Chapter 43: Pictures

KLARISSE DEVELIA POV:)
One month later...
"Ang lalim na naman ng iniisip mo."
Napatigil naman ako sa aking pagmumuni at napatingin kay Eunice na kakaupo lang kung nasaan rin ako nakaupo. Nasa canteen ako ng oras iyon at hanggang ngayon nandito pa rin yung sakit kada naaalala ko ang nakaraang kahapon.
Yes, kahapon. Parang kahapon pa rin nangyari ang lahat na iyon. Kada naaalala ko yun, parang ang fresh pa rin ng sakit an nararamdaman ko. Wala akong magawa kunti umiyak o minsan naman sobrang galit ang nararamdaman ko kay Ax. Di ko na nga napapansin yung palakol na iyon. Kahit nakatira kami sa iisang bubong, di ko na siya nakikita o nakakasama doon. Wala kasi siya ngayon sa bahay. Two weeks na siyang wala doon dahil nasa kanila siya ngayon umuuwi. Umuwi kasi yung magulang nya galing ibang bansa. Syempre, bonding nila ngayon ng family nya. Pero base naman sa narinig ko, umuwi daw jowa nun. Jowa na nga niya si Ate Stacy, may jowa pa siyang isa? Playboy talaga niya.
Saka ayaw ko na makita pa ang pagmumukha ng lalaking iyon. Ayaw ko na talaga. Kinamumuhian ko na siya. He cheat me. No,wag kang feelingera, Klarisse. Wala kayo at wala kayong label. In short, pinaglalaruan ka lang niya dahil alam niyang gusto mo siya kaya inaabuso ka niya.
Bumalik ulit ako sa binabasa kong libro. Mula kanina pagpunta ko dito, di ko matapos-tapos ang page one kasi hanggang ngayon page one pa rin ako. Dulot ito ng laging tulala ako.
"Wala ka bang balak kumain? Thirty minutes ang recess natin, sasayangin mo lang sa kakaisip sa masalimuot na nakaraan? O, hala! Bumili ako ng burger sa 7/11. Kainin mo yan baka sakaling makalimutan mo ang paasang iyon." Sabi ni Eunice at kinuha ang aking kamay.  Nilagay niya sa palad ko ang burger na bili niya.
Ngumiti lang ako pero di ko pinahalata na pilit lang iyon. Ayaw ko kasi ipakita sa kanya na nasasaktan pa rin ako. Baka kasi batukan na naman ako nito. Mahilig pa naman itong mambatok.
Tahimik na kinain ko ang binili niya. Maya-maya pa nagtanong ito at iyon na ang panibagong topic naming dalawa.
"Asan sila Cassandra? Bakit di mo kasama?" Takang tanong nito nang mapansing di ko kasama yung grupo na yun.
"Di ko alam." Sagot ko lamang. Di ko naman talaga alam. Basta pagka-recess umalis sila ni Emma at Encer. Di man lang nila ako niyaya. Baka may pupuntahan lang sila.
"Ee si Chairman?" Tanong naman nito sabay inom ng coke.
Napahawak ako sa baba ko at iniisip na asan rin ba si Chairman?
"Di ko rin alam." Sagot ko din. Asan mga 'yon?
*//////
Dahil nga pumayag na si Kuya na maging muse ako ng basketball team ng year namin, nandito ako ngayon sa gym. Nakaupo habang pinapanood ito mag-practice. Alas 4 na ng hapon at katapos lang ng klase namin. Balita ko kasi may laban yung school namin sa kabilang school.
Naupo nalang si Eunice sa tabi ko. Kakadating lang niya habang dala ang mga tubig. Inutusan kasi siya nila Cassandra at Emma na bumili nito. Syempre, pumayag siya kasi nandito yung crush niya, si Encer. Isa rin sa member ng team.
"Sissy, asan si Encer?" Tanong nito pagkaupo.
"Di ko alam, sissy. Kanina naglalaro palang 'yon." Sagot ko.
"Bibigyan ko sana sya ng tubig kaso nahihiya ako." Mamumulang sabi nito.
Nahagip nalang ng aking mata ang kinaroroonan nila Cassandra. Nasa harap sila ng Exit door palabas ng gym habang kausap ng masinsinan nila si Encer. Maya-maya pa nagtawanan ito at nag-appear-an. Nakaramdam ako ng kakaiba sa tawanan nila. Feeling ko may gagawin silang mali.
