Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 88: The Truth
KLARISSE DEVELIA POV:)
"Sorry kung pinaghintay kita. Kakatapos lang kasi ng meeting namin." Turan kaagad ni Kuya Lloyd pagkapasok sa office niya.
"Okay lang." Nakangiting natural na sabi ko.
Nandito ako ngayon sa company niya. Gusto ko kasi may makausap at siya pumasok kaagad sa isipan ko dahil siya lang matino kausap. Medyo gulong-gulo ang isip ko ngayon kaya nandito ako para ma-relax ang utak ko at malimutan iyon.
Naupo si Kuya Lloyd sa sofa kung saan kaharap ko siya. Pumasok rin sa office ang secretary niya at nilapag ang kapeng tinimpla nito para sa amin. Bago ito magsalita ay humigop muna ito.
"Bakit di ka nagtext sa akin na pupunta ka pala dito. E di sana pina-cancel ko Muna kanina yung meeting para di ka naghintay dito ng ilang oras." Sabi nito sa akin pagkalapag ng kape sa babasaging mesa.
"Sorry. Nalimutan ko." Malumbay na sabi ko habang nakatingin lamang sa kapeng nakalapag sa mesa.
"Mukhang may gumugulo sa isipan mo ah? Ano ba iyon? Pwede mo sakin sabihin." Nahalatang tanong ni Kuya Lloyd habang minamasid ako nito.
Humigop muna ako ng kape bago magsalita.
"Kuya, medyo may gumugulo sa isipan ko. Kunti lang naman. Di naman siya yung matinding problema. Mga slight lang. Pero parang ganun na nga, okay lang naman. Hehehe." Panimula ko sabay sign pa sa kamay ng kaunti lang talaga.
Hawak ang kape habang nakatingin sa akin. Tumawa siya sa sinabi ko. Sino naman matatawa sa pag-explain ko parang di sigurado kung malala ba itong problema ko. Pagkatapos uminom ulit ng kape.
"Magbigay ka ng halimbawa kung ano yung pino-problema mo." Sabi nito sa akin.
Umayos ako ng upo. Nilapag ko sa mesa ang kape ko na kanina hawak ko. Seryosong tumingin sa kanya. Lumingon pa ako sa paligid ng office niya para magbasakali na si Kuya Lloyd lang ang makakarinig ng sasabihin ko.
"May kaibigan ako, Kuya. Ganito kasi yun...May jowa yung kaibigan ko pero nalaman nalang niya na kapatid niya ito sa kanyang ina. Kasi nalaman niyang ang tunay niyang ama ay ama ng taong minamahal niya. Dahil doon umiwas siya, nagpakalayo-layo. Pero muli silang nagkita ng ex-jowa niya na kapatid pala niya. Kaso sa tagal ng panahon na di sila nagkita, may nararamdaman parin siya dito. Ano kaya dapat niyang gawin para matigil ang kabaliwang nararamdaman niya sa lalaki?" Paliwanag ko. Halos gumamit pa ko ng ibang tao para di malaman ni Kuya Lloyd na may gusto pa rin ako kay Ax. Panigurado alam nito na magkapatid kami ni Ax.
"Mukhang mahirap yan ah?" Nilapag ni Kuya Lloyd ang kape sa mesa at bahagyang nag-isip."Sandali, nakakasigurado ba siyang magkapatid sila? Mismong magulang ba niya nagsabi na magkapatid sila ng jowa nya dati?" Tanong ni Kuya Lloyd.
"H-hindi. P-pero sabi ng kaibigan ko mismo nagsabi yung ibang tao sa kanya."
"May mali kasi. May maling move kaagad ang kaibigan mo." Umayos ng upo si Kuya Lloyd at seryoson tumingin sa akin."Dapat hindi siya nagpapaniwala sa iba lalo na sa hindi niya kadugo o mismong hindi galing sa bunganga ng kanyang ina. Dahil yan ang rason bakit nagkakaroon ng fakenews dahil sa sabi-sabi ng iba at papaniwalaan kaagad. Dapat mismo siyang magtanong sa punong-ugat talaga ng lahat dahil iyon ang makakapagsabi ng ano ang totoo o ano ang hindi totoo," Seryosong pahayag nito.
"Pero mismo na magulang ko nagpakita ng motibo para malaman ko na totoo nga iyon." Malungkot na sabi ko halos pabulong lang.
"Ah?" Di narinig tanong ni Kuya Lloyd.
"Wala, Kuya. Di bale Kuya, sasabihan ko yung kaibigan ko." Sa halip sabi ko rito."Pero paano kuya kung napatunayan na totoo iyon? Paano niya makakalimutan ang nararamdaman niya sa ex-jowa niya?" Tanong ko ulit. Dapat mawala na sa puso ko si Ax para di na ko nag-iisip ng ganito. Mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya.
"Para sa akin lang ah? Ang pag-ibig kasi siya ang magtatakda na siya na talaga o sino ang tinadhana para saiyo. Ang pag-ibig hindi yan pinipili, totoo yan at mahirap maalis at kalimutan. Baka yang kaibigan mo kaya di malimot-limutan ang ex niya, baka di naman talaga sila magkapatid. Mismo na ang puso niya na nagsasabi ng totoo na hindi sila magkapatid at sila ang para talaga sa isa't-isa."
"Mismo ang puso nagsasabi ng totoo na sila ang para sa isa't-isa at ano ang totoo?" Sa loob-loob kong sabi.
Magsasalita sana ako nang tumunog nalang ang cp ko. Dali-dali ko naman kinuha sa purse ko. Nakita ko naman tumatawag si Kuya.
"Si Louis?" Tanong ni Kuya Lloyd sabay higop ulit ng kape.
Tumango ako.
Sinagot ko nga ang tawag ni Kuya Louis.
"Asan ka?" Tanong kaagad ni Kuya sa akin.
"Nandito ako ngayon sa office ni Kuya Lloyd."
"Sunduin kita diyan. Sabay na tayo umuwi. Wag kang aalis diyan."
"Sige po, Kuya."
*/////
Patulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon sa night table at nakita kong nag-message sa akin si Ax. Binuksan ko naman ang mensahe niya.
Sir Ax:
Mag-ready ka ng maleta mo bukas.
"Bagahe? Bakit naman?" Takang turan ko na lamang nang mabasa ang text niya.
Ni-reply-an ko naman siya ng bakit. Di pa nag-iisang minuto, nag-reply siya sa akin kaagad.
Sir Ax:
Sasama ka sa out of town bukas dahil may imi-meet tayo ng bigating businessman. Alas 3 ng hapon tayo aalis. Be ready.
Naalala ko naman bigla ang narinig kong chismisan kanina.
***Flashbacks***
"Pupunta si Sir bukas sa US para bisitahin yung gf niya." Sabi ni Employee 1.
"Talaga?" Sabay turan ng dalawa.
"Oo. Alam mo ba, ikakasal na raw sila." Patuloy na chismis ni Employee 1.
"Wow. Ang swerte naman ng gf ni Sir." Kinikilig na sabi ni Employee 2.
"Oo nga e. Kawawa yung bagong malanding sekretarya ni Sir. Akala niya magtatagumpay siya sa paglalandi kay Sir di niya alam may jowa si Sir. Mas mahal pa niya." Sabi naman ni Employee e.
"Sinabi mo pa. Baka parausan lang siya ni Sir." Sang-ayon ni Employee 2.
**End of flashbacks**
Nakaramdam nalang ako ng kirot ng maalala ko iyon. Bakit niya ako isasama? Gusto ba niya ipakilala sa akin ang bago niya? Gusto ba niyang makita ko siyang masaya na siya sa iba at naka-move on na siya? Gumaganda ba siya sa ginawa kong pag-iiwan ko sa kanya?
Sa sobrang sama ng loob ko, naitapon ko nalang ang cellphone ko sabay talukbong ng kumot. Bahala na kung nasira ang cellphone ko basta naiinis ako. Naiinis ako kay Ax.
Bakit nasasaktan ako? Bakit hindi ako masaya para sa kanya? Bakit nagsisisi ako? Bakit ganito? Di ito yung maramdaman ko dapat. Dapat masaya ako dahil nakahanap na siya. Bakit ganito? Ang sakit! Sobrang sakit!
Di ko nalang namalayan, humagulhol na ako ng iyak.
Doon ko na-realize na mahal ko pa rin siya.
Mahal ko pa rin si Ax...
*//////
Tama. Kailangan ko sumama. Kailangan kong labanan itong nararamdaman ko. Alam kong mawawala rin ito pag nakita kong masaya na talaga siya sa iba. Kailangan andoon ako para suportahan ko siya bilang kapatid niya.
"Tama nga." Sabi ko at kinuha ko ang maleta sa taas ng kabinet ko. Pagkalapag sa ibaba, binuksan ko iyon. Isa-isa na nilagay ko roon ang mga dadalhin kong damit.
May kumatok nalang sa kwarto ko. Pagkakatok ng tatlong beses, bumukas ang pinto at iniluwa roon si Kuya Louis.
"May nag-deliver sayo ng bulaklak. Bumaba ka at ikaw mag-recieve nun. Kailangan raw ang perma mo." Sabi ni Kuya nang nakasuot na ito ng pan-trabaho niya.
"Ah?" Naituran ko nalang. Nag-deliver na naman ng bulaklak si Gio sa akin?"Si Gio talaga. Kahit palaging nare-reject ko, di pa rin sumusuko." Nakangiting sabi ko sabay tayo.
Pagkarating ko sa labas ng gate naabutan ko si Mama panay amoy ng bulaklak.
"Mama, akin na yan." Sabi ko sabay kuha sa kanya ng bulaklak.
"Anak ah? Haba ng hair mo. Sino kaya yang mystery manliligaw mo." Kinikilig na kantiyaw ni Mama.
Pinermahan ko na nga iyon at umalis na yung nag-deliver.
"Mama naman. Wala ah? Stay single pa ko. Di pa ko ready. Saka na pag kaya ko na." Sabi ko at pumasok na sa loob habang nakasunod sa akin si Mama.
Pagkarating sa kwarto ko, binasa ko kaagad ang notes roon.
"I'm happy to be with you again."
Kinilig naman ako sa notes ni Gio. Naisipan kong tawagan siya para magpasalamat sa pagpapadala niya sa akin ng bulaklak nung sa States pa kami hanggang ngayon. Dahil sa pinapadala niyang bulaklak, medyo gumagaan ang pakiramdam ko at nalilimutan ko ang problema ko.
"Good morning, Gio." Nakangiting bati ko rito habang sa kabilang linya ito.
"Good morning. Ano maitutulong ko ulit sayo?" Masiglang boses na bungad kaagad nito.
"Salamat pala sa pinapadala mong bulaklak sa akin. Kahit sa States pa tayo. Kahit ngayon, ginagawa mo pa rin. Thank you sa effort mo." Pasalamat ko rito.
"Klarisse, k-kasi...ang totoo kasi ano uhm...hindi sa akin galing yung mga bulaklak na nari-receive mo." Pag-aamin nito.
"Ah? Kanino?" Bulalas ko sa pagtataka halos kumunot ang mga noo ko. Sino nagpapadala sa akin?
"Si...si Ax."
"Ah?"
*//////
Nandito ako ngayon sa hotel kung saan naka-stay si Ax. Galit na galit na pinagpipindot ko ang doorbell ng room niya. Dala ko ang pinadala niya sa aking bulaklak. All this time, siya lang pala nagpapadala sa akin ng bulaklak at hindi si Gio? Bakit pa niya iyon gagawin kung alam na niya ang totoo? Totoong magkadugo kami?
Binuksan naman ni Ax ang pinto.
"Oh? Ang aga mo naman---"
Di ko na siya pinatapos pa sa sasabihin nang pumasok kaagad ako sa loob.
"May pag-uusapan tayo." Seryosong tono na turan ko.
"Sure." Payag ni Ax at sinundan ako nito sa sala."Ang ganda naman ng bulaklak na dala mo. Galing ba yan sa manliligaw mo?" Nakangiting sabi nito.
Salubong ang mga kilay na humarap ako rito.
"Akala mo ba, di ko malalaman na sayo yan galing?" Galit na sabi ko sabay tinapon sa kanya ang binigay niyang bulaklak sa akin. Tumama naman iyon sa dibdib ni Ax."Ano ba, Ax? Tigilan mo na ko! Iniwan na kita, di pa ba sapat iyon?!"
"Klarisse, hindi ako titigil hangga't---"
Pinutol ko ulit ang sinabi nito.
"Pati pala sa ibang bansa, binabantayan mo ko. Kaya ba iniiwasan ako ng lalaki dahil sa kagagawan mo ah?! Bakit mo 'to ginagawa? Tapos na tayo! Ako na lumayo!" Pinipigil hindi sumigaw na sabi ko sa kanya.
Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Ax ang kamay ko at hinila papunta sa kanya. Niyakap ako nitong napakahigpit halos nagpupumiglas ako. Pero hindi ako nagtagumpay, mas lalong hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin halos hindi ako makagalaw.
"Sobra akong nasaktan sa ginawa mo sa akin noon. Iniwan mo kong wala kang iniwan na kahit na salita o paliwanag kung bakit mo iyon ginawa. Oo, totoo. Pumupunta ako sa ibang bansa para bisitahin at bantayan ka. Hindi ko hinahayaang may lumalapit sayong mga lalaki dahil ayaw kong mahulog ka sa iba. Dahil alam ko balang araw babalik ka sa akin." Madamdaming pahayag ni Ax."Nagmamakaawa ako. Bumalik na tayo sa dati---"
"Ax, ayaw ko na. Please lang, tumigil kana." Putol ko sa sinabi nito.
"Paano yung pangako mo? Na hindi mo ako iiwan?"
Naalala ko nalang ang mga binitawan naming pangako sa isa't-isa.
**Flashbacks**
"Nakikita ko ang future ko. Nakikita kong kasama kita pati na ang magiging anak natin." Turan na lamang ni Ax.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Masayang-masaya ang pamilya natin at napaka-successful din natin. Kita ko ang pagmamahalan nating dalawa na kulang nalang langgamin tayo sa sobrang sweet." Nakangiting tumingin siya sa akin. "Ilan gusto mo maging anak natin?" Tanong nalang niya sa akin.
"Anak agad?" Natawa na bulalas ko. "Ok na sa akin ang dalawa." Sagot ko.
"Ayaw mo sampu?"
"Grabe naman! Kakayanin ko ba yun?" Natatawang sabi ko. "Basta ah? Wala nang maghahanap ng iba." Sabi ko sa kanya.
"Promise." Pangako naman niya halos nag-sign pa siya sa kamay niya. "Ikaw, i-promise mo rin na di mo ko iiwan ah?" Sabi naman niya sa akin.
"Promise." Nakangiting pangako ko at nag-promise sign kami.
**End of flashbacks**
Nang maalala iyon ay napaluha na lamang ako.
"Di ba, bubuo pa tayo ng pamilya? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito? Alam mong mahal na mahal kita." Ramdam kong nasasaktan na pahayag niya habang yakap pa rin ako nito.
Tinulak ko kaagad siya na dahilan nakawala ako sa pagkakayakap nito. Di ko hinayaang lumambot ang puso ko sa kanya. Kailangan ko gawin ang tama kahit saktan ko pa siya para matigil na ang lahat. Ayaw kong maging kahiya-hiya ang pamilya naming dalawa pati na rin kami.
"Ax, nahihibang ka ba? Alam mo ba ang sinasabi mo? Bawal! Bawal tayo magmahalan! Bawal tayong dalawa!" Pagpapaintindi ko sa kanya. Nahihirapan na ko. Mas nahirapan ako nang makita kong may tumulong luha sa mata ni Ax. Dahil doon, tuluyan na rin lumabas ang luha sa mga mata kong pinipigilan kong lumabas.
"Paanong naging bawal tayo? Ano ibig mong sabihin?" Napa-kunot noo na tanong ni Ax.
Hindi niya alam? Akala ko alam na niya? Wala ba nagsabi sa kanya ng totoo?
"Klarisse, ano ibig mong sabihin? Anong bawal na sinasabi mo?" Tanong ulit ni Ax.
Napayuko ako halos nailagay ko na ang mga kamay ko sa mukha ko at parang inilamos ang mukha. Iniangat ko ulit ang ulo ko at seryosong nakatingin sa kanya.
"Ax, hindi tayo pwede. Dahil ang papa mo at Mama mo ay may nabuo sa relasyon nilang dalawa noon at ako ang bunga nila. M-magkapatid tayo. Magkapatid tayo sa a-ama." Seryosong amin ko halos nautal pa ko. Sumisikip ang dibdib ko sa sakit. Sa totoo lang, nasasaktan ako. Bakit nangyari pa ito sa aming dalawa? Bakit magkapatid kaming dalawa.
Bahagyang nagulat lamang si Ax pero bakas sa mukha niya na hindi siya masyado na-apektuhan sa sinabi ko.
"Yan ba ang rason kaya iniwan mo ako noon?" Malungkot na tanong nito sa akin.
"Oo." Matigas na sabi ko. Kailangan ko nang tuldukan ang lahat para sa ikakapanatag naming dalawa. Oo, masakit. Inaamin kong nasasaktan ako. Mahal ko talaga siya pero maling tao ang minahal ko.
"Sino nagsabi yan sa'yo? Hindi totoo---"
"Ax! Tama na! Ayaw ko na! Tigilan mo na ko! Hindi na kita mahal! Wala na kong nararamdaman sayo!" Sigaw ko nang sabi. Ginawa ko na ito para matauhan na siya. Pagod na ko, nasasaktan na ko."Ito ang ID ko." Sabay bigay ko sa kanya.
"Bakit?" Takang tanong ni Ax.
"Magre-resign na ko. Ayaw ko nang makita ka...kahit kailan."
Labag sa kalooban pero sinabi ko pa rin. Naglakad na ako papuntang pintuan para umalis. Nang huminto ako sa paglalakad ng may maalala.
"Oo nga pala," Lumingon ulit ako kay Ax na nanatili pa ring nakatayo at nakatingin sa ID na binigay ko."Congrats pala sainyo ng bago mo. Ikakasal na pala kayo. Ingat sa byahe mo papuntang US." Pagkasabi nun ay umalikos na ako at nagpatuloy na sa pag-alis.
Nang makalabas ng room niya, tumulo nalang ang mga luha sa aking mga mata. Pero inisip ko na tama lang ang ginawa ko. Ginawa ko ito para sa ikakabuti naming dalawa. Pinunas ko ang aking mata at nang okay na ako, naglakad na ako para umalis.
*/////
"Salamat sa paghatid sa akin, Gio ah? Pasensya na rin kung naabala kita." Sabi ko. Nasa tapat na kami ng bahay, mabuti nalang at nandiyan si Gio. Naihatid niya ako kaagad sa bahay.
"Okay lang, basta ikaw." Nakangiting sabi nito.
"Sige. Bababa na ko."
Tangkang baba na sana ako nang biglang hawakan nito ang kamay ko na dahilan di ko napatuloy ang paglabas ko ng kanyang kotse.
"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.
"Nandito lang ako ah? Kung saan ka masaya, puntahan mo siya." Makahulugang sabi na lamang nito.
Nakangiting tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya.
Binitawan na nga ako nito at lumabas na ako ng kotse niya. Kumaway pa ko nang umalis na ito. Tumalikod na ako para pumasok ng bahay nang nakasalubong ko sila Mama at Papa na palabas palang ng gate.
"Saan kayo pupunta, Ma, Pa?" Takang tanong ko sa dalawa.
"Sa sementeryo, anak." Sagot ni Papa.
"Sementeryo?"
"Mag-ayos kana, anak. Di ba may flight pa kayo ni Ax papuntang US? Baka ma-late kayo." Turan nalang ni Mama.
"Di na po ako kasama. Si Ax nalang raw." Pagsisinungaling ko. Mas mabuting di nila malaman na nag-away kami ni Ax.
"E di sumama ka na lamang samin ng Papa mo kung ganun." Nakangiting yaya ni Mama.
"Sige po." Nakangiting payag ko.
Aalis na sana kami ni Mama nang dumating naman si Kuya Louis. Nagbusina pa ito bago buksan ang bintana ng kanyang kotse.
"Saan kayo pupunta at mukhang wala kayong balak isama ako?" Tanong ni Kuya nang maibaba ang bintana ng kotse.
"Sa sementeryo, anak. Dadalawin natin si Michael. Kaarawan niya ngayon." Sagot ni Mama rito.
"Michael? Sinong Michael?" Sa loob-loob kong tanong.
*/////
"Mama, dapat bumili tayo ng cake. Picnic tayo dito. Alam kong matutuwa si Kuya Michael." Turan na lamang ni Kuya habang naglalakad na kami dito sa sementeryo.
Nakalibing yung Kuya Michael namin sa Private na sementeryo. Sa totoo lang, wala akong alam kung sino na Michael. Sabagay, limang taon akong nawala rito. Siguro kakilala nila Mama.
"Oo nga e. Next time ulit bili tayo." Nakangiting sabi ni Papa.
"Andito na tayo." Sabi ni Mama.
Huminto ang mga ito sa isang puntod. Binasa ko ang nasa lapida. Ang nakapangalan ng buntod doon ay 'Michael Develia died on March 12, 19**'. Sandali? Bakit apelyido namin ni Kuya? Pinsan namin? Kapatid ni Papa? Wala naman kapatid si Papa. Sino siya?
"Hello, Kuya Michael. Happy Birthday! May surprise kami sayo." Panimulang turan ni Kuya habang kinakausap ang lapida."Andito na yung bunso natin. Wag kang mag-alala, di na siya isip-bata pero madaldal pa rin." Sabi ni Kuya sabay tawa sila nila Mama at Papa.
Ako naman ay napakunot-noo at litong-lito. Bunso? Ako? Sandali, wala akong maintindihan.
"Mag-hi ka sa kapatid nyo, anak." Nakangiting sabi sakin ni Mama halos hinawakan niya ang balikat ko.
"Kapatid?" Litong-lito na bulalas ko."Mama, wala akong maintindihan. Sino siya? Sino si Michael? Kapatid? Paano?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.
"Hindi mo pa alam?" Bulalas ni Mama.
"Alam na alin?" Kunot na kunot ang noo na tanong ko pa rin sa kanila.
"Panganay nating kapatid si Kuya Michael. Anak sila ni Mama at Tito Gino." Si Kuya na ang sumagot.
"Ano?!!" Gulat na gulat na bulalas ko pa rin.
So, hindi ako ang anak nila ni Tito Gino? Hindi pwede 'to!
"No! No! No!" Turan ko na lamang at tangkang aalis nang pigilan ako ni Mama.
"Saan ka pupunta, anak?" Tanong ni Mama.
"Kailangan ko makausap si Ax." Nagmamadaling sabi ko nang tangkang aalis ako nang hinawakan ulit ni Kuya ang kamay ko.
"Bakit?" Tanong nito sa akin.
"Kuya, nagkamali ako ng nalaman. Akala ko magkapatid kami ni Ax. Kailangan ko siyang makausap baka makaalis na siya." Naiiyak na sabi ko.
Binitiwan naman ni Kuya ang kamay ko. Kaya tumakbo na ako paalis.
"Sandali!" Sigaw ni Kuya.
Lumingon naman ako.
Tinapon nito ang susi ng kotse at mabuti nalang nasalo ko.
"Bilisan mo para maabutan mo pa siya." Sigaw ni Kuya.
Naiiyak na tango ko rito. Nang makarating sa kotse ay sumakay na ako. Pinaharurot ko kaagad ito para makarating kaagad sa airport.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10/2025
0Tingnan Lahat