Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Epilogue:
KLARISSE DEVELIA POV:)
Ito na nga ang araw naming hinihintay. Ikakasal na ako kay Ax. Naglalakad na ko sa simbahan suot ang magandang damit na pinapangarap kong suotin pag kinasal ako. May dalang bulaklak at nakasuot ng napakagandang saplot sa paa.
Nakangiti ang mga kaibigan ko sa akin habang naglalakad ako. Lahat sila nandito para subaybayan ang pag-iisang dibdib namin ni Ax. Kasama ko si Mama at Papa habang naglalakad. Nang nasa altar na kami, binigay na nila ako kay Ax. May binilin pa si Papa kay Ax na ingatan at mahalin ako. Pinipigilan kong hindi umiyak dahil masisira ang make up sa mukha ko. Sobrang mahal talaga ako ng pamilya ko.
Nakita ko pa ang mga magulang ni Ax, nakangiti sa akin at close na sila ng family ko. Natutuwa akong okay na ang lahat.
Nakita ko si Kuya Louis na pumapalakpak at nakangiti ng matamis sa amin. Ganoon rin sila Kuya Brix, Kuya Kieffer at Kuya Lloyd. Nakangiti rin sila habang pumapalakpak. Pumunta na nga kami sa harapan ni Ax at humarap sa pari.
(Flash forward na natin hehe)
"Will you, Lance Maximo Rezalde take Klarisse Develia, as your wedded wife?" Tanong ng pari kay Ax.
"Yes, I will." Sagot ni Ax sabay tingin sa akin. Ngumiti siya ng napakatamis sa akin habang hawak niya ang kamay ko.
"Will you, Klarisse Develia take Lance Maximo Rezaldo, as your wedded husband?" Baling naman sa akin ni Father.
"Yes, I will." Nakangiting sagot ko sabay tingin kay Ax.
May sinabi pa si father ng kung ano-ano pero nanatili lang kami nagtitigan ni Ax at nag-uusap sa pamamagitan ng aming mga mata at ngiti sa mga labi. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon at sobrang saya ko ngayon.
Parang kailan lang, bata pa ko na may gusto sa kanya. Palaging nasasaktan at takot na takot na malaman ng Kuya ko na may gusto pa rin ako kay Ax. Ngayon, nandito na siya, kaharap ko at kaharap naming dalawa ang diyos. Nandito kami para humingi ng basbas sa panginoon. Masaya ako dahil natupad rin ang pinapangarap ko lang noon, happy ending na ngayon.
"By the power vested in me, I now pronounce you Husband and Wife. You may now kiss the bride." Sabi ni Father.
Lumapit kami sa isa't-isa ni Ax. Hawak pa rin niya ang kamay ko at hindi parin naaalis ang malaking ngiti sa aming mga labi. Dahan-dahan nilapit ni Ax ang kanyang sarili sa akin at siniil ako ng halik---
"Mommy! Mommy!" Nagising na lamang ako nang may gumigising sa akin na dahilan naputol ang panaginip ko."Wake up! Wake up"
Pagkamulat ng mata ko, nakita ko nalang si Ax na kakagising rin habang nakayakap sa akin.
Ngumiti ito ng matamis sa akin.
"Good morning, wifey."
"Good morning, hubby." Nakangiting matamis na bati ko rin.
Ang ganda talaga ng gising ko pag siya makikita ko kaagad. Ang guwapo!
"Hey! Mommy! Daddy!" Nagulat na lamang kami nang may humiga sa pagitna namin ni Ax."Bangon na po kayo. Punta na tayo ng beach!" Sabi ng bunso naming anak na babae na si Marisse, 7 years old. Kamukhang-kamukha ko siya. Pag nakikita ko itong bunso ko, parang nakikita ko lang sarili ko noon nung bata ako.
"Maligo kana muna, Marisse. Maliligo na din sila Mommy at Daddy para makaalis na din tayo kaagad." Sabi ng panganay naming anak na pumasok sa kwarto namin. Siya si Lance Maxwell alias 'Ax' rin kung itawag namin, 12 years old. Kung si Marisse ay kamukha ako, itong si Ax kamukha naman niya ang Papa niya. Pareho rin silang personality, tahimik at suplado samantala si Marisse, makulit at maingay tulad ko. Hehehe.
Limang taon rin agwat ng edad nila.
"Maligo kana muna, baby. Maliligo na rin kami ni Daddy." Nakangiting sabi ko rito.
"Okay, Mommy."
Bumangon na ito sa pagkakahiga sa kama at bumaba sa kama. Tumakbo na ito palabas ng kwarto at sumunod na rin sa kanya si Ax, ang kuya niya.
Bago paman kami umalis sa kama, nagyakapan muna kami ni Ax. Naman! Pag-inggit kayo, pikit. Charr!
Dalawa lang anak namin ni Ax. Gusto niya sampu kaso di ako pumayag. Baka kasi di ko kayanin. Buti naman at pumayag siyang dalawa lang anak namin. Baka kasi di ko kayanin, normal delivery kasi ako. Sa totoo lang, ang hirap pala maging babae. Di dahil every months nagreregla ang babae at may kasabay na pananakit ng puson, kundi pagbubuntis at panganganak. Kaya saludo ako sa mga mommies na tulad ko na nakayanan ang mga iyon.
*////
"Beach!" Tuwang-tuwa na sambit ng anak ko si Klarisse at tumakbo kaagad ito sa papuntang dagat kasama ang anak ni Kuya Brix na babae rin at kasing edad lang ni Marisse. Pangalan naman niya ay Brixie Callejo.
"Kumain muna kayo mga kids bago maligo." Sabi ni Ate Mirah nang nilapag sa mesang gawa sa kahoy.
"May mga pagkain pa roon." Boses naman iyon ng asawa ni Kuya Kieffer, si Ate Alexis.
"Kami na kukuha ni Louis." Prisinta naman ng asawa nito, si Kuya Kieffer. Umalis na nga sila para pumunta sa sasakyan para kunin ang ibang pagkain.
"Mars, gumawa ako ng Maja Blanca. Dinamihan ko na kasi alam kong kulang sa atin pag isang Tupperware lang."
Napatingin na lamang ako sa nagsalita.
"Sige, Mars. Mukhang fiestahan sa cottage natin sa sobrang daming pagkain." Natatawang tugon ko rito. Siya si Ate Tanya, asawa ni Kuya Brix. Pareho silang pulis, ewan ko paano sila nagkatuluyan pero si Kuya Brix ang patay na patay kay Ate Tanya. Na-love first sight daw siya dito kaya patay na patay siya rito kaso ayaw naman sa kanya ni Ate Tanya noon pero sila pa rin nagkatuluyan. Natatawa nga ako dahil nagbago si Kuya Brix dahil sa kanya. Chickboy nooon. Ngayon, loyal na.
"Sinabi mo pa." Payag naman ni Ate Alexis.
Nagtawanan naman kami.
"Hoy! Wag muna kayong lumangoy habang wala tayong kasamang matanda. Ang kulit nyo talaga!" Suway ng anak kong si Ax at binabantayan niya ang dalawa na naliligo na sa dagat.
"Di kana nasanay diyan. Hayy." Sabi naman ng anak ni Kuya Brix na lalaki, kasing edad lang ni Ax at kapatid ni Brixie. Siya naman si Brylix Callejo. Dalawa ang anak kasi ni Kuya Brix, baka malito kayo. Hehehe.
"Maligo na din kaya tayo, Ax." Yaya ng anak ni Kuya Kieffer na ka-edad rin ng anak kong panganay. Ito naman si Kaiser Sarmento, kasing ugali rin ni Kuya Kieffer na malakas sa kababaihan pero wala siyang paki sa mga babae nagkakandarapa sa kanya.
"Para may kasama yung dalawa maligo." Sabi naman ng kasing edad ng anak ko at pinsan niya na si Randall Develia, anak ni Kuya Louis at Ate Mirah.
"Hmmm." Nag-isip-isip muna si Ax.
"Kuya! Maligo na din kayo!" Tawag ni Marisse sa kapatid niya.
"Tara! Maligo na kayo!" Dugtong naman ni Brixie.
Napatingin naman ang apat sa dalawa. Pagkatapos ay nagtinginan silang apat at hinihintay na pumayag ang anak ko.
"Sige na nga." Payag na rin nito.
Nagtakbuhan naman sila at lumusong sa dagat.
"Guys, andito na si Lloyd." Sabi ni Kuya Kieffer pagkalapit sa cottage.
"Saan?" Sabay turan namin ni Ate Mirah.
Nakita naman namin si Lloyd kasama ang kanyang anak na lalaki at nakasunod rin sa kanila si Kuya Brix at Kuya Louis dala ang mga pagkain. Sumilay nalang ang ngiti sa labi ko nang makita ulit si Kuya Lloyd. Siguro sampung taon rin huli namin siya nakasama at nakita. Nanirahan na kasi siya sa England kasama ang asawa nitong pinagkasundo lang sila dahil sa kompanya. Di ko alam ano na nangyari sa pamilya nilang binubuo pero ang pagkakaalam ko may ibang lalaki ang asawa ni Kuya Lloyd. Pero kahit ganun mabuti nalang umuwi na sa pilipinas siya at makakasama namin siya buong bakasyon. Sila lang ng anak niya ang pumunta sa pilipinas at hindi kasama ang kanyang asawa.
"Lloyd!"
"Kamusta na nakayo?" Nakangiti na bati kaagad nito sa amin. Di pa rin kumukupas ang kaguwapuhan ni Kuya Lloyd. Masayahin pa rin siya hanggang ngayon.
Kanya-kanya naman kaming lapit dito at hi-nug namin ito.
"Princess!" Turan nito sabay hug sa amin."Namiss kita." Sabi nito pagkahiwalay namin sa pagyayakapan.
"Ako rin, Kuya." Nakangiting matamis na sabi ko.
Bumaling ako sa anak nitong naka-jacket at naka-hood pa. Mainit nga ang panahon bakit naka-jacket pa siya. Napansin kong medyo mahiyain siya dahil umiwas ito ng tingin sa akin sabay tago sa likod ng papa niya.
Pagkakaalam ko kasing edad rin ito ng anak kong si Ax. Ano pa ba sa palagay nyo? Pati sa paggawa ng baby, sabay-sabay pa ang magbabarkada. Gusto kasi nila Kuya Louis na mabuo pa rin ang barkada nila at ang mga anak nila papatuloy.
"Jeydon, say hi to tita." Sabi ni Kuya Lloyd sa anak niya.
"H-hi." Nautal pang bati nito sa akin.
"Hello, Jeydon." Nakangiting bati ko rin sa kanya sabay wave ng hand.
"Pasensya na. Mahiyahin kasi talaga siya. Di kasi siya sanay sa mga tao, palagi lang kasi siya sa loob ng bahay." Pagpapaumanhin ni Kuya Lloyd sa amin.
"Wala yun. Natural na yan sa bata." Si Ate Mirah na sumagot.
Nagpaalam naman ang anak nito na magsi-CR kaya pinayagan niya.
"Kain na muna tayo bago magchikahan." Pagpuputol ni Ate Alexis.
"Tara! Kain na tayo. Pagkatapos..." sabay kuha ni Kuya Brix ng alak sa cooler.
"Inuman na!" Sabay sabi naman ni Kuya Brix at Kuya Kieffer.
Dumating na nga si Ax dala ang cooler na naglalaman ng isda.
"Yes! Mag-iihaw na!" Tuwang-tuwa na turan ni Ate Tanya.
Nilapag na nga sa buhanginan ni Ax ang kanyang dala. Nang makita nito si Lloyd agad nag-hand sign sila.
"Mabuti umuwi ka." Sabi ng asawa ko rito.
"Uuwi naman talaga ako." Natatawang sagot ni Kuya Lloyd.
Masaya ako dahil kompleto na sila. Di lang iyon may mga kasama na kaming mga anak. Parang kailan lang nag-aaral pa kami. Ngayon, kanya-kanya na ginagawa sa buhay. Masaya ako dahil hanggang ngayon buo pa rin ang tropa nila.
"Kids, kakain na!" Tawag ni Ate Mirah sa mga anak namin.
Takbuhan naman papunta ang mga bata sa cottage. Kanya silang kuha ng hotdog na plato halos kinamayan lang nila.
"Ax, asan yung kapatid mo?" Tanong ko nang mapansing hindi nila kasama si Marisse.
"Nag-CR---" Di naituloy ang sasabihin ng anak ko nang makarinig nalang kaming sumisigaw.
"Ahhh!"
Nagulat naman ako nang makilala ang boses na iyon.
"Si Marisse!" Sabi ni Kaiser.
Takbuhan naman kami papuntang CR.
Nakita naming lumabas kaagad ng CR ang anak ni Kuya Lloyd.
"CR 'to ng pambabae. Bastos!" Sabi ng anak ko sabay sara ng pinto.
"Sorry, di ko kasi napansin." Patuloy na paliwanag ni Jeydon.
"Bastos! Manyak!" Sigaw lang ng anak ko habang nasa loob ng CR.
Natawa nalang kami nila Kuya Louis. Hindi dahil sa nangyari sa dalawa kunti dahil sa pamilyar na nangyari sa aming dalawa noon ni Ax. Namumulang hindi makatingin sa amin ng deretsyo si Jeydon. Tumakbo kaagad ito sa kanyang Papa at nagtago sa likod. Pati si Kuya Lloyd di rin mapigilan tumawa.
Si Ax naman napapakamot nalang sa ulo dahil wagas makatawa sila Kuya Brix at Kuya Kieffer.
"Mabuti walang kasabay na panty." Turan na lamang ni Kuya Louis.
Nagtawanan ulit kami.
*/////
"Mama, dito na kami matulog ni Kuya." Sabi nalang ng anak kong si Marisse pagbukas ng pinto at kasama rin si Kuya Ax niya.
"Sure." Payag kaagad ng hubby ko.
Nakangiting lumapit naman sila at umakyat sa kama. Nahiga nga ang mga ito sa gitna namin. Katabi ko si Marisse at katabi naman ni hubby si Ax.
"Matutulog tayo ng maaga ah? Pagod tayong lahat kanina." Sabi ko at kinumutan na sila.
Nagsisilbing ilaw lang sa kwarto ang night lamp na biglang nawalan nalang ng ilaw. Natakot naman si Marisse at kumapa-kapa pa ito sa amin.
"Mama, ang dilim!" Sabi ni Marisse."Mama wala akong makita. Napapano na itong mata ko." Mangiyak-ngiyak nang sabi pa nito habang kumakapa."Bulag na ko, mama."
"Ano naman yan, Marisse. Ang OA mo. Brownout lang, hindi ka bulag." Sabi naman ng kapatid niyang si Ax.
"Ay? Ganun? Hehehe." Naisaad nalang nito.
Tumawa naman kami ni Ax sa reaksiyon ni Marisse.
"Tara! Matulog tayo sa terrace. Titingnan natin ang kalangitan." Yaya ni Ax sa mga anak namin nang ilawin niya ang kanyang cellphone.
"Yehey!" Masayang saad ng bunso namin at agad na bumaba sa kama.
Nandito na nga kami sa terrace. Nakahiga at pinapanood ang kagandahan ng kalangitan. Maaliwalas ang gabi ngayon, walang masyadong mga ulap kaya kitang-kita ang mga bituin sa langit. Sabayan pa ng bilog na bilog na buwan.
"Mama, maganda ba sa moon? Malamig kaya doon?" Tanong na lamang ni Marisse.
"Hmm, siguro. Bakit? Gusto mo bang pumuntang moon?"
"Oo, basta kasama kayo nila Papa at Kuya." Nakangiting sagot nito.
Nagtinginan naman kami ni Ax. Ngumiti siya sa akin."Di bale, bukas na bukas pupunta tayo ng Mall. Mas malamig doon." Sabi ni Ax sa mga anak niya.
"Talaga, Papa?" Sabay turan ng dalawang anak namin.
"Oo."
"Yehey!" Masayang-masaya na bulalas ni Marisse.
"Papa, bilhan mo ko ng tablet ah?" Request kaagad ni Ax sa ama niya.
"Sige, basta mag-aral ka mabuti."
"Opo. Yes!" Tuwan-tuwa naman ang panganay namin.
"Papa, bilhan mo ko ng jacket panlalaki." Request naman ni Marisse.
Takang napatingin naman ako rito."Ah? Bakit?"
"Ang panget kasi ng suot na jacket ng anak ni Tito Lloyd e. Ang pangit sa mata ko." Naka-pout na sagot nito.
"Weh? Baka crush mo lang?" Kontra naman ni Ax sa kapatid niya.
"Di ah!" Tanggi kaagad nito.
"Tumigil na kayo baka mag-away na naman kayo." Suway kaagad ni Ax sa dalawa."Matulog na tayo dahil maaga tayo bukas pupuntang Mall."
"Okay, Daddy!"
Natulog na nga ang mga ito. Bago kami matulog ni Ax, nag-I love you pa siya sa akin na walang boses. Nag-flying kiss nalang kami sa isa't-isa. Natulog na nga kaming magka-holding hands ni Ax habang nasa taas ng ulo ng mga anak namin ang kamay namin.
Ako nga pala si Klarisse Develia, nagmahal ng limang taon ang agwat sa akin. Ito ang istorya ko...
The end.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10/2025
0Tingnan Lahat