logo text

Chapter 41: Invitation Card

KLARISSE DEVELIA POV:)
"Ano ba?! Ilipat mo na kasi!"
Sino pa ba 'yon? Ee di si Ax. Siya lang naman palaging umaaway sa akin dito.
"He! Tumahimik ka dyan!" Singhal ko at nilagay ko sa loob ng damit ko ang remote para di niya makuha iyon sa akin.
"Hayst! Matatapos na yung gusto kong panoorin." Parang bata na pagmamaktol nito halos kumakamot pa ito ng kanyang ulo.
Palihim na tiningnan ko ito. Napangiti nalang ako dahil feeling ko nakaganti na ako sa pinaggagawa niya sakin. Gumagaan na rin ang loob ko dahil sa wakas nakabawi na rin ako sa kanya.
Nakangiting bumaling ako ulit sa pinanonood ko.
"I'm home." Sabi ng bagong dating.
"Hi, Kuya Lloyd." Bati ko nang makita siya.
"Hi, Princess." Nakangiting matamis bati rin nito sakin.
"Tol, yung pinabibili ko sayo?" Tanong ni Ax dito.
"Nasa bag." Sagot nito.
Tumayo si Ax sa pagkakatayo at lumapit sa kinaroroonan ni Kuya Lloyd. Hinalungkat nga ni Kuya Lloyd ang kanyang bag at may nilabas na plastic folder na naglalaman ata iyon na parang mga coupon band at may nilabas pa itong maliit na box.
"Pinabibigay ni Bryan yan. Yan daw yung pinapa-print ni Louis. Kaw nalang daw magbigay saka ito na yung pinabibili mong kwintas. Bayaran mo ko nyan ah? Ginamit ko yung pera ko baon ko next week." Sabi ni Kuya Lloyd nang ibigay iyon kay Ax.
"Ehem! Salamat. Magkano pala 'to?"
"Mahigit 80k yan. Ang mahal pala nyan kala ko nasa 50k lang ang mga ganyan. Sabagay mahal din kasi ang brand na yan." 
Bahagyang nagulat naman ako sa price. Halatang mamahalin nga yung pinabibili ni Ax dito. Sabagay, mayaman siya. Kotse palang niya sobrang gara na. Halata sa mukha niyang anak mayaman siya. Makikita mo palang sa kutis nya na halatang allergy ito sa araw, hindi ito nagbibilad o natatamaan lang ng sikat ng araw plus kita mo palang sa kamay nito na halatang malambot iyon.
Di na ko magtataka kung kaya niyang makabili ng mamamahaling bagay.
"Kunin mo nalang sa kuwarto ko yung wallet ko. Nasa wallet ko yung ATM ko. Kaw na kumuha ng pambayad ko sayo basta alam mo na yung password ko." Bilin nito kay Kuya Lloyd. Wow, pinagkakatiwala niya ang ATM niya kay Kuya Lloyd? At alam pa password nito. Nice! Magbarkada talaga, nagtitiwalaan sa mga pera.
Tumalikod na ito para pumunta sa taas nang magsalita pa si Kuya Lloyd.
"Kanino mo pala ibibigay ang kwintas na yan? May magbi-birthday ba?" Tanong nito dito. Oo nga, para kanino yung kwintas? Sino ba magbi-birthday?
"Basta!" Tugon lang nito at patuloy na tumungo sa hagdanan at pumanhik na.
"Ehem! Alam ko na kung sino. Si Stacey 'no? Hehehe." Pabirong hula ni Kuya Lloyd.
"Hindi." Tanggi ni Ax habang pumapanhik.
"Weh? Wag kana magsinungaling! Birthday kaya nun bukas. Anyway, pupunta ka ba bukas ng party sa bahay nila?" Pag-iiba nito ng topic.
Tumigil sa dulo ng hagdanan si Ax at walang reaksyon ang mukha na bumaling siya dito.
Ako naman ay nanatili lang nakatingin sa kanya at di ko alam ano na naman itong sari-saring nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ba ako o wala lang sakin iyon? Pero para bang may nararamdaman ako kakaiba sa puso ko na mababaliw ako kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Tila bang may kumikirot sa dibdib ko na parang tinusuok ng maraming karayom iyon.
"Siguro." Tipid na sagot ni Ax at tumalikod na para pumunta sa kuwarto niya.
Nanatiling nakatingin lang ako sa taas nang mawala na sya doon. Naka-pout na napatingin nalang ako sa sahig sa narinig kong sagot nito. Pupunta nga siya at dito niya ibibigay ang gift nito.
*/////
Nakaupo lang ako sa bench at malalim ang iniisip. Nasa soccerfield ako ngayon at minamasdan ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer at mga nagpa-practice na cheering squad. Wala kaming klase ngayon dahil nagme-meeting sa kasalukuyan ngayon ang mga guro namin. Siguro dahil may darating na event at iyon ang pinagdedebate-han nila ngayon.
Hindi ko kasama ngayon sila Emma kasi pinapatuloy pa nila ang screening. Wala pa kasi sila nahahanap masyado na magagaling sumayaw. Lahat naman magaling pero may hinahanap sila na magpapaganda ng timpla sa grupo nila.
"Lalim ng iniisip natin ah?"
Natigil nalang ang pagmumuni ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakita ko naman si Eunice.
"Oh!" Nagulat ko pang sabi. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko.
Pagkaupo binigyan naman ako nito ng cornetto na bili niya, saktong dalawa binili niya at tig-isa kami.
"Yan, binilhan rin kita." Nakangiting sabi nito.
"Salamat." Nakangiti ring natural na sabi ko nang kinuha ko iyon sa kanya.
Sabay namin tinanggal ang balot ng cornetto.
"Bakit ka nandito? Ayaw mo ba manood ng nagsasayaw?" Panimulang topic nito.
"Alam kong mabo-bored lang ako. Alam mo naman busy sila Emma ngayon. Alam kong di nila ako masyadong mapapansin kaya mas pinili ko nalang wag na sumama sa kanila." Sagot ko at saktong may maliit na basura sa gilid ng inuupuan namin at tinapon doon ang pinagbalatan namin ng cornetto.
Nagsimula na nga kami kumain ni Eunice ng icecream maya-maya nagsalita ulit siya.
"Gusto mo punta tayo ng Mall? Mag-jollibee tayo. Feeling ko gusto kong kumain ng chicken joy saka jolly float. Malapit lang naman sa school natin. Maglalakad lang tayo, mga 15 minutes andoon na tayo." Yaya niya sa akin.
"Ah? Hmmm..." Turan ko at halatang pinag-iisipan ko pa.
"Ano? Game?" Nakangiting sabi nito sakin.
"Tara na nga." Payag ko nalang.
Tuwang-tuwa na tumayo si Eunice at di maipinta ang saya sa kanyang mukha.
*/////
"Sissy, feeling ko gusto kong bumili ng damit." Turan nalang ni Eunice habang naglalakad na kami sa loob ng mall.
"Ah? Di ba mayaman ka sa mga damit? Bakit mo pa kailangan bumili?" Bulalas ko. Madami kaya damit nya. Minsan ko na sya ka-chat at sine-send nya sakin yung mga pictire ng mga gamit nya sa kanyang kwarto kaya alam kong madami na syang damit.
"Reregaluhan ko sana si Chairman." Makahuluhang sabi nito.
"Ah? Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Wait. Tingin-tingin muna ako." Sabi nito at pumasok sa isang boutique. Naiwan akong nagtataka sa sinabi niya.
Ano relasyon niya kay Gio? Crush din ba nya si Chairman? Noon palang pansin ko halatang close sila pero di lang halata. Ano ba relasyon nilang dalawa? Mag-syota ba sila o nanliligaw palang si Chairman kay Eunice?
Pumasok rin ako ng boutique para samahan na din sya pumili ng damit.
"Bagay kaya 'to sa kanya? Ano sa tingin mo?" Baling nito sakin at pinakita yung damit na stripe. Nasa boutiqe kami ng Regatta na brand.
"Oo, bagay sa kanya." Sagot ko. "Kahit ito bagay din 'to sa kanya. " Sabay pinakita ang kulay na gray na damit.
"Sa tingin mo, ano magugustuhan nya dito sa dalawa?"
"Hmm, siguro magugustuhan nya yung mapipili mo. Di naman tayo panget pumili ng taste. Alam ko magugustuhan iyon ni chairman. Di naman sya mataray saka maarte." Sabi ko.
Kinuha nya yung T-shirt na hawak ko."Sige, ito nalang dalawa bibilhin ko. Tutal, pareho sila ng prize. Afford ko itong dalawa." Sabi niya.
"Sige, bahala ka sissy."
Tumungo na nga kami sa counter at binayad nya iyon. Pagkabayad, lumabas na kami ng boutique. Nang makahanap ng tiyempo, tinanong ko na sya na kanina pa naglalaro sa isip ko.
"May gusto ka ba kay Chairman, Sissy?" Mahinang tanong ko dito.
"Ah?" Hulat na saad nito.
"Nanliligaw ba sayo si Chairman? Ay hindi, kayo na ba?" Tanong ko pa rin dito.
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat na akala ko totoo ngang may sila pero tumawa nalang ito maya-maya. Napataas-kilay nalang ako sa pagtataka.
"Loko! Hindi. Imposibleng magkagusto at manligaw yun sakin. Hahaha! Nakakatawa." Natatawang sagot nito.
"Eh, ano mo sya?" Tanong ko pa rin sa sobrang curious.
Tumingin siya sakin at matagal siyang sumagot. Nakipagtitigan lang ako dito. Maya-maya sumagot na nga ito.
"He's my Step-brother." Sa wakas sagot at amin nito.
"Ah?!" Gulat na bulalas ko halos nanlaki ang aking mga mata.
"Mag-asawa si Papa at mama ni Gio. Di alam ng mga kaklase natin dahil sekreto lang ito. Kami lang ni Gio ang nakakaalam. Payag naman kami sa relasyon ng magulang namin. Wala naman sila parehong asawa kaya okay lang." Paliwanag nito.
"Wait! Kailan pa?" Tanong ko pa rin halos nanlalaki pa rin ang mga mata.
"Hmm, last last month palang. Umuuwi minsan si Gio sa bahay pag nagagabihan na sya. Minsan naman doon kami ni Papa natutulog sa bahay nila. Wala, family bonding na kumbaga." Patuloy na kwento nito. "Yan sinabi ko na sayo. Ano pa gusto mong malaman?" Baling nito sakin.
"Wala na."
Tumawa naman si Eunice."Don't worry, di ko aagawin sayo si Chairman. Sayo lang yun." Sabi nito sabay tawa.
"Baliw ka talaga."
Tumawa lang siya.
Nakasalubong naman namin si Kuya Louis halos nagulat pa ko nang makita siya dito sa Mall. Dapat nasa school siya ng mga oras iyon. May pasok sila at alam ko dapat nagka-klase sya.
"Kuya! Ano ginagawa mo dito?" Pigil ko dito at hinawakan ang kamay nito.
Tumingin ito sakin. Bahagyang nagulat naman ito nang makita ako. Napatingin nalang kami sa likuran nang may tumatawag.
"Louis!"
Si Ate Mirah?!
Nakita kong halatang sinusundan ni Ate Mirah si Kuya Louis. Napakunot-noo ako nang makitang may luha sa mga mata nito.
"Ano nangyari?" Takang tanong ko kay Kuya.
"Kausapin mo yang bruha na yan!" Galit na sabi ni kuya at padabog na inalis ang kamay sa pagkakahawak ko dito at umalis.
"Louis! Sandali! Sorry!" Sabi pa ni Ate Mirah.
Malayo na nga si Kuya at di na hinabol ni Ate Mirah.
Nilapitan namin pareho ni Eunice si Ate Mirah. At nagpipigil na itong umiyak.
"Ate, anyare? Nag-away na naman ba kayo ni Kuya Louis?" Tanong ko dito.
"Di ko inaasahan na mapipikon siyang ganun sakin. Kahit kailan di pa sya nagagalit ng ganun. Saka kahit kailan di pa sya napipikon sa pinaggagawa ko sa kanya. Parang nagbago siya ngayon at di na sya yung Louis na kaaway ko noon." Naluluhang sabi niya at halata sa boses niya na nagpipigil itong umiyak."Baby Risse, samahan mo ko. Sundan natin si Kuya mo. Magso-sorry ako. Please? Samahan mo ko. Sundan na din sya." Pagmamakaawa nito at nagsitulo ang mga luha sa mata nito.
Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan na tao sa amin.
"Mirah."
Pamilyar na boses nalang na aming narinig.
Napatingin naman kaming tatlo sa likuran at nakita ang kaibigan nila, si Bryan Sid Agustin. Siya yung makulit na tao nung pumunta ako dati sa school nila. Siya yung ginagawang pustahan ang laro dahil pinapataya nya yung mga estudyante kung aling grupo ang mananalo.
"Sid." Sambit ni Ate Mirah sa pangalan nito nang makita si Sid at nagsitulo lalo ang luha sa mga mata nito.
Nilapitan naman ito ni Kuya Sid at niyakap si Ate Mirah.
"Sid, galit si Louis sakin. Galit na galit sya. Galit na sya sakin. Ano gagawin ko?" Naiiyak na sabi nito.
Di sumagot si Kuya Sid at nanatiling niyakap si Ate Mirah.
Napatingin nalang ako sa malayo at nakita ko si Kuya Louis na tumalikod at umalis ito. Tangkang babalik ata ito para mag-sorry kay Ate Mirah pero hindi natuloy dahil sa naabutang eksena.
Nakaramdam ako ng kakaiba. Magkakaroon ng matinding love triangle kila Kuya Louis, Ate Mirah at Kuya Sid. Ano kaya mangyayari sa kanilang tatlo?
*/////
Kakauwi ko lang ng school at nang maabutan ko si Kuya Louis sa sala, busing nagla-laptop habang naka-on ang T.V. Naalala ko pa rin yung nangyari kanina sa Mall. Bakas pa rin sa aking paghihinala na nagselos si Kuya Louis kay Kuya Sid dahil kay Ate Mirah.
Ano kaya nangyari? Bakit ngayon lang napikon ng ganun si Kuya kay Ate Mirah? May nangyari bang nasaktan ang damdamin ni Kuya kaya ganun na lamang mag-sorry si Ate Mirah?
Napatingin nalang si Kuya sa pintuan kung nasaan ako.
"Andyan kana pala." Sabi nito nang napansin ako.
"Ah, oo!" Sabi ko agad na bumalik ang normal na pag-iisip ko.
Pumunta nga ako sa kinaroroonan ni Kuya. Kiniss ko sya sa pisngi habang nakaupo sya sa sofa.
"Bumili ako ng meryenda kanina. Bumili ako ng turon. Dinamihan ko na baka kasi kulang sayo." Sabi nito na nakatutok lang sa laptop.
"Salamat, Kuya."
Tumingin ito sakin. Feeling ko may itatanong o sasabihin ito pero di nalang nito sinabi.
"S-sige." Nautal na saad nito.
Naglakad na nga ako papuntang hagdan nang magsalita ulit si Kuya.
"Klarisse?"
Dali-dali naman akong napalingon. Tama nga ang kutob ko. May gustong sabihin at itanong si Kuya sakin.
"Yes, Kuya?" Nakangiting natural na sabi ko.
"Nakauwi na ba sya?" Tanong nito na medyo mahina pa pagkakasabi nito.
"Si Ate Mirah?"
Tumango ito at bakas sa mukha nito na nag-alala rin siya kay Ate Mirah.
"Umuwi na po sya nung iniwan nyo po sya." Sagot ko.
"Sino kasama nya pauwi?" Naging determinado ang boses na tanong nito.
"Si Kuya Sid. Hinatid sya pauwi sa kanila." Sagot ko pa rin.
Bahagyang lumukot ang mukha nito. Biglang naging seryoso ang mukha na tila bang para ba syang na-reject ng isang babae.
"Ah, sige. Buti naman kung ganun." Malumbay na sagot nito at umayos na ng upo. Tumutok na ulit ito sa ginagawa.
Pinagmasdan ko muna si Kuya at kita ko na may tumulong luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang na-confirm na may nararamdaman na nga si Kuya Kay ate Mirah. Tama nga ang hinala ko noon. Magugustuhan rin sa huli ni Kuya si Ate Mirah at di nga ako nagkamali. Nangyayari na nya.
Tahimik na tumalikod na ako at umakyat ng hagdan. Di ko alam ano maitutulong ko sa kanilang dalawa para mabuo unti-unti ang lovestory ng dalawa. Hihintayin ko nalang na maging sila. Tadhana ang gagawa ng paraan upang mapalapit silang dalawa.
*/////
Bumaba na nga ako ng kotse at nasa harapan na nga ako ng school namin. Sino na naman ba naghatid sakin, ee di si Kuya. Di pa kasi ako nito pinapayagan mag-isang bumyahe papunta dito. Delikado daw kasi baka daw pagtripan ako ng mga kaaway nila.
"Salamat, Kuya. Ingat ka sa pag-uwi."
"Mag-aral ka mabuti. Ako ulit magsusundo sayo maya." Sabi nito.
"Di na ba si Kuya Brix magsusundo sakin mamaya?" Tanong ko. Kahapon kasi, nagsundo sakin pauwi dito si Kuya Brix. Napadaan lang ito sa school kasi may ihahatid daw syang chicks. Syempre ako muna hinatid nya bago puntahan yung babaeng niya.
"Nasa tagaytay ngayon si Kuya Brix mo. May jamming sila ngayon ng mga kaklase niya kaya ako muna muli ang hahatid at susundo sayo." Paliwanag nito.
"Ah, sige Po, Kuya." Patango na sabi ko.
Umalis na nga ito habang nagwi-wave hand ako. Bago paman ako tumalikod, may nagbusina ng kotse. Paglingon ko, huminto ang itim na kotse sa aking harapan. Bumaba ang bintana at nakita ko doon si...
"Hello, Klarisse. Long time no see. Kamusta kana?" Bati ni Ate Stacey sakin. Kasama nya yung driver niya at ito ang nagmamaneho ng sasakyan.
"Hello, Ate Stacey. Okay lang po, kayo po?" Nakangiting bati ko rin dito.
"I'm fine too. Gumaganda lalo, di pa rin kumukupas ang beauty ng Ate mo." Sabi nito sabay tawa. "Anyway, imbitahan sana kita sa Big Birthday Party ko mamaya."
Binigay nito sakin yung invitation card na halatang ang mahal pagkakagawa dahil kumikinang pa ito dahil sa mga glitters.
Kinuha ko naman iyon at naalala ko yung kahapon na iniimbitahan daw si Ax ni Ate Stacey. Baka pupunta si Ax. Syempre, girlfriend nya ito dapat andoon sya.
"Sana makapunta ka mamaya. Gusto kita ipakilala sa mga kapatid ng mga kaibigan ko. Alam kong makakapili ka sa kanila at mas bagay sila sayo. Saka pwede ka din magsama ng friends mo para di ka ma-OP." Maarte na tono sabi nito.
"Happy Birthday po pala ate. Sorry ngayon ko lang nalaman." Bati ko halos nahihiya pa ko.
"It's okay. Basta punta ka mamaya ah? May pupuntahan pa kami ni Kuya. Sige, ingat ka." Paalam na nito.
"Salamat po. Try ko po makapunta, Ate."
"Wag ko na i-try, gawin mo na." Sabi nito na may ngiti sa mga labi.
"Uhm, sige po." Sabi ko nalang.
"Sige, bye." Sinuot na nito ang magandang sunglass niya. "Tara na, Kuya." Sabi nito sa driver niya. Saka na sinarado ang bintana ng kotse.
Umalis na nga ito na panay wave ako ng hand. Nang malayo-layo na ito, tiningnan ko ulit ang invitation card. Pinag-iisipan ko pa rin kung dadalo ako o hindi.
"Pupunta kaya ako?" Mahinang kausap ko sa sarili ko. "Wag nalang siguro kasi andoon si Ax. Alam kong masasaktan lang ako." Sabi ko nalang at pumasok na nga ng gate.
*//////
"Woah? Ang ganda ng Invitation Card na ito. Halatang mayaman ang magbi-Birthday." Sabi ni Eunice na tinitingnan yung binigay sakin ni Ate Stacey.
"Mayaman talaga siya." Sabi ko.
"Halata nga saka," inamoy nito ang Invitation Card. "God! Ang bango! Amoy rosas!" Manghang bulalas nito. "Pag ako nag-debut ganito ring gusto kong amoy ng invitation card ko. Pero sana humaba pa buhay ko." Sabi nalang nito na biglang umiba ang ihip ng hangin sa sinabi nya sa huling part.
"Ah?" Kunot-noo na turan ko sa sinabi nito.
"Ano name nung magbi-birthday?" Pag-iiba ng topic nito.
"Andyan." Sabi ko. Nasa labas kami ng school. Nakaupo sa bench. Ini-spend namin yung natitirang time namin dito.
Hinanap naman nito."Stacey Tan. Wow! Apelyido palang halatang nasa magandang pamilya nga ito."
Tahimik lang ako. Nakatingin sa malayo at malalim pa rin ang iniisip. Panay salita lang si Eunice nang mapansing di ako sumasagot. Tiningnan ako nito at napansin na naman niyang tulala na naman ako.
"Kanina ka pang ganyan. May nangyari ba?" Takang tanong nito sakin.
"Sissy, may itatanong sana ako."
Umayos ito ng upo at handang makinig sakin. "Sige. Ano 'yon?"
"Pupunta ka pa rin ba sa Party kahit alam mong andodoon din yung taong nanakit sa damdamin mo?" Tanong ko dito.
"Syempre, pumunta ka. Wait! Yan ba yung sinasabi mong crush mo since bata ka pa?" Tanong pa rin niya sakin.
Bahagyang tumango ako.
"Girl, pumunta ka! Wag kang papa-apekto sa kanya. Madaming papabols doon. Makakahanap ka doon ng mas guwapo at matino pa sa kanya. Saka kung gusto mo mapansin ka nya, magpaganda ka na alam mong lahat ng mata ng mga lalaki doon, sayo nakatingin. In short, kabugin mo ang may birthday doon saka palawayin mo yang pabebe mong crush." Support na support na payo nito sakin.
"Ah? Baliw ka ba? Kakabugin ko yung may Birthday doon?"
"Hay naku! Di ba, may relasyon yung crush mo saka yung Stacey na yun? Ano pa ba ang gawin?! Maghiganti ka pamamagitan ng ganda mo. Girl, gising! Pagkakataon mo na yan! Wake up!" Sabi nito sakin. Alam ni Eunice ang lahat kasi sinabi ko sa kanya. Mas komportable ako sa kanya kaya sinabi ko yun lahat sa kanya.
Para ko na syang kapatid at isa na siyang napaka-importanting bahagi ng buhay ko.
"Sure ka talaga?" Paninigurado ko. Di ko alam kung maganda ba yung naisip niyang plano.
"Naku! Mamaya, aayusan kita sainyo. Madami mga damit ko, papahiramin kita." Prisinta
"Sama kana sakin. Dala kana rin ng damit mo. Pinayagan ako ni Ate Stacey na magsama daw ako ng kaibigan." Sabi ko.
"Talaga? Omo! Waaahhh!" Tuwang-tuwa na tili nito sa sobrang saya.
"Oo."
"Isama natin si Gio. Papaselusin natin yang crush mo at si Gio ang magiging partner mo mamayang gabi." Prisinta ulit nito.
"Ah? Seryoso ka? Papayag kaya si Chairman?" Gulat na pahayag ko.
"Ako bahala doon. Hahaha! It's time to shine. Hahaha!"
Ewan ko pero sinasakyan ko nalang kalokohan ni Eunice. Salamat kasi may supportive akong kaibigan. Di ako nagkamali na naging isa ako sa kaibigan ni Eunice. Mabait syang tao at mali ang turing ng iba sa kanya.
*/////
"Kuya, si Eunice po pala. Kaibigan ko po." Pakilala ko kay Eunice kay Kuya nang pumasok sila sa bahay.
"Hello po, Kuya Louis. Ako po si Eunice, kaklase po ako ni Klarisse." Pakilala ni Eunice sa kanyang sarili.
"Hello." Nakangiting bati ni Kuya kay Eunice.
"Saka sya naman po si..." di napatuloy sasabihin ni Eunice nang magsalita si Kuya.
"Kilala ko na sya. Siya si Gio, kaklase rin ng kapatid ko."
"Ah, opo. Hehehe." Halatang nahiya si Eunice.
"So, susunod nalang kayo, Klarisse?" Baling ni Kuya sakin.
"Opo, Kuya. Dito na din po kami mag-aayos na tatlo." Nakangiting sagot ko.
"Sige. Text ko nalang sayo yung address. Pupunta na ako sa bahay ni Ate Stacey mo, doon na kami mag-aayos nila Kuya Lloyd mo. Ingat kayo ah?" Sabi at bilin nito samin.
Andoon silang lahat sa bahay ni Ate Stacey, kahit si Ax andoon na rin ata. Kina-career na nya pagiging jowa nya kay Ate Stacey. Sabi-sabi pa sya na wala sila pero baka meron naman pala talaga. Tsk!
"Sige, Kuya. Ingat ka po. Salamat."
"Salamat po." Sabi ni Eunice sabay bow-bow pa.
Umalis na nga si Kuya at naiwan kaming tatlo sa bahay.
"Waahh! Tara na, Sissy! Gusto ko na mag-ayos!" Atat na atat na sabi ni Eunice. Dali-dali na itong pumanhik sa hagdan.
"Uy! Bumalik ka dito! Impakta ka!" Sabi ni Gio na halatang nahiya sa ginawa ng step-sister nya.
"Okay lang, Chairman. Feel at home kayo dito." Nakangiting sabi ko.
Pumanhik na nga kami at nauna pa nakapunta sa dulo si Eunice sa sobrang excited.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Fhem De Castro

    An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      1
  • avatar
    ChannelCedricca

    ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖

    28/04/2022

      0
  • avatar
    AgudaRhona

    thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘

    16/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata