logo text

Chapter 85: Direct Kiss

KLARISSE DEVELIA POV:)
"D*mn! Late na ko!" Turan ko nang magising ako.
Dali-dali na lumabas ako sa kwarto at tumungo sa ibaba. Isa lang kasi CR namin at sa ibaba naka-pwesto. Naabutan ko naman si Kuya na nag-aayos na ng damit sa harapan ng salamin. Papasok na din siya sa kanyang trabaho.
"Patay ka. Alas 9 na, late kana sa trabaho mo."
Di ko lang ito pinansin at tumungo lang sa CR para maligo.
"Sabay kana. Ihahatid na kita sa trabaho mo." Tawag at prisinta ni Kuya habang nasa labas siya ng pintuan.
"Salamat, Kuya." Sabi ko at dali-daling nagsapatos. Pagkatapos ay tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at tumakbo palabas ng bahay.
Sumakay kaagad ako ng kotse ni Kuya at umalis din kami kaagad. Di pa nag-iisang oras nasa harapan na kami ng building---ah? Alam ni Kuya saan ako nagtatrabaho?
"Ingat ka." Sabi nito nang pagkahinto ng sasakyan.
Takang tiningnan ko siya."Alam mo? Na...na dito ako nagtatrabaho?" Di makapaniwala na tanong ko dito.
"Ah?" Naituran nito."Ah, oo naman. Sinabi mo sakin isang araw." Sabi nito kaagad at tumawa na parang pilit lang.
"May sinabi ba ako?" Saad ko at inaalala kung may sinabi ba ako sa kanya. Bakit wala akong naalala na may pinagsabihan ako sa pamilya ko?
"Meron. Oh sya! Bumaba kana. Mali-late na rin ako sa trabaho ko." Sabi na nito.
Bumaba na nga ako sa kotse niya. Nag-wave pa ko ng kamay bago ito umalis. Nang makaalis mabilis na tumakbo na ako papasok sa building. Mabuti naabutan ko pang bukas ang elevator kaya mabilis nakarating ako sa destinasyon ko.
Pagkapasok ko sa office ni Ax, naabutan ko itong madaming ginagawa. Nang makita ako nito dali-dali naman ako humingi ng paumanhin sa kanya.
"Sorry, late ako." Sabi ko rito.
"Okay lang." Sabi lang nito at nagpatuloy ulit sa ginagawa.
Paupo na sana ako sa table ko nang may nag-ring nalang na cellphone. Dali ko naman kinuha sa bag pero hindi naman sa akin. Naisip ko kaagad na baka cellphone ni Ax iyon kaya agad ko siyang tinawag. Di ata niya namalayan na sa kanyang cellphone ang tumutunog dahil busy siya sa ginagawa niya.
"Ax." Tawag ko.
Bumaling naman ito sa akin."Hmm?"
"May tumatawag sayo." Sabi ko.
"Pwede pakikuha sa bag ko ang cellphone ko." Utos nito.
Lumapit naman ako dito. Kinuha mo sa bag niya ang kanyang cellphone at binigay dito. Sinagot naman niya iyon habang nasa mga papel siya nakatingin.
"Yes, Mom?"
"Nandito ako ngayon sa company. Nasa office mo ba ikaw ngayon?" Nasa linya ang mama niya.
Gulat na gulat nagkatinginan naman kami ni Ax. Bahagyang nataranta ako dahil pag makitang nagtatrabaho ako dito, patay ako.  Hate pa naman niya ako kaya alam kong hate pa rin niya ako ngayon.
"Oo, Mommy. Bakit?" Tanong nito sa kanyang ina.
"Papunta na ako sa office mo."
Nataranta naman ako pati si Ax. Dali-dali niya akong hinila at pinatago sa mesa niya. Saktong bumukas rin ang pinto at umayos kaagad ng upo si Ax at hindi nagpahalata. Ako naman, tahimik lang habang nagtatago sa ilalim ng mesa niya.
"Napadalaw kayo, Mommy. Bakit?" Nakangiting pungad kaagad nito sa kanyang ina habang kasama nito ang secretary niya na si Loren.
"Bakit? Bawal ko bang bisitahin ang anak ko?" Sabi nito habang minamasid ang paligid ng office. Napatingin ito sa table ko kaya bahagyang napataas-kilay ito."Bakit nandito 'to? Kaninong desk ito?" Takang tanong nito.
"Kay Loren, Mommy. Dami kasi inuutos ko sa kanya kaya pinalagyan ko muna siya ng pwesto dito." Paliwanag kaagad ni Ax na kinagulat naman ni Loren pero nakisama na lamang siya.
Bakit kasi dumating pa Mama ni Ax. Di ako prepare. Hayst! Di ko ugaling magtago sa ilalim pa ng mesa. Hayst!
Lumapit si Tita Margarette sa kinaroroonan ni Ax at nagsalita ulit."Di ka pa rin ba mag-aasawa? Magtu-thirty kana, wala ka paring anak. Gusto na namin ng tatay mo magkaapo." Pahayag nito.
"May oras para dyan, Mom." Sagot ni Ax at tumutok ulit sa ginagawa. Di sinasadya naisangga ng kamay ni Ax ang isang envelop at nahulog sa ibaba. Halos nagulat pa ako dahil sa harapan ko nahulog.
Kukunin sana ni Loren pero agad siya pinigilan ni Ax.
"No, ako na."
Bumaba nga si Ax para kunin iyon pero nagulat na lamang ako nang pagtingin ko sa kanya, dumampi ang labi niya sa mga labi ko na kinanlaki naman ng mga mata lo. Slow motion nang mangyari iyon at yung puso ko tumibok ng napakalakas halos mabaliw na ko sa nararamdaman ko. Para akong nanigas at di makagalaw.
Nang humiwalay ito sa pagkakahalik sa akin, ngumiti siya ng pilyo na mas lalong nagpabaliw sa sarili ko. Bumalik na ito sa pagkakaupo at nakuha na rin niya yung envelop.
Andito lang ako sa ibaba, tulala lang at di puma-process ng maayos ang utak ko. Para akong lumulutang sa ulap dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Natagpuan ko ang sarili ko na namumula ang mga pisngi ko at kinikilig.
Nang makaalis ang Mama niya pati ang secretary niya ay kaagad na lumabas ako sa pagkakatago at galit na hinarap siya.
"Bakit mo yun ginawa?" Galit na t.
anong ko.
"Alin? Yung itago ka sa mesa o itago kita may Mama? Alin diyan?" Nakangiting pilyo na saad nito.
"Hindi. Yung isa."
"Wala na ko maalalang ginawa ko bukod sa dalawang choices na yun." Pilyo pa rin na sabi nito at nakangiti na bumaling sa mga papeles.
"Ax!"
Tumawa lang ito.
Pagkapasok ko sa CR, dali-dali na pinunasan ko ng panyo ang labi ko. Nandidiri ako dahil hinalikan ako ng taong kadugo ko. Pero nagtataka ako bakit wala akong nararamdaman konsensya at diri sa ginawa ni Ax. Bakit gustong-gusto ko ang ginawa niyang paghalik sa akin?
"Gusto ko pa rin siya?" Naisaad ko nalang habang nakatingin sa sarili sa salamin."Hindi! Hindi! Hindi pwede." Umiling-iling na sabi ko at hinilamos ang mukha.
Tumunog naman ang cellphone ko kaya dali-dali na kinuha ko iyon sa bulsa. Nakita kong si Kuya Lloyd yung tumatawag. Sinagot ko naman iyon.
"Kamusta ang trabaho mo sa company ni Ax?" Tanong nito habang nandito kami sa isang restaurant. Niyaya kasi ako nito na sabay kami maglunch kaya pumayag kaagad ako.
"Paano nyo nalaman?" Takang tanong ko.
"Sinabi ni Ax." Sagot nito habang hinihiwa ang beef steak.
"Nagkakasama nyo pa rin si Ax?"
Tumango muna ito bago kainin ang beef steak.
Kaya ata nalaman ni Kuya kasi si Ax nagsabi sa kaniya. Halos mabaliw na ko sa kakaalala, yung hinayupak lang pala iyon ang nagsabi sa kanya. Hayst!
"Klarisse?" Turan nito sa pangalan ko.
"Hmm?" Tanong ko sabay kain.
"May nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?" Tanong nito na nagpahinto sa pagnguya ko.
Tulala ako nang bumalik ako sa trabaho ko. Mag-isa lang ako sa office ni Ax at tulala lang di makapag-isip ng maayos dahil sa mga pinag-usapan namin ni Kuya Lloyd. Di ko alam kung ano magiging reaksyon sa mga nalaman ko pero kailangan ko magpakatatag. Alam kong hindi pwede kaya doon ako sa tama.
Para malimutan at maiwasan kong mag-isip ng malalim, kinuha ko nalang yung isang Book na naglalaman ng schedule ni Ax at tiningnan kung may appointment ba siya bukas. Nang makita kong wala, kaya napagtripan ko tingnan yung mga dati niyang schedule. Nakita kong last month, nasa schedule niya na pumunta siya ng States sa araw na iyon at napakunot-noo na lamang ako nang makita ang araw na kailan siya umuwi ng pilipinas. Ito rin yung araw na umuwi rin ako ng pilipinas. Binalikan ko pa yung mga record niya at napansin ko every month pumupunta si Ax sa States pero umuuwi rin siya pagka-one week.
Binalikan ko lahat at mas nagulat ako sa rebelasyon. Unang punta niya sa states ay yun din yung time na nasa states na ako. Ayaw ko mag-isip pero parang may bumuong hinala sa isip ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng office. Pinuntahan ko naman kaagad si Lorie at tinanong siya.
"Palagi bang pumupunta ng states si Sir every month?"
"Oo. Di mo tiningnan yung record? Ipaalala mo kay Sir. Baka next week pumunta na naman siya." Malditang sabi nito at patuloy sa paglalagay ng foundation  sa mukha.
"Bakit siya pumupunta doon?" Tanong ko pa rin.
Nakataas-kilay na bumaling ulit ito sa akin."Para i-meet yung jowa niya. Ano ba? Puro tanong ka dyan. Bumalik ka na nga sa trabaho mo!" Pagsusungit nito.
Tulala na tumalikod ako dito. Di ko alam kung tama ba itong kutob ko pero alam ko sa sarili ko na...
"Bakit?"
Napatingin na lamang ako sa nagsalita. Tumayo sa pagkakaupo si Loren halos tumigil ito sa pag-aayos.
"Good afternoon, Sir." Nakangiting bati nito kay Ax.
"Bakit? May problema ba?" Sa halip sa akin siya nakabaling.
"W-wala." Nautal na sagot ko.
"Tara! May tatapusin tayo ngayon." Yaya na nito at sumunod na dito habang lutang pa rin ang isip ko.
Kanina pang malalim ang iniisip ko. Nakatingin lamang ako sa kamay kong pinaglalaruan ang ballpen. Di ko kasi maiwasang mag-isip. May bumubuong hinala sa akin pero mali pa rin kung mag-aassume akong totoo ang hinala ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?"
Naiangat ko nalang ang tingin ko at gulat na ang lapit ng mukha sa akin ni Ax. Nasa tapat siya ng desk ko habang nakapatong ang kamay niya sa aking mesa at yumuko para makaharap ako.
Nanlalaking mata na nakatingin lamang ako sa kanya. Medyo nagulat ako dahil kunting distansya nalang pwede na kami maghalikan.
"Wala. May naalala lang." Sagot ko rin sabay tingin sa ibang direksyon.
Mas lalo lumapit ang mukha nito nang balingan ulit ko nito. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Amoy ko na rin ang mabango niyang pabango. Ngumiti nalang siya ng pilyo na mas lalong nagpa-guwapo sa paningin ko.
"Di ka pa rin talaga nagbabago." Sabi na lamang nito pagkahiwalay sa akin.
"Ah?" Takang tanong ko. Ano tinutukoy niya?
Umupo ito sa table ko. Kumuha siya ng isang ballpen at pinaglaruan sa daliri niya. Halos binasa pa niya ang tatak ng ballpen ko.
"Alam mo, masaya ako para sayo." Makahulugang turan na lamang nito.
Takang napatingin naman ako sa kanya."Bakit?" Tanong ko.
"Sa kabila nang nangyari sa atin, madami nagbago sayo. Bukod nga sa gumanda ka pa ng lalo kundi...nag-mature na rin ang isip mo." Seryosong pahayag nito habang nakatingin lamang sa ballpen.
Di naman ako nakaimik bagkus nakatingin lamang ako sa kanya.
"Kaya iyan ang dahilan para mamiss kita." Sabi nito sanay tingin sa akin na kinagulat ko."Namimiss ko yung dating Klarisse na nakilala ko noon." Amin nito na dahilan nagpatigil sa akin.
Nakatingin lamang kami sa isa't-isa. Tumibok nalang ang puso ko at ramdam ko ito sa dibdib ko halos mabingi na ako dahil naririnig ko ang bawat pantig ng puso ko. Tila may gustong lumabas sa akin pero pinipigilan ko. Alam kong may nararamdaman pa rin ako sa kanya pero hindi. Kailangan ko itong pigilan.
"Anyway," Tumayo na ito sa pagkakaupo sa mesa ko."May meeting pala ako ngayon. Maiwan na kita." Nakangiting paalam nito. Binalik na nito ang ballpen ko sa pinagkuhanan nito saka ito umalis at naiwan akong gulat pa rin sa mga sinabi niya.
Bakit ganito? Limang taon na hindi kami nagkita, nandito pa rin siya sa puso ko. Akala ko wala na pero bakit gusto ng puso ko na kausapin siya at ibalik namin ang relasyon naming hininto ko noon? Alam kong mali pero bakit may side sa akin na balewalahin ang bawal na iyon?
Nagising na lamang ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Inaantok na kinuha ko kaagad ang cellphone sa night table habang nakahiga pa rin ako sa kama. Nakita kong si Ax lang pala ang tumatawag sa akin.
"Alas dos na ng gabi at bakit nanggigising siya. Di pa working hour ko." Naiiyak na sabi ko at sinagot ko iyon habang nakahiga pa rin at nakapikit.
"Tumingin ka sa labas ng bintana." Sabi nito.
"Ah?!" Bulalas ko halos napabangon pa ako sa higa. Tumayo naman ako at dumeretsyo sa bintana. Nakita ko naman si Ax na nakasandig sa kotse niya at nakatingin sa akin.
"Ang aga-aga pa ba't ngayon mo lang naisipan gumala ngayon? Sa totoo lang, inaantok pa talaga ako." Parang zombie maglakad na nakasunod lamang ako sa kanya.
Nandito kami ngayon sa Luneta Park. Ewan ko ba ano naisipan niya ba't sinama pa niya ako dito. Gusto pala niya mamasyal ngayon, ba't mandadamay pa siya? Kaya naman niya mag-isa, ba't kailangan kasama pa ko? Sana may bayad itong pagsama ko sa kanya. Gusto ko pa talaga matulog. Huhuhu!
"Di kasi ako makatulog." Sagot nito nang nauuna itong maglakad.
"Di ka pala makatulog, ba't nandadamay ka pa?!" Naka-pout na sabi ko.
"Masama kasi panaginip ko kanina kaya hindi na ako makatulog." Sagot niya at huminto ito. Naupo ito sa isang bench roon.
Naupo naman ako sa tabi niya. Nasa bulsa lang ng jacket ko ang mga kamay ko at ramdam ko ang lamig ngayon. Kakatapos lang kasi ng Christmas at syempre patunaw palang yung yelo kaya medyo malamig pa rin ngayon at mahangin.
"Alam mo nung panahon nasa States pa ako, pag nananaginip ako ng nakakatakot,  ang ginagawa ko tinitingnan ko ang mga picture namin nila Kuya. Tingin-tingin lang hanggang limot mo na yung pinaginipan mo. Syempre pag okay na ang isip mo, makakatulog kana ulit. Yun lang ginagawa ko noon kaya naka-survive ako doon." Seryosong kwento ko.
"Di bale, sa susunod na managinip ulit ako, iyon ang gagawin ko." Sagot ni Ax sa seryosong tono.
"Good. Yun dapat gawin mo. Teka, pinaginipan mo ba mga zombie? Aswang? Naku! Wag kang papaniwala na mangyayari yun. Di yun totoo."
"Hindi." Makahulugang sagot niya.
Takang napatingin naman ako rito."Aling hindi?"
"Hindi ang mga iyon ang napaginipan ko." Seryosong turan niya habang sa ibang direksyon ang tingin nito.
"Eh, ano?" Napakunot-noo na tanong ko sa kanya.
Seryosong bumaling siya sa akin kaya nagkatitigan kaming dalawa.
"Yung iniwan mo ko." Sabi nito na nagpatigil sa akin."Iyon ang nakakatakot na napaginipan ko."
Hindi ako makapagsalita at nagkatitigan lamang kaming dalawa. Para akong naputulan ng dila at hindi makapagsalita. Feeling ko nakokonsensya ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya noon. Ewan ko pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa mga ginawa ko na hindi niya deserving na mangyari iyon sa kanya.
Tumunog nalang ang cellphone ni Ax na dahilan na nagpahinto ng awkward na sistemang iyon.
"Excuse me." Paalam nito.
Naiwan akong napahawak nalang sa aking dibdib at hindi maiwasang matulala habang nag-iisip. Sobra akong natamaan sa sinabi niya at aminado akong nasaktan ako doon. Ginawa ko lang naman yun para sa ikakabuti ng pamilya namin at para rin sa amin.
Siguro alam na rin niya ano ang dahilan ko bakit ko siya iniwan noon. Sana naiintindihan niya iyon. Bahala na siya kung di niya maintindihan yun basta alam ko magkadugo kami at magkapatid kami.
Bumaba na nga ako ng kotse. Bago ko paman isarado ang pinto, may sinabi pa si Ax sa akin.
"Alas 10 kana pumasok mamaya. Saka wala ako maghapon sa office dahil pupunta ako ngayon sa Batangas dahil may aasikasuhin akong business. Ikaw na muna bahala sa office. Pag may naghahanap sa akin, sabihin mo nasa puso mo ko." Sa huli, pabiro nito. Magre-react sana ako nang unahan na ako nito."Joke." Nakangiting pilyo na dugtong kaagad nito.
Napaikot ko nalang ang aking mga mata."Ang OA mo talaga. Tsk!"
"O sya! Pumasok kana at matulog kana ulit." Nakangiting sabi nito.
Tumango na lamang ako. Sinirado ko na ang pinto ng kotse niya. Bago paman ako pumasok ng bahay, hinintay ko muna umalis ito.
Sa di kalayuan, nakasilip sa taas ng bintana si Louis at nakita niya ang lahat.
Nilapag ko na sa mesa ang mga natapos kong gawain. Nag-strength pa ko ng katawan dahil ramdam kong pagod na pagod ako ngayon. Pagkatapos tiningnan ko ang schedule ni Ax na nasa notebook. Napakunot-noo ako sa nakita at nabasa.
" FUNding." Basa ko. Bukas na kasi ang naka-schedule itong bonding. Nagtataka naman ako kung ano bukas gagawin ni Ax. Siguro may family bonding sila ng family niya? Siguro nga.
Tama! Para sure ako dapat tanungin ko muna kay Loren. Lumabas naman ako ng opisina at dumeretsyo sa table ni Loren. Nakita kong abala ito sa salamin habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.
"Ma'am." Tawag ko sa mahina at magalang na boses.
"Yes?" Nakabaling lang sa salamin na saad nito.
"Bukas ang schedule ni Sir Ax ay Fun...ding? Ano kaya po ito? Hehehe." Nahihiya pang tanong ko dito.
Nakataas ang isang kilay na bumaling ito sa akin at sinara ang make up foundation.
"Oh my god! Di mo alam?" Maarteng sabi nito at tumawa.
"Syempre, di ko alam. Magtatanong pa kaya ako kung alam ko? Tsk!" Sa isip kong turan. Syempre di ko sinabi baka kasi uminit lalo ulo nito.
"Pupunta bukas ang mga scholar ni Sir dito. Bumili ka ng dalawang cake kasi nakapa-importante iyon pero bahala kana ano pang bibilhin mong pagkain. Basta kaw na bahala, alam mo na yan." Paliwanag nito at bumaling ulit sa salamin at naglagay ulit ng foundation sa mukha.
"Parang may simpleng salo-salo dito?" Tanong ko pa rin.
"Ulit-ulit? Napaliwanag ko na di ba?" Supladang sabi nito sa akin.
"Ahh. Salamat." Sabi ko nalang. Tatalikod na sana ulit ako nang tawagin ulit ako nito.
"Sandali lang." Pigil nito.
Napabalik naman ako."Wag na wag kang sasali sa sa kasiyahan nila bukas dahil hindi ka welcome doon. Sila lang ni Sir at scholar niya ang doon sa loob. At ikaw, sito ka sa labas. Mga anak na rin ni Sir iyon kung ituring kaya gusto niya sila-sila lang sa loob magkaka-bonding. Okay?" Bilin pa nito.
"S-sige po." Sagot ko naman.
"Okay." Maarte pa rin na turan nito at nagpatuloy na sa pagpapaganda nito.
Nag-iisip na ako kung ano kayang ipe-prepare kong pagkain para bukas. Di ko alam kung ilang scholar na pupunta dito. Siguro scholar ito ng company nila. Tumutulong rin sila sa mahihirap kaya at may malasakit rin sila sa mamamayan. Kaya siguro sikat ang company nila dahil tumutulong rin sila sa mahihirap.
Pagkaupo sa desk nagsimula na ko magsulat ng mga plano ko para bukas.
Maaga akong pumasok ngayon. Dapat alas 8 andito na ko pero inagahan ko ang pagpasok ko. Alas 6 palang ng umaga nandito na ko sa office, nag-aayos ng table habang katulong ko si Gio na nilalagay na sa mesa ang mga pagkain. Kagabi kasi chinat ko na si Gio kung pwede tulungan niya ako para dito at pumayag naman siya. Alam na rin niya na nagtatrabaho ako kay Ax.
Anyway, ako pala nagluto ng mga pagkain. Kaysa umorder kahit kanino bakit di nalang lutuin ko? Atleast safe pa at siguradong malinis pa pagkakagawa. Mas prefer ko kasi na luto ko ihain sa handaan kaysa luto na inorder lang sa labas.
"May ipapagawa ka pa ba sakin?" Tanong nito nang mailapag na sa mesa ang mga pagkain.
"Wala na. Salamat, Gio ah?" Pasalamat ko dito.
"Wala yun. Ikaw pa." Nakangiting sabi nito.
"Sige na. Pumasok kana sa trabaho mo baka ma-late ka pa."
"Sure ka nang kaya mo na?" Paninigurado pa nito.
"Oo. Kaya ko na 'to." Nakangiting sagot ko.
"Sige. Bye and good luck." Nakangiting matamis pamamaalam nito.
Nang makalabas na ito ng opisina, humarap ulit ako sa lamesa na naglalaman ng pagkain. Iniisip ko kung anong kulang pa dahil nase-sense mong may kulang pa sa hapag-kainan.
Narinig ko nalang nag-vibrate ang cp ko at dali ko iyon kinuha sa bulsa ko.
From: Sir Ax
    Bakit ang aga mo pumasok?
Nagulat naman ako dahil sa text ni Ax. Paano niya nalaman na maaga akong pumasok? Wag mong sabihin....
Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang mapatingin sa CCTV.
"He's watching me..." Turan ko na lamang sa mahinang boses. Jusko! Nakakatakot. Stalker ko ba siya? Bakit binabantayan niya ako?
Nag-vibrate ulit ang cp ko at binasa ko ang mensahe ni Ax.
From: Sir Ax
     Sinabi sakin ng Kuya mo na maaga kang pumasok. Bakit?
Napabagsak balikat na lamang ako sa nabasa. Akala ko stalker ko siya, hindi pala. Medyo assuming  ako. Sorry. Hehehe.
Magre-reply sana ako ng nagulat ako na mag-video call si Ax halos muntikan ko nang mahulog ang cp ko mabuti nasalo ko kaagad. Tarantang sinagot ko naman.
"Bakit?" Tanong ko.
"Papunta na ko dyan. Wag ka dyan aalis." Sabi nito at nakita kong sumakay na ito ng elevator.
Nataranta naman ako at hindi alam ang gagawin. Para akong tanga na palibot-libot sa loob at hindi alam kung sasalubungin ba ito, magtatago o magpapakita na busy ako. Dahil sa katarantadahan ko, bumukas na lamang ang pinto na dahilan napilok ako at napasubsob sa sahig.
Nakita ko namang takang nakatingin ito na makita ako na ganito ang sitwasyon ko.
"H-hello?" Nautal na bati ko habang nakadapat sabay taas ng kamay at bahagyang winave ang kamay.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Fhem De Castro

    An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      1
  • avatar
    ChannelCedricca

    ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖

    28/04/2022

      0
  • avatar
    AgudaRhona

    thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘

    16/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata