Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 83: First day with my new Boss
KLARISSE DEVELIA POV:)
"Andyan na si Sir." Sabi na Esthera sabay tayo. Nakita ko namang nagsitayuan rin ang mga katrabaho ko kaya tumayo na rin ako.
Napalingon na lamang ako sa kinaroroonan ng pintuan nang makita ang mga taong papasok doon. Tila tumigil ang mundo ko nang makita ang taong pamilyar aa akin.Para akong nabunutan ng tinik ng makita siya ulit. Matagal na panahon huli ko siyang nakita at ngayon, ang dami na niyang pinagbago. Isa na roon lalo siyang gumuwapo at napaka-professional na niyang kung tignan. Napaka-maskulado na ng katawan niya at mas lalong nag-mature ang looks niya pero pag titingnan mo ng matagal, ang bata pa rin niyang tingnan.
Sandali! Ano ginagawa niya rito? What?! Wag mong sabihin...
"Good morning, Sir Ax." Bati ng mga katrabaho ko. Samantala ako nakatikom lang ang bibig at nanlalaki mata na nakatingin rito.
"Siya ang boss natin. Guwapo di ba?" Kinikilig na mahinang sabi ni Esthera sa akin.
Mas lalong gumuho ang mundo ko sa nalaman.
"Hindi pwede 'to..." Sa loob-loob kong sabi.
Tumigil sa harap ng desk ko si Ax at seryosong mukha na humarap ito sa akin na dahilan nagpabalik sa sistema mo.
"Klarisse Develia, right?" Napaka-guwapong boses turan nito habang may ngiting pilyo na lumabas sa kanyang labi. Hindi ako makaimik, bagkus gulat na gulat lamang ako na makita siya ulit. "Nice to see you, again." Nakangiting turan nito.
Gulat naman nagtinginan naman ang lahat sa akin at nagbubulong-bulungan pa sila.
"A...a...a-ko din." Di matuloy-tuloy sa wakas nasabi ko rin. Ramdam ko ang kaba at panginginig ng boses ko. Gusto ko umalis pero pinang-uunahan ako ng gulat at pagkataranta nang makita siya ulit.
"Sir, may meeting po kayo ngayon kay Mr. Lopez. Nasa meeting room na raw po siya !ngayon." Pabulong na sabi ng babae rito. Siguro sekretarya niya ito. Mas uminit amg ulo ko nang pagmasdan ang sekretarya niya. Maganda, malaki hinaharap at sobrang sexy. Di lang iyon, makapal ang make up na kunti nalang mang-akit na ito sa ganda ng make up nito.
Ang babaero pala talaga niya! Tsk!
"Anyway, punta ka sa office ko after lunch. Madami tayong pag-uusapan." Nakangiti pa rin na sabi nito sa akin at umalis na ito kasama ang sexy niyang sekretarya.
Naiwan akong nakataas-kilay habang nakatingin sa kanya papaalis. Oo nga, may pinagbago rin siya. Puro babae ang employee niya dito at maganda at may hinaharap din tulad sa sekretarya niya. Napaghahalataan na mahilig na siya sa ganoong klaseng babae. Mukhang ako lang naiiba dito at naliligaw.
Pagalit na naupo na ulit ako na agad naman nagtanong sa akin si Esthera.
"Kilala mo si Sir?!" Bulalas nito.
Tumango ako sabay baling sa computer at sinimulan na ang trabaho ko.
"Paano?" Bulalas pa rin nito.
Naalala ko nalang ang ibang alaala namin ni Ax na agad ko naman hininto iyon sa pamamagitan ng pagpikit ng mata. Para mahinto ang pagbabalik alaala ko sa nakaraan naming dalawa.
"Kaibigan siya ng Kuya ko." Sagot ko pagkadilat ko ng aking mga mata at nagsimula nang mag-type.
"So, nakapasok ka dahil backer mo ang Kuya mo?"
Sabay lingon ko nalang sa aking likuran at nakita kong nakatayo ang tatlong katrabaho ko. Naka-cross arms ang mga ito habang nakataas-kilay. Dama ko ang mala-maldita nilang ugali ngayon.
"Hindi. Nag-apply talaga ako. Di ko alam na may-ari ito ng kaibigan ni Kuya---" Di ko na natuloy pa ang pag-explain ko nang marinig ang boses ng sekretarya ni Ax.
"Klarisse Develia?" Tawag nito.
Tumayo naman ako sa pagkakaupo at kinaway ang kamay. Nagsibalikan naman ang katrabaho ko sa kani-kanilang desk.
"Yes, Ma'am? I'm Klarisse Develia po."
Tumaas bigla ang kilay nito nang tignan ako nito. Pa-sexy naglakad na tumungo ito sa kinaroroonan ng disk ko habang naka-cross arms at nakataas-kilay. Pagkaharap, tiningnan ako nito baba hanggang taas.
"Ba-bakit po?" Nautal na tanong ko rito.
"Timplahan mo raw si Sir ng kape." Sabi nito na kinalaki kaagad ng mata ko.
"P-pero..." Wala yun sa kontrata ko ah?
"Bago yun, bumili ka raw ng brownies sa binibilhan raw niya. Wag na wag kang bibili ng ibang brownies dahil kilala ni Sir ang lasa ng brownies na gusto niya. Ito ang address, diyan ka bumili ng brownies." Sunod-sunod na sabi nito at tinapon lang nito ang papel.
Dahil kailangan kong magbait-baitan kaya kinuha ko iyon sa sahig. Mahirap na makahanap ng kaaway rito. Baguhan pa naman ako baka pagka-isahan pa nila ako. Hayyy.
Plastic na ngumiti na lamang ako rito."Opo."
Ano magagawa ko? Di naman ako pwede magreklamo. Dapat inalam ko muna kung sino nagmamay-ari ng kompanya na ito. Bakit naman kasi nagpa-oto ako. Lahat pala kagagawan ni Ax? Naghihiganti ba siya sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya? Mukhang magiging impyerno ang buhay ko rito.
*/////
Tiningnan ko muna ang pangalan na nasa papel bago bumaling ulit sa shop. Sinigurado kong tama nga ang pinuntahan ko. Nang ma-confirm na oo nga, pumasok na nga ako. Tumingin pa ko sa mga naka-display na mga cakes at tinapay. Di nagtagal nahanap ko rin yung brownies na pinabibili ni palakol sa akin.
"Itong bownies nga po." Sabi ko sabay turo nga. Nagulat na lamang ako nang makita ang pamilyar sa akin.
Bahagyang nanlaki mata rin ito nang makita ako. Ano ginagawa niya rito? Nagtatrabaho siya rito? Akala ko...
"Okay, Ma'am." Sabi nito at dali-dali kumuha ng paper bag para ilagay doon ang inorder ko. Kumilos ito na tila hindi ako kilala o nakilala. Feeling ko nahihiya siya sa akin dahil nakita ko siya na nandito at nagtatrabaho dito. "Ito na po, Ma'am." Sabi nito na di makatingin sa mga mata ko.
Bago ko man kunin sa kanya, tinitigan ko pa rin siya na saka naman ito nakitinginan sa akin. Bakas sa mukha nito ang hiya at pagkailang.
"Kamusta kana pala?" Tanong ko habang kumakain kami. Nandito pa rin kami sa shop, niyaya ko muna siyang kumain at mabuti breaktime niya.
"O-okay lang naman." Namaos na sagot nito at agad na uminom ng juice.
"Kailan ka pa nagtatrabaho rito?" Tanong ko pa rin kay Cassandra. Alam ko kasi mayaman siya kaya impossible na nagtatrabaho siya rito.
"Last year palang." Nahihiya pa ring sagot nito pagkalapag ng inumin."Kung nagtataka ka bakit nagtatrabaho ako ngayon, nalugi ang kompanya ni papa. Dahil sa stress ni Papa namatay siya at nawala na ang lahat sa amin." Kwento na lamang nito habang nakatingin sa kamay niyang pinaglalaro ang daliri.
"Yung mama mo?" Tanong ko pa rin. Naaawa ako sa nangyari sa kanya. Masakit mawalan ng minamahal.
"Hindi ko siya ina. Bago paman ikasal sila, may una nang naging asawa si Papa at ako bunga nila. Namatay ang tunay kong ina kaya napangasawa ni Papa yung tinuring kong ina. Pero inabando na niya ako pagkamatay ni Papa kaya mag-isa akong bumubuhay sa sarili ko." Madamdaming kwento nito.
Nalungkot naman ako sa narinig. Kahit di maganda ang nakaraan namin, tinuring ko pa rin siyang kaibigan at siya pa rin si Cassandra na mabait na nakilala ko noon. Masakit para sa kanya na ganyan sinapit na niya ngayon.
"Wag kang mag-alala. Di ko naman napapabayaan ang sarili ko. Masaya ako sa trabaho ko ngayon." Baling nito sa akin at bahagyang ngumiti para ipakita na totoo ang sinasabi niya.
"Si Emma?" Tanong ko.
Natigilan naman ito pero dali-dali naman itong kumain ng cake. Feeling ko may nangyaring di maganda sa pagkakaibigan nila kaya hindi siya makapagsalita at hirap siya magkwento.
"Sige, ah? Alis na ako. May trabago pa kasi ako, napag-utusan lang bumili rito." Nakangiting paalam ko pagkalabas ng shop.
"Ingat ka." Nakangiting sabi nito nang samahan pa ko sa labas. May tumigil naman na taxi sa harapan namin.
"Tawagan mo nalang ako pag kailangan mo ko ah?" Nakangiting sabi ko pagkasakay ng taxi.
"Sige." Nakangiting sagot nito.
Umalis na nga ako. Di ko maiwasang isipin si Cassandra. Di ko ma-imagine na mangyayari iyon sa kanya. Gusto ko siyang tulungan pero di ko alam kung papaano. Binibigyan ko siya ng pera kanina bilang tulong kaso hindi niya tinanggap. Ano ba dapat kong para makatulong sa kanya?
*//////
Papasok na sana ako sa office ni Ax nang agad na tinawag ako ng sekretarya.
"Hep! Hep!"
Napalingon naman ako.
"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang inip na inip na si Sir sa kakahintay sayo?" Masungit na sabi nito kaagad pagkalapit.
"Sorry po. Na-traffic kasi ako---"
Pinutol naman kaagad nito ang sasabihin ko. "Alam mo bang yang binili mo para sa girlfriend niya?" Nakataas-kilay na sabi pa rin nito.
"Girlfriend?" Saad ko sa isip.
"Oh sya! Akin na yan." Sabay lapat ng kamay. Binigay ko naman ito dito."Bumalik kana sa desk mo at magtrabaho kana ulit." Utos nito at saka na ito pumasok sa loob.
Naiwan akong nakatingin lamang sa pinagpasukan nito. Ewan ko pero medyo gumulo utak ko ngayon dahil sa nalaman ko. Sa limang taon na wala ako, nakahanap na rin siya ng pamalit ko.
Ano ba? Dapat masaya ako sa kanya, bakit nasasaktan ako.
Tumalikod na ako at dahan-dahan hinahakbang na ang paa. Di pa ko nakaka-tatlong hakbang lumabas nalang SA office yung sekretarya ni Ax at tinawag ulit ako nito.
"Sandali!" Tawag nito.
Takang napatingin naman ako rito.
"Gusto ni Sir na ikaw umabot nito sa kanya." Sabi nito.
Tiningnan ko naman ang hawak nito balik ulit sa mukha niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napamangha ako sa ganda ng office ni Ax. Di lang dahil maganda siya, kundi ang lawak niya. Saka ang ganda pa ng ambiance. Di pa ko nakaka-tatlong hakbang natigilan naman ako sa nasaksihan. Nakita kong nakaupo ang isang babae sa lamesa ni Ax habang nakatayo naman si Ax sa harapan nito at naghahalikan sila. Para lang akong nanonood ng SPG na pelikula sa ginagawa nila.
Nang mapansin ako ni Ax dali-dali naman tumalikod para umiwas ng tingin sa kanila. Umayos na nga sila at naupo na si Ax sa seat niya, samantala yung babae nakatayo lamang sa gilid nito at pa-kunyare kinuha ang isang libro at nagbasa. Ito na ata yung girlfriend niya ngayon. Maganda at malaki hinaharap.
"Lumapit ka." Sabi ni Ax sa akin na nagbabaliw na naman sa sistema ko.
Naiilang na lumapit naman ako dito at di ako makatingin ng deretsyo sa kanya. Binigay ko naman dito ang binili ko. Nang tumama ang mata namin ni Ax agad na umiwas ako ng tingin. Ramdam kong umiinit ang pisngi ko. Ba't nakakaakit kasi ang tingin niya. Tusukin ko mata niya e, masyado mapang-akit.
"Sure kang binili mo ito sa address na binigay ko?" Paninigurado ni Ax habang tinitingnan ang brownies na nasa box.
"Oo." Sagot ko.
Tiningnan naman nung babae---isteh girlfriend ni Ax yung brownies.
"Pahingi." Sabi nito at tangkang kukuha sana nang pinalo ni Ax ang kamay nito."Ouch!" Turan nito habang sapo ang kamay na pinalo nito.
"Paki-bigay kay Tita. Sabihin mo pinabibigay ko." Suplado na boses na sabi lang nito pagkasarado ng box.
Takang napatingin naman ako rito. Akala ko ibibigay niya ito sa girlfriend niya? Bumili pa ko, pan-regalo lang pala niya kay Mama. Bakit ako pa inutusan niyang bumili e pwede naman sya? Punyeta naman oh!
Dahil ayaw kong humana pa ang usapan na ito, kinuha ko na iyon sa kanya at umalis. Ayaw ko kaya magbigay sa kanya ng manners. Di niya deserving ang pagiging magalang ko. Tsk!
"May tatapusin ka ngayon. Nasa table mo na ang mga gagawin mo." Sabi lang nito.
Di pinansin lumabas na nga ako ng office niya.
"What?!" Bulalas ko nang makita ang tampak na folder na nasa desk ko."Seryoso? Ito kadami ang tatapusin ki ngayon? Joke na 'to?!" Di makapaniwala bulalas ko.
"Gawin mo nalang. Puro ka satsat dyan." Sabi ng mga katrabaho kong galit sa akin.
Walang magawa naupo na lamang ako. Nakasimangot kumuha ng folder at binasa. Mabilis na lumapit si Esthera sa akin habang sakay sa swivel seat niya at may sinabi sa akin.
"Ngayon lang si Sir naging ganyan sa employee niya at ikaw yun." Sabi nito.
"Talaga? Ako lang?"
Tumango naman ito.
Para tuloy ako nabagsakan ng mga lupa. Mukhang walang uwian ako ngayong araw. Bukas dapat raw tapos na 'to. Pwede pa ba mag-resign? Gusto ko na umuwi samin!
"Good luck!" Sabi lang ni Esthera sa akin at bumalik na sa desk niya.
Sinimulan ko na nga ang trabaho ko. Mukhang busy ako ngayong unang araw ng trabaho ko.
*/////
Nandito ako sa labas ng building, naghihintay tumila ang ulan. Bakit pa kasi umuulan, hirap tuloy makahanap ng sasakyan. Balak ko kasi mag jeep muna ako kasi nagastos ko kanina yung pera ko. Pamasahe ko kasi kanina pambili nung pinabibiling brownies nung lintik na lalaking iyon. Yung sakayan na jeep pa naman doon pa sa dulo kaya hihintayin ko muna tumila ang ulan.
"Sabay kana samin. Ihahatid kana namin sainyo." Sabi ni Esthera nang dumating na yung asawa niya. May asawa na pala siya at isa na anak nila. Maaga kasi raw siya nakapag-asawa.
"Wag na. Susunduin naman ako ng Kuya ko. Hehehe." Pagsisinungaling ko. Nakakahiya kasi sa kanila lalo na't kakakilala ko lang kay Esthera.
"Sure ka?"
"Sige na. Umuwi na kayo baka hinihintay na kayo ng anak nyo." Nakangiting sabi ko.
Pagkasuot ng helmet ni Esthera, sumakay na ito sa motor ng asawa niya."Ingat ka ah?" Sabi nito sa akin pagkasakay. Pareho sila ng asawa niyang naka-raincoat. Kung sasakay man ako sa kanila, kawawa ako kasi sila lang naka-raincoat. Mabuti nang maghintayin ko nalang tumila ang ulan.
"Sige. Kayo rin."
Umalis na nga ito at ako nalang naiwan na employee rito maliban sa security na nagbabantay dito. Nakatayo lamang ako at hinihintay na tumigil ang ulan nang may tumigil na lamang na itim na kotse sa harapan ko. Dahan-dahan bumaba ang bintana sa backseat at tumambad doon si...
"Sumakay kana. Ihahatid kita sainyo." Malagong ang boses na turan ni Ax.
"Ayaw ko." Matigas na sagot ko kaagad. Mataray na tumingin ako sa ibang direksyon.
"Wag mong hintayin na hilahin kita papasok dito." Pagbabanta na sabi nito.
Hindi ako sumagot bagkus nakatingin lamang ako sa ibang direksyon. Takang lumabas ito sa kotse nito habang nakapayong. Nagulat na lamang ako nang hilahin ako nito papunta sa kotse niya.
"Ano ba?!" Pasinghal na sabi ko dito.
Binuksan nga nito ang pintong nilabasan niya."Pasok." Sabi nito. Ayaw ko sana kaso tinulak ako nito papasok kaya napasubsob ang mukha ko sa upuan."Usog." Supladong sabi nito.
"Wait lang!" Inis na sabi ko at umayos ng upo. Pagkaayos ay pumasok na din ito. Kaming dalawa lang dito sa backseat samantala yung driver naman niya sa unahan.
"Alis na po tayo, Kuya Rudy." Magalang na sabi ni Ax rito.
Tahimik na umandar na nga ang kotse.
Wala pang kalahating oras nakarating na kami sa bahay. Bago paman ako buksan ang pinto may sinabi pa si Ax.
"Paki-kumusta nalang ako kay Tita." Sabi nito.
Tumango lamang ako. Wala ako sa mood magsalita lalo na siya ang kausap ko. Nakakawalang gana kasi.
"Matulog ka ng maaga ah? May gagawin ka ulit bukas." Tono na tila nagbabanta na sabi nito.
Kunot-noo na tinignan ko lamang siya. Masungit na binuksan ko na nga ang pinto at bumaba sa mabaho niyang kotse. Oo, mabaho. Amoy ko yung pagiging babaero ni Ax. Siguro iba na naman ang kahalikan niyang babae bukas. Sure na yan.
Pagkapasok ko sa gate ng bahay namin, saka naman umalis na sila Ax.
*/////
"Ah?! Ba't lalong dumami? Sure kang sa akin 'to?!" Bulalas ko sa gulat nang tumambad sa akin ang madaming folder.
"Gusto mong dagdagan yan ni Sir?" Pasinghal na sabi ni Lorie, sekretarya ni Ax.
"Joke lang." Sabi ko kaagad.
"Rerekla-reklamo pa 'to! Gagawin din naman pala. Tsk!" Masungit sabi nito at pailing-iling na umalis na nga ito.
Naiwan akong tambak na naman sa trabaho. Mabuti pa yung mga katrabaho ko, kunti lang gawain nila samantala ako---oh my god! Parusa ba niya ito sa akin?
May naglagay na naman sa harapan ko na mga folder na nagpalaki ng mga mata ko. Mas nadagdagan na naman ang trabaho ko. Dahil sa gulat, di ko na nasubukan pang makapagsalita. Nakabuka lang ang bibig ko habang nakatingin sa madaming folder.
"Pinapadagdag ni Sir." Sabi ng isang janitor na inutusan dalhin iyon dito. Umalis itong kakamot-kamot sa ulo samantala ako natulala lang habang nakatingin sa tambak na gawain ko.
Jusko, Lord! Pwede bang kunin mo na 'ko? Mamamatay lang naman ako ngayon sa daming gawain na ito. Pwedeng unahan mo na? Please?
Di ko pa nakakalahati ang gawain ko, tinawag na naman ako ng sekretarya ni Ax. Tinatawag raw ako ni Ax kaya inis na pumasok ako sa office nito. As usual, ibang babae na naman kalandian nito. Inutusan niya akong mag-timpla ng kape niya e pwede naman ipa-timpla sa masungit niyang secretary. Bakit sakin pa?
Walang magawa tinimplahan ko nga ito ng kape. Babalik ulit ako sa trabaho ko, paupo na ako sa desk ko nang tinawag ulit ako ni Ax. Nagpipigil sa inis tumayo ulit ako at pumunta dito.
Inutusan niya akong bumili ng milktea ng babae niya. Dahil kailangan magtiis kaya sinunod ko naman utos nito. Dala ko ang milktea nang nakita kong sira raw yung elevator kaya walang magawa, nag-hagdan na lamang ako. Pagod na pagod na ako halos napapahawak na ko SA railings ng hagdan. Naalala ko ang sinabi ni Ax. Dapat 10 minutes madala ko na daw yung milktea. Pag hindi, dadagdagan raw niya ang gawain ko. Nang makita kong 2 minutes nalang natitira, kumaripas ako ng takbo at hindi ko na ininda ang pagod.
Pagkarating sa office niya, hingal na hingal nilapag ko sa table niya yung milktea. Naabutan ko naman siyang nakaupo SA swivel habang nasa harap ng kompyuter habang nakaupo sa lap niya yung babae niya at nakapulupot pa ang mga kamay nito sa leeg niya. Ang laswa nilang tingnan saka nakaka-diri sila.
"Ito na." Hinihingal na sabi ko.
"Thank you." Sabi lang nito habang nakabaling lang sa ginagawa nito.
Lumabas na nga ako sa office niya. Pagkaupo ko sa desk, agad ko naman pinagpatuloy ang naudlot kong trabaho. Abala ako sa ginagawa ko, napatingin na lamang ako sa milktea na nasa harapan ko. Takang tiningnan ko naman yung di kilalang tao na naglagay niyon. Nakita kong si Ax iyon habang hawak naman niya yung isang milktea na binili ko sa labas.
"It's my treat." Makahulugang sabi nito at umalis na ito habang sumisipsip ng milktea gamit ang straw.
Naiwan akong taka-taka at litong-lito habang nakatingin lamang sa kanya pabalik sa office niya. Nakita naman iyon ng mga katrabaho ko kaya nagsimula na ang chismis sa loob ng office. Nakita kong may nakadikit na sticky note sa milktea at binasa ang nakasulat.
"Smile always." Sa isip kong basa tapos may smiley face pa kasabay.
Di ko alam pero natagpuan ko nalang ang sarili kong kinikilig.
Kinabukasan ganun pa rin nangyari. Tambak pa rin sa trabaho. Utos dito, utos doon. Ganun pa rin ka-busy ako ngayon at naiinis na ko kay Ax. Laman na ng chismis dito sa office ako. Sabi nila, nilalandi ko raw si Ax. May iba naman na nagpapansin raw ako dito. Ano pa ba magagawa ko? Di mawawalan ng chismosa sa mundo.
Abala ako sa harap ng computer nang marinig ang boses ng sekretarya ni Ax.
"Miss Develia." Tawag nito.
"Ano po iyon?" Magalang na tanong ko dito. Kakainis! Madami pang tatapusin ko. Madami kasi binigay sakin ng lalaking iyon. Halatang pinapahirapan talaga niya ako!
"Pinapapunta ka ni Sir sa office niya. May sasabihin lang siya sayo." Sabi nito.
"Na naman?!!" Halatang naiinis nang sabi ko. Lumukot nalang mukha ko sabay napakamot-kamot sa ulo. Kunti nalang sasabog na ako sa inis sa Boss ko ngayon.
"Bilisan mo raw kung hindi dadagdagan raw ni Sir yang gagawin mo." Pagwa-warning pa nito.
Tumayo kaagad ako."Oo, ito na po!" Sabi ko at nagmamadaling pumuntang office ng Boss kong unggoy.
Panigurado, pag-uusapan na naman ako ng mga ka-trabaho ko dito. Masyado pa naman silang judgemental. At alam ko pagkaka-piyestahan na naman nila ako. Masyado silang chismosa at sanay na ako na ako ang pinag-uusapan nila araw-araw.
Wala namamagitan samin ni Ax ah?! Wala akong feelings sa kanya. Wala na akong nararamdaman sa kanya. At di ko na sya magugustuhan pa!
Kumatok muna ako bago pumasok. Naabutan ko naman itong nakaupo sa swivel patalikod habang nakatanaw sa labas.
Napapaikot ko nalang ang aking mga mata habang papalapit ako sa kinaroroonan nito.
"Nandito na po ako, SIR." Diniin ko pa ang salitang 'Sir' para ramdam niya na naiinis na ako sa kanya.
Umikot naman ito hanggang nakaharap na siya sakin. Nakangiting nakakaloko siya nang makita ako.
"Good afternoon, Ms. Develia." Nakakainsulto ang ngiti sa mga labi niya na bati nito na may tono pang pag-iinsulto.
"Ano na naman ba kailangan mo?!!" Pa-supladang tanong ko dito halos tumaas na ang kilay ko.
Nakaka-badtrip na siya ah?! Siya kaya ang dahilan ba't ako nandito ngayon. Umiiwas na nga ako pero gusto pa rin niya ako inisin. Letche sya!
"Ba't parating mainit ang dugo mo sakin? Wala naman akong ginagawa." Natatawang sabi nito.
"Whatever!" Mataray na sabi ko sabay pa-ikot eyeballs."Bakit mo ba ako pinatawag ah?! Dahil sayo, ako na naman laman ng balita sa building mo! Tsk! Ano na naman ba kailangan mo?! Sige! Dagdagan mo pa pinapagawa mo sakin dahil sa susunod na susunod, aalis na ko dito! Magre-resign na ko!" Matigas na sumbat ko dito.
"Ops! Kailangan mo matapos ang 5 years contract mo dito." Pilyo na turan niya.
"Ikaw ang dahilan ba't 5 five years pa ko dito! Wait lang! Ano ba yan na contract na contract na yan?! Wala na yan sa panahon ngayon pero sayo uso pa rin! Mukhang ako lang may contract na ganito dito ah?! Iniinis mo ba talaga ako, Lance Maximo Rezalde?!!" Naiinis nang pahayag ko dito pagkatapos napakagat labi na ako sa sobrang galit sa lalaking ito.
"Kasalanan mo kasi nagpa-oto ka sa contract na iyon." Sabi nito sabay tawa."Okay. Pinatawag kita kasi..."
"Kasi ano?" Nakataas kilay tanong ko dito.
"Be my new secretary." Prangka nito.
"WHAT?!" Gulat na gulat na bulalas ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10/2025
0Tingnan Lahat