Chapter 86: Kids

KLARISSE DEVELIA POV:)
"H-hello?" Nautal na bati ko habang nakadapa sabay taas ng kamay at bahagyang winave ang kamay.
"Ginagawa mo?" Napakunot-noo bahagya na tanong ni Ax sa akin.
Tumayo ako sa pagkakadapa. Pinagpag ko pa ang damit at fitted na palda ko.
"Sorry, hinahanap ko kasi yung ipis. Kakausapin ko sana---ay isteh! Papatayin ko sana kasi alam kong ayaw mong may ipis sa office mo." Rason ko halos namali pa ko. Ayos-ayusin mo, Klarisse  Napaghahalataan kang natataranta ka sa kanya. Wait? Bakit ako matataranta? Nae-excite? Ako? Sa kanya? No way! Bawal, bawal, ba-wal! Ang tanga mo pa rin, Klarisse! Wala na sa edad mo mag-ganyan-ganyan. Hayst!
Lumapit ito sa kinaroroonan ko at pinagbubuksan ang mga putahing niluto ko.
"Luto mo?" Tanong nito sabay tikim sa Menudo.
"Ah, oo. Di na ko nag-order sa labas. Mas mabuting gawa ko nalang para safe, di ba. Hehehe." Paliwanag ko halos papilit lang ang pagtawa ko.
"Good. So, let's go?" Yaya nito.
Napakunot-noo naman ako sa pagtataka."S-saan?"
"Bibili ng cake." Seryoso na sagot nito.
Sabi na e! Cake nga ang kulang.
"S-sige." Nautal na payag ko naman. Nagulat pa ko nang hawakan nito ang kamay ko at hinila.
Umalis kami sa office habang hila-hila niya ako.
*////
Nandito na kami sa harap ng pamilyar sa akin. Dito ako bumili ng brownies isang araw. Oo nga pala, siguro favorite ni Ax yung mga cakes na tinitinda dito. At sure akong dito rin siya bibili ng cakes.
Pumasok na nga si Ax sa loob halos hinintay pa niya ako makapasok ng tuluyan saka niya sinarado ang pinto na gawa sa glass. Sa di kalayuan, nakita ko si Cassandra na nagpupunas ng table. Nagulat pa ito na makita kami ni Ax. Lumapit ito at bumati sa amin.
"Good morning, Sir and Ma'am." Magalang na bati nito sa amin."Sir, bakit di po kayo nagtext na pupunta kayo rito? Di pa po tapos yung pinapagawa nyong cake." Baling ni Cassandra kay Ax.
"Andyan pa si Kate? Pumasok ba siya?" Imbes tanong ni Ax rito.
What? Kate? Sino si Kate?
"Day off, Sir." Sagot pa rin nito.
"So, kayo lang ni Layca ngayon? Asan si Layca?"
"Nasa loob, Sir. Dine-design na po yung cake nyo." Magalang pa rin na sagot ni Cassandra dito.
"Hintayin mo ko dito ah?" Baling ni Ax sa akin."Cassandra, ikaw na muna bahala sa secretarya ko." Bilin nito sa kaibigan ko.
"Sige po, Sir." Masiglang sagot naman nito.
Umalis na nga ito at naiwan kami ni Cassandra. Niyaya ako nitong umupo. Pagka-upo kaagad ito nagtanong sa akin.
"Kamusta kana? Kay Sir Ax ka pala nagtatrabaho." Nakangiting turan nito kaagad.
"Oo. Wait! Regular customer nyo sya?" Sagot at tanong ko.
"Di lang regular customer, siya pa boss namin.." Nakangiting sagot nito.
"Ah?!" Gulat na gulat na saad ko."Boss?"
"Di mo ba alam? Si Sir Ax nagmamay-ari nitong pinagtatrabahuan ko."
"Ah? Ano? Wait!" Nilinis ko pa trnga ko gamit ang hinliliit ko."Siya may-ari nito? Tama ba pagkakarinig ko?" Gulat pa rin na tanong ko.
Nakangiting tumango naman ito kaagad."Katunayan nga, siya ang nag-alok sa akin ng trabaho nung panahong naging homeless ako." Kwento nito.
Nagulat naman ako sa nalaman.
"P-paanong..."
"Mula nang palayasin ako ng stepmother ko, pagala-gala ako sa Maynila at sakto naman nakita ako ni Sir Ax at nakilala naman niya ako. Nahihiya nga ako dahil sa lahat ng ginawa ko sayo---sainyo, pinatawad pa rin ako ni Sir Ax."
"Ano? Ginawa niya sa akin? Ano yun?" Sa loob-loob kong tanong.
"Sabi niya, kahit naging bad ako sayo pero tinuturing mo pa rin raw akong isang kaibigan." Hinawakan nito ang kamay ko na bahagyang nagulat ako."Sorry sa lahat na ginawa ko sayo noon. Naging bad ako sayo dahil sa sobrang inggit ko sayo saka may gusto kasi ako dati kay Chairman. Nagseselos kasi ako sainyo kasi palagi kayong magkasama at sobrang close nyo pa. Sorry." Hinging patawad nito.
"Okay lang. Di naman ako nagtanim ng galit sayo. Di ko kayang magtanim ng galit sayo lalo na ikaw naging una kong kaibigan noon sa school. Nagpapasalamat rin ako sayo dahil sayo nagkaroon kaagad ako ng kaibigan noon at hindi na mahirap sakin makapag-adjust kaagad. Thank you." Nakangiting pasalamat ko rin.
"Ang bait mo talaga, Klarisse. Kaya napaka-protective sayo ni Sir noon dahil may napakabuti kang puso."
"Ah?" Napataas-kilay na saad ko. Kilala na niya si Ax noon?
"Alam mo bang isasabotahe sana namin performance mo noon yung pagsali mo sa Miss Intrams? Balak kasi namin noon ni Emma para di ka makapag-perform ng talent mo, kukunin namin yung CD mo pero di namin nagawa ang plano dahil andyan si Sir Ax, pinigil kami at binawi niya ang CD sa amin. Palagi siyang naka-monitor sayo noon kaya di ako nakakaganti sayo. Napaka-protective niya sayo noon pa man noong senior high pa tayo. Palagi nga siyang pumupunta sa school halos kinaibigan pa niya yung guard para papasukin siya at icheck ka kung okay ka ba o hindi." Kwento nito na kinagulat ko naman sa mga nalaman.
"Ah?"
"Kaya alam ko na may gusto sayo si Sir Ax noon." Patuloy pa rin na sabi nito.
"Ax..." Sambit ko sa aking loob-loob. Bakit ganun? Nasasaktan ako.
***FLASHBACKS***
"Tulong." Sambit ko at hindi ko mabuksan ang pinto. Hindi ako makalabas."Tulong!" Naiiyak na sigaw ko. Nagulat ako nang marinig kong bumubukas ang isang pinto ng cubicle kaya napasigaw ako at umiyak na umiyak.
Napaupo ako sa sulok at walang magawa para hindi makita ang multo kaya yumuko ako at umiyak na umiyak sa aking mga tuhod. Narinig ko nalang bumukas ang pinto ng CR at agad na sin-witch on ang ilaw at narinig ang boses na pamilyar sa akin.
"Klarisse."
Naiangat ko naman kaagad ang ulo ko dahil narinig ko ang boses ni Ax. Nakita ko siyang alalang-alala sa akin habang nasa pintuan ito. Tumayo kaagad ako at niyakap kaagad si Ax.
"Ax." Sambit ko at umiyak na umiyak sa dibdib nito."Takot na takot ako. Akala ko mamatay na ko." Sabi ko na panay iyak.
"Sssshhh. Tahan na. Nandito na ko, di kita pababayaan." Sabi nito habang hinahagod ng kanyang kamay ang aking likuran.
***END OF FLASHBACKS***
Nang maalala ang nakaraan, bigla nalang uminit ang aking mga mata. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa mga nalaman. Mahal na pala niya ako na akala ko hindi at trip lang niya akong asarin at awayin. Doon ko nalaman na ginagawa niya iyon para mapansin ko siya.
Bakit, Ax? Bakit pinapahirapan mo ko ngayon? Nakokonsensya ako sa ginawa ko pero tama lang iyon dahil iyon ang tama at isang kahibangan kung pinagpatuloy namin ang relasyon namin noon. Nagkamali lang kami ng nararamdaman namin sa isa't-isa.
"Let's go?"
Napatayo na lamang kami ni Cassandra nang marinig ang boses ni Sir at makitang nasa gilid siya namin.
Tumango ako at umalis na kami. Tahimik lamang ako habang nagbabyahe kami ni Ax pabalik sa building.
*/////
Kakatapos ko lang maglagay ng mga design sa loob ng office ni Ax. Kompleto na ang lahat at perfect ang pagkakaayos ko ng Bonding Party nila ng scholar niya. Wala pa si Ax dahil nagkaroon sila ng urgent meeting pero patapos na rin sila.
Tiningnan ko ang aking relo at nakita kong malapit na mag-alas dos ng hapon. Padating na ang scholar ni Ax at kailangan ko na atang lumabas ng office.
"Hoy! Di ka pa ba lalabas dyan? Padating na scholar ni Sir!"
Speaking of a witch, tinatawag na nga ako ng sekretarya ni Ax.
Lumabas na nga ako ng office. Dito muna ako sa desk ni Loren pansamantala. Paupo na sana ako nang...
"Ito! Kaysa upo-upo ka dyan, ihatid mo ito kay Manager Gene. Bilisan mo at kailangan na yan ma-permahan niya dahil alam mo naman ayaw ni Sir na lalampa-lampa." Madrastang utos nito.
"Okay po." Magalang na sagot ko at pumunta na nga sa destinasyon ko.
Bago paman sumara ang elevator, bumukas naman ang kaharap ko na elevator. May mga grupong mga bata na tila kilala ko pero di ko masyado nakita ang mukha nila kaya di ko nalang pinansin.
Pagkarating sa office ni Manager Gene, binigay ko kaagad dito ang mga folders. Pagkatapos bumalik na kaagad ako sa taas. Pagkarating ko sa desk ni Loren nakita kong nagma-manicure ito ng kuko niya.
"Nabigay mo na?" Mataray na sagot nito habang nakabaling sa kuko na may manicure.
"Opo." Magalang na sagot ko. Kahit banas na banas ako dito, ginagalang ko pa rin. Ano pa ba magagawa ko? Mas matagal na siya nagtatrabaho dito at ako di pa nag-iisang buwan dito kaya kailangan igalang ang mga senior.
Pagkaupo ko, may nilapag na folder sa harapan ko si Loren. Takang napatingin naman ako dito.
"Mga tao yan na may appointment kay Sir. Basahin mo mga background nila at paki-search na rin kung mabuti talaga background nila." Utos na naman nito.
"Si-ge..."
Nagulat na lamang ako nang may pahampas na lumapag na kamay sa folder. Sabay na napatingin kami sa gumawa niyon. Nanlalaking mata si Loren nang makilala ang taong iyon.
"Sino nagsabi na pwedeng utos-utusan mo siya?" Boss na boss na turan nito."Ako lang ang pwedeng umutos sa kanya at wala nang iba." Tila pagbabanta nito kay Loren. Ako naman at gulat lamang habang nakatingin dito.
Tumayo kaagad sa pagkakatayo si Loren at nag-bow-bow ng ulo.
"Pasensya na po, Sir Ax. Di na po mauulit." Hinging patawad nito. See? Asan pagiging mataray mo? Tiklop ka ngayon. Ax lang malakas. Char-char lang.
Bumaling sa akin ni Ax na halos kinagulat ko.
"Sa loob ka, wag ka dito." Napaka-guwapong boses na sabi nito.
Nagulat naman si Loren dahil pinapapasok ako ni Ax. First time nito may papasukin sa ito sa kalagitnaan ng selebrasyon nito sa loob.
Walang magawa, tumayo ako at sumunod dito. Naiwan namin si Loren na inggit na inggit. Di pa kami nakakapasok sa loob, tumigil sa harap ng pintuan si Ax,  tumalikod at humarap sa akin.
"May sorpresa ako sayo." Nakangiting natural pahayag nito."Alam kong matutuwa ka."
Dahan-dahan nito binukas ang pinto at tumambad sa akin ay...
May nagpaputok nalang halos nagulat pa ako. Nagsihulugan ang mga iba't-ibang kulay na papel. Sinurprise ako ng...
"Welcome back, Ate Klarisse!"  Nakangiting bati ng mga ito sa akin.
Yung bata...yung bata sa bahay ampunan.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon na makita ulit sila. Limang taon rin hindi ko sila nakita. Natutuwa ako dahil malalaki na sila ngayon.
Dali-dali naman ako dinumog nito at niyakap ko sila sabay pinagki-kiss ko ang ulo nila isa't-isa.
"Ate Klarisse, namiss kita." Naka-pout na sabi ni Jovelle habang nakapulupot ang kamay niya sa tiyan ko.
"Ako rin po." Sabay naman sabi ng lahat.
"Kayo rin. Sobra ko kayong namiss." Nakangiting matamis sabi ko. Tumangkad at nagma-mature na sila ngayon. Tiyansa ko sampung taon na ang edad nila. Kasi last kasama ko sa kanila nag-eedad sila ng 5 to 6 years old.
Madami na sa kanila pinagbago ngayon. Para sa akin ba itong celebration? Sariling hirap ko lang pala ang surprise na'to. Pero okay lang 'yon. Happy ako dahil nakita ko rin yung mga chikiding na mga ito at mas happy ako dahil kinuhang scholar ni Ax sila. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya. Hindi niya nalilimutan sila at mahal na mahal niya ang mga ito.
Nagsimula na nga ang selebrasyon. Bago kumain, nagpalaro kami. Unang pinalaro namin ay Bring Me. Lahat sila ay na-enjoy halos nagtatawanan pa kami dahil nag-uunahan silang maghanap ng pinapahanap namin. Sunod naman ay Lemon Relay. Syempre kasali na kami ni Ax kasi hinila kami ng mga ito. Nasa bibig ni Ax ang kutsara habang bina-balance niyang hindi mahulog ang kalamansi. Pumaikot ito sa upuan at mabilis na pumunta sa amin. Nang sa akin na ipapasa niya, dahan-dahan niya pinasa iyon sa kutsara sa bibig ko. Pagkatapos ay dali-dali naglakad ako at kami ang last ni Crisanto. Kung sino mauna sa amin makarating sa base, sila na panalo. Kasamahang palad ang nanalo ang grupo nila Crisanto at kami kulelat.
"Yehey!" Sabi ng mga bata.
Tumawa na lamang kami.
Sunod naman pinalaro ay Stop dance. Ako ang emcee habang si Ax ang nagma-manage ng tugtog. Nang huminto ang tugtog, isa-isa ko itong nilapaitan at hanggang nahuli ko si Jovelle na gumalaw.
"Out." Natatawang sabi ko.
"Sayang." Nakangiti pa ring sabi ni Jovelle.
Natitira na lamang na naglalaban ay sina Charina at Paul. Medyo matindi ang laban nila at walang gumagalaw sa kanila kaya chinage namin ang rules. Pag walang tugtog ay sasayaw. Pag meron, stop sila. Sa huli, nanalo ay si Charina.
Binigyan ito ng regalo ni Ax na naka-balot pa gift wraft. Nagpasalamat naman ang bata sa kanya. Last na pinalaro na namin ay paper dance.
Isa-isa silang partner. Bigla na lamang hinila ako ni crisanto at hinila rin si Ax ni Jovelle at pinaglapit kaming dalawa.
"Bakit?" Takang tanong ko sa kanila.
"Kayo ang partner, Ate Klarisse." Sabi ni Jovelle sa akin.
"Dapat lahat tayo kasali." Dugtong ni Crisanto.
Nagtinginan pa kami ni Ax sabay umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang memakipagtingin, nahihiya at naiilang ako. Wala kaming magawa kaya pumayag ako.
Partner ni Crisanto ay si Paul. Si Charina naman kay Trisha. Allondra at Mira naman. Si Paul naman ay kay Jovelle. Syempre, kami naman partner ni Ax. Ano pa ba ilalaro e di paper dance. Ayaw ko ng paper dance. Basta ayaw ko! May sumpa 'to!
