Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 44: Step-brother
THIRD PERSON POV:)
**Encer's Flashbacks**
"Anong year kana? Saka paano mo ko nakilala?" Tanong ni Encer sa kanyang secret admirer habang nasa rooftop sila. Pareho silang nakatingin sa labas at nilalanghap ang hangin na tumatama sa balat nila.
"Grade 9, Section B. Nakilala kita kay..." Bahagyang natigilan ito pero nagsalita kaagad ito."...kay Gio, yung president nyo. Kaibigan kasi niya yung kaibigan ko yung kasama ko kanina. Saka madalas na rin kita nakikitang sumasali sa mga contest ng pagsasayaw kaya mas lalo kitang nakilala." Nakangiting kwento nito sabay lingon sa kanya.
"Ahhh. Doon mo pala ako nakilala kaya doon ka rin nagkagusto sakin?"
Nakangiting natural na tumango-tango ito.
Napangiti rin siya dahil sa naging sagot nito. May side sa kanya na tila bang di siya komportable rito. Siguro dahil sa kakakilala lang nila sa isa't-isa. Ganito ata yung feeling na nakaharap mo yung taong matagal mo nang gustong makita. Yung feeling na nagkakailangan kayong dalawa.
"Matagal mo na ba akong gustong makilala?" Tanong nito maya-maya.
"Oo." Sagot ni Encer at tiningnan ito ng seryoso.
Nakita naman niya na nakatingin rin ito sa kanyang mata. Maya-maya pa nakita pa niyang natigilan ito at namula nalang ang mga pisngi nito. Tumikhim na umiwas ito ng tingin sa kanya. Umubo-ubo pa ito na kunyare may sipon. Suminghot pa siya
"Ah...hehehe." sabi lang nito."Nakakainis itong sipon ko. Two weeks na ko may sipon." Palusot nito at halatang na-blangko ang isip at lumunok pa 'to ng laway habang nakatingin sa labas.
"Mimi ba talaga ang pangalan mo o may totoo ka talagang pangalan?" Tanong niya ulit dito.
"Hindi talaga Mimi ang pangalan ko. Ako si Miyah, Miyah Damson." Pagsabi nito sa totoo niyang pangalan. Sumulyap ito sa kanya at nagsalita ulit."At Mimi ang p-palayaw ko." Nautal na ngiti na turan nito.
"Kaya ginamit mong codename ang Mimi." Sabi niya at tumawa.
Bahagyang ngumiti lang ito na halatang nahihiya.
Lumapit si Encer dito na kinagulat naman nito.
"Bakit?" Takang tanong nito.
Di niya ito sinagot kundi lumapit lang siya rito. Napasinghap ito nang hinawakan niya ang salamin nito sa mata.
Natawa naman siya sa naging reaksyon nito."Relax. Wala akong gagawin sayo," he said.
Pumikit si Miya at dahan-dahan inalis ang salamin. Pagkaalis dahan-dahan nitong minuklat ang mga mata. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At doon ni Encer na-realize na...
"Can you be my girlfriend?"
*//////
Sobrang saya ni Encer na kaagad siyamg sinagot ni Miyah. Di niya maipaliwanag ang nararamdaman ng araw na iyon. Masaya ba siya o hindi. May kakaiba siyang nararamdaman na gusto pa niyang tanungin si Miyah pero hindi nalang niya iyon pinansin. Kuntento na siya na nakita na niya ang hinahanap niya.
Nasa labas siya ng room nito at hinihintay niyang magsilabas na ito. Nang matapos ang klase nito, nagsilabas na ang mga kaklase nito. Lahat ng mga estudyante nagtataka kung bakit nandito siya at takang sino inaantay ko.
Pumunta si Encer sa pintuan ng room nito at nakita niyang nakaupo parin si Miyah habang pinapasok ang mga gamit nito sa bag niyang kulang green.
"Mimi!" Tawag niya.
Imbes lumingon ito pero ang kaibigan nito ang lumingon na si Eunice.
Tinuro-turo niya si Miyah gamit ang kamay niya na ibig sabihin na tawagin niya ito.
Tinawag naman nito si Miya.
"Bakit?" Tanong nito kay Eunice nang tinawag siya nito. Tinuro siya nito.
Tumingin naman ito at nang makita siya, lumaki ang mga ngiti nito sa mga labi."Encer," Sabi nito at kumaway-kaway.
Dali-daling tumayo na ito at lumapit sa kinaroroonan niya. Nagbulong-bulungan naman yung mga kaklase niyang nakakita sa kanila. Takang-taka ang lahat sa kanila ni Miyah.
"Ihahatid mo ba ako?" Tanong nito nang makalapit.
Kinuha ni Encer ang bagpack ni Miyah. "Yes." Nakangiting sagot niya.
"Tara na." Yaya na nito na may malaking ngiti pa rin sa mga labi.
"Wait." Pigil niya na tangkang aalis na sana sila ni Miyah. "Paano yung kaibigan mo?" Tanong niya dito.
Bahagyang napakunot-noo ito at takang-taka kung sino ata ang tinutukoy niya. Tiningnan nila pareho si Eunice na susuotin palang niya ang kanyang bag. Natigilan naman ito nang nakitang nakatingin sila sa kanya.
"Hoy? Gusto mo sumabay samin?" Tanong nito sa kanyang bestfriend.
"Ah?" Takang tanong ni Eunice. Tiningnan nya si Eunice sunod naman sa kanya."Hehehe, wag na. Kayo nalang. May sundo naman ako." Tanggi kaagad nito at bakas sa mukha nito ang pagkapiyok. "Ingat kayo ah?" Bilin pa nito.
Tumango nalang si Miyah at niyaya na siya umalis.
*//////
Nakarinig nalang si Encer na tila may nag-aaway sa isang room. Hinanap naman niya kung saan nanggagaling ang mga boses na nagsisigawan na iyon.
"Wag na wag mo siyang aagawin sakin. Akin sya! Pagmamay-ari ko na siya!" Boses iyon ni Miyah.
"Di ko siya inaagaw sayo!" Despensa ni Eunice.
"Tigilan mo na kami!"
"Gusto ko si Encer! Ako nakauna sa kanya!" Sigaw ni Eunice.
Naabutan kong tinulak ni Eunice si Miyah kaya napaupo ito sa sahig halos napa-'aray' ito. Dahil sa nasaksihan, sumigaw siya.
"Eunice!" Galit na sigaw niya sa pangalan nito.
Napatingin naman si Eunice at gulat nang makita siya. Lumingon rin si Miyah sa kung saan siya naroroon. Nang makita siya, umiyak na lamang ito.
"Baby." Sambit nito at nagsitulo ang mga luha sa mga mata nito.
Nilapitan namankaagad ni Encer si Miyah na nakaupo sa sahig. Lumuhod siya at alalang hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Okay ka lang, Baby?" Tanong niya rito.
"Ang sakit ng pwetan ko." Parang bata na sumbong nito.
Tinulungan niyang tumayo ito. Pagkatayo galit na binalingan niya ng masamang tingin si Eunice. Namumula na ang mukha nito na tila nakokonsensya sa ginawa aa girlfriend niya.
"Anong ginawa mo sa kanya ah?!" Singhal niya at lumapit ng bahagya sa dito. Hinawakan naman siya kaagad sa braso ni Miyah para pigilan siya.
"Baby, pabayaan mo na. Ayaw ko ng gulo." Umiiyak na awat nito kay Encer.
"No! Sinaktan ka niya!" Galit na sabi niya. Tiningnan niya ulit ng masama si Eunice. Bakas sa mukha nito ang takot halos manginig na ang kanyang mga kamay."Why did you do that to my girlfriend?!!" Galit pa rin na tanong niya dito halos napagtaasan na niya ito ng boses.
"Encer kasi---" hindi niya pinatuloy pa ang sasabihin nito.
"Ano? May gusto ka sakin?! Nahihibang ka ba? Boyfriend ako ng bestfriend mo. Ano? May balak kang agawin ako sa kanya?! Akala mo, magtatagumpay ka?! Di kita gusto at ayaw na ayaw ko sayo!" Prangka ni Encer dito.
Tumulo nalang ang mga luha sa mga mata ni Eunice.. Pinipigilan niyang di umiyak pero dali-daling tumagas ang mga luha sa kanyang mga mata halos kinagat na niya ang kanyang ibabang labi para mapigilang di umiyak lalo. Napahawak nalang siya sa kanyang mga dibdin na tila bang nasaktan siya sa mga sinabi ko.
"Don't ever touch her again." Seryosong turan niya dito at hinawakan niya ang kamay ni Miyah at inakay na paalis roon.
*/////
"Baby? Ba't parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?" Tanong ng kanyang girlfriend at tumabi ito sa pagkakaupo sa bench.
Nasa soccer field sila kasalukuyan ngayon. Dito kasi nila naisipan ng mga ka-miyembro niya na mag-practice ngayon. Medyo papalubog na ang araw kaya di na rin gaano mainit.
Nagpapahinga lang si Encer at patuloy pa rin nagkakasayahan ang mga kaibigan niya. Nang makita ni Miyah na malungkot siya, lumapit ito sa kinaroroonan ko.
"May nakita kasi ako kaninang pusa." Sagot niya.
"Pusa? Ano naman doon sa pusa at bakit ang layo na ng tingin mo kanina?" Takang tanong nito.
"Naalala ko lang yung childhood friend ko noon. Pero di ko sure kung masasabing kaibigan ko siya pero nakilala ko lang siya dahil sa isang pusa." Nakatingin sa malayo na turan niya."Naalala ko lang paano kami naging magkaibigan dahil sa pusa. Pero maliit na panahon lang kami naging magkaibigan kasi lumipat na siya ng school kaya di ko na sya nakita at wala na kong balita sa kanya kung asan na siya o saan na siya nag-aaral." Kwento pa rin niya.
"Ano ba ang pangalan niya?"
Tiningnan niya si Miyah at bumaling pa rin sa ibang deriksyon. Pilit inaalala kung ano nga pangalan ng batang iyon.
"Di ko na maalala pero sinabi niya sakin ang pangalan niya nung last na namin iyon pagkikita. Sa sobrang tagal na kaya di ko na matandaan."
"Hoy! Enz! Practice na!" Tawag ni Gio sa kanya at kumaway pa.
"Sige, andyan na." Sagot niya dito. Bumaling ulit siya sa kanyang girlfriend. "Sige, baby, magpapractice na kami. Pagkatapos nito, kain tayo sa labas." Nakangiting paalam ni Encer dito.
Nakangiting tumango ito.
Pumunta na nga siya sa kagrupo niya at nag-start na silang mag practice.
*////
Papunta si Encer ngayon sa room ni Miyah dahil kakatapos lang niyang mag meeting ng mga officer. Tatakbo kasi siya bilang Escort sa SSG. Siya kasi pinili ng karamihan kaya sumali siya. Pambato rin ng school campus na Muse si Eunice. Maganda kasi ito kahit chubby at matalino kaya ito napiling tumakbong Muse ng campus namin.
Ayaw sana ni Miyah kaso pumayag nalang siya. Kaya nagpatuloy ulit siya. Dami ngang iba na nila-loveteam sila ni Eunice dahil mas bagay raw sila at mas maganda ang chemistry namin kaysa sa kanila ni Miyah. May iba kasi na di boto kay Miyah para sa kanya pero wala silang magagawa. Pinili niya si Miyah at mahal niya 'to.
May dala siyang bulaklak. Balak niyang i-surprise ang kanyang jowa dahil monthsarry nila ngayon. Six months sila ni Miyah ngayon. Sana tumagal pa silang lalo.
Paghakbang ni Encer sa hagdan nakarinig nalang siyang sumigaw.
"Miyah!"
Napatingin siya sa taas ng hagdan at nakita niya si Eunice na nakatayo at...
Tilang huminto nalang ang mundo ni Encer sa nakita. Nakita niyang gumulong-gulong si Miyah sa hagdan. May sugat ang ulo nito at may dugo na kumalat sa sahig.
Dali-daling humakbang siya ng hagdan pataas para puntahan si Miya na walang malay. Nakita niyang may sugat ang ulo nito at wala na siyang maramdaman na pagtibok ng puso nito.
"Miyah?" Sambit niya at nilapit ang tainga sa kanyang dibdib sabay tiningnan ang pulso nito. Doon na siya kinabahan dahil wala siyang maramdaman ng heartbeat nito."Miyah!" Sigaw niya. "Gumising ka. Hoy! Baby! Gising!"
Hindi na nagising ito. Tuluyan nang tumagas ang luha sa sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Encer ang pisngi nito at pilit ginigising. Nang na-realize na patay na si Miyah ay galit na tiningnan niya sa taas ng hagdan si Eunice.
Naluluhang nakatingin ito sa kanya at nanginginig.
"Encer? Si Mi...miyah? Ka...ka...kamusta?" Tanong nito at bakas sa boses nito ang takot.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong niya dito sa normal na boses habang may tumatagas na luha sa kanyang mata.
"Wala akong ginawa." Lumuluhang sagot nito halos napahawak sa dibdib.
"Pinatay mo siya!"
**End of Flashbacks**
KLARISSE DEVELIA POV:)
"Ngayon, sabihin mo sakin kung dapat bang patawarin ang taong pumatay sa mismong naging buhay mo, mismong naging mundo mo. Sa tingin mo ba, ganun kadali patawarin ang mamatay tao na iyon?! Sabihin mo sakin!" Galit na sumbat pa rin ni Encer nang ikwento nya sakin lahat ang nangyari. Ang pinagmulan ng lahat bakit kinamumuhian niya si Eunice.
Di ako umimik. Nanatiling nakatikom ang aking bibig at di ko alam kung maniniwala ba ako sa binibintang nila kay Eunice. Di ko alam kung kaya ba iyon lahat gawin ni Eunice. Nakikita kong hinding-hindi syang ganun na tao para magawa niya lahat na iyon.
"See? Di ka makapagsalita. Pwes, alam mo na ngayon ang totoo. Alam mo na kung anong klaseng tao siya. Lahat na nakikita mo sa kanya, puro pagpapanggap lang. Wag mo isisi samin, Klarisse bakit ganun nalang ang trato namin sa kanya." Patuloy na pahayag nito."Pag-isipan mo lahat, Klarisse ang mga nalaman mo. Baka sa huli, traydurin ka rin niya." Pagpapaalala nito at tumalikod na ito.
Sumama na nga sila Emma at Cassandra. Bago pa man tumalikod si Dalton, nilapitan pa niya ako at hinawakan ang aking braso.
"Pasensya na, Klarisse. Wala akong maitutulong sa iyo. Nandito pa rin ako bilang kaibigan mo." Madamdaming pahayag nito.
"Okay lang, Dalton. Salamat." Pilit lamang ang ngiti na sabi ko sa kanya.
Malungkot na sinundan na nga niya ang mga ito at naiwan akong nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko. Naisipan kong umalis na at makapag-isip-isip. Saktong pagtalikod ko, nakita ko si Eunice na nakatayo at may luhang tumutulo sa kanyang mata.
Nasaksihan niya lahat ang pag-aaway at paninira sa kanya ni Encer.
*///////
"Sissy, hindi ko siya pinatay. Hindi ko pinatay Miyah. Hindi ko magagawang patayin ang kaibigan ko." Naiiyak na turan ni Eunice.
Nandito kami sa room. Kami lang ang tao dito. Hapon na kasi at uwian na namin ng oras na ito. Nakaupo kami sa aming upuan habang pinaharap ko sa kanya ang upuan para makapag-usap kami ng masinsinan.
Kailangan ko pakinggan ang side ni Eunice. Alam ko may dahilan siya at alam kong siya nakakaalam ano ba talaga nangyari at bakit namatay si Miyah, ang kasintahan noon ni Encer at naging best friend niya.
"Ano ba nangyari ng mga panahon na iyon? At bakit nasira pagkakaibigan nyo noon ni Miyah?" Tanong ko.
Inangat naman ni Miyah ang kanyang ulo. Naluluhang tiningnan ako nito ng taimtim. At doon siya nagsimula mag-kwento.
*/////
"Kakauwi mo palang? Nag-meryenda kana ba?" Pungad sakin ni Kuya Louis nang nakasalubong niya ako sa hagdan.
"Hindi pa." Sagot ko sa malumbay na boses.
Alas sais na ng gabi at kakauwi ko lang. Nalaman ko na rin ang side ni Eunice. Alam ko na kung sino sa kanila ang may mali at tama. Pareho sila may di pagkakaintindihan.
"Nagluto ako ng sopas at tinirhan kita---"
"Wala akong gana." Sagot ko lamang at dinaanan lang si Kuya.
Pansin ni Kuya ang pagod ko kaya di na nya ako kinulit pa. Hinayaan nalang ako nito makapunta sa kwarto ko at makapangpahinga.
Nang makarating sa kwarto ko, pagod na tinapon ko ang aking bag sa kama at patapon na nahiga ako sa kama. Ramdam ko ang pagod at gusto ko ng matulog.
Madami nangyari ngayong araw at need ko na muna magpahinga. Awat muna ako sa pag-iisip-isip. Need ko muna i-peace ang utak ko.
Tumunog nalang ang cp ko. Nakahiga pa rin na kinuha ko ito sa aking bulsa.
Nakita kong nag-text si Eunice. Binuksan ko naman kaagad ang mensahe niya.
From: Eunice
Salamat sa pakikinig sa side ko. Medyo gumaan-gaan na ang nararamdaman ko dahil sa wakas may isang taong nakinig na rin ng side ko. Nakauwi kana ba? Kumain kana ng dinner mo deretsyo. Good night, sissy.
Doon ko nalang na-realize na kailangan lumabas ang katotohanan. Katotohanan na hindi niya pinatay si Miyah at siya ang totoong si Mimi.
*/////
Maagang pumunta ako ng gym para manood ng practice ng team namin. Remember, muse nila ako. Kailangang andoon ako naka-support sa kanila. Nalalapit na ang Intrams namin at excited na ko. Mag-iisip pa ko kung saang sport ang sasalihan ko.
Pagkapasok ko palang ng gym, napansin ko kaagad nagtitipon yung mga estudyante. Di ko alam ano tinitingnan nila o pinagkakaguluhan. Lumapit ako at nakihalubilo din. Makiki-chismis din kung ano pinapanood nila.
Nanlaki mata nalang ako nang makitang tinulak ni Encer si Eunice.
"Ano ba?!" Singhal nito sabay tinulak si Eunice.
Napaatras naman si Eunice pero lumapit pa rin ito at hinawakan ang kamay ni Encer.
"Please, maniwala ka. Hindi ko pinatay si Miyah at ako ang totoong si Mimi---"
"Wag ka ngang magsinungaling dyan! Hindi mo na mababago ang lahat. Kung napapaniwala mo sila, pwes! Ako, hindi." Galit na saad nito.
"Encer, please naman. Maniwala ka naman. Hindi ko pinatay si Miyah at iyon ang totoo. Aksidente lang ang lahat na nangyari." Patuloy na paliwanag parin nito.
Lahat ng nanonood dito pinag-uusapan na sila. Halos naririnig ko mga masasama tungkol kay Eunice.
"Palinis masyado."
"Akala nya mapipikot niya si Encer."
"Pa-victim."
"Over dramatic. Halatang nagsisinungaling naman."
"Hindi ko siya pinatay. Siya nagtatangkang pumatay sakin. Gusto niya ako patahimikin dahil alam niyang ako si Mimi na inako niya na siya si Mimi." Patuloy na paliwanag ni Sissy dito.
"Ano ang gusto mong palabasin? Na sinungaling si Miyah?!" Salubong pa rin ang kilay na sabi nito.
"Impostor siya! Impostor---" di napatuloy ni Eunice ang sasabihin niya nang...
Nagulat ang lahat sa ginawa ni Encer kay Eunice. Napahawak nalang ako sa aking bibig sa gulat na ginawa nito sa kaibigan ko. Sinapak niya ng napakalakas ang kaibigan ko na halos natumba ito sa kinatatayuan.
Biglang may sumugod nalang kay Encer at sinuntok ito. Bumalagta nalang sa sahig ito at gulat na makita ang taong gumawa nito dito.
"Chairman." Gulat na sambit nila Cassandra nang makita na sinuntok ni Gio si Encer.
Napasapo naman sa pisngi si Encer at ramdam ang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Gio.
"Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko!" Sigaw nito sa sobrang galit.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10
0Tingnan Lahat