Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 42: Birthday Party
KLARISSE DEVELIA POV:)
"Sigurado kang may susuotin na tayo?" Tanong ko kay sissy pagkapasok namin ng kuwarto.
Nilapag sa maliit na mesa ni Eunice ang mga kagamitan na gagamitin namin sa mukha (make up).
"Oo, inarkila ko na kay Ate Georgie. Binigay ko yung address nyo. Dadalhin nila yun dito." Sagot naman nito sakin.
Naupo sa isang upuan si Gio at pinagmamasdan ang loob ng kwarto ko.
Naupo ako sa gilid ng kama at si Eunice naman ay binuksan ang box na naglalaman ng mga make ups nya. Kompleto sya sa gamit at mukhang sya na din nag arkila ng dadamitin namin.
"Di ba, princes and princesses ang theme ng debut ni Stacey?" Tanong nito.
"Oo pero basta daw gown, okay na daw yun sabi ni Ate Stacey." Sagot ko naman. "Ano pala kulay ng susuotin kong gown, sissy?"
May nag-doorbell na nga sa bahay. Napag-alaman na namin na andyan na yung inarkilahan nila Eunice ng gown, si Ate Georgie daw. Siguro isang designer nila iyon.
"Ako na bababa." Prisinta ni Gio.
"Sige." Sabi ni Eunice.
*/////
"Sure ka?! Ito susuotin natin?!" Bulalas ko sa laking gulat na makita ang susuotin namin.
Nasa sala kami ngayon at di na naitaas pa yung susuotin namin. Medyo maliit lang kasi kwarto ko baka di makasya ang mga gown na ito.
"Yap. Di ba, bongga?" Nag-wink pa sya habang hawak ang susuotin namin."Sure akong lahat ng mga tao doon, saatin nakatingin hindi sa celebrant. Bwahaha!" Parang baliw na tumawa pa ito na parang kontra-bida.
Napakibit-balikat nalang si Chairman dahil sa ginagawa ni Eunice. Siguro nasa isip nito natitimang na yung stepsister niya. Pero laking pasasalamat ko pa rin kasi may supportives akong kaibigan. Alam nila yung sitwasyon ko ngayon.
"Naligo kana ba?" Tanong maya-maya ni Eunice.
"Di pa." Sagot ko.
"Girl, maligo kana. Mga 8:30 alis na tayo baka masaraduhan tayo ng entrance." Sabi nito sakin.
"May invitation card naman tayo." Sabi ko sabay pakita ng invitation card.
"Hay naku. Bilisan mo na. Aayusan pa kita." Lumapit ito sa kinaroroonan ko.
"Wait!" Sabi ko pero tinutulak na ko nito paakyat ng hagdan.
"Bilis na."
No choice kaya nagpaakay nalang ako dito.
*/////
"Di pa rin ba kayo tapos? Anong oras na. Mag-aalas 8 na. Bilisan nyo na dyan." Si Chairman habang nasa labas na ito ng bahay.
Nasa loob pa rin kami ng bahay ni Eunice. Nagre-retouch pa sya.
"Need ko ata magdala ng lipstick." Sabi nito habang nag-aapply ng lipstick sa labi habang nakaharap sa salamin.
Nilagay na nga ni Eunice ang lipstick sa mini pouch niya at niyaya na ko nito lumabas ng bahay.
"Ganda mo, sissy." Sabi nito na may ngiti sa mga labi. "Alam kong paglalawayan ka ng crush mo." Kumikinang ang mata sa sobrang tuwa dahil alam na niya ano ang mangyayari mamaya."Syempre paglalawayan ka rin ng mga chokababes don."
Ewan ko bakit naging kaibigan ko pa ito. Mapapasubo ako sa mga kalokohan nito. Di ko alam kung tama bang mag-ayos ng ganitong bonggang-bongga. Baka mas maganda pa ko sa celebrant.
"Maganda rin kasi nag-ayos." Nakangiting sabi ko.
"Yeah! I like that. Hahaha!"
Lumabas na nga kami ng pinto. Naunang lumabas si Eunice bago ako.
"Tara na." Yaya na nito.
Dahan-dahan tumalikod si Chairman paharap samin. Unti-unti natigilan ito nang lumabas na ako ng bahay. Tila bang nakakita ito ng magandang anghel na dahilan mapatigil ito sa kinagagalawan. Di ko mapaliwanag ang kislap sa mata niya habang natitig sa akin.
Di ko alam kanino sya nakatingin. Kay Eunice ba o sakin pero alam kong sakin sya nakatingin. Ayaw ko lang mag-assume.
"Ano, Gio? Ayos ba?" Tanong ni Eunice dito at tumalikod pa ito sabay model para ipakita dito ang suot at ayos namin.
Nawala nalang ang tingin nito sa akin. Bumaling na rin ito kay Eunice.
"Oo, ayos na. Tara na at baka ma-traffic tayo." Yaya nito na para bang nataranta ito.
Pinagbuksan kami nito ng pinto. Bago ako sumakay tumingin pa ako kay Gio. Di ko mabasa ang tingin niya pero alam kong nagagandahan siya sakin. Siguro nag-transform ako ngayon. Unlike sa ayos ko pag sa school. Polbo lang saka liptint lang, ee ngayon naka-make up na, contour, concealer, foundation, lipstick, etc...
Makikita nyo ang pagbabago ko dahil sa may kolorete ako sa aking mukha.
Ang guwapo rin ni Gio dahil nakasuot sya ng alam mong pang mayaman talaga. Para siyang hunk sa sobrang guwapo sa suot niyang black na suit. Para syang prinsipe na hinihintay nya ang kanyang prinsesa.
"Hoy, Gio, patugtog naman dyan yung pang malakasan. Dagdag energy para mamaya. Hahaha!" Pambibiro ni Eunice nang makapasok na sa loob ng kotse si Chairman.
"Hoy, Eunice, ito na!" Ganti rin ni Chairman dito.
Tumawa nalang kami ni Eunice. Natutuwa akong nagkasundo silang mag-step sister at brother. Tanggap nila ang mama at papa nila na maging mag-asawa. At tanggap rin nila na maging magkapatid sila kahit di sila magkadugo.
Iniisip ko pa rin, bakit hinahayaan bully-hin ni Gio si Eunice nila Cassandra? Bakit kailangan pa nilang ilihim na mag-step na sila? May rason ba kaya pilit tinatago nila iyon?
Nagpatugtog na nga ng radyo si Gio na sakto ang tugtog ay nagpaingay sa amin.
"Lakas tama ako'y nawawala! Nawawala ang puso ko pag nakikita ka sinta!" Kanta namin ni Eunice.
Natatawa nalang si Gio dahil sa kabaliwan ng kanyang step-sister.
Umalis nga kami na ang ingay sa loob ng kotse.
Bumaba na nga kami ng kotse na nakita ko naman si Ate Mirah na kausap si Kuya Sid. Bahagyang napakunot-noo ako dahil hinawakan ni Kuya Sid ang kamay ni Ate Mirah halos nagulat pa ito sa ginawa. Dali-daling binawi ni Ate Mirah ang kamay dito.
Di nagtagal napansin naman ako nito.
"Klarisse!" Tawag ni Ate Mirah nang makita ako.
Lumapit ito sa kinaroroonan ko.
Nasa labas na kami ng hotel na kung saan ang venue ng debut ni Ate Stacey.
"Ate Mirah!" Nakangiting sambit ko sa kanyang pangalan.
"Wow? Ang ganda mo..." Sabi nito nang hawak nya ang magkabilang kamay ko at tiningnan ang kasuotan at ayos ko."Para kang prinsesa." Dagdag pa nito at namangha sa kasuotan ko.
"Ang ganda nyo rin, Ate Mirah." Nakangiting puri ko rin sa kanya. Simple lang ang gown ni Ate Mirah pero di pa rin mawawala sa kanya ang kagandahan at ka-sexyhan. Parang prinsesa sya sa suot niya at masasabi mong napaka-elegante ng damit niya."Hi Kuya Sid." Bati ko dito nang nasa likod sya ni Ate Mirah.
"Hello." Nakangiting bati rin nito. Napaka-guwapo niya at kasing hunk lang nya si Gio.
"Ate, kaibigan ko saka kaklase ko, si Eunice." Pakilala ko sa kaibigan ko.
"Hello po. Ako po si Eunice, bff po ako ni Klarisse." Nakangiting pakilala nito dito. Nakipag-shake hands naman sya kay ate Mirah.
"Hello. I'm Mirah, kaibigan ako ng kuya nya." Nakangiting bati rin ni Ate habang nagshi-shake hands na sila."And you?" Baling ni Ate Mirah kay Gio."I know you. Kilala na kita. Ikaw si Gio, right? Manliligaw ni Klarisse?" May lokong ngiti na sabi at turo nito kay Gio.
Bahagyang nagulat si Gio sa sinabi nito at si Eunice naman ay may ngiting malisya na alam mong may iniisip na naman na kakaiba.
"Naku, Ate Mirah! Sila nga magka-partner ngayong gabi e. Hihihi."
Sabi na nga ba e. Nagkasundo si Ate Mirah at Eunice. Ewan ko sa kanila ba't shini-ship kami ni Chairman ee friend ko lang si Chairman.
"Ate, sinabi ko na sayo na---" di ko napatuloy pa sasabihin ko nang isiko ako ng malakas ni Eunice halos napasandig ako kay Chairman.
"Yuyyyy!" Sabay sambit ni Eunice at Ate Mirah.
Tumingin ako kay Gio at nakatingin rin ito sakin. Dali-dali naman akong umiwas. Feeling ko namumula ako. Kainis kasi sila ee. Ayaw ko sa lahat yung inaano nila ako sa mga lalaki. Kinikilig na ko kaagad nyan.
"Ate, si Kuya Louis?" Pag-iiba ko ng topic. Medyo naha-hot seat na kasi ako, kailangan ko nang patigilin ang mga ito.
"Ah?" Bahagyang nabingi na turan ni Ate Mirah.
"Nasa loob na kasama sila Brix." Si Kuya Sid na sumagot.
"Tara na pasok na tayo. Baka magsimula na yung party ni Stacey." Yaya na ni Ate Mirah sa amin.
Sumama na nga kami pero bgo pa man kami pumasok sa loob, kinalabit pa ako ni Eunice at may binulong.
"Sis, feeling ko may gusto yang lalaki na yan kay Ate Mirah." Mahinang sabi nito. Sino pa ba tinutukoy nya e di si Kuya Sid.
"Ewan. Di ko alam." Sabi ko nalang. Kahit alam ko na may gusto nga si Kuya Sid pero nagkunwari nalang ako na di ko alam.
Iniisip ko si Kuya Louis. Ano na kaya nangyayari sa kanila ni Ate Mirah? Mas nararamdaman ko na magka-destiny talaga silang dalawa. Nakakatakot lang baka si Kuya Sid piliin ni Ate Mirah. Bahala na. Lovestory nila naman 'yang tatlo.
Pumasok na nga kami sa loob. Magsisimula na nga ang debut at nagsisiupo na ang lahat sa kanya-kanyang pwesto nila. Maganda ang venue. Saka yung mga design saka yung mini stage na may upuan doon kung saan doon pu-pwesto ang celebrant. Wala pa si Ate Stacey siguro nasa taas pa. Maglalakad sya pababa sa hagdan papunta sa ibaba. Wow! Ganyang debut ang gusto ko.
Halatang pinaghandaan itong kaarawan. Sana all mayaman.
"Wait! Debut ba nya o birthday nya lang? Ilan taon na ba yang celebrant na yan?" Tanong ni Eunice.
Loko! Di pala nya debut. Hahaha!
"22 na sya ngayon." Sagot ko.
"Sinabi mo nga." Sabi nya sabay turo doon sa may unahan. Mga ballons na nagkurting letters at number.
"HAPPY 22TH BIRTHDAY." Basa ni Gio."Sinong nagsabing debut? 22 na pala sya, hindi 18."
Natawa nalang kami pareho ni Eunice. Pero sa birthday party na ito parang debut pa rin. Need pa rin ng 18 roses pero yun lang. Wala nang 18 candle, 18 treasure etc...
"Mirah!" Pamilyar na boses tawag kay Ate Mirah.
Nakita naman namin si Kuya Brix na kumakaway sa amin.
"Oh! Ayon sila." Sabi ni Ate Mirah.
Sumunod na nga kami dito. Pumunta kami sa table kung saan ito nakaupo.
"Kuya!" Tawag ko.
Lumingon naman si Kuya Louis. Nagulat pa ito nang makita ako. Napatingin rin si Kuya Lloyd halos di napatuloy ang pag-inom ng wine. Para itong nakakitang maganda dahil sa natigilan at kumikislap ang mga mata nito.
Ngumiti ako sa kanila at bahagyang napatayo sa kinauupuan si Kuya Kieffer nang makita kami. Nakita ko si Ax, tahimik na nakaupo sa kabilang table malapit sa table rin nila Kuya Louis. Kasama nya sa table na iyon ay mga babae. Siguro kaibigan niya ang mga iyon halos nakatingin rin ito mga sakin.
Di mo maipinta ang nasa mukha ni Ax. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa. Tumama pa ang mga mata naming dalawa. Walang nag-iwasan ng tingin sa aming dalawa. Tila bang tumigil ang mundo at di ko naririnig ang ingay at tugtog sa loob. Parang hiniigop ako ng damdamin ko na di ko mapaliwanag ano itong nararamdaman ko. Parang si Ax lang nakikita ko ng oras iyon. Napaka-guwapo nya, napaka-guwapo nya ngayong gabi. Masasabi ko, siya lang ang napaka-guwapong lalaki ngayon dito. Siya lang talaga..
Di ko namalayan, pareho na pala kami nagkatitigan. Yung puso ko nagkaloko-loko na. Ang lakas ng tibok, ang lakas ng kalabog. Sasabog na ang nararamdaman ko ngayon.
"Klarisse? Uy! Kinakausap kita!" Gising sakin ni Kuya Louis halos kli-nap pa nya ang kanyang kamay sa mukha ko.
"P-po?" Bulalas ko at napatingin dito.
"Bakit ganyan suot mo?" Tanong nito na naka-kunot noo.
"Maganda ba?" Tanong ko nang hinawakan ko ang magkabilaan ng palda at nirampa sa kanya ang napaka-ganda kong gown na suot.
"Wow?" Sambit nina Kuya Brix at Kuya Kieffer.
"Klarisse, is that you?" Di makapaniwala na turan ni Kuya Brix nang makita ako.
"Ang ganda nya..." Parang na hipnotismong turan ni Kuya Kieffer habang nakatingin sakin.
"Ganyan ba mga taste mo, bubuyog? Ang pangit!" Pang-iinsulto ni Kuya Louis. Di ko alam kung nang-iinsulto ba sya o talagang gusto talaga akong inisin ni Kuya.
Pagalit na tiningnan ko sya halos napa-pout pa ko. Gusto ko sana siya sagutin nang nag-announce na ang MC ng event. Magsisimula na raw ang event kaya nagsiupo na ang iba sa kani-kanilang upuan. Hinila na nga ako ni Eunice para maupo sa table na ni-reserve na sa amin. Pag-upo ko, tinanaw ko ang table nila Kuya Louis na di naman kalayuan sa amin.
Ang naiwan doon sa table, silang magbabarkada kasama yung mga chicks nila pero except kay Kuya Lloyd at Ax, wala silang katabing babae. Yung tatlo lang talaga may mga tutang dala.
Kami naman nila Ate Mirah sa table namin. Ako, si Eunice, si Chairman, si Kuya Bryan saka yung isang kaklase ni Ate Mirah na di ko pa knows pero nakita ko na siya noon kasama ni Ate Mirah nung pumunta akong school nila.
Tiningnan ko si Ax at busy na nakatutok sa kanyang cp. Nagsisimula na ang event pero siya ay walang paki sa sinasabi ng MC. Kita ko sa kanyang daliri ang pagta-type. Naisip ko kaagad na baka ka-text nya ng nga oras ngayon si Ate Stacey. Pagkakaalam ko, sya pinili nito maging escort.
Minsan napapaisip ako, paano kaya pag next year mag debut ako, magkakaroon kaya ako ng malaking celebration? Like may 18 roses, 18 candles, 18 treasures etc., saka mga sino iyon? Di na ko mangangarap na mangyayari iyon kasi nga di naman kami kayamanan. Gastos lang sa pera. Pero paano kung mangyari iyon? Sino mga 18 roses ko?
*//////
"Ang sasarap naman ng mga pagkain dito," Si Eunice. Napapa-'wow' siya kada nakikita nya ang mga iba't-ibang pagkain sa catering. "Sissy, may mga chocolates!" Bulalas nito at hinila ako nito papunta sa tinuturo niya habang dala namin ang plato.
Dali-dali siyang kumuha ng mini cupcakes at kinain. Nanlaki mata siya nang matikman ito at di maalis ang kintab ng mga mata niya na nagpapatunay na masarap nga ang mga iyon.
"Sissy, ang sarap nito. Ito yung hinahanap kong chocolate cupcakes." Sabi niya habang may pagkain sa bibig at kumuha ulit siya at kumain ulit."Kukuha ako nito ng marami." Sabi niya at dali-dali kumuha ng mga iyon at nilagay sa kanyang plato.
"Wag lang puro cupcakes, Sissy. To-tonsilin ka nyan." Sabi ko sa kanya.
"Pagsasawaan ko muna ito bago kumuha naman ng iba. Madami pa naman pagpipilian dito. Hehehe." Sabi niya at may mga chocolate nang sumabit sa kanyang ngipin.
Kumuha lang ako ng isang cupcakes at nilagay sa plato. Parang wala akong ganang kumain ng mga chocolates ngayon. May time na gusto ko pero na-chambahan sa araw na ito na ayaw ko kumain ngayon.
"Sissy, wait muna. Pabantay ng plato ko. Nakaka-CR ako. Wait lang ah? Ihing-ihi na talaga ako." Paalam nito. Dali-daling nilapag ni Eunice ang plato niya sa mesa kung nasaan ang mga pagkain at mabilis na pumunta sa restroom.
Naiwan akong isa-isa tinitingnan ang mga pagkain. Hinahanap ko kasi yung gusto kong kainin ngayon.
"Ang dami. Lahat masasarap." Sabi ko habang tinitingnan ang mga putahe.
"Lahat naman masasarap."
May nagsalita nalang sa aking gilid. Napalingon naman kaagad ako. Nagulat ako nang makilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Ax...
Tiningnan ko lang siya. Kumuha siya ng menudo at nagsalita ulit.
"Alam mo anong masarap?" Turan nito sabay tingin sakin.
"Ano naman?" Nakataas-kilay na tanong ko.
"Sex."
Kunot-noo na napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Sex. Sisig EXpress." Dugtong niya sabay tawa.
Napataas-kilay na lamang ako sa waley niyang jokes.
"Waley. Duh!" Mataray na sabi ko.
Napabusangot nalang ako sa sobrang ka-OA-yan ng jokes ni Ax. Halos naitirik ko nalang ang aking mga mata sa OA nyang jokes.
"Happy?" Sarkastikong saad ko.
Tumawa ng mahina si Ax dahil siguro sa naging reaksyon ko sa jokes niya.
"Ax!"
Napalingon nalang ako na may tumawag Kay Ax. May isang babaeng lumapit dito. Matangkad, maputi, maiksi ang buhok at maganda siya. Masasabi kong nababagay sya kay Ax.
Nakaramdam nalang ako ng kirot sa aking puso.
"Tara! Picture naman tayo." Sabi nito nang makalapit kay Ax.
"Sure." Payag ni Ax na may ngiting pilyo.
Nag-picture naman sila gamit ang mamahaling cp ng babae. Napaiwas ako ng tingin nang makitang sobrang lapit ng babae kay Ax halos sumangga na ang malaking hinaharap nito sa braso ni Ax.
Tinuon ko nalang atensyon ko sa pagkuha ng pagkain. Kukunin ko na sana ang cupcakes nang may nauna nang kumuha nun. Nakita kong si Chairman iyon, na may ngiti sa mga labi.
"Sorry, I'm first."Sabi nito.
"Ako nauna ee." Napa-pout na sabi ko.
"Pero ako unang nakakuha."
Napa-pout nalang ako at tumawa naman si Chairman sa nakita niyang naging reaksyon ko.
"Ang cute mo talaga." Natatawang sabi nito sabay hawak sa ulo ko.
"Don't touch me. Ang daya mo!" Sabi ko at kunyari nagtatampo ang bata.
"Joke lang. Ito naman hindi mabiro." Sabi nito.
Natawa nalang ako dahil sa naging reaksyon ni Chiarman. Sumurrender sya kaagad. Takot rin pala syang magtampo ako.
"Joke lang. Hahaha! Sayo na yan." Natatawang sabi ko halos naihampas ko pa braso nito.
"Ikaw talaga."
Tumawa kaming pareho.
Natigil nalang pagtatawanan namin nang biglang pumagitna si Ax sa aming dalawa halos napaatras pa kami.
"Excuse me." Supladong sabi nito. Pumili ito ng pagkain. Pwede naman syang kumuha na di pumapagitna samin ah? Bastos na bata 'to.
"Sissy, asan na yung plato ko?" Tanong ni Eunice nang dumating na sya.
"Ito." Kinuha ko yung plato nyang nakalapag lang sa mesa at binigay sa kanya.
"Salamat." Sabi nito."Okay na siguro ito. Sayo? Okay na yan?" Tanong nito sakin.
"Oo, ayos na 'to. Kuha nalang ako pagkulang."
Pumunta na nga kami sa table namin kasama si Chairman. Iniwan na namin doon mag-isa si Ax. Galit ako sa kanya. Basta! Galit ako sa kanya. Wala akong magagawa kung guwapo sya. Famous kasi sya e. Ano naman kung ang daming nagkakagusto sa kanya? Wala akong pake! Duh!
*/////
"Ate Mirah?" Mahinang tawag ko dito na busy nakikipag-usap sa kanyang kaibigan.
"Yes?"
"Ate, asan yung CR dito?" Tanong ko medyo nahiya. Busy na kasi kumakain ng mga pagkain si Eunice saka si Chairman naman, andoon sa table nila Kuya. Si Kuya kasi may pinapakilala dito kay Chairman na mga babae. Tinuturuan din mang-chicks. Magkatabi pa sa table si Ax at Chairman.
"Pumunta ka sa exit saka lumiko ka sa isang kanto saka makikita mo doon sa mga pinto na may CR for Men saka Female. Pumasok ka doon sa CR pambabae. Yun na yun." Pagbibigay nito ng direksyon.
"Salamat, Ate." Nakangiting pasalamat ko. Tangkang tatayo na sana ako nang hawakan ni Eunice ang braso ko para pigilan ako nito.
"Sa'n ka pupunta?" Yanong nito habang ngumunguya.
"Magsi-CR lang. Babalik din naman kaagad ako." Sagot ko.
"Bilisan mo agad ah? Magsisimula na yung 18 roses." Sabi nito.
Sa katunayan, pinapakita palang yung mga picture ni Ate Stacey sa projector. Yung mga picture kung saan kinunahan siya ng isang sikat na Photographer sa school namin. Ang ganda ng mga shots nya at masasabi ko lang, sana kasing ganda at kasing sexy nya ko.
Tumango na lamang ako kay Sissy.
Binitawan na nga ako nito at tumungo na sa paroroonan ko. Di pa ko nakakalayo biglang may tumawag nalang sa aking pangalan.
"Risse!"
Napalingon kaagad ako.
Si Ate Lope!
Nakangiting lumapit ito. Naka-gown siyang kulay itim na fit na fit sa katawan niya. Kaya kita yung kurti ng kanyang katawan.
"Ang sexy at ang ganda niya. At..." Napatingin ako sa kanyang dibdib. Malayo-layo sa hinaharap niya."Sana may kasing laki rin akong boobs tulad niya." Sa isip kong turan at bahagyang napakagat-labi ako.
"Oh? Kamusta? Ilang days rin tayo di nagkita ah? Kamusta kana? Sino kasama mo pumunta dito? Invited ka rin pala ni Stacey." Sunod-sunod na sabi nito.
Ngumiti ako ng bahagya dito."Okay lang ako, Ate. Nagsisimula na nga ako magklase. Si Ate Mirah kasama ko dito saka yung dalawang kaibigan ko. And, yes po, invited kami ni Ate Stacey. Binigyan niya kami ng invitation card." Sagot ko sa mga tanong nito.
"Oh? Kala ko galit si Stacey sayo. Nakakapagtataka ah?" Mahinang turan nito pero rinig na rinig ko iyon.
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Galit? Galit sakin si Ate Stacey? Bakit? Anong dahilan?
"Po?" Takang naisaad ko lamang.
"Wala. Hahahaha!" Sabi nito kaagad."Asan si Kuya Louis mo? Itatanong ko sana about sa practice nila sa basketball." Pag-iiba nito ng topic."Punta ka sa school ah? Malapit na Intrams. Cheer natin ang grupo nila Kuya mo." Yaya nito.
"Sige po." Nakangiting sagot ko sa mahinahon pa rin na boses."Andoon sila Ate." Sabay turo ko sa table nila Kuya.
"Sige. Maiwan na muna kita ah? Salamat." Paalam nito at ngumiti pa ng matamis. Iniwan na nga ako nito.
Naglakad na nga ako ulit nang pagtalikod ko may nakabangga naman ako. Nahulog yung purse ng nakabangga ko. Dali-dali naman nito pinulot iyon.
"Sorry, sorry. Sorry po." Hinging patawad ko.
Pagkakuha ng purse niya, kunot-noo ako nito tiningnan. Nakilala ko naman yung babaeng nakabunggo ko. Kilala ko siya, siya si...
"Cyianne Varquez!" Tawag ng pamilyar na boses dito. Nakita kong tumatawag dito yung leader sa basketball team na mortal na kaaway nila Kuya Louis.
Dali-dali itong umalis at binangga pa ako. Halos napagilid pa ako. Bakas sa mukha nito ang galit. May nagawa atang mali si Clyde sa fiancé niya.
"Hello? Louis, Little sista?" Bati at baling ni Clyde sakin nang tumigil ito sa paghabol kay Cyianne.
"Yes." Tipid na sagot ko.
"Di ko inaasahan na makikita ulit kita." Sabi nito na may ngiti sa mga labi.
"Invited ka rin?" Imbes na tanong ko dito.
"Yup. Kaibigan ako ni Stacey ee. Anyway, maya na tayo mag-usap. Pupuntahan kita sa table mo. I want to talk more about you. Bye." Paalam nito.
Nag-wave lang ako ng hand dito. Umalis na ito para sundan si Cyianne. Alam kong may nasabi o nagawang masama na naman siya sa fiancé niya. Kung di naman kasi mahal ang isa't-isa, bakit kailangan pa i-fix marriage. Yes, para sa negosyo pero mali ipilit ang dalawa kung di naman nila gusto ang isa't-isa. Kasi sa huli, pareho lang silang masasaktan.
Problema kasi sa mundo ee. Minamahal yung taong di naman nilaan para sayo. Saka sinasaktan naman yung taong yun na pala ang itinatadhana sayo. So unfair.
Naisipan ko na nga pumuntang CR. Sana wala nang humarang pa sa pupuntahan ko kasi sa totoo lang, nakaka-ihi na talaga ako. Puputok na talaga e.
*/////
Bago lumabas, nag-flush muna ako. Nagsalamin muna ako sabay hugas ng kamay. Naisipan ko nang lumabas ng CR kasi naririnig kong nagsisimula na ang 18 roses.
Naglakad na nga ako paalis ng CR para bumalik na. Naglalakad na ko ng hallway nang muntikan na ko mabangga ng isang naglalakihang box na dala ng lalaki. Nasa pushcart iyon at di niya makikita na may tao sa unahan niya dahil lampas ulo yung mga box sa kanya.
Biglang may humila nalang sakin at pinasandig sa pader. Nakataas ang kamay ko habang nakasandig rin sa pader at hawak-hawak iyon ng lalaking nagdala sakin sa posisyon na ito.
Nagulat nalang ako nang makita ang lalaking nasa harapan ko. Kundi si...
"Ax." Mahinang saad ko at nanlalaking mata na nakatingin dito.
Parang nako-corner niya ako sa posisyon na iyon.
Huminto nalang ang mundo ko at nararamdaman ko na naman yung naramdaman ko noon na pinaka-gusto ko sa lahat. Si Ax palang nakakagawa nito. Ewan ko ba, nababaliw na naman ang puso ko. Ang lakas ng tibok at ang lapit pa ng mukha niya sakin. Ang titig naming dalawa sa isa't-isa parang hinihigop ako papalapit sa kanya. Ang hininga niya na nararamdaman ko sa aking dibdib, ang pabango niya na amoy na amoy ko at ang napaka-guwapo ni Ax na ang lapit sa aking mukha.
Nawawala na naman sa matinong pag-iisip ni Ax. Lumilipad na naman ata ang utak niya. Wake up, Klarisse! Si Ax lang yan! Di mo na sya gusto, di ba? Remember?
Natigil naman si Manong na muntik na mabangga ako. Nakita niya ang posisyon namin ni Ax halos nagulat pa siya. Maya-maya pa tumatawa pa ito ng mahina.
"Ay, ang sweet." Sabi nito at umalis na para di kami maistorbo.
Kahit nakaalis na si Manong, nanatili pa rin kaming ganoon ang posisyon. Nakatingin pa rin kami sa isa't-isa na tila ba may nagaganap na tensyon na tinginan naming dalawa.
Kunti nalang, lalabas na puso ko sa sobrang kilig.
"You're so beatiful tonight." Namaos na mahinang sabi ni Ax.
Di ko alam namumula na pala ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nalimutan ko na lahat mga ginawa niya sa akin, pag-aaway naming dalawa. Magsasalita sana ako nang napasinghap ako nang hinalikan ako ni Ax sa pisngi. Mas lalong nabaliw ang puso ko sa ginawa niya. Nanlalaki lang lalo ang mga mata ko habang nakatingin dahil sa ginawa niya.
Wala ako masabi kundi...
"Jusko maryusep!" Sa isip kong sabi.
Natapos na nga yung 18 roses ni Ate Stacey. Di ko na napanood yung sayaw nila Kuya kay Ate Stacey dahil sa kilig na nangyari kanina. Naniniwala na talaga akong may gusto na sakin si Ax. Bakit niya ako hahalikan sa pisngi kung wala siyang nararamdaman sakin?
Siguro ngayon lang niya na-realize na gusto na pala niya ako. Kung di pa niya ako hahalikan kanina, di pa niya maaamin sa sarili na gusto na pala niya ko.
Nagsimula na ang party pero bago yun, nag message pa si Ate Stacey. Nagpasalamat sya sa mga dumalo lalo na kay....
"...Lalo na kay...Ax." sabi ni Ate Stacey na napa-angat agad ako ng ulo. Kita ko sa mga mata nito ang kislap ng mata at ngiti sa mga labi nito. Nakatingin ito kay Ax na tila bang sobrang inlove siya habang nakatingin dito.
"Yiiieee!" Linikilig na sabi ng mga tao sa loob. Karaniwan mga kakilala nila yung nagsabi nun.
"Uy, Ax! Pumunta kana sa unahan!" Panunudyo nila Kuya Brix at Kuya Lloyd kay Ax. Pinapatayo nila ito at pinapapunta sa unahan.
Walang magawa kaya pumunta sa unahan si Ax kung nasaan si Ate Stacey. Nang makaharap na sa amin, hinawakan ni Ate Stacey ang kamay ni Ax at nagulat ang lahat nang masaksihang magka-holding hands nila.
"Uy! Kayo na ba?" Tanong ng kabilang table.
"Comeback na ba?" Sabi ng babaeng nasa table nila Kuya Louis, yung babae ni Kuya Brix.
"Yiiieee!" Tili ng tao sa loob halos may nag-pito pa gamit ang kamay.
Nakangiti lang si Ate Stacey samantala si Ax seryoso lang.
Ewan ko, lakas makatibok ng puso ko. May kutob akong may mali. May mali talaga sa nararamdaman ko ngayon. Di ako mapakali at feeling ko may mangyayaring di ko magugustuhan.
"Kayo ba ulit?" Tanong ni Ate Lope at nasa table ni Kuya Louis rin ito nakaupo.
"Yes. Nagkabalikan kami." Nakangiting amin ni Ate Stacey.
Parang may nabasag nalang na salamin nang marinig ang confess ni Ate Stacey. Nagiba nalang yung mundo ko sa nalaman. Yung puso ko unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit. Mas lalong nasaktan ako nang ngumiti si Ax. Nagpapatunay lang na...
"Bakit? Bakit, Ax? Ano yung ginawa mo kanina?" Sa loob-loob kong sabi at unti-unti nang lumalabas ang luha sa aking mata.
Maling akala ko lang pala ang lahat. Bakit nararamdaman kong nag-cheat siya sakin kahit di kami? Bakit ganito? Bakit niya ako pinaglalaruan?
Why, Ax? Why?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10
0Tingnan Lahat