Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 87: Passport
KLARISSE DEVELIA POV:)
"Salamat naman at pumayag kang sumama kay Ax dito." Sabi ni Kuya Kieffer pagkalagok ng whisky.
Naupo ako sa tabi nito habang si Ax ay dumeretsyo sa counter at naghanap ng iinumin na alak.
"Dito tambayan nyo tuwing day off nyo?" Tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na pareho ng days ang day off nila. Mabuti naman at may hide out na sila hindi na sa dati, sa bahay ni Ax.
"Oo." Sagot ni Kuya Kieffer habang hawak ang baso. Sinenyasan nya si Kuya Lloyd na lagyan pa ng alak ang baso niya. Nilagyan naman niyon."Gusto mo?" Baling ulit sakin ni Kuya Kieffer at takang ibibigay sana sakin ang baso nang harangan ng kamay iyon ni Ax.
Umiling ito na ibig sabihin na bawal. Sa halip, may nilagay sa harap ko na wine at maliit na baso. Kasabay pa ng isang tsitserya na piatos.
"Ito ang mas okay sa kanya." Seryosong sabi ni Ax.
Di naman nakaimik si Kuya Kieffer. Napalunok ng laway uminom nalang ulit ito ng whisky.
"Wag nyong papainumin yan ng alak." Sabi ni Kuya Louis habang naghahanap ng magandang pwesto para tumira. Pagkatira, naka-shoot naman yung bola. Naghanap ulit ng magandang pwesto."Panget sa babae ang umiinom ng alak." Dugtong pa nito.
"Malaki na si Klarisse. Nasa legal age na siya, pwede na siya uminom." Sabi ni Kuya Brix habang hawak ang stick sa billiard at lumagok ng beer.
"Basta ayaw ko." Giit pa rin ni Kuya sabay tira ulit.
Di ko nalang sila pinansin. Sumalin ako ng wine sa baso at uminom. Noong nasa ibang bansa ako, wine ang iniinom ko kada may selebrasyon akong ina-attend. Mas mabuti na ang wine, di masyado malakas ang tama kaysa sa alak. Ngayon palang masasabi kong okay na okay na sa akin ang wine.
"Klarisse, kamusta na sa trabaho?" Tanong ni Kuya Lloyd habang nagpupunas ito ng babasaging baso pang-inom ng alak.
Tahimik na naupo naman si Ax sa katabi ko. Naka-pwesto naman ito sa kabila ko. Tahimik na sumasalin ito ng alak sa baso sabay lumagok kaagad.
"Okay naman, Kuya." Nakangiting sagot ko.
"Mabuti naman nakayanan mo kasungitan ni Ax. Alam mo bang madaming nagre-resign sa kompanya niya dahil sa kasungitan ni Ax." Natatawang kwento ni Kuya Kieffer.
"Tsk." Nakakatakot na tingin binalingan niya si Kuya Kieffer. Imbes matakot, tumawa na lamang ito.
"Ah? Masungit?" Takang tanong ko pa rin. Masungit ba siya? Baka tahimik na suplado lang?
"Klarisse, gusto mo mag-videoke tayo?" Sa halip yaya ni Kuya Lloyd sa akin.
"Tara! Kantahan tayo. Sabagay andito na ang prinsesa natin." Nakangiting payag at yaya din ni Kuya Brix pagkatira.
"Ako na magpi-play." Prisinta ni Kuya Kieffer. Bago umalis sa kinauupuan, nilagok muna niya ang whisky sa baso. Pagkatapos ay may kinuha siya sa sofa na parang remote at may pinindot.
Namangha na lamang ako sa nakita. Bumaba galing taas ang isang malaking flat TV at bumukas na lamang iyon. Kinalikot-kinalikot lang niya iyon hanggang mapunta na sa Videoke. Masasabi ko ang ha-high tech ng mga gamit nila dito. Di lang iyon, naka-aircon pa sa loob.
"Tara! Kantahan na." Masayang-masaya na yaya na ni Kuya Kieffer.
Pumunta naman kami ni Kuya Lloyd sa kinaroroonan ni Kuya Kieffer. Huminto naman sa paglalaro sila Kuya Louis at Kuya Brix para maki-bonding din. Pagkaupo namin sa sofa, tinawag ni Kuya Kieffer si Ax. Nandoon parin siya sa counter, hindi pala sumunod sa amin.
"Ax, tara!" Sabi ni Kuya Kieffer dito.
"Ano i-play natin?" Tanong ni Kuya Brix kay Kuya Louis habang sa kanila ang songbook.
"Bahala ka." Sagot ni Kuya dito.
Bumukas ng tsitserya si Kuya Lloyd. Pagkabukas, inalok ako nito. Kumuha naman ako. Nang makakuha ako, kumuha rin siya pagkatapos ay nilagay na niya iyon sa maliit na mesang babasagin. Nag-play na nga ng kanta si Kuya Kieffer. Nasa kanya kanya kasi yung remote.
Nagsimula na nga nagkantahan sila Kuya Brix. Ang kakantahin nila ay 'Lakas Tama'. Tawanan lang kami ni Kuya Lloyd habang pinapanood silang tatlo. Para silang baliw na nag-aagawan ng mic at nagpapangitan pa sila ng boses. Akala mo'y mga lasing na sila habang kumakanta. Sunod naman nilang kinanta ay 'Dance With You' ni Skusta Clee. Tawanan ulit kami dahil sa pinaggagawa ng tatlo. Si Kuya Louis ang kumakanta samantala yung dalawa na sina Kuya Brix at Kuya Kieffer ay nagpapagalingan sa pagsayaw. Panay tawa lang kami halos napaubo pa ako.
Sa sobrang kakulitan ng dalawa pinuntahan nila ang kinaroroonan ni Ax at hinila ito para maki-join ito. Ayaw sana ni Ax kaso pinipilit siya nito. Nang makarating sa kinaroroonan namin, sinasayawan ng mga sexy dance si Ax. Kami naman ay panay tawa lang ni Kuya Lloyd halos si Kuya Lloyd napapatawa na habang kumakanta pa rin. Sumayaw na lang nga din si Ax ng parang tanga kaya mas lalong natawa ako. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang siya nakitang sumayaw na parang baliw. May character din pala siya ng pagiging makulit.
Para na tuloy tanga yung tatlo. Kanya-kanya silang step na kabaliwan moves. Ngayon lang ako naging masaya ng ulit lalo na na-kompleto ulit kami. Namiss ko 'to. Namiss ko sila. Naaalala ko yung dati na kung saan buo kami noong panahon na mga bata pa kami.
*//////
Hindi ngayon pumasok si Ax, hindi ko alam kung bakit. Ako lang ang mag-isa sa office niya. Tapos ko na ang mga gawain kaya naman nabo-bore ako ngayon. Kinaaabalahan ko nalang sarili ko sa pagche-check ng schedule niya para hindi ako ma-boring.
Tumunog nalang ang cp ko na dali-dali ko naman kinuha sa bag. Nakita kong si Ax tumatawag. Excited na sinagot ko iyon.
"Ax!" Nakangiting pungad ko. Bigla ko nalang ang ginawa ko. Bakit nae-excite ako na tumawag siya?
Hala! Hindi pwede!
Tumikhim ako bago magsalita ulit."H-hello?" Naging seryoso na ang tono.
"Kla...risse?" Boses na parang nahihirapan. Bakit kaya? Baka kakagising lang niya?
"Yes, Sir?"
"P-pwede bang ipang-grocery m-mo ako? Sa-ka ihatid mo n-nalang dito sa ba-hay." Utos nito.
Ano pa ba magagawa ko e di papayag ako. Boss ko siya e.
"Sige, Sir."
"Salamat." Sabi nito sabay patay ng tawag.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at umalis para mag-grocery.
*//////
Naka-pila na ako at sobrang haba ng pila. Baka 30 minutes pa ko dito. Nakatingin ako sa unahan nang may nagsihulog nalang sa harapan ko na mga prutas at mga junkfoods. Lumuhod ako para tulungan ang nakahulog nun.
Pagkakuha, tumayo na ako at binigay sa lalaki.
"Ito na po." Magalang na sabi ko.
"Salamat---" Napatigil nalang ito nang makita ako. Wait! Pamilyar siya sa akin? Saan ko ba siya nakita?
Alam ko na!
"Ikaw?!" Gulat na gulat sabay na turan namin nito halos nagturuan pa kami.
"Ikaw si Klarisse? Ako ito, si Celo. Yung butler ng anak ng boss ko, yung na-aksidente." Sabi nito kaagad.
"Opo, ako nga po. Kuya Celo, kamusta po kayo?" Nakangiting bati ko rito.
"Ayos lang. Anim na taon kita hinanap at sa awa ng diyos nakita na kita. Mapapasalamatan kana rin ng anak ng boss ko. Nakangiting pahayag nito.
"Wala po iyon." Tumawang mahina na sabi ko.
"Kasama ko ngayon si Ax. Tawagin ko ah?"
"Sige po." Sagot ko sabay tango. Ka-nickname pala nun si Ax.
"Ax!" Tawag nito sa lalaking abala sa pagpili ng palamang sa tinapay.
Tumingin naman ito at nanlalaking mata na mamukhaan ang lalaki.
Lumapit naman ito at nagulat pa ito nang makita ako. Huwag nyong sabihin siya si...
"Hey! Klarisse! Long time no see ulit." Nakangiting bati nito sa akin habang hawak ang palaman na chocolate flavor.
"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong sa amin ni Kuya Celo.
"Yes. Bakit? Kilala mo rin siya?" Tanong rin ni Clyde Maxell dito. Siya yung kalaban nila Kuya noon sa basketball at siya yung pinili ang career kaysa sa babae.
"Siya yung tumulong sayo nung na-aksidente ka."
"Ah? Siya?!!" Gulat na gulat bulalas nito. Nanlalaki mata na tumingin ito sa akin."Wow! As in, wow! What a small world." Manghang sabi nito.
"Ikaw pala yun...si Ax." Sabi mo. Magka-nickname pala sila ni Ax, bakit tawag sa kanya Clyde? Sabagay, sa bahay lang naman tinatawag siya sa nickname na yan, hindi sa labas.
"Thank you pala sa pagtulong sa akin noon. Dahil sayo, nadugtungan ang buhay ko ngayon. Kung di dahil sayo, wala nang guwapo ngayon sa harapan mo." Ma-feeling na pahayag at pasalamat nito.
Tumawang pilit lang ako pero pinakita ko sa kanya na waley yung pagmamayabang niya sa akin.
"Gusto ko sana pasalamatan ka. Pwede bang yayain kitang mag-dinner mamaya---"
Pinutol ko sasabihin nito."Wag na. Busy ako e. Saka ito lang sasabihin ko sayo."
"Ano 'yon?" Tanong nito.
Lumapit ako at binulungan siya sa tainga.
"Mahalin mo yung fiancé mo dahil yun ang tunay na nagmamahal sayo."
Nakangiting humiwalay ako dito at nginitian ito. Ngumiti na rin ito at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
*////
Nandito ako ngayon sa hotel at nasa harapan na ko ng kwarto ni Ax. Di ko alam kung ano password para makapasok ako. Naisipang tawagan siya para pagbuksan ako nang mapansin ko na bahagyang bukas ang pinto.
Takang binuksan ko nga ang pinto at nagmasid sa loob. Nakita kong nagkalat sa sala ang mga pinagkainan na cup noodles saka may kumot pa sa ibaba ng sahig na parang nahulog sa sofa.
"Sir?" Tawag ko.
Walang sumasagot kaya tumingin ako sa kitchen baka andoon siya pero wala rin siya doon. Kinakabahan na tumungo ako sa kwarto niya. Nakita kong bahagyang bukas ang pinto. Dahan-dahan binuksan ko iyon at sumilip. Nagulat na lamang ako sa nakita.
Nakita kong nakahiga si Ax sa ibaba at walang malay.
"Ax!" Tarantang bulalas ko. Nilapitan ko kaagad ito para buhatin. Paghawak ko palang sa kanya bahagyang napaso ako."Sh*t! Nilalagnat ka." Tarantang sabi ko. Buong lakas na binuhat ko ito para mahiga sa kama.
Pagkahiga sa kama, dali-dali ko siyang kinumutan. Nanginginig ito sa sobrang lamig. Tumungo ako sa aircon para patayin at binuksan na lamang ang bintana. Tumungo ako sa closet niya at naghanap ng jacket. Nang makakuha ay lumapit ulit ako sa kanya.
"Ax, kaya mo ba umupo? Ja-jacket-an kita ah?" Sabi ko dito."One, two, three, go!" At nakaupo nga siya. Salamat nakisama pa rin si Ax. Kung hindi, di kakayanin ng lakas ko ang kabigatan niya.
Jinacketan ko na nga siya. Pagka-jacket, pinahiga ulit ko siya at kinumutan ulit. Nanginginig pa rin siya sa lamig. Tumungo ulit ako sa closet at naghanap ng medyas. Nang makakuha, sinuotan ko siya sa kanyang paa. Pagkatapos, lumapit ako sa kanya at bahagyang pinatong ang kamay sa kanyang noo.
"Ang init mo, Ax. Kaya mo pa ba ah? Bibilhan kita ng gamot at lulutuan kita ng lugaw ah? Para bumaba ang lagnat mo at lumakas-lakas ka ulit." Sabi ko sa kanya.
Iniwan ko na nga siya. Bibili ako ng gamot sa drugstore. Mabuti nalang may katabi sa hotel nila na drugstore. Nakabili kaagad ako. Bumili na rin ako ng thermometer para malaman ko kung bumaba o tumaas ba ang lagnat niya.
Pagkarating, sumilip pa ako sa kwarto niya at nakita kong nanginginig pa rin ito sa lamig. Tumungo na ako sa kusina at mabilisang nagluto ng lugaw. Di nagtagal, natapos din ako. Nilagyan ko ang mangkok ng lugaw. Pagkalagay, nilagay ko sa tray. Kumuha rin ako ng maligamgam na iinumin niyang tubig. Pumunta na ako sa kwarto niya.
Nilapag ko muna iyon sa gilid ng kama at pinaupo si Ax at pinasandig sa headboard ng kanyang kama. Pagkaupo, dali-dali ko siyang sinubuan ng lugaw. Kumain naman siya. Pinainom ko siya ng tubig at sinubuan ulit. Pagkatapos niya kumain, pinainom ko siya ng gamot at pinahiga na ulit sa kama. Deretsyo ko siya chineck Ang m temperature niya. Nagulat ako dahil nasa 40° ang lagnat niya.
Lumabas ako at tumungo sa kusina. Nag-prepare ng ng maligamgam na tubig at isang bimpo. Pagkatapos bumaling ulit sa kwarto dala ang mga iyon. Pinunasan ko ang leeg at mukha niya. Pati na rin ang kamay at daliri niya. Pagkatapos, binuksan ko ang binili kong cool fever sa drugstore at nilagay sa kanyang noo.
Ginawa ko ang lahat para alagaan siya ngayong araw hanggang sa makatulog na ako sa pagbantay ko sa kanya.
*/////
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nang makita kong hindi ito ang kwarto ko, naalala ko nalang si Ax. Nilalagnat siya at inalagaan ko siya. Dali-dali ako bumangon sa pagkakahiga at nakita ko nalang sarili ko na nakahiga na ako sa kama. Ako lang nakahiga sa kama at ako lang nandito sa kwarto niya.
Narinig ko naman na kakapatay lang ng shower at di inaasahan lumabas si Ax sa CR. Nagulat ako nang makita siyang walang damit pero sa ibaba lang ang natatanging natatakpan lang ng tuwalya. Bagong ligo ito at nakakapansin ang basa niyang katawan halos napatingin pa ako sa magaganda niyang abs.
"Good morning." Nakangiting bati nito.
Naiilang na tumingin kaagad ako sa ibang direksyon."G-good morning." Nautal na bati ko habang sa ibang direksyon ang tingin ko."Ba't naligo kana? Di ka pa okay." Sabi ko sa kanya na tumingin sa kanya pero sinikap ko hindi tumingin sa katawan niya. Ayaw ko maging manyak. Please lang.
"Okay na ako." Sabi lang nito sabay bukas ng closet at namili ng susuotin."Sorry di ako nakapagluto ng almusal. Sa labas nalang tayo mag-almusal." Sabi nito habang nakatalikod sa akin.
Malaya akong pagmasdan ang likuran niya. Ba't ang sarap niyang titigan kahit likod lang niya? D*mn! Parang may nabubuong apoy sa dibdib ko. Ang manyak mo, Klarisse. Bad ka! Argh!
Naikagat ko nalang ang labi ko.
"Wait! Ano oras na?" Tanong ko nang biglang alaala.
"Alas 8 palang---"
"What?!!"
Patay! Hinahanap ata ako nila Mama?
*/////
"Wow. Saan ka gumala at ngayon ka lang? Halos di ako pumasok sa trabaho sa kaka-contact sa mga kaibigan mo dahil hinahanap ka namin." Sermon kaagad ni Kuya sa akin pagkapasok ko sa loob ng bahay.
"Klarisse, saan ka galing? Bakit kakauwi mo lang? Saan ka natulog?" Alalang tanong ni Mama.
"Okay ka lang? May nangyari ba sayo?" Alalang tanong ni Papa habang hawak niya ang magkabilang balikat ko at tinitingnan pa kung may sugat akong natamo.
"Pa, Ma saka Kuya? Okay lang po ako. Katunayan po, kasama ko si Ax." Nahihiyang sabi ko."Ax?" Tawag ko halos lumingon pa ako sa likuran ko.
Pumasok naman si Ax sa bahay at gulat na gulat ang tatlo nang makita nila si Ax.
"Siya po mag-eexplain bakit di ako nakauwi kagabi." Sabi ko sa kanila sa mahinang boses.
"Good morning po, Tito Mario at Tita Nancy. Sayo rin, bro." Nakangiting bati ni Ax sa pamilya ko.
*//////
"Nagkasakit ka?" Turan ni Papa."Mabuti naman at inalagaan ka ng anak ko. Kung hindi baka napanu kana." Sabi ni Papa habang kumakain kami ngayon ng almusal sa hapag-kainan.
"Oo nga po. Sobrang thankful talaga ako sa anak nyo. Di niya ako binayaan at inalagaan niya talaga ako." Nakangiti ng sabi ni Ax sabay tingin sa akin.
Naiilang na dahan-dahan na bumaling ako sa ibang direksyon. Nahihiyang dahan-dahan rin sinubo ko ang hotdog sa bunganga ko. Bakit kasi ganun siya makatingin. Nakaka-argh!
"Wow ah? Nai-apply mo yung tinuro ko sayo." Mahinang sabi sa akin ni Kuya. Katabi ko siya habang nasa harapan ko si Ax.
"Salamat sayo, Kuya. Baka nangangapa ako nun kagabi kung di mo ko tinuruan noon."
"Salamat po, Tito at Tita sa masarap na almusal. Aalis na po ako." Paalam ni Ax halos bi-now pa niya ang kanyang ulo para ipakita ang paggalang.
"Okay lang, anak. Mag-iingat ka." Sabi ni Papa dito. "Klarisse, ihatid mo sa labas ang boss mo." Utos sa akin ni Papa.
"Opo."
Ano pinakain ni Ax kay Papa at parang gustong-gusto siya nito? Sabagay noong bata pa kami, close talaga ni Papa si Ax. Para nga silang mag-ama noon dahil palagi silang nag-uusap noon.
Mabuti nalang pina-day off ako ngayon ni Ax. Makakapagpahinga ako ngayon. Yehey!
"Salamat ulit." Sabi ni Ax nang nasa tapat na kami ng kotse niya.
"Wala yun." Nakangiting sabi ko.
"Sige, pasok kana sa loob. Aalis na ako." Sabi nito sa akin.
"Sige. Papasok na sana ako sa gate ng bahay nang pigilan ako nito.
"Sandali."
Takang napalingon naman ako."Bakit?"
Lumapit ito sa akin halos napasinghap pa ako dahil nasa tapat na siya ng harapan ko at ang lapit pa niya sa akin. Dahan-dahan dumapo ang kamay ni Ax sa leeg ko na akala ko hihilahin ulo ko para halikan ako pero nagkamali ako.
"Suot mo pa rin pala ngayon yung kwintas na bigay ko." Nakangiting sabi nito habang hawak ang kwintas ko. Nakakaakit na tumitig ito sa mga mata ko na dahilan nagpabaliw sa sistema ko.
Narinig ko na naman ulit ang malakas na tibok na puso ko halos tumigil ang paligid ko. Wala akong naririnig kundi nakakapinging tibok lamang ng puso ko. Para akong na-estatwa sa titig niyang iyon.
Nang bumalik ang aking sarili, tinulak ko nalang siya ng mahina. Namumula ang pisngi na dali-dali tumakbo ako sa loob bahay halos nalimutan ko pang isara ang gate. Tatawagin sana ako ni Kuya pero di natuloy dahil deretsyo akong umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto ko. Pagkasara ng pinto, sumandig ako roon. Napahawak ako dibdib ko at ramdam ko pa rin ang pagtibok nito. Pati ang pag-iinit ng pisngi ko, ramdam ko pa rin. Para tuloy may naghahabulan na daga at pusa sa puso ko dahil sa hindi mapaliwanag na nararamdaman ko.
"Bakit ganito? Bakit ganito nararamdaman ko? Hindi pwede 'to..." Sa loob-loob kong sabi.
*//////
Naglalakad ako sa hallway ng company hanggang napadaan ako sa tatlong employee na busy na busy na nagchichismisan dito. Ako naman itong tahimik lang at dinaanan nila pero bahagyang napatigil ako sa paghakbang sa narinig.
"Pupunta si Sir bukas sa US para bisitahin yung gf niya." Sabi ni Employee 1.
"Talaga?" Sabay turan ng dalawa.
"Oo. Alam mo ba, ikakasal na raw sila." Patuloy na chismis ni Employee 1.
"Wow. Ang swerte naman ng gf ni Sir." Kinikilig na sabi ni Employee 2.
"Oo nga e. Kawawa yung bagong malanding sekretarya ni Sir. Akala niya magtatagumpay siya sa paglalandi kay Sir, di niya alam may jowa si Sir. Mas mahal pa niya." Sabi naman ni Employee e.
"Sinabi mo pa. Baka parausan lang siya ni Sir." Sang-ayon ni Employee 2.
"Pag andyan na ang senyora, kawawa siya. " Dugtong naman ni Employee 1 at tumawa silang tatlo.
Nasasaktan na nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Pagkarating sa office niya, bahagyang napatigil ako sa paghakbang na makita si Ax na abala sa pagbabasa ng mga papeles. Nang mapansin ako nito, ngumuti siya ng matamis sa akin. Hindi ako ngumiti sa kanya pabalik bagkus tahimik na lumapit ako sa table niya at binigay ang USB na kinuha ko sa kanyang employee.
"Ito na po yung pinapakuha nyo." Tonong cold na sabi ko.
"Thanks." Nakangiting pasalamat nito at sinaksak na iyon sa laptop niya.
Napatingin nalang ako sa table niya. Nakita ko ang passport niya at mukhang totoo ngang mag-iibang bansa ulit siya para puntahan ang girlfriend niyang soon to be wife na niya. Nakaramdam ng kakaiba sa puso ko na dapat hindi dapat. Malungkot na naupo na ako sa desk ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Gulong-gulo ang utak ko maghapon hanggang matapos ang trabaho ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10/2025
0Tingnan Lahat