Ginamit naming papel ang coupon band na dito sa office ni Ax. Tuwang-tuwa pa ang mga bata nang isa-isa ko sa kanila binigay ang mga iyon. Nang may isang coupon band na natira, naiilang na napatingin ako kay Ax. Nahihiyang binigay ko sa kanya iyon at walang atubiling kinuha naman niya kaagad.
"Kuya Ax. Ate Klarisse. Ganito po rules natin. Pag naka-apak na sa papel magka-count tayo ng sampu. Pagkatapos ifo-fold naman natin yung papel. Kung sino matirang partner, sila panalo." Paliwanag ni Paul sa Rules ng laro.
"S-sige." Nautal na sagot ko.
Nagsimula na nga ang laro hanggang sa paliit na paliit na ang papel. Napasinghap pa ko nang ang papit ng katawan namin ni Ax at amoy ko na ang kanyang pabango. Napalunok pa ko ng laway at naiilang na tumingin sa ibang direksyon. Pareho kaming dalawa na nagkakailangan.
Finold ulit ang papel kung saan ang liit na at kailangan na buhatin ang isa. Walang ano-ano, nagulat na lamang ako na binuhat ako ni Ax. Nag-mistulang bagong kasal ang style namin. Nakapulupot ang kamay ko sa kanyang leeg at ang lapit na namin sa isa't-isa. Umapak na ulit si Ax sa papel at nag-count ulit.
Nahuli kong nakatingin sa akin si Ax. Sa tingin lamang niya sa akin para akong nahipnotismo na tilang hinihigop ako ng tingin nito na dahilan matulala ako rito. Doon ko ulit namalayan na tumitibok ng malakas ang puso ko. Nababaliw ako sa nararamdaman ko. Parang may kabayong naghahabulan sa puso ko. Bakit nakakabaliw ang tingin ni Ax. Parang may gustong malaman ang puso ko dahil parang may di alam ito na dapat malaman para mapanatag ito.
"Kuya Ax? Ate Klarisse?" Sabay tawag ni Jovelle at Trisha.
Napatingin naman kami dito na dahilan nahinto ang tinginan namin ni Ax.
"Tapos na yung count. Next level na." Kinikilig na sabi ni Crisanto.
Dali-dali naman ako bumaba ni Ax. Napatikhim na tumingin ako sa ibang direksyon at ganoon rin si Ax. Doon namin na-realize pareho ang nangyari sa amin kanina. Ang tanga ko!
"Yiieee!" Kantiyaw sa amin ng mga ito.
"T-tara na. Next level na ulit tayo." Nautal na sabi ko dito para matigil ang pangangantiyaw ng mga ito sa akin.
Mali kasi itong nila-loveteam kami ng mga bata. Kailangan ko ata sabihin sa kanila na magkapatid kami ni Ax. Mali kasi talaga e. Mabuti nalang pinutol ko na ang relasyon namin ni Ax noon. Kung hindi, nagdala kami ng kahihiyan sa pamilya namin.
Finold ulit ang papel. Ang ginawa ulit ni Ax, nag-bridal style ulit kami. Kung kanina dalawang paa nakaapak sa papel, ngayon ay isa nalang. Gusto ko na itigil ito at kailangan na namin magpa-out.
"Ax, magpa-out na tayo." Mahinang sabi ko sa kanya nang nagsimula palang ang count."Ang mas mahalaga na-enjoy ang mga bata." Sabi ko pa dito. Wala pa kasi naa-out sa amin.
"Sige. Basta may kondisyon." Sabi na lamang nito habang nakatingin sa akin.
"Ano?" Takang tanong ko sa kanya.
Umalis na ito sa papel saka naman natapos ang count. Binaba na ko nito saka nagsalita.
"Di ko na kaya. Bigat kasi ni Ate Klarisse nyo." Kunyare na palusot nito."Fold nyo na ulit. Kami na magka-count ni Ate nyo." Nakangiting sabi nito sa mga bata.
Kanya-kanya naman itong fold. Bahagyang lumapit ito at bumulong sa tainga ko halos napasinghap pa ako.
"Pagkatapos nalang sasabihin ko yung kondisyon." Sabi nito. Nakangiting pilyo na lumayo na ito sa pagkakabulong sa tainga ko.
Bigla naman akong kinalibutan sa sinabi nito. Ano kaya 'yon?
*/////
Nandito kami ngayon sa parking lot. Naghihintay na sa kanila ang susundo sa kanila. Uuwi na sila sa bahay ampunan at andito kami para ihatid sila sa sasakyan nila pauwi. Nag-unahan naman ang mga ito sumakay sa van na puti.
"Kuya Ax, next week po ba ulit balik kami dito?" Tanong ni Jovelle nang nakaupo ito sa driver seat kasama si Allondra.
"Oo naman. Dating gawain natin." Nakangiting sagot ni Ax.
"Yehey!" Masayang sabi ng mga ito.
"E Kuya Ax, di na po ba aalis si Ate Klarisse? Di na po niya tayo iiwan?" Sulpot na tanong ni Charina.
"Oo nga po." Sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Para akong tinusukan ng tinik sa puso at lalamunan ko. Nagkamali ba ako ng desisyon ko noon?
Tumingin si Ax sa akin. Hinihintay ko kung ano isasagot niya sa mga bata. Nakangiting bumaling ulit siya sa mga dito.
"Hindi na. Hindi na tayo iiwan ni Ate Klarisse."
"Yehey!" Masayang sabi ng mga ito.
"Sige na. Mag-aalas 6 na. Ingat kayo ah?" Sabi ni Ax sa mga dito."Manong Roger, ikaw na po bahala sa mga bata ah? Paki-kumusta nalang po ako kila Sister." Bilin nito sa driver.
"No problem, Sir." Nakangiting sagot naman ng driver.
Umalis na nga ang mga ito habang nagwi-wave ng kamay. Nang malayo na ang sinasakyan nila saka ko na binaba ang kamay ko.
"Sobrang namiss ka nila." Turan na lamang ni Ax habang nakatingin pa rin sa pinaglabasan nila.
Tumango ako."Namiss ko rin sila." Nang maalala ko ang kondisyon nito, bahagyang napakunot-noo na binalingan ko ito."Ano pala iyong kondisyon mo?" Tanong ko.
Tumingin naman ito sa akin. Umayos ito ng tayo para harapin ako.
"Gusto mo bang sumama sa akin?" Yaya nito.
"Saan?"
*/////
Nandito kami ngayon sa isang magandang bahay. May maliit na garden siya at pool. Mas lalong nakapansin sa akin ang mga sasakyan na nakaparada. Andito rin yung kotse ni Kuya Louis. O baka naman pareho lang ng kotse niya.
Pagkapasok namin sa loob, napa-wow ako dahil sa naggagandahang kagamitan sa loob. May living room silang malawak at may TV na malaki at flatscreen na pang-mayaman. Mga sofa na mamahalin at chandelier na halos nangingintab na parang diamante.
Nakita kong pumasok sa isang elevator si Ax. Sumunod naman ako dito. Baka sa taas ang party. Sabi kasi niya may pupuntahan daw siyang party at kailangan may kasama raw siya na kaibigan. Pumayag naman ako kasi akala ko mahirap yung kondisyon niya, easy lang naman pala.
Pagkabukas ng elevator, nagulat na lamang ako nang makita sila...
"Andyan na sila." Sabi ni Kuya Kieffer nang mapansin kami nito habang nakaupo parang sa isang counter na nasa bar. Bartender naman si Kuya Lloyd, sinasalinan niya ng alak sa baso si Kuya Kieffer. Nasa likod nito ay mga naka-display na iba't-ibang alak.
Nakita ko si Kuya Louis na napatigil sa balak na pagtira ng billiard habang kalaro niya si Kuya Brix na kakalagok lang ng alak sa maliit na baso.
Tuwing day off nila, dito ang tagpuan nilang magkakaibigan. Kumbaga, ito ang hide-out nila.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Fhem De Castro

    An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      1
  • avatar
    ChannelCedricca

    ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖

    28/04/2022

      0
  • avatar
    AgudaRhona

    thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘

    16/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata