots of fortunes in this world. She would probably spend it to the sickly poor ones. "Perhaps, you're thinking of Jensen?" Bigla siyang namula sa tanong ni Yanna. Napayuko siya. " Hindi no,akala niyo naman sa'kin sobrang atat sa taong iyon?" Weh? Di nga ba? Tudyo ng isang bahagi ng utak niya. "Uyy! Si Jensen!" Napaangat siya ng ulo at napatuwid ng upo. "Hindi pala atat ha?" Nakangising tudyo ni Alicia. Silang apat lang ang nandun. Usually, Jaenelle is not hanging with them in the cafeteria. She said that a perfect like her is not fit in such a crowded place.The undisciplined behavior of students disgusted her. Umaarangkada naman ang pagiging control freak at perfectionist nito. Sabagay, baka mawalan lang ng gana ang kumakain doon kapag marinig ang walang kamatayang pandididisiplina nito. Samantalang si Jessica ay abala sa kung ano man ang ginuguhit nito. She's too oblivious in her sorrounding. Back on the topic, nasa loob nga ba ng cafeteria si Jensen? Bahagyang sumasal ang tibok ng puso niya. The same reaction whenever his around. Wala sa loob na nilagok niya ang iniinom na milk tea. Relax, Steff. Bestfriend mo yun, hoy! "Did you see the look on your face? So hilarious!" Natatawang sabi ni Alicia. Napakunot-noo siya. "I'm just kidding! Naniwala ka naman agad na nandito yung bestfriend mo!" Sumimangot siya. Hindi na ito nakakatuwa!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
great story!
29/04/2022
0Tingnan Lahat