Chapter 32: Timpla

KLARISSE DEVELIA POV:)
"Iwan na kita dito, Sis ah? May gagawin pa ko." paalam ni Cassandra sakin."Anyway, I'm Cassandra Castañelo, SSG Vice dito." pakilala nito sabay lapat ng kamay habang ang isang kamay nito ay yakap yung mga papel na parang binibigay niya sa mga estudyante.
"I'm Klarisse Develia po." pakilala ko din at tinanggap ang pakikikamay nito.
"See you nalang sa pasukan, Klarisse." nakangiting sabi nito. Aalis na sana nang napabalik ito."Oo nga pala!" nang may maalala."Marunong ka bang sumayaw?" tanong nito.
"Ah? Eh h-hindi po." sabi ko.
"Ok lang. Kung gusto mo matuto, sali ka sa grupo namin." nakangiting anyaya nito. Binigyan niya ako nung papel."Sali ka ah? Contact-in mo nalang yang number ni Chairman. Siya ang Leader kasi namin." sabi nito nang maibigay.
Tiningnan ko naman at nabasa ko yung pangalan ng grupo nila. CrossoverYG Dancer ang pangalan ng grupo nila. Pangalan palang halatang magagaling sila.
"Hehehe sige po. Try ko po." nahihiyang sabi ko nalang. Di ako marunong sumayaw kaya sorry di ako sasali.
"Sige. Bye!" paalam nito at umalis na.
Naiwan akong nakaupo habang pumipila.
May katabi akong babae na di mapakali sa sarili. Ewan ko pati ako naiinis na sa kanya. Ang likot nya kasi.
"Asan na kayo yun?" saad nito na panay hanap kung saan. Tumayo pa ito halos masangga pa niya braso ko. Lumuhod siya para may hanapin sa ibaba."Kainis naman oh! Naku! Patay ako nito!"
Ewan ko pero nakakainis na nakakairita siya. Napakalakas niya magsalita pwede naman ata ibulong niya yun.
"Hoy! Ano hinahanap mo, Eunice?" grupo ng mga babae na napadaan sa harap namin. Halatang kilala nito yung babaeng katabi ko.
"Nawawala yung kwintas ko!" malakas pa rin na sagot nito halos nailagay ko ang kamay ko sa tainga ko para takpan.
"Ahh ok." sabi lang nito na halatang maldita."Tara na guys!"
Halatang hate na hate din nila itong nangangalang Eunice. Sino naman di maiinis ee kaylakas-lakas ng boses akala mo nasa maingay na lugar kami.
Naupo ulit ito sa upuan sabay kamot sa buhok halos napupunta na sa mukha ko ang nakakainis niyang buhok. Pinipilit ko nalang maging mabait sa kanya kasi baguhan lang ako dito. Ayaw ko magkaroon ng kaaway.
Pag-ipit niya ng buhok niya, biglang may tumalsik nalang sa kung ano sa hita ko. Tiningnan ko naman kung ano iyon at nakita kong kwintas iyon. Ito ata yung hinahanap niya? Nasabit lang sa napakahaba at napakagulo niyang buhok.
"Miss?" tawag ko.
"Yes?" nakangiting tanong nito. Halatang masayahin siyang tao pero ang pula ng labi niya. Di naman sya naka-make o nakaayos ng kilay pero nasobrahan lang ng lipstick ang labi niya.
"Sayo ata ito." sabi ko sabay pakita nung kwintas.
Nanlaki mata naman ito at agad-agad kinuha.
"Waaahhh! Akin nga 'tooo!!!" tili nito halos nabingi ako at napatingin lahat yung mga tao sa amin.
"Nakakahiya siya..." sambit ko sa loob-loob.
"Sis, salamat ah? Naku! Alam mo bang mahalaga 'to sakin? Bigay ito ni Papa sakin. Ayaw ko magalit si papa dahil nawala ko yung regalo niya sakin!" pahayag nito.
"Di ko sinabing i-kwento mo." gusto ko sanang sabihin yun kaso sinarili ko nalang."Ah? Ganun ba? Ok." sagot ko lang. Ewan ko pero naiinis ako sa kanya. Masyado siyang maingay.
Ako na nga sunod magpapa-I.D kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil napalayo na ako dito. Ang ingay kasi talaga kaya marami ayaw sa kanya.
Tapos na nga ako magpa-I.D. Babalik ulit ako ng Lunes dito para kunin ang I.D. Dahil next next next week, pasukan na namin. Excited na ako sa pasukan dahil halatang friendly mga tao dito. Sana di ako mahirapan mag-adjust agad.
"Cute! Cute!"
Ewan ko pero parang ako yung tinatawag.
Lumingon naman ako sa aking likuran. Nakita ko naman si Dalton ang tumatawag sa akin. Siya lang naman tumatawag sakin ng cute.
Tinatawag nila ako. Kaya lumapit naman ako.
"Ano po iyon?" magalang na tanong ko.
"Tapos kana?" tanong ni Dalton.
"O-opo. Pauwi na nga po ako." sagot ko.
"Maya kana umuwi. Dito kana muna." sabi nito.
"Hoy! Loko ka, Dalton! Pauwiin mo na sya baka may gagawin pa siya." si Emma. Nakaupo pa rin sila sa kung saan sila nakaupo kanina. Halatang daming nagpa-enroll talaga.
"Wait ka nga, Emma!" saway nito sa kasama. Nakangiting bumaling ulit siya sakin."Nakalimutan kong hingiin ang number mo. Pwede isulat mo sa kamay ko?" playboy na playboy na request nito.
Siniko siya ni Emma sa tagiliran.
"Baliw ka talaga, Dalton." sabi nito dito.
"O-ok po." sabi ko nalang. Magiging kaklase ko naman sila kaya isusulat ko na. Para sa pasukan di na ako mahihiya kasi may nakakakilala na sakin.
Kinuha ko yung ballpen sa mesa at sinulat nga yung number ko sa kamay nito.
"Yan na po." sabi ko pagkatapos.
"Ang ganda ng sulat mo." parang naiinlove na turan nito habang tinitingnan ang sulat ko.
"Oo nga nu? Pwedeng ikaw nalang maging Secretary namin." sabi ni Emma.
"Ang cute mo talaga." sabi ni Dalton at halatang inlove na inlove 'to sakin. Ewan ko parang timang lang.
"Dalton? Emma?" may lalaki nalang na nasa harapan namin.
"Y-yes, Chairman?" napaayos ng upo na saad ng dalawa.
Bahagyang napakunot-noo ako nang makita ang Chairman nila. Pamilyar kasi mukha niya ee. Saan ko ba siya nakita?
"Asan si Vice?" tanong nito sa dalawa. Seryoso ang mukha nito at halatang di ngumingiti pero guwapo siya.
"Pumunta sa canteen, Chairman para bumili ng snack ng mga Faci." sagot ni Emma.
Napatingin ito sakin. Pero daling ini-snob ako at bumaling ang tingin sa dalawa pero tumingin ulit ito sakin na para bang namumukhaan o parang kilala niya ako.
Magsasalita sana ito at ituturo nang nagbago isip nito. Nagpaalam nalang ito.
"Sige." sabi nito at umalis na nga.
"Ang guwapo talaga ni Chairman." kinikilig na sabi ni Emma.
"Kalmahin mo lang yang ano mo. Nagkakati ka na naman." pabirong turan ni Dalton.
Nakatingin lang ako sa Chairman nila habang papalayo ito. Nakita ko na siya ee. Saan ko ba siya nakita?
"Sige po. Alis na po ako." paalam ko na sa kanilang dalawa.
"Alis kana? Sayang. Gusto ko pa naman sanang yayain ka mag-lunch." sabi ni Dalton.
"May next time pa naman. Kaklase natin sya. Wag kang atat, Tresurer!" sabi ni Emma dito.
"Oo nga pala 'no." nakangiting playboy na naman na turan nito."Sige. Ingat ka, cute. Gusto mo ihatid na kita palabas ng gate?" prisinta nito.
"Wag na. Hehehe. Salamat nalang po." tanggi ko agad."Sige po. Bye po." paalam ko.
"Ingat ka." si Emma.
"Cute, ite-text kita mamaya. Text-text nalang." pasigaw na sabi ni Dalton.
Itinaas ko nalang ang kamay ko at naglakad na palayo.
Pagkalabas ko ng gate, nakita ko nalang si Ax na nakasandig sa kotse niya at may kausap na babae. Kumulo nalang ang dugo ko dahil naabutan ko siyang lumalandi ng babae.
Napakagat-labi na lumapit ako sa kinaroroonan nito.
"Hoy! Tara na!" pagalit na sabi ko sabay deretsyo sa kotse niya halos dumaan pa ko sa gitna nilang dalawa.
"Sige. Kita nalang tayo. Bye!" paalam ni Ax sa babae. Parang kasing edad niya iyon. Ano kaya ito ni Ax? Isa ba ito sa babae nya o kakilala lang niya?
Pumasok na nga si Ax sa kabilang pinto at ako naman ay nakabusangot at masama na naman ang timpla ko.
"Tapos kana?" tanong ni Ax sakin.
"What do you think?!!" malditang sagot ko.
"Anyare sayo?" takang tanong nito.
"Umalis na nga tayo dito! Umiinit lalo dugo ko dito ee. Tsk!" pagalit na sabi ko.
"May nangyari ba sa loob at naging masama ang timpla mo ngayon?" tanong pa rin nito.
"Ikaw sumira ng timpla ko ngayon!" Imbes sabihin iyon, iba nalang sinabi ko."Oo. Naligaw kasi ako kanina kaya badtrip ako ngayon." pagsisinungaling ko sabay cross arms. Halos napaikot ko pa ang aking mga mata.
"Sabi na sayo e. Dapat nagpasama kana sakin kasi alam ko pasikot-sikot sa eskwelahan na yan." sabi nito at sinuot na ang seatbelt.
"Bakit? Dito ka ba nag-aral ng Sekondarya?" tanong ko halos napatingin ako rito.
"Basta! Mag-seatbelt kana at aalis na tayo. May pupuntahan pa tayo." sabi nalang nito.
"Saan?" takang tanong ko rito sabay seatbelt na din.
Hindi na siya umimik. Dali-dali naman ini-start ni Ax ang engine at umalis na nga kami.
* / / / / /
"Tsk!" sabi ko na panay ganyan lang habang nagbabyahe kami. Di ko nga alam kung  saan kami pupunta ni Ax ee. Baka iuuwi na nya ako o may dadaanan pa siya.
"Kanina ka pang 'tsk tsk' dyan! Para kang ewan dyan." sabi ni Ax sakin.
"Wala kang paki!" malditang sabi ko sabay paikot ng mata at tumingin sa labas ng bintana.
"May nangyari bang masama sayo kanina doon? May nag-away ba sayo? May nambully na sayo?" tanong nito.
"Wala!" mainitin pa rin ang ulo na sabi ko.
"Ano ba kinapuputok ngayon ng butchi mo?" tanong pa rin nito habang patingin-tingin sakin habang nagmamaneho siya.
"Wala nga sabi!" sabi ko halos lumakas na ang pagkakasabi ko niyon. Masama pa rin ang timpla na binalingan ko siya."Pwede ba magmaneho ka na lang?!! Tanong ka pa ng tanong dyan mas lalong nababadtrip tuloy ako!" inis na sabi ko sa kanya.
"Iuuwi na ba kita o may pupuntahan pa tayo?" tanong nito.
"Naku naman! Punta tayo ng Mall, bibili ako ng cake saka punta tayo sa bahay ampunan kung saan mo ko dinala noon." pahayag ko na medyo naiinis pa ko. Ewan ko bakit ganun nalang umasta ako kay Ax. Ano ba kinagagalit ko sa kanya? Dahil ba sa may kausap siyang babae kanina? Ano naman kung ano niya yun? Wala naman ako karapatan magselos kasi in the first place wala kami ni Ax.
"Sabi ko nga." turan nalang nito at mas lalong binilisan ang pagmamaneho.
* / / / / /
"Paborito ba ng mga bata ang chocolate o caramel?" tanong ko kay Ax habang pinagmamasdan ang iba't-ibang flavor at design ng cake.
Nasa Red ribbon kami at balak kong bumili ng dalawang cake para sa mga bata. Matagal na kasi di ako nakakadalaw doon. Balak ko doon ko ihanda ang Birthday ko pero di ko sasabihin na kaarawan ko  ngayon. Mas gusto ilihim nalang iyon.
Masaya na ako na makitang masaya ang mga bata. May side na sakin na napamahal na ako sa kanila.
"Bakit? Bibilhan mo sila ng cake?" tanong nito.
Dahil naiinis pa rin ako sa kanya, napaikot ko ang aking mata sabay tingin sa kanya."Di ba obvious?" mataray na sabi ko.
"Ilan ba bibilhin mo?" tanong nito nang yumuko at tiningnan yung mga cake na malalaki.
"Dalawa sana. Kasya na ba iyon sa kanila pati kila Mother Lorie?" tanong ko sa kanya.
"Oo, sakto na yang dalawang cake."
"Alin dito ang alam mong magugustuhan nila? Yan o ito?" tanong ko pa rin sabay turo sa chocolate sunod sa caramel.
"Sandali..." sabi nito at tumayo ito. Tumayo na rin ako at takang tiningnan ako nito."Anong nakain mo bakit parang bumibili ka ng ganitong cake? May birthday ba?" takang tanong ni Ax sakin.
"Naku! Masama bang pasalubungan yung mga bata ng masarap na pagkain tulad nito?" nakataas-kilay na sabi ko sa kanya.
"Sabi mo nga." sabi nalang ito."Ito nalang na chocolate." sabi nito sabay turo doon sa cake.
"Dalawa po nyan." sabi ko sa babaeng nasa counter.
"Sige po. Pakisulat nalang po dito yung ilalagay sa cake." sabi ng babae at binigyan kami ng maliit na papel at ballpen.
Kukunin ko na sana nang si Ax na nakaunang kumuha nun.
"Ako na." prisinta nito. Ayun, binayaan ko naman siya."Ito na, Miss." sabay bigay na ni Ax ang papel rito.
"Paki-wait nalang po, Sir and Ma'am." sagot ng babae.
Ayun nga, naghintay kami ng ilang minuto.
* / / / / /
"Magsi-CR lang muna ako. Wait mo nalang ako dito." sabi ni Ax nang nasa food court kami ngayon.
Nilagay niya sa mesa yung cake na nasa box.
"Ok." payag ko at naupo sa upuan.
Umalis na nga siya para mag-CR. Ten minutes na pero wala pa rin siya halos naiinip na ko sa kakahintay sa kanya. Ang tagal naman ang pagsi-CR niya. Dami ba ang nilalabas niyang wiwi?
"Sorry if natagalan ako."
Mabuti andyan na siya.
"Nakita ko lang kasi yung kakilala ko na nandito ngayon kaya nakipag-usap ako ng kaunting minuto."
"Ok lang. Tara na." sabi ko lang at kinuha na yung isang box na cake. Kinuha naman din niya yung isa.
Naglakad na kami para pumunta na sa parking lot. Nang makarating na kami, pinatunog niya muna yung kotse nya at saka ako pumasok. Nilagay namin sa likuran ang cake bago sumakay na sa unahan. Nag-seatbelt na nga ako at pati siya. Nagtataka ako bakit di pa niya ini-start yung kotse.
Nakita kong nakabaling siya sa kanyang cp at halatang may tini-text ito.
Siguro yung babae na naman na nakausap niya sa school. Kahit kailan talaga babaero si Ax. May Stacey na nga siya, nagpapalandi pa.
"Di pa ba tayo aalis?" nakataas-kilay na utas ko.
Dali-daling nilagay niya sa gilid niya ang cp niya.
"Nagtext kasi si Kuya Louis mo." sabi niya nang ini-start na nya ang engine.
"Ano sabi?"
Tumingin siya sa likod habang ang isang kamay niya ay nasa headboad na inuupuan ko. Baka kasi may mabunggo siya sa likod dahil pinapaatras na niya ito.
"Sa amin nalang yun. Boys talk 'to." pilyong sabi niya ng tumingin siya sakin sabay kindat.
Lalong uminit ang ulo ko sa kanya. Ewan ko pero badtrip na badtrip ako sa pagmumukha niya.
"Tsk!" sambit ko lang sa inis sabay paikot ng mata.
Umandar na nga ang kotse at palabas na kami ng parking lot. Bago pa man makalabas, nagsalita pa si Ax.
"Ba't ang init ng ulo mo sakin? May nagawa ba akong mali?" tanong nito na pasulyap-sulyap sakin.
Di ako umimik. Nanatiling nakatingin lang ako sa labas ng bintana at ramdam kong naiinis talaga ako sa kanya. Di ko alam ba't ang init ng ulo ko ngayon.
"May nagawa ba akong di maganda sayo?" tanong pa rin nang nakalabas na kami.
Kunot-noo na tiningnan ko siya. "Please shut up your mouth?! Naaalibadbaran ako sayo." inis na sabi ko dito. Ito na nga, umuusok na ang ilong ko sa sobrang inis sa kanya. Di ko alam bakit naiinis ako sa kanya.
"Wala naman akong ginagawa sayo ah? Ba't ang init ng ulo mo?!" patuloy na turan pa rin nito na halatang naiinis na rin.
"Tumahimik kana nga! Mas lalong naba-badtrip ako sayo ee!" utas ko sabay tiningin sa labas.
"Di ka naman ganyan kanina. Sabihin mo nga sakin, may umaway ba sayo doon?" tanong nito habang nagmamaneho na ito pero mahina lang pagtatakbo niya dahil masyadong di maganda ang daloy ng daan ngayon.
"Wala." sagot ko lang habang nakatingin lang sa labas ng bintana.
"May nambastos ba sayo doon?"
"Wala nga."
"May nambully ba sayo doon?" usisa pa rin nito.
"Wala nga sabi!" inis na sabi ko sabay tingin sa kanya.
Jusko! Ba't ganito ako ngayon? Ano ba kinaiinisan ko sa kanya? Nakita ko lang kasi siyang may kausap na babae kanina, doon nagbago ang mood ko. Wag mong sabihin nagseselos ako? Oh god!
"Meron ka ba ngayon? Bakit ang init ng ulo mo ngayo---" di napatuloy pa sasabihin ni Ax na biglang tumunog ang cp ko.
Dali-daling kinuha ko ang purse ko.
"Sino tumatawag?" pa-suplado ang boses tanong ni Ax na pabaling-baling siya sa daan. Huminto ang sasakyan dahil traffic.
"Number lang. Di ko knows." naging mahinahon ang boses na sagot ko.
"Sagutin mo pero i-loudspeaker mo." utos ni Ax.
Magre-reklamo sana ako pero wala akong magawa kaya sinagot ko ang tawag at ni-loudspeaker iyon.
"Hello?"
"Is this Klarisse?" boses lalaki na nasa linya.
Napatingin ako kay Ax na napakunot-noo na ito.
"Y-yes. Sino 'to?" nautal na sagot ko.
"Hello, cute! Si Dalton 'to! Yung humingi ng number mo kanina." masiglang boses na sagot ng lalaki na nasa kabilang linya.
Si Dalton lang naman pala.
Napatingin ako kay Ax na umiba agad ang timpla ng mukha niya. Nakita kong kumunot lalo ang noo niya. Tumutok ulit ito sa daan at nagpatuloy sa pagpapaandar ng sasakyan nang naging maluwag na ang daan.
Patuloy ko pa rin kinausap si Dalton.
"Hello. Napatawag ka?"
"Namiss kasi kita ee."
Napansin kong napataas-kilay si Ax sabay nag-igting ang kanyang panga habang nakikinig ito at nakabaling sa daan.
"Ay? Ganon? Hahaha." natatawang sabi ko.
"Bakit ka umuwi agad? Lunch sana tayong dalawa ee. Libre sana kita."
Nang nagkaroon ng traffic, inis na pinipindot ni Ax yung pambusina na halatang naiinip o nainis ata siya. Dahil sa traffic na naman ata.
"F*ck! Asan kasi yung mga pulis kasi! Ang traffic naman sa Maynila!" naiinis na turan nito.
"Sorry, Dalton. May pupuntahan kasi ako ngayon. Pasensya na." sabi ko dito.
"Ok lang. Di ba, babalik ka dito next week para kunin yung I.D mo? Pwