Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 47: Lunch
KLARISSE DEVELIA POV:)
"Ax?!!" gulat na bulalas ko."A-ano ginagawa mo d-dito?" Nautal-utal na turan ko.
"Pinuntahan ka." Tipid na sagot nito at may ngiting sumilay sa kanyang labi na nagpaguwapo lalo rito.
Hindi ako nagpatinag sa pagpapa-cute niyang iyon. Malditang tinaasan ko siya ng kilay sabay cross arms. Oo nga pala, galit ako sa kanya. Galit ako sa mga ginawa niya sa akin.
Pagkatapos niya akonh i-kiss tapos sila pala ni Ate Stacey? Pa-fall siya! Tsk!
"At bakit naman?" Tonong suplada na tanong ko rito.
"Para dalhin itong lunch mo." Sabay tinuro nito ang isang lunch box na nasa tabi niya sa pamamagitan ng pagturo ng kanyang mata. Nanatili pa rin ang kamay nito sa manibela at nakakaakit pa rin si Ax na nakatingin ito sa akin.
"Asan si Kuya?" Takang tanong ko.
"Tinawagan ng prof niya kasi nawawala yung quiz niya kaya ako nalang humatid sayo nito kasi ako lang naman tao sa bahay. Lahat nasa school sila Brix so ako nalang inutusan niya na dalhin ito sayo." Paliwanag nito.
"Okay. Akin na nga yan!" Maldita pa rin na turan ko. At aabutin ko na sana yung lunch box sa tabi niya nang pigilan niya ako.
Hinawakan nito ang wrist ko kaya napatingin ako rito. Yung tema namin sa kotse jusko! Nakaka-awkward. Ano naisipan ko bakit kinukuha ko yung lunch box sa loob sa mismong bintana pa kung nasaan siya naka-pwesto. Medyo ang lapit tuloy namin sa isa't-isa.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Iritadong sabi ko dito at pinipilit inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niyang iyon.
"Ayaw ko nga!" Tanggi nito na may pilyong ngiti."Pumasok kana muna." Sabi nito.
"Ayaw ko nga!" Matapang na tanggi ko."Bitawan mo na kasi ako! Tsk!" Sabi ko nang ayaw talaga niya akong bitawan.
He smile like an evil grinned."Paano kung ayaw ko?" Pang-iinsulto nito.
"Isa!" Pilit hinihila ko ang kamay ko palabas ng bintana kaso malakas pagkakahawak niya sa wrist ko halos nasasaktan na ako."Dalawa! Ano ba, Ax?! Hindi ako nakikipagbiruan sayo." Inis kong sabi sa kanya.
"Paano kung nakikipagbiruan ako sayo?" Aniya at sumilay na lamang ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Dahil sa ngiti niyang iyon, nakaramdam ako ng kakaiba rito.
"Ano binabalak ng palakol na 'to?" Sa isip ko.
"Kung ayaw mo pumasok, sige. Ako magpapapasok sayo sa loob ng kotse." Turan na lamang nito.
Nagulat nalang ako nang pabiglang hinila ako papasok sa bintana. Kaya ang nangyari, nagtagumpay nga siya papasukin ako sa loob kaso nga lang nasa labas yung kalahati ng katawan ko. Para akong nakasabit tuloy sa nangyari sakin o para bang pilit ako pumapasok sa maliit na butas pero di ako makapasok kasi di ako kasya.
"Aray ko! Ax!"
"Let's go, babe. Stay ka lang diyan." Natatawang sabi nito at ini-start na ang engine.
Sinimulan na nito paandarin ang kotse habang nakasabit lang ako sa bintana ng kotse.
"Ax! Ax! Stop the car! Ax!" Panay sigaw ko lang.
Panay tawa lamang si Ax na tilang tuwang-tuwa siya sa ginawa niya sa akin
Ang sama talaga niya. Grrrggghhh!
Pinagtitinginan naman kami ng mga estudyante sa labas. Nahihiya tuloy ako sa ginawa ni Ax. Exposed yung puwetan ko. Nakakainis si Ax! Grrrggghhh!
"Palakol! Humanda ka sakin, maghihiganti ako!"
*///////
"Oh! Milktea." Sabi nito at tinurol yung binili niyang Milktea sa isang Milktea Shop.
Nasa park kami ng mga oras iyon. Nakaupo lamang sa isa sa mga bench habang madaming tao rito, namamasyal. Dito ako kumain ng lunch at kakatapos ko lang mga kani-kanina.
Ito nga, bumili si Ax ng Milktea bilang paghingi ng sorry sa ginawa niya sa akin kanina. Akala niya mapapatawad ko siya sa Milktea lang? Duh! Asa siya!
"Thanks but no thanks!" Nakataas ang isang kilay na pagmamaldita ko rito. Umirap lamang ako at hindi kinuha ang milktea.
"Ang arte mo! Kunin mo na kasi." Sabi nito at pinilit na nilagay sa kamay ko.
Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil nasa kamay ko na. Naupo na ito sa tabi ko at sumipsip na ng Milktea nito.
"THANKS!" Madiin na sabi ko halos nilapit ko pa bibig ko sa tainga niya. Nagagalit pa rin ako sa ginawa niya sa akin kanina. Madami pa naman nakakita sa ginawa nito sa akin. Sana hindi nila nakita ang mukha ko. Kung ganun, super nakakahiya.
Tinusok ko na nga yung straw sa milk tea sabay sipsip. Kada talaga naaalala ko yung kanina, naiitirik ko nalang ang mga mata ko sa sobrang inis.
"Okay ka lang?" Baling nito sa akin.
Aba't! Nagtanong pa?
Kunot-noo na tiningnan siya ng masama."Ano sa palagay mo ah?! Wow! Limot mo na yung ginawa mo sakin kanina? Galing mo ah? May amnesia lang?" Iritadong boses na sabi ko at nagpakawala ako ng buntong-hininga."Wait nga lang. Bakit nandito pa tayo? Dapat hinahatid mo na ko sa school." Malditang baling ko ulit sa kanya.
"Ang arte mo talaga. Tumahimik ka nalang dyan. Ubusin mo muna yang milk tea mo at bago kita ihatid sa lungga mo. Saka please lang, paki-zipper muna ng bunganga mo. Nakakairita kasi." Supladong sabi nito at padabog na sumipsip nito.
Aba! Siya pa talaga may ganang magalit? Iniinis ba talaga ako ng palakol na 'to?
"Alam mo, guwapo ka sana e kaso ..."
"Kaso?" Baling nito pagkasipsip ng milk tea gamit ang straw.
Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay bago ipagpatuloy ang gusto kong sabihin."Kaso...never mind nalang. Baka masaktan ka pa." Sabi ko nang maisipan na wag nalang sabihin. Tumingin ako sa unahan at saka ulit nagsipsip sa straw.
"Ang lalabo talaga ninyong mga babae 'no?" Anito. Bumaling ulit ito sa unahan habang pinagmamasdan ang nagpa-practice ng sayaw ang mga kabataan."Ang hirap nyo intindihin." Sumipsip ulit sa straw.
"Wow. Nakakahiya naman sayo. E mas malabo ka nga." Prangka ko.
"Paano mo nasabi?" Tanong nito halos napatingin sa akin.
Tumingin rin ako sa kanya."Kas-i..." Napahinto ako nang maalala ang mga ginawa niya. Yung trip niyang pag-amin na gusto rin niya ako, yun pala pinaglalaruan lang niya ako na akala ko totoo iyon at paghalik niya sa akin sa pisngi na di ko alam bakit niya iyon ginawa at malalaman ko nalang na sila na pala ni Ate Stacey.
Ano lahat iyon na ginawa niya? Ang labo di ba? Kung alam niya ikakasakit ko iyon, bakit ginagawa pa rin niya? Ganun ba siyang kagusto niya akong pagtripan? Mas masaya siyang nasasaktan ang damdamin ko? Ganun ba kaganda akong masaktan at makitang umiiyak?
Nang maalala lahat iyon, nawala nalang ako sa mood. Nakaramdam na naman ako ng galit kay Ax, galit na hindi kanina na ginawa niya kundi galit na pagpapaasa niya sa akin.
"Tara na nga." Seryosong sabi ko nalang at tumayo sa pagkakaupo.
"B-bakit---"
Di ko na siya pinakinggan pa sa gusto niyang sabihin. Dere-deretsyo akong naglakad paalis papunta sa kotse niyang nakaparada.
Bumalik lahat ang sakit na ginawa niya sa akin. Kung paano niya pinaglaruan ang nararamdaman ko. Gusto ko rin siyang saktan tulad ng ginagawa niya sa akin pero paano? Talo pa rin ako dahil mahal ko siya pero ako, hindi niya ako mahal. Ako pa rin ang mas kawawa.
Bakit kasi hirap niyang kalimutan. Sana malimutan ko nalang nararamdaman ko sa kanya para di na ako masaktan pa dahil sa kanya.
*//////
"Good luck, Klarisse!" Bati ng mga kaibigan kong mga lalaki maliban kay Encer. Siya lang nahihiwalay sa grupo nila.
Sila lang naman yung varsity na ka-batch ko kung saan ako ang muse nila. Buo pa rin sila pero nadagdagan sila ng dalawa kaya sampu na sila. Kasama na doon si Chairman pati si Encer. Si Dalton naman, sa ibang sport naman siya nakasalang. Sa swimming siya sumali kaya wala siya rito sa gym, nasa pool siya ngayon.
"Salamat, guys." Nakangiting pasasalamat ko sa kanila. Magsisimula na kasi ang try-out namin at sana mapili akong makasali sa grupo.
Nahagip ng aking tingin si Emma at Cassandra habang kausap nila si Encer. Di ko alam bakit nila ako tinitingnan habang nag-uusap sila. Di ko tuloy maiwasan isipin na baka pinagchi-chismisan nila ako.
Feeling ko tuloy ang sama nila sa akin.
"Okay, girls. Pumunta sa harapan ang tatawagin ko." Panimula ni Sir Castroval habang nasa gitna siya.
Nagsiupo naman yung mga kaibigan kong lalaki at bago paman sumunod si Chairman, hinawakan nito ang wrist ko at bumulong sa tainga ko.
"Good luck." Sabi nito na may ngiti sa mga labi.
"Salamat, Gio."
Iniwan na nga ako nito. Naupo na ito sa bench kasama ang kagrupo niya.
"Anna Santos...Cassandra Castañelo...Klarisse Develia..."
Nang marinig na ang pangalan ko, pumunta na ako sa harapan. Katabi ko si Cassandra at bahagyang ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Nakataas lang isang kilay niya sabay irap sa akin. Para akong natigilan sa ginawa ni Cassandra. Bakit ganun pakikitungo niya sa akin? May nagawa ba akong mali na ikinagalit niya?
Doon na nga nagsimula ang try-out namin. Isa-isa kami pina-shoot na naka steady, magpapa-shoot na tumatakbo at magpapashoot sa malayo. Lahat iyon nagawa ko at lahat iyon naka-shoot sa basket. Yung mga dati nang miyembro sa basketball, dalawa nalang pala sila. Natira nalang sila Emma at Cassandra kaya naghahanap sila ng bagong grupo. Yung dati raw kasi umayaw na. Mahigpit raw ang leader nila kaya nahihirapan sila pakisamahan ito. Sino pa ba ang leader e di si Cassandra. Nagulat nga ako nang malaman ko lahat yan.
Lahat na kasama ko na baguhan na gusto sumali, di gaano kagaling maglaro ng basketball. Baka gusto nila matuto at mapasama sa grupo.
"Lahat na mga natawag ko, iyon ang napili ko." Si Sir Castroval.
Sampu kami ang napili niya. Yung mga hindi napili, nagsiupo nalang at nanood pa sa amin. Tiningnan ko ang mga napili, nginitian ko silang lahat. Ngumiti rin sila ng matamis sa akin.
"Okay, Girls, dahil walo lang kukunin ko, maglalaban kayo." Sabi pa rin ni Sir.
Nagsiingay naman mga kasamahan ko pati ako nagulat rin. Hahatiin ata kami sa dalawang grupo at maglalaban-laban tulad kanina kila Chairman.
Kampanting-kampanti lang si Cassandra at Emma. Sabagay, expert sila kaya di na sa kanila uso ang kabahan.
"Hahatiin ko ang grupo niyo at maglalaban kayo. Ten minutes lang ibibigay ko sainyong oras at kung sino madaming score, ligtas ang isang grupo at pasok na sila sa grupo." Paliwanag ni Sir sa amin. Nagsiingay na naman ang mga kasama ko na tila nasayahan sila sa sinabi ni Sir."At ang isang grupo naman na talo, doon ako pipili sa kanila ng isasali. Ang hindi ko masabi ang pangalan, out na. Maliwanag ba?" Sabi nito sa amin habang nasa kabilang kamay niya ang papel kung nasaan nandoon nakasulat ang pangalan namin at nasa kabilang kamay naman niya ang bola.
"Yes, Coach." Sabay naming sabi.
"Okay. Cassandra, Emma, Anna, Lianne and Rose. Kayo ang Team A." Paninimula ni Sir. Nagtipon naman ang Team A."Klarisse, Maricar, Jam, Carla and Zhen. Kayo naman ang Team B." Sabi samin ni Sir.
Nag-grupo naman kami ng kagrupo ko. Lahat sila nakangiti sa akin at naging komportable kaagad ang loob ko sa kanila. Nag-hi-yan kami at nagkamayan. Mababait silang lahat at di malabo magkakasundo kaming lahat nito kaagad.
"Mag-usap-usap na kayo kung ano strategy nyo. Five minutes, magsisimula na ang game nyo. Okay?" Dagdag pa ni Sir.
"Yes, Coach!"
Nagtipon naman kami ng mga ka-grupo ko at lahat sila nawawalan ng pag-asa dahil nasa kabila ang magaling, si Emma at Cassandra.
"Talo na tayo." Sabi ng babaeng napaka-skinny ng katawan. Zhen ata pangalan nito.
"Nasa kabila yung magagaling." Medyo chubby na sabi naman ni Maricar.
"Oo nga e. Andoon sila Emma at Cassandra." Si Carla naman na kulot-kulot ang buhok.
"Guys, wag kayo mawalan ng pag-asa. Andito sa atin si Klarisse. Magaling siya at mas kita naman na mas expert siya kaysa kila Cass at Emma." Malakas ang loob na sulpot nito. Matangkad at may angking kagandahang tinataglay na nangangalang Jam.
Tumingin naman ang mga ito sa akin at sumilay nalang ang mga ngiti sa mga labi nito na kanina hindi maipinta ang mukha nito kanina.
"Leader, ano plano natin?" Baling ni Jam sakin. May tiwala siya sa akin dahil hindi ko makita sa kanya na nawawalan siya ng pag-asa.
"Hmm, gusto ko lang sabihin na di naman ako kagalingan pero sumali ako dahil gusto ko at talent ko rin ito. Wag kayong mawalan ng pag-asa. Ang paglalaro nito hindi dahil sa matagal na sila naglalaro kundi laban ito ng matatalino, pagdidiskarte at pabilisang gumalaw. Kung meron tayong lahat yan, mananalo tayo." Pangangaral ko.
Natuwa naman sila at nagkaroon ng pag-asa.
"So, ano gagawin natin?" Sabay turan ni Carla at Maricar.
Doon ko na nga sinabi kung ano magiging strategy namin.
*//////
"Pasa!"
"Dito!"
"Pasa mo dito!"
Yan ang mga sinisigaw ng mga player habang naglalaro kung saan kasama ako.
Kila Cassandra ngayon ang bola. Naka-4 points na sila at kami ay 0 pa rin. Oo magaling si Cassandra at Emma di ko maitatago iyon pero di sa pagmamayabang, magaling lang sila mag-agaw ng bola pero hindi sila magaling mag-ingat ng bola.
"Baskets!" Sabi ni Sir Castroval nang maka-shoot ulit si Cassandra.
"Yes!" Sambit ni Emma at nag-appear-an sila ni Cassandra.
Lumapit ako dito."Ang galing mo, Cass." Nakangiting puri ko dito.
Nakataas ang isang kilay na tiningnan ako nito. Mataray look siya ngayon. Ewan ko pero feeling ko tinatarayan niya ako sa ayos ng kilay at pagtingin ng mata niya.
"Thanks." Medyo maldita na pasalamat nito.
Umalis na nga ito at sumunod si Emma. Nag-posisyon na ito kung saan magpoposisyon sila dahil magsisimula na naman ulit ang laban.
Pinasa sakin ni Maricar ang bola at doon na ko nag-dribble.
"Sa wakas, nahawakan rin kita. Di na kita papakawalan pa." Sa loob-loob ko.
Nagdi-dribble na tiningnan ko ang orasan at nakita kong may 5 minutes nalang mahigit ang laban. Anim na ang puntos nila Cassandra at sa amin wala pa. May oras, pa kaya pa namin sila habulin at lamangin ang score nila. Ako lang maasahan ng ka-team ko kaya sige! Totohanin ko na ito.
Ang humaharang sakin ngayon ang isa sa member ni Cass. Panay dribble ako hanggang sa pinalito ko siya. Mabilis na nakaalis naman ako sa pagbantay nito at tumakbo patungo sa ring. Pagtalon ko para ishoot ang bola saktong tumalon rin si Emma. Imbes mapigilan niya ang pag-shoot niyon, pinasa ko ang bola sa kabilang kamay ko at pinagpatuloy ang pag-shoot.
"Paanong..." Saad ni Emma sa gulat sa ginawa ko.
"Basket." Si Sir Castroval.
"Yehey!" Sigaw ng mga ka-member ko.
Dahil sa saya ng mga ka-team ko, nagsilapit ito at nag-appear-an kaming lahat.
"Ang galing mo pala, Klarisse." Puri ni Carla.
"Sabi ko na sainyo e. Magaling siya." Si Jam na halatang may tiwala talaga sa galing kong paglalaro.
"Lahat naman tayo magaling." Nakangiting sabi ko.
Bahagyang napaatras ako nang may tumamang bola sa aking side. Tiningnan ko naman kaagad yung taong nambato sa akin ng bola. Lumapit si Cassandra at kinuha ang bola na gumugulong-gulong sa sahig.
"Ipapasa ko sana kay Sir kaso nadulas kamay ko. Natamaan kita tuloy. Sorry." Medyo maldita ang boses na pagkakasabi niyang iyon. Ewan ko pero yung ekspresyon ng mukha niya parang di seryoso o sincere ang sorry niya sa akin. Ayaw ko siya pag-isipan ng masama pero parang sinadya niya iyon na tamain ako ng bola.
"Okay lang." Natural na boses sabi ko nalang rito.
Umalis na ito pagkatapos ipasa nito kay Sir ang bola. Pero pagkalapit nito kay Emma palihim na nagbubulungan sila sabay tingin sa akin. Sa totoo lang, nakakaisip na ako ng kakaiba na tila nakakaramdam na ko ng inis sa ginagawa nila. Parang ako yung pinag-uusapan nila. Siguro, mali lang hinala ko.
Di ko nalang inisip pa iyon. Maaapekto pa paglalaro ko sa kakaisip. Kilala ko sila, di naman sila masama tulad ng iniisip ko ngayon.
"Guys, magsisimula na daw ulit." Sulpot ni Zhen.
Nagsipunta na nga kami sa kanya-kanyang posisyon. Nagsimula na ulit ang laban at nasa kalaban ang bola. Naagaw ko naman iyon at naka-puntos ulit kami. Nagsayahan naman ulit ang mga Team ko. Isang shoot pa, patas na ang score namin sa kalaban. Sa ngayon, 4-6 palang kaya dito palang magdidikit ang laban.
Nahagip ng aking mata si Cassandra at Emma na malagkit ang tingin nila sa akin. Nang nakita nito na nakatingin na rin ako sa kanila, umiba kaagad ang ekspresyon ng mukha nila. Ngumiti ito ng sobrang lapad na alam ko plastic iyon.
Nagsimula ulit ang laban at naagaw ko ulit ang bola sa kalaban. Mas na-excite ako maglaro nang si Cassandra na ang nagbabantay sa akin. Panay dribble lang ako habang nakatingin kami sa isa't-isa nito.
"Magaling ka pala." Panimula nito at ngumiti ng half. Doon ko nakita ang tunay at totoo na dahilan nagpapagulo ng isip ko. "Pero mas magaling ako sayo..." Mataray na dagdag pa nito.
Ibang Cassandra ngayon ang nakilala ko noon. Doon ko na rin nakita ang pagbabalat-kayo niya. Ang totoong siya, ang totoong ugali ni Cassandra Castañelo.
Imbes kabahan sa sinabi niyang iyon, ngumiti na lamang ako. Ayaw kong sagutin siya na parang naghahamon ako ng away. Naging kaibigan ko din si Cassandra at alam kong ganito siya ngayon dahil nagtatampo siya dahil pinagtanggol ko si Eunice na kinaiinisan nila.
"Masaya akong nakilala kita, Cass. Thank you." Sabi ko at ngumiti ng napakatamis na dahilan napataas siya ng isang kilay niya.
Aagawin na sana niya ang bola sakin nang pumaikot ako para hindi niya iyon maagaw sa akin. Pagka-ikot saka ako nakahanap ng tiyempo ng makaalis sa pagbabantay niya sa akin.
"Paanong---" bulalas ni Cass nang makalusot ako sa kanya.
Nag-dribble na ako papunta sa ring at hinarangan pa ko ng mga ka-team ni Cassandra pero lahat sila nakatakas ako. Tumalon na ako para i-shoot ang bola at nakapasok naman iyon.
"Wow! Ang galing!" Sabi ng isa sa ka-team nila Gio.
Dahil sa nasaksihan ng mga ito napaawang ang mga labi nito sabay pumapalakpak. Ngayon ko lang napansin na marami na pala ang nanonood sa amin---karaniwan na estudyante na narito ay kakatapos lang sa try-out sa mga games na sinalihan nito. Lahat ng mga ito ay tutok na tutok sa laban namin sa grupo ni Cass.
"Ang galing niya."
"Ang moves na ginawa niya, ginagawa yan karaniwan ng mga lalaki."
"Baguhan ba siya? Ang galing niya"
Yan ang naririnig ko rito sa gym.
Nagsilapit naman sa akin ang mga ka-member ko at nakipag-appear-an sa akin. Lahat sila tuwang-tuwa dahil sa wakas, tie na kami ng kabila. Nangangahulugan lang nito, matindi na ang laban na ito. Kailangan pa namin mapataas ang score bago matapos ang oras para pasok na din kami sa grupo.
"Klarisse, ang galing-galing mo!" Tuwang-tuwa na puri ni Maricar.
"Oo nga. Nakaka-bilib ka." Dagdag rin ni Carla.
"Ang galing mo dahil nalusutan mo si Cassandra." Si Zhen na bilib rin sa akin.
"Naku! Nakahanap rin ng katapat si Cassandra." Turan ni Jam.
Ngumiti na lamang ako sa kanila. Wala ako maisasagot o masasabi sa sinasabi nila. Sa mga ganitong usapan, nai-speechless ako. Ano ba dapat isagot sa mga pagpupuri nila sa akin? Yan problema sa akin e. Pag sinasabihan ako ng maganda at kinatutuwa ko, nawawalan ako ng sasabihin kaya ginagawa ko nalang nginingitian na lang.
Napatingin ako sa isang direksyon at may taong sa dulo na mag-isa na nanonood. Di ko nalang pinansin at tiningnan ko ulit ang mga kaibigan ko pero ng ma-realize ko kung sino nakita ko, naibalik nalang ang tingin ko sa kinaroroonan ulit nito. Nang ma-confirm siya, doon nanlalaki ang aking mga mata.
"Ax?!" Mahinang turan ko sa pagkabigla.
Nakapamulsa ito habang nanonood ng laro. Kanina pa kaya ito nandito o kanina pa siya nanonood sa akin?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10/2025
0Tingnan Lahat