"Muse, pahingi po ng tubig."
Napatingin nalang kami pareho ni Eunice sa lalaking lumapit sa amin. Member ito sa basketball at medyo close ko na din ito.
"Sissy, tubig daw." Sabi ko kay Eunice.
Dali-dali naman kumuha si Eunice ng tubig.
"Ito, tubig mo o." Nakangiting binigay ni Eunice dito ang tubig.
"Salamat." Pasalamat nito at umalis na.
Nag-clap ako at napatingin sakin ang mga member sa basketball.
"Kumuha na kayo ng tubig. Kakabili lang ni Eunice." Sigaw ko.
Nakangiting nagsilapit naman sila sa kinaroroonan namin. Nagsikuha naman ito ng kanya-kanyang tubig nila.
"Eunice!" Tawag ni Encer kay Sissy.
Lumaki nalang ang mga ngiti sa labi ni Eunice nang marinig na tinatawag siya nito.
"Yes, Enz?" Halatang kinikilig tanong nito. Kita palang sa mata nito ang kilig halos nagkikislapan ito.
Pinaypay siya nito na ang kahulugan ay lumapit siya dito. Dali-dali naman sumunod si Eunice at excited na lumapit kay Encer. Pipigilan ko sana si Eunice pero nakaalis na siya. Feeling ko may mali. May maling gagawin sila dito.
"May tubig pa ba ako?" Nakangiting parang may binabalak na tanong nito sa kaibigan ko.
"Meron. Binilhan din kita. Ito o!" Masiglang sabi nito at binigay sa kanya ang kahuli-hulihang tubig na nasa plastic.
Kinuha naman iyon ni Encer kaso...
"Bakit isa lang? Dapat dalawa."
"B-bakit?" Takang tanong nito dito.
"Wala ako iinumin." Sagot nito at pakunyaring nagsimangot.
"Ano ba gagawin mo sa tubig na yan?" Takang tanong pa rin ni Eunice halos naituro pa niya ang bottle na hawak ni Encer.
Lahat ng tao sa gym nakatingin sa dalawa. Feeling ko may hinahantay silang mangyari at feeling ko parati-rati na nila itong ginagawa.
"Ibabasa ko ang ulo ko." In-open na nga ni Encer ang tubig at tangkang ibubuhos sa ulo niya nang pigilan siya ni Eunice.
"Wait! Baka magkasakit ka nyan!"
"Di sayo ko nalang gawin 'to." Sabi nito at binuhos niya sa ulo ang tubig kay Eunice.
Napatayo naman ako sa ginawa ni Encer. Nagsitawanan naman ang tao sa gym. Nang maubos na ang tubig na nasa bottle, tinapon niya iyon ng mahina kay Eunice halos tumama iyon sa braso nito. Pinipilit di umiyak si Eunice at pinipilit lang ngumiti.
"Hehehe b-bili pa ba ako ng dalawang tubig, Enz?" Tanong ni Eunice na medyo nanginginig ang boses.
"Oo, alangan. Bilisan mo ah?" He said with smirk.
Maluha-luhang tumango si Eunice at dahan-dahan tumalikod. Pinagmasdan ni Eunice ang mga taong nasa paligid niya. Nakita niyang pinagtatawanan siya ng mga ito. Yumuko nalang siya habang naglalakad.
Di ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kanya. Ang sama nila kay Eunice. Napakabait niya pero bakit ginaganon siya ng mga tao dito.
Nahagip ng aking mata ang kinaroroonan ni Chairman. Kakapasok lang nito sa kabilang pinto ng gym at nasaksihan nito ang nangyari sa step-sister niya. Nakita kong nakakuyom ito at pinipilit na di sugurin si Encer sa ginawa nito dito.
"Eunice!" Tawag ko.
Lumingon naman ito. Naglakad ako papunta sa kanya. Pagkalapit, kinuha ko sa kanyang kamay ang plastic na pinaglagyan ng mga tubig kanina.
"Ako na magtatapon nito at ako na rin bibili ng tubig." Prisinta ko. Natahimik naman ang mga tao sa gym halos napataas kilay si Cassandra sa pagprisinta ko.
"Wag na, Sissy. Ako nalang---"
"Ee di sabay na tayo bumili. Total, bibili ako ng meryenda ko." Sabi ko kaagad.
"P-pero---" Di ko na pinakinggan pa ang sasabihin nito. Tumalikod na ako palabas ng gym.
Alam kong may patibong sila kay Eunice. Ako na aako nito. Ayaw kong pinaglalaruan nila ang kaibigan ko. Kung paglalaruan nila si Eunice, sasabay na rin ako sa trip nila. Mali kasi ang ginagawa nila dito. Isang klase ito ng pambubully.
Pipigilan sana ako nila Cassandra pero huli na. Naapakan ko ang lubid na nasa pintuan at bumuhos nalang ang tubig na nasa balde sa aking ulo. So, ang nangyari, pareho na kami basa ni Eunice.
Lumingon ako kay Eunice at bakas sa mata nito ang pagkagulat.
"Tara na, Sissy. Ililibre na rin kita ng meryenda." Nakangiting yaya nito habang basang-basa ako. Di ko pinansin ang nangyari sa akin bagkus nagkilos normal ako.
"S-sissy..." Sambit lang nito.
Nilingon ko sila Cassandra na di makapaniwala sa nangyari. Nagpaalam na ko dito.
"Uuwi na pala ako, Cass. Ihahatid ko na din si Eunice sa kanila. Baka pareho kami magkasakit. Bye! See you tomorrow." Nakangiting paalam ko sa kanila."Tara." Yaya ko dito at hinawakan ang kamay nito.
Naglakad na kami paalis ng gym. Di pa rin makapaniwala si Eunice sa nangyari at bakas sa mukha nito ang pagkabilib sa akin.
"Ihahatid ko na kayo." Prisinta ni Chairman. Sinundan pala kami nito palabas ng school. Dali-dali pumunta ito sa kotseng naka-park dito.
"Chairman, doon ko muna papatulugin si Eunice sa amin saka doon mo na kami ideretsyo. Doon na kami matutulog. Pwede ba?" Pakiusap ko.
"Pwede naman." Payag kaagad nito na di na pinag-isipan pa.
"Thank you." Nakangiting sabi ko.
Sumakay na nga si Chairman sa kotse niya at pinaandar. Hininto ito sa harapan namin at sumakay na kami. Bakas pa rin sa mukha ni Eunice ang pagiging mangha sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagiging masaya hanggang makarating na kami sa bahay namin.
*//////
"Sissy?"
Nakahiga na kami parehk sa kama ko habang nakatingin lang sa kisame. Di pa namin ramdam ang pagod at tila ba ang lalim pa ng iniisip namin ng mga oras iyon.
"Hmm?" Tanong ko lang habang nakatingin lang sa taas.
"Ang tapang mo at sobrang bait mo." Sabi nito. Tumingin ito sa akin."Maganda kang maging kaibigan at sobrang proud ako sayo dahil napakabuti mong tao." Nakangiting pahayag nito."Di nga ako nagkamali ng ekspresyon sayo. Ang bait mo talaga. Para sa akin iyon pero inako mo dahil ayaw mong makitang nasasaktan ako."
Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya. Nakangiting tiningnan ko sya."Mas proud ako sayo, Eunice. Di ko alam saan ka kumukuha ng lakas sa kabila ng pinaggagawa nila sayo. Andyan ka pa rin, nakangiti at parang wala lang nangyari." Madamdaming sabi ko.
Tumagilid na din ito ng higa para makaharap ako.
"Salamat." Pasalamat nito."Salamat dahil isa ka sa naniniwala sa akin na di ako masamang tao." Maluha-luha ang mata na sabi nito.
"Di ka naman masamang tao. Napakabait mo nga e. Wag mo papansinin yung mga taong ayaw sayo at wag mo pilitin ang sarili mo sa kanila. Kung ayaw nila sayo, ayawin mo rin sila. Di mo sila kailangan para matanggap ka. Doon ka sa taong tanggap ka kahit sino ka man." Advice ko sa kanya."Di mo kailangan i-please ang sarili mo para magustuhan ka nila. Isipin mo nalang para kang artista. Ang dami mong basher dahil naiinggit sila sayo. Wag mo na sila pansinin at wag mo na i-stress ang sarili mo. Papansin lang sila sa buhay mo." Nakangiting sabi ko.
"Salamat, Sissy." Mangiyak-iyak nang sabi nito.
"Lika nga dito."
Lumapit naman ito at niyakap ako habang nakahiga kami. Doon na nga siya umiyak na umiyak sa dibdib ko habang yakap ko sya at yakap niya ako.
"Sissy. Huhuhu!"
"Nandito ako, sissy. Di kita pababayaan. Pabayaan mo na sila. Wag mo na silang isipin." Sabi ko lang sa kanya habang tinatahan siya.
"Thank you." Pasalamat pa rin nito at umiyak na umiyak pa rin.
Hinahaplos ko lang ang likod nito at hinahayaang umiyak. Pag nalabas na niya ang nararamdaman niya, alam kong gagaan ang loob niya. Nandito ako para maging sandalan niya.
Sa mundong ito, madaming mapanghusga at mapang-api. Iisipin natin na nag-iisa tayo at walang naniniwala sa atin. Pero may darating nalang ng isang tao na tatanggap at maniniwala sa atin. Masakit sa una pero masasanay ka nalang dahil may isa ka nang kaibigan na ichi-cheer up ka. Wag natin isipin na nag-iisa tayo. May plano ang diyos at di tayo pababayaan niya.
*/////
"Sissy, gusto mo bang sumama sakin?" Tanong ko kay Eunice na abalang naglalaro ng C.O.C sa cp ko. Pinahiram ko kasi sa kanya ang cp ko. Alam kong gusto nya maglaro nung nilalaro ko.
"Saan?" Tanong nito at nakatutok lang ito sa nilalaro nito.
Mula nang mangyari iyon, hindi na ako pinapansin ni Cassandra pati si Emma naiilang na ito sa akin. Di sila sakin makatingin masyado. May time tinatarayan ako ni Cass at may time din nagpaparinig silang tatlo ni Encer. Pero okay lang iyon. Ginawa ko lang yung tama. Walang mali sa ginawa ko. Siguro ang mali ko lang doon parang tinalikuran ko sila pero wala akong nakikitang mali sa ginawa kong pagtulong kay Eunice. Mali sila e. Nambubully sila ng taong walang kalaban-laban sa kanila. Kung may nagawa man itong malaking kasalanan e di sana irespeto nalang nila. Tao naman si Eunice at nakakaramdam rin ito ng sakit gaya nila.
"Pupunta ka ba sa gym?" Tanong nito at tumingin sakin.
"Oo."
"Ayaw ko. Andoon sila Cassandra." Tanggi nito. Napo-phobia na kasi siya sa nangyari dati.
"Sige. Maiiwan kitang mag-isa dito. Kaya mo ba?"
"Kaya ko. Andito naman si Chairman. Wag mo na ko aalalahanin, Sissy. Kaya ko naman sarili ko." Nakangiting sabi nito.
"Sige. Text mo nalang ako kung kakain tayo ah?" Nakangiting sabi ko.
"Sige."
Umalis na nga ako. Vacant namin ngayon at mamaya pang alas dos ang next klase namin. Papunta ako ngayong gym dahil tinext ako ng mga varsity na nagpa-practice sila. Syempre, dapat raw andoon ako. Supporter raw.
Pagkalabas ko palang ng room dali-dali naman ako hinila ni Cassandra.
"Mag-usap nga tayo." Madiin na sabi nito. Bakas sa mukha niya ang galit pero di niya pinapahalata iyon. Kasama niya si Emma at sumusunod lang ito samin.
Nagpaakay nalang ako za kanila.
Dinala nila ako sa likod ng isang school building at galit na hinarap ako ng tatlo pero nanatiling nasa likuran lang ng mga ito si Dalton na tila walang balak na gayahin ang mga kaibigan niya.
"Ganyan ka ba ka-traydor, Klarisse ah?!!" Galit na sumbat kaagad sakin ni Cassandra."At ang galing mong tinulungan ang traydor na 'yon!"
"Di ako traydor. Ginawa ko lang yung tama." Depensa ko sa sarili ko.
"Tama? Asan ang tama doon ah?!" Pinandilatan na ko ng mata na patuloy na turan nito.
"Binubully nyo sya---"
"Dapat naman talaga bullyhin iyon dahil traydor siya!" Galit pa rin na turan ni Cassandra.
"Pero mali pa rin ang mambully ng tao." Matapang na sabi ko pa rin.
"Hey, Klarisse!" Singit ni Emma at sakanya napunta ang tingin ko sa kanya."Di mo alam kung sino ang kinakampihan mo."
"Mabait si Eunice at hindi siya traydor tulad ng sinasabi nyo. Kung ano man nagawa niyang mali sana patawarin nyo. Nagbago na sya at nagsisisi na sya sa ginawa niya." Patuloy na pagtatanggol ko sa kaibigan ko.
Napaatras nalang ako nang pumagitna si Encer at kita ko sa mata niya ang galit.
"Patawarin? Papatawarin ko ang mamamatay tao na yun?" Singhal nalang nito.
Natigilan naman ako sa sinabi nito.
Kita ko sa mata nito ang galit pero di maitatago na naiiyak ito.
"Alam mo ba yung feeling na iwan ka ng taong mahal mo? Alam mo ba yung feeling na hinahanap-hanap mo presensya nya araw-araw? Alam mo ba yung feeling na nasanay ka kasama siya? Alam mo ba ah? Alam mo ba?!!" Turan nito at ramdam ko sa sinabi niya ang sakit.
Natahimik nalang ako at di ko alam parang nasara ang bunganga ko.
"Yang kinakampihan mo, may pinatay siya. Pinatay niya ang bestfriend nya na girlfriend ko!"
Nanlaki mata naman ako sa binunyag na iyon. Di ko alam ano masasabi ko o ano iisipin ko. Nablangko lahat ang nasa paligid ko. Pati pag-iisip ko parang nawala at inilipad nalang sa narinig ko. Di ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Di ko alam kung paniniwalaan ko ba ang narinig ko o hindi.
Nakatingin lang ako kay Encer at kita ko sa mukha niya ang kalungkutan. Nagsitulo na rin ang traydor niyang mga luha sa kanyang singkit na mata. Nakikita ko yung sarili ko sa kanya na umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman.
THIRD PERSON POV:)
**Encer's Flashback**
Kada bubuksan ni Encer ang kanyang locker, palaging may laman iyon ng mga love letter. Sa sobrang dami, nagsisihulog na iyon sa sahig. Dahil parang bato ang puso niya, di niya pinapansin o binabasa kahit isa, tinatapon lahat niya iyon sa basurahan. Minsan, pag may mga gift sa kanyang chocolates binibigay niya kila Cassandra.
Di naman siya mahilig sa chocolates and he hates chocolates.
Pagkatapon niya sa basurahan, kukunin na sana niya ang sapatos niya na nasa loob ng locker niya nang may nakita siyang picture na nakasabit sa gilid ng locker niya. Kinuha niya iyon at nakita niyang picture iyon na nagpa-practice siya sa sayaw. Miyembro kasi si Encer sa sayaw since Grade 7 siya hanggang ngayon na Grade 9. Ang laki ng ngiti niya dito habang sumasayaw.
Tiningnan naman niya ang nasa likuran ng litrato at binasa ang nakasulat doon.
"Hi. I think I like you... From Mimi."
Lahat na nagbibigay sa kanya ng loveletter, ito lang naiiba. Di niya alam pero napangiti nalang siya. Tila bang di naman niya ugaling ngumiti dahil sa loveletter lang. Matigas ang puso niya at wala siyang panahon sa love pero nakaramdam siya ng kakaiba.
Sa simpleng effort na iyon, napangiti siya. Ang cute naman kasi ng message pati ang name nito.
"Mimi." Sambit niya sa isip. Nang marealize na natitimang na siya, napailing-iling na lamang siya. Kinuha na niya ang kanyang sapatos at nilagay lang niya sa loob ng locker ang picture.
Umalis na nga siya dala ang kanyang sapatos papuntang gym.
*/////
Kakatapos lang niya mag practice at pagbukas ulit ng locker, marami na namang nakatambak na mga cards. Dali naman niya iyon tinapon except yung picture. Nasa maliit na box niya iyon nilagay. Doon niya iniipon ang binibigay sa kanya ni Mimi.
Nakita naman ni Encer sa basurahan na meron na naman siyang picture na na-recieve kay Mimi na nasabay niya itapon ang mga loveletters din. Dali-dali naman iyon kinuha nya at binasa ang nasa likod ng litrato.
"I wish you like me like I like you... From Mimi."
He's smile.
Binaliktad kaagad niya ang litrato at nakita niya na nakaupo siya sa bench habang nakangiti. Ito yung araw na nakikiharutan siya sa mga ka-miyembro niya sa gym.
Everyday palagi siya nakaka-recieve kay Mimi na mas lalong naku-curious siya kung sino iyon. Stalker niya ito dahil saan man sya pumunta may picture syang natatanggap dito.
May time pag may okasyon sa eskwelahan nila, tinitingnan niya ang paligid baka makita niya ang misteryosong secret admirer niya. Pero ni isa di niya nahuli. Laging nakakalusot si Mimi. Palagi siyang nakukunan nito.
Bubuksan na sana niya ang locker niya nang may bumangga sa kanya na di niya kilala.
"Sorry." Sabi ng isang magandang babae na wala namang kolorete sa mukha pero pulang-pula ang lipstick niya.
Tiningnan niya ito at may kasama itong babaeng nakasalamin na maiksi masyado ang buhok na medyo may kulay pa ng buhok.
Bakas sa mukha nila na may gusto sila kay .
Di nalang niya ito pinansin. Bumaling na ulit siya sa locker niya at binuksan iyon. Umalis naman yung dalawa na rinig ko ang kinikilig ang isa.
Nakita naman niya kaagad ang loveletter sa kanya ni Mimi. Di na niya pinansin ang ibang letter pero kay Mimi kaagad kinuha niya. Ramdam niya ang excitement na may natanggap na naman siya kay Mimi. Dali-daling binasa niya ang nasa likod.
"I like when you smile, but I love it when I'm the reason... From Mimi."
Napangiti ulit ng napakalaki si Encer halos ramdam niya na umiinit ng kanyang pisngi dahil sa message sa kanya ni Mimi. Tiningnan niya ang picture at sa posisyon niya ulit doon, nakangiti siya habang may icing ang mukha. Ito kasi yung time na birthday ni Cassandra at sa canteen nila pinag-celebrate ng kaarawan nito.
Ramdam na niya na naiinlab na siya kay Mimi kahit di pa niya ito nakikita.
"Yes, I'm smiling because of you..." Sa loob-loob niyang sabi.
Napatingin siya sa kanyang gilid dahil feeling niya may nakatingin sa kanya o nagmamasid. Dahil naririnig niya yung boses babae na nag-uusap ng palihim.
"Nakita?" She whispered.
"Oo." Sagot ng babae na pabulong din.
Tiningnan naman niya ang nag-i-stalk sa kanya. Nagulat naman ang mga ito. Tumakbo dali-dali ang mga ito paalis nang mahuli niya ito.
Siguro isa sila sa naglalagay ng love letter sa locker niya. Akala nila mapapansin niya ang mga ito? No!
* / / / /
Nag-away ang family niya dahil nagkakaroon ng problema sa kompanya nila. Nasa hagdan lang siya nakaupo habang nakayungko at umiiyak. Wala nang masyadong estudyante ngayon dahil hapon na at kanina pang 4 ang uwian. Alas 5 na at mag-aalas 6 na ng gabi, andito pa rin siya.
Ayaw na muna niyang umuwi dahil alam niyang aabutan niya ang mama at papa niyang nag-aaway. Kaya gusto niya umuwi yung tulog na ang mga tao sa bahay para tahimik siya matutulog kaagad.
Nakarinig naman si Encer ng isang takong ng sapatos na tila bang may estudyante pa na pauwi palang. Pababa na ito at rinig ko ang lakas ng takong niya palapit sakin.
Alam niyang babae iyon dahil sa sapatos palang at amoy nito alam na kaagad niya. Tumigil ito sa harapan niya. Nanatiling nakayungko lang siya at wala siyang balak na tingnan ito
"Di ka pa ba uuwi?" Isang mala-anghel na boses na tanong ng babae sakin.
Di siya sumagot. Kung suplado tingin nila sa kanya, totoo iyon.
"Kung may pinoproblema ka man, lapitan mo yung taong alam mong tutulungan ka at papakinggan ang mga problema mo. Di ka nun pababayaan at tutulungan ka niya solusyunan ang problema mo na yan." Sabi pa rin nito."Ito, may iniwan akong chocolate. Kainin mo yan. Pampalimot ng stress yan." Mahinahon na turan nito.
"Sige. Maiwan na kita." Sabi nito at umalis na.
Nang makaalis ito saka niya dahan-dahan iniangat ang ulo niya. Sinisigurado muna niya na nakaalis na nga ito. Tiningnan naman niya yung iniwan nito. Chocolate na Dairy Milk iyon at----
Dali-daling kinuha niya ang chocolate at kinuha niya ang picture na nakadikit doon. Picture na nakaupo siya sa bintana at tulalang-tulala. Yung puso niya lakas makakalabog. Di niya alam kung naeexcite ba siya o matutuwa. Basta komplikado na nararamdaman niya.
Binasa niya ang nasa likuran ng litrato.
"Pssst? Smile please? Wag mo isipin kung ano man iniisip mo. Lilipas din yan. Kainin mo yan na chocolates ah? Favorite ko kasi yan... From Mimi."
Napatayo naman siya sa pagkakaupo halos nanlalaki ang mata niya sa nabasa. Di mapakali kung ano gagawin niya.
"Mimi!" Turan niya at tumakbo para mahabol pa niya si Mimi.
Pagkalabas niya ng campus wala siya nakitang ni anino ni Mimi. Walang estudyanteng nakita niya sa campus kaya halos mabaliw na siya at nagsisisi na sana tiningnan niya ito kanina.
Nasa harapan na niya kanina si Mimi, pinakawalan pa niya.
*/////
Dahil sa narinig na niya ang boses ni Mimi, palagi na syang may baon ng Dairy Milk Chocolate. Dati di naman niya paborito kumain ng chocolates pero dahil sa kanya nagustuhan na niya ito. Nawala nga stress niya kada kumakain siya nito.
Naglalakad siya ng hallway nang nabangga ang dalawang babae ng mga nag-i-skate na mga lalaki kaya napaupo ang isa at nagkalat ang gamit niyang mga libro. Samantala yung isa nagulat at nahulog lang yung notebook niya.
May tumilapon naman na isang litrato sa harapan Encer. Napatigil siya dahil sa isang litrato na nasa paanan niya. Nakita niya roon ang isang nakangiting Encer.vKinuha niya iyon at dali-dali binasa ang nasa likuran.
"Can you hug me? I still fall for you everyday... From Mimi."
Natigilan nalang siya sa nabasa.
Mimi...
"Best! Nawawala!" Sabi ng isang babae na pilit may hinahanap.
"Asan na 'yon?" Sabi naman ng isang babae.
Dali-dali niya iniangat ang kanyang ulo at nakita niya ang dalawang babae na nabangga kanina ng nga nag-i-skate na mga estudyante. Sila rin yung dalawang nag-i-stalk sa kanya.
Posibleng isa sa kanila si Mimi.
"Ito ba hinahanap nyo?" Tanong niya rito.
Napatingin naman ang dalawa at nagulat nang makita ako.
"Encer." Sambit nung babaeng bumangga sa kanya dati sa locker na bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Tiningnan naman nito ang hawak niya at nanlaki mata ito nang makitang hawak niya ang hinahanap nila.
"Kanino 'to? Kanino 'to galing?" Tanong ni Encer rito.
Di sila umimik pero nanatili silang nanlalaki mata.
"Sino gumagawa nito?" He asked again.
"Hmmm..." Sabi nung babaeng may salamin.
Nanatiling tahimik sila.
"Inuulit ko, sino nagbibigay nito sakin---" di na napatuloy pa sasabihin niya nang...
"Ako!" Sagot nung babaeng nakasalamin halos itinaas pa niya ang kanyang kamay.
"What?"
"A-ako yung gumagawa nyan..." Nautal na amin nito.
Tiningnan niya ng maigi ito at kita niya sa mata nito ang panginginig at di makatingin ng deretsyo sa kanyang mga mata.
"Ikaw si Mimi?" Sa loob-loob niya."May gusto ka sakin?" Tanong ni Encer dito.
Hinding-hindi na nya ito papalampasin pa.
"Oo. Gustong-gusto kita, matagal na!"
Wala siyang ginawa kundi lumapit siya dahan-dahan rito at niyakap ng napakahigpit halos nagulat pa ito sa ginawa niya.
"Now, I found you...Mimi."

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Fhem De Castro

    An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      1
  • avatar
    ChannelCedricca

    ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖

    28/04/2022

      0
  • avatar
    AgudaRhona

    thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘

    16/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata