logo text

Chapter 78: Gio's Feelings

KLARISSE DEVELIA POV:)
Sa sobrang pagod, napaupo nalang ako sa tapat ng kwarto ko at dahan-dahan sinandig ang likod ko sa pintuan. Marahan pinikit ang mata at ramdam ang pagod at pagkabagsak ng katawan ko.
Alas syete na rin natapos ko ang mga pinagagawa nila pero hanggang ngayon wala pa sila Kuya. Baka gabi na naman sila umuwi.
"Okay ka lang?"
Naidilat ko nalang ang aking mga mata nang marinig ang pamilya na boses sa akin. Nakita ko si Ax, nakatayo at kakauwi lang din niya. Naalala ko ulit ang mga pagsisinungaling niya sa akin. Hindi siya pinansin tumayo na ako sa kinauupuan.
"Bakit pagod na pagod ka? Ano ginawa mo?" Alalang tanong nito sabay lapit sa akin.
"Wag mo kong pakialaman." Seryosong turan ko at tangkang bubuksan na sana ang pinto nang hinawakan nito ang siko ko.
"Ano 'to? Bakit may sugat ka? Nadapa ka ba?" Alalang tanong pa rin nito nang makita nito ang gasgas sa siko ko dahil sa pagkatulak sa akin kanina ng mama ni Ax.
Binawi ko naman kaagad dito ang siko ko at nilayo rito."Wala 'to." Sabi ko lang at hindi pinahalata na kagagawan ito ng asawa niya at nanay niya.
"Anong wala? Gamutin natin yan---"
"Ano ba?!" Singhal ko rito."Maka-asta ka parang nalimutan mo yung ginawa mong pangloloko mo sakin ah?!" Galit nang sabi ko rito.
"Oo, nagkamali nga ako. Di ko sinabi kaagad sayo ang totoo, ang totoong tinago ko. Natatakot. Natakot ako na baka lumayo ka sa akin, na baka iwanan mo ko dahil may asawa na ako. Oo, nagkamali ako, nagsinungaling ako pero magtiwala ka sa akin, Klarisse," Hinawakan ni Ax ang kamay ko."...mahal na mahal kita. Ikaw ang mahal ko hindi siya----"
"Mahal?" Napatawa na lamang ako sabay alis ng kamay ko rito."Mahal mo ko sa kabila ng pagsisinungaling at pagpapaikot sa akin? Walang taong nagmamahal na hahayaang masaktan ang minamahal niya, Ax. Sa lahat na nagmamahal, ikaw lang ang kakaiba magmahal. Iba ka! Iba ka sa lahat!" Pagpa-prangka ko rito. Doon na rin nagsitulo ang mga luha sa mga mata ko.
Napayuko ako at pinipilit kong hindi humikbi. Ang hirap pala magpigil ng iyak. Ang sikip at ang bigat sa dibdib. Para akong nahihirapan huminga na gusto makawala itong sakit na nararamdaman ko.
"Sana nakinig nalang ako sa mga sinasabi nila. Kaya ata ayaw sayo ni Kuya dahil may babae na ngang nakalaan sayo." Madamdaming pahayag ko sa mahinahong boses."...at hindi ako iyon."
Nahihirapang tumalikod na ako. Hindi magawang makapagsalita si Ax na tila na-pepe na ito dahil sa mga sinabi ko. Umiiyak na binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at napigilan pa ko sa pagpasok nang pigilan ako ni Ax.
"Tinatapos mo na ba ang pagmamahalan nating dalawa?" Nahihirapang tanong ni Ax habang hawak nito ang kamay ko. Nagsisimula na rin siyang mamalat ang boses at kita ko sa mga mata niya na pinipigilan niyang hindi tumulo ang luha
Kailangan ko na ba bumitiw? Bakit ganun? Hindi ko kaya.
Pero kailangan. Sa ikakabuti namin itong dalawang gagawin ko. Kailangan ko isipin ang taong nasa paligid namin. Kung ipagpapatuloy ko pa ang pagmamahalan naming dalawa, maraming masasagasaan, maraming masasaktan.
"Tinatapos ko na." Sa huli, sagot ko rin.
Dahan-dahan bumitaw si Ax sa pagkakahawak sa kamay ko at malungkot na napayuko ito. Pumasok na ako sa loob at mahinang sinarado ko ang pinto. Pagkasandig ko sa pinto, doon ulit bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili, humagulhol na ako ng iyak at pinagsusuntok ng mahina ang dibdib ko.
Sakit at kirot lang sa puso ang ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko man siya mawala pero ginawa ko lang ang tama. Ginawa ko ang makakabuti sa aming dalawa.
*///////
"Sissy, bakit gusto mo kami makausap at dito pa sa rooftop? Pwede naman sa library o sa canteen tayo tumambay. May mahalaga ka bang sasabihin sa amin?" Tanong si Eunice.
Nandito kami sa rooftop. Nakatanaw lamang ako sa labas at ninamnam ang simoy ng hangin. Humarap ako sa kanilang tatlo. Lito at taka ang mayroon sa mukha nila ni Encer at Eunice. Si Gio naman ay seryoso lang nakatingin sa akin na tila alam niya ang sasabihin ko.
"May aaminin ako sainyo." Panimula ko.
"Ano 'yon?" Tanong pa rin ni Sissy.
"K-kami ni Ax."
"Ah?!" Bulalas ng mag-jowa.
"Oh my! Congrats sainyo, Sissy! Sa wakas, kayo na rin ng crush mo." Kinikilig na bati ni Sissy sa akin.
"Magpa-party tayo!" Yaya naman ni Encer.
"Pero..." Nakayuko pa rin na sabi ko.
Nahinto naman ang dalawa."Pero na ano?"
"Wala na kami ni Ax." Malungkot na sabi ko.
"Ah? Bakit?" Imbes bulalas ni Gio."Nag-away ba kayo?" Alalang tanong pa rin nito.
"Kasal na siya iba bago man maging kami." Sabi ko at doon ako humagulhol ng iyak.
Natigilan naman ang tatlo sa nalaman. Halos natahimik silang tatlo at naramdaman nila ang awa sa akin. Parang batang umiyak na natatakpan ang mata ko ng likuran ng wrist ko. Hagulhol lang ako ng iyak dahil hindi ko na kayang itago pa itong nararamdaman ko. Gusto ko may taong makikinig sa hinanakit ko at sila nga ang dadamay sa akin ngayon.
Dahil sa nasaksihan ni Sissy malungkot na lumapit ito sa akin at marahang niyakap ako nito para pakalmahin ang nararamdaman ko.
Lumapit naman sila Encer at Gio sa akin. Ramdam rin nila ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Nandito lang kami, Klarisse." Sabi ni Encer.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa akin ni Sissy. Tiningnan ko silang dalawa halos patuloy lang ang agos ng luha sa mga mata ko. Niyakap rin ako ni Gio halos kiniss pa niya ang ulo ko.
"Iiyak mo lang yan." Sabi nito habang hinahagod-hagod nito ang likod ko.
Binuhos ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak.
KIEFFER SARMENTO POV:)
Pagkalabas namin sa bahay ng kaklase ko, dumeretsyo kami sa 7/11 malapit lang sa kanila. Hindi pa namin tapos ang thesis namin pero matatapos na rin namin. Pagkalabas namin sa 7/11 ng mga kaklase ko, nagulat nalang ako nang makita ko ang ex ko. Nakasandig sa kotse ko na tila hinihintay ako nito. Nang makita niya ako dali dali naman siya umayos sa pagkakaupo.
Huminto naman ako sa paghakbang nang makita siya.
"Uwi na ako guys. Next time nalang ako sasama sainyo sa bar." Pagpapaalam ko sa mga kaklase ko.
"Sige, Bro." Payag naman ng mga ito at umalis na.
Pagtapos dahan-dahan na din ako nilapitan siya.
"May kailangan ka?" Pa-suplado na bungad ko kaagad.
Gumilid naman siya dahil bubuksan ko ang pinto ng kotse kung saan natakpan niya kanina.
"Pwede bang makisakay muna ako sayo? Na-flatan kasi ako." Mahinahon na sabi nito sabay turo sa kotse niyang nasa kabilang kalsada.
Nakita ko namang na-flat-an nga ang kanyang sasakyan. Wala akong choice kaya ihahatid siya sa kanila. Tahimik lang ako nagmamaneho habang si Alexis ay panay hikab lang. Maya-maya pa nagsalita siya na dahilan mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Six Years na'tong kotse mo ah? Ang ganda pa rin." Panimula nito.
Naalala ko naman ang nakaraan namin noon. Siya ang pumilit sa akin na bumili na ng kotse dahil puro commute nalang ako. Siya pa nga pumili nito kaya napakahalaga nito sa akin. Ang dami naming alaala dito ni Alexis kaya wala akong balak na bumili ng bago.
"Maingat kasi ako e. Ikaw lang yung hindi nag-stay sa akin." Pagtatama ko na dahilan natahimik siya.
Dahil doon hindi na nasundan iyon ng kasunod na topic. Sa totoo lang, mahal na mahal ko pa rin siya kahit pinagpalit niya ako sa pag-aaral niya abroad. Ano magagawa ko noon? Kalaban ko ang pangarap niya noon. Kahit anong gawin, hinding-hindi niya ako pipiliin.
Pagkaraan ng isang oras, nakarating na kami sa bahay nila. Pagtingin ko sa kanya nakitang tulog naman siya kaya nangyari nakatitig lamang ako sa mukha niyang maganda at pinagmamasdan siya. Madami pinagbago niya kaso gumanda siya lalo. Dumilat ang mata nito kaya nahuli niya akong pinagmamasdan siya habang tulog.
Kaya ang nangyari, nagkunyare akong walang nangyari.
"Andito na tayo sainyo. Baba na." Supladong sabi ko habang sa labas ako nakatingin.
"Hindi ko matanggal ang seatbelt ko." Sabi nito na hindi nga maalis.
Naitirik ko nalang ang mata ko. Walang magawa kaya inalis ko muna ang seatbelt ko saka lumapit sa kanya para tanggalin naman sa kanya. Natigilan na lamang kaming dalawa ni Alexis nang mapansing ang lapit namin sa isa't-isa. Sa tagal na panahon ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko. Siya pa rin ang dahilan ng pagpapatibok nito.
Pagkatanggal ng seatbelt niya, nagkatitigan pa rin kaming dalawa na tila bang wala sa aming dalawa balak humiwalay. Dahil sa bukso ng damdamin naming dalawa, natagpuan ko nalang ang sarili ko na naghahalikan na kaming dalawa.
KLARISSE DEVELIA POV:)
Alas singko na ng hapon ako nakauwi. Pagkapasok ko ng kwarto, kaagad nagbihis ako. Pagkatapos ay agad na binuksan ang bag at nilapas ang mga notebook ko. Humiga kaagad ako at binuklat ang notebook. Magre-review ako ngayon dahil final exam na namin bukas.
Di pa ko nakakatagal magbasa, may kumatok nalang sa kwarto ko.
"Sino y-an..." Di ko nalang napatuloy ang sasabihin ko.
"Wow! May gana ka pang magkulong dyan. Lumabas ka nga dyan! Madaming trabaho mo ngayon. Dali!" Sigaw ni Ate Phoebe sa labas ng kwarto ko.
Pagkabangon, iniwan ko lang sa kama ang binabasa ko. Pagkalabas ko, agad na dumeretsyo ako pababa. Naabutan ko naman sa sala si Tita Margarette na nagbabasa ng magazine. Pagkadaan ko sa tapat niya, may sinabi ito.
"Kung ano ang ina, ganun rin ang anak. So disgusting." Pagpaparinig nito sa akin.
Nakayuko na pumasok na ako sa kusina at hinugasan ang mga hugasin doon. Pagkatapos ko, nagluto na rin ng pang-gabihan. Habang naghihiwa ng carrots, pumasok nalang sa kusina si Ate Phoebe.
"Bagay sayo talaga maging katulong." Pang-iinsulto nito habang naka-cross arms ito.
Hindi ako sumagot bagkus nakatutok lamang ako sa ginagawa ko. Di naman ako napipikon sa pang-aasar niya kaya bahala siya insu-insultuhin niya ako. Basta nasa isip ko ngayon, matapos kaagad para maka-review na dahil may exam kami bukas.
Tumungo ito sa kinaroroonan ko. Supladang sumandig ito sa lababo habang may ngiting nakakaloko.
"Kawawang, Klarisse. Niloko ka na nga ni Ax, ayaw din sayo ng Mommy nya." Pang-aasar niya at tumawa ito.
Tahimik lamang ako at hindi siya pinatulan.
"Alam mo, may surprise ako sayo. Gusto mo malaman?" Nakataas ang kilay na nakatingin ito sa akin.
Binalingan ko naman siya ng tingin. At sinalubong ang maarte niyang mga mata at nakataas na mga kilay. Di inaasahan, kumuha ito ng maliit na kutsilyo sa lagayan nito at sinugatan niya ang kanyang sarili. Nagulat naman ako sa ginawa nito.
"Ouch! My hand! Ouch!"Sambit nito nang sugatan niya ang daliri niya.
"Ate Phoebe! Bakit mo iyon ginawa---"
Di ko napatuloy sasabihin ko nang pumasok si Tita Margarette.
"Anong nangyayari--- Oh my god!" Bulalas nito nang makita si Ate Phoebe na sapo-sapo ang kamay na kanyang sinugatan.
"Tita, ang sakit!" Sumbong kaagad nito at nilapaitan siya nito."Tita, may blood!" Sabay pakita sa kamay na may lumalabas na kaunting dugo.
"What happen?" Bulalas pa rin nito.
"Tita, balak akong patayin ni Klarisse. Papatayin daw niya kami ng baby ko. Inagaw ko raw kasi si Ax sa kanya." Acting nito halos tinuro-turo pa ako.
Napakunot-noo naman si Tita nang makita ang kutsilyong hawak ko. Di ko alam na ito ang sinasabi ni Phoebe na surprise. Pagbibintangan ako na hindi naman totoo at gawa-gawa lamang niya.
Tarantang binitawan ko naman ang kutsilyo. Ayaw kong makulong at hindi totoo ang binibintang niya.
"Tita, nagsisinungaling po siya. Hindi ko po---"
Sinapak nalang ako nitong napakalakas na halos natigilan ako. Sinapak ulit nito ang kabing pisngi ko at ramdam ko ang sakit sa ginawa nito.
"Walang hiya ka! Di lang kayo magnanakaw ng nanay mo, mamamatay tao rin kayo." Singhal nito sa sobrang galit.
Umiiyak na bumaling ako rito."Tita, maniwala kayo. Siya ang sumaktan sa sarili niya hindi ako----"
Sinapak ulit ako nito halos sapo ko na ang pisngi ko.
"Ako pa gagawin mong tanga! Kitang-kita ko dahil hawak mo ang kutsilyo at iyon ang ibedensya." Galit na Singhal nito."Subukan mo pang saktan si Phoebe, ako na makakalaban mo." Galit na galit na sabi nito halos turo-turo pa nito ang mukha ko.
Inalalay na nga ito ni Tita Margarette palabas ng kusina. Bago man tuluyan umalis, ngumiti pa ng nakakainsulto sa akin si Phoebe. Naiwan akong panay iyak lamang.
*///////
Pagkatapos ko magluto, dumeretsyo ako sa bahay ni Sissy at Chairman. Nandito ako sa labas ng gate nila, nakatayo at kababa lang ng tricycle. Napansin kong walang ilaw ang bahay nila na tila walang tao ngayon sa kanila.
Tinawagan ko naman si Sissy pero di ko ma-contact. Sinubugan ko tawagan si Gio at wala pa isang sekundo, sinagot kaagad nito.
"Asan ka? Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nyo." Sabi ko rito habang sa kabilang linya.
"Alam ba ni Kuya Louis na matutulog ka sa amin?" Tanong ni Gio sa akin habang kumakain ako ng lugaw kung saan dinadayuan rin ito ng mga tao dahil masarap ang mga pagkain rito.
Tumango ako bilang sagot."Di kasi siya makakauwi sa bahay dahil tinatapos nila yung thesis nila. Malapit na kasi presentation nila." Sagot ko sabay kain ulit ng lugaw.
"Paano yan? Wala si Eunice sa bahay."
"Bakit? Asan siya ngayon?" Tanong ko.
"Doon kila Encer. Doon sya matutulog ngayon. Kung doon ka matutulog sa amin, ako lang tao ngayon sa bahay." Sagot nito.
"Okay lang. Gusto ko lang kasi makapag-isip-isip." Malungkot na sabi ko. Naalala ko na naman si Ax at paano niya ako niloko. Para di maituloy ang pag-iyak, uminom kaagad ako ng tubig.
"Wag kang mag-alala. Doon ka muna matulog sa kwarto ni Eunice." Sabi nito na napagtanto na gusto ko umiwas kay Ax.
"May alak ba sainyo?" Tanong ko rito maya-maya.
Pagkainom ng softdrinks takang napatingin ito sa akin."Meron. Bakit?"
Tinitigan ko lamang ito ng seryoso.
LANCE MAXIMO REZALDE POV:)
Nalibot ko na ang lahat ng parte ng bahay ni wala akong nakitang anino man lang ni Klarisse. Pumasok na rin ako sa kwarto nito, sinilip ang kabinet pero nakahinga ako ng maluwag dahil andito pa rin ang mga damit niya. Pero pinagtataka ko bakit hindi ko siya nakikita ngayon.
Pagkalabas ko ng kwarto ni Klarisse, nakita ko naman si Phoebe na naka-headset habang nakikinig ng musics. Pababa na sana ito ng hagdan nang marahas na hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito.
"Aray! Nasasaktan ako." Sabi nito at pilit inaalis ang braso nito sa akin.
"Saan si Klarisse? Ano ginawa nyo sa kanya at bakit hindi ko siya makita ngayon dito sa bahay?" Galit na tanong ko rito.
"Aba! Malay ko! Baka naglayas na." Nakangiting nakakaloko na sabi nito.
"Pag malaman ko lang na sinasaktan nyo si Klarisse, ako makakalaban nyo." Pagti-threat ko rito.
Bahagyang kinabahan ito at hindi makapagsalita. Galit na binitawan ko siya at iniwan. Naiwan itong nakatingin lamang sa akin pababa ng hagdan.
"Asan ka, Klarisse?" Sa loob-loob ko. Gusto ko siyang makausap.
KLARISSE DEVELIA POV:)
Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko. Nagulat nalang ako dahil bakit ang lapit ng mukha ni Gio sa akin. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na magkayakap kami ni Gio habang sa sofa nila kami nakahiga.
Naalala ko nalang ang ginawa namin kagabi. Nag-inuman kaming dalawa at hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari. Sa sobrang kalasingan rin ata namin, dito na rin kami nakatulog. Malala pa, magkayakap pa kami.
Gumising na rin si Gio. Nanlaki mata ito nang ma-realize nito na magkayakap kami. Agad-agad na nagsilayuan kaming dalawa.
"S-orry. Di ko sinasadya." Nahihiyang sabi nito halos hindi makatingin sa akin.
"Ako din. Sorry." Nahihiya ring sabi ko.
Nagulat nalang kami nang marinig sa labas ang boses ni Sissy. Nanlalaking mata na nagkatitigan kami ni Gio.
"Oh! Kaninong shoes 'to?" Boses ni Sissy."Kay aga-aga may bisitang babae si Gio ah?"
Tarantang tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at si Gio naman ay taranta ring nililigpit ang kalat namin. Tatakbo na sana ako para maghanap ng pagtataguan nang...
"Sissy! Gio!" Masayang sambit nito sa pangalan namin. Kasama nito si Encer.
Napa-breeze na sabay tumingin kami rito. Itinaas ko naman ang kamay ko sabay nag-'hi'.
"Nag-inuman kayo? Ba't di nyo kami tinext e di sana nag-walwal tayong apat." Sabi ni Sissy ng makalapit.
"Mukhang naka-apat kayong alak ah?" Si Encer nang makita ang mga nagkalat na bote.
"Di kasi namin kayo ma-contact." Pagpapalusot ni Gio dito.
"Kakagising nyo lang?" Tanong ni Sissy sa amin.
"Bakit? Ano oras na?" Takang tanong ko.
"Mag-aalas 8 na. May exam pa tayo mga tanga." Sabi nito.
Taranta naman na nag-unahan kami ni Gio papuntang hagdan. Kailangan na namin maligo dahil mali-late na kami. Exam day namin dapat di kami late.
GIO COSTON POV:)
Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako ng CR. Tumungo ako sa higaan ko kung saan nakalatag na doon ang dadamitin ko. Habang pinupunas ko pa ang basa kong buhok ng tuwalya, naalala ko nalang ang nangyari kagabi.
***FLASHBACKS***
"Para sa taong nagparaya. Cheer!" Sabi ko nang lasing na lasing na kami ni Klarisse.
"Cheer!"
"Para sa mga taong umasang ikaw lang." Sabi ni Klarisse na sobrang lasing na.
"Cheer!"
Nag-cheer kami sabay lagok ng alak na nasa baso. Pinunasan naman ni Klarisse ang labi niya pagkainom. Kinuha nito ng gin na kunti nalang ang laman at tinitigan.
"Baket dalawna nachichita kong bote? Dalawna ba hawak kong bote? Eik!" Lasing nang sabi nito.
"Lasing kana." Sabi ko rito. Kahit lasing na ko pero kaya ko pa naman sarili ko. Mukhang si Klarisse wala nang alam sa ginagawa niya dahil sobrang lasing na siya.
Sumalin ulit siya sa baso niya. Pagkainom pabagsak na nilapat niya sa mesa ang bote. Pagkatapos, nilagay niya sa lamesa ang baso na hawak niya.
"Baket ganun? Akala ko nakakalimot ng probleyma ang alak? Ba't ang chakit pa rin." Nag-iba nalang na pahayag nito."Pati alak pala, chinungaling na rin."
Tangkang sasalin ulit siya ng alak nang kinuha ko na ang bote sa kanya pati na ang baso niya at nilayo rito.
"Matulog kana. Lasing kana." Sabi ko rito.
"Chandali nga." Nagulat ako nang hawakan nito ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ng maigi."Mahal mo ba ako?" Tanong nito nagpatigil sa akin.
Tinignan ko lang siya at mukhang seryoso siya sa tanong niya sa akin. Namumungay na ang mata pero kita ko sa kanyang mata na hinihintay niya ang isasagot ko.
Dahil sa bugso ng aking damdamin, ang naisagot ko ay...
"Oo. May gusto ako sayo." Amin ko. Lasing naman siya at alam kong hindi maaalala itong gabing ito.
"Chana ikaw nalang minahal ko." Sabi nalang nito.
Nagulat nalang ako sa ginawa nito. Dinampi niya ang labi niya sa akin na dahilan nagpatigil sa mundo ko. Para akong na-hipnotismo at hindi ko maigalaw ang lahat ng parte ng katawan ko. Gulat na gulat ako sa paghalik nito sa akin.
Pagkahiwalay niya sa akin, ngumiti siya at bumagsak na siya sa balikat ko. Nakatulog na siya kaagad ng deretsyo dahil sa sobrang kalasingan. Ako na hindi pa rin maka-get over sa halik niya, napakahawak nalang ako sa labi ko at naramdaman na uminit ang paligid ng pisngi ko.
Pinahiga ko siya sa sofa. Kukuha sana ako ng kumot nang nagulat nalang ako na hawakan nito ang kamay ko para pigilan sa pag-alis. Nakita ko nalang nakatingin ito sa akin at tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Ax, wag kang aalis please?" Pagmamakaawa nito. Akala ata niya ako si Ax.
Naupo ako at hinawakan ang kamay niya."Hindi ako aalis. Dito lang ako." Nakangiting sabi ko rito.
Pinikit na nga nito dahan-dahan ang mga mata.
***End of flashbacks***
Nang maalala ang gabing iyon, napangiti na lamang ako. Pinangako ko sa sarili ko na palagi ako nariyan para kay Klarisse. Hinding-hindi ko hahayaan na umiyak pa siya kahit kanino.
Kinuha ko na sa kama ang pantalon at sinuot.
KLARISSE DEVELIA POV:)
Maghapon hindi sinasagot ni Kuya ang mga tawag ko. Kaya hindi niya ako naihatid pauwi sa bahay. Mabuti nalang hinatid ulit ako nila Gio at Sissy dito.
Pagkapasok ko nang bahay nakita ko nalang sila Kuya na nakaupo sa sofa kasama si Ate Phoebe. Ngumiti ako sa kanila dahil mukhang ang aga nilang umuwi ngayon.
Tumayo si Kuya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Napangiti ako dahil sinasalubong ako nito.
"Kuya, ang aga nyo ata---"
Nagulat nalang ako nang sinapak ako ni Kuya ng napakalakas halos bahagyang nagkasugat ang gilid ng labi ko. Naiiyak na napatingin ako kay Kuya habang sapo ang pisnging nasaktan niya.
"Kailan pa may relasyon kayo ni Ax?!" Galit na galit na tanong ni Kuya.
Nanlaki mata naman ako sa sinabi nito.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Fhem De Castro

    An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      1
  • avatar
    ChannelCedricca

    ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖

    28/04/2022

      0
  • avatar
    AgudaRhona

    thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘

    16/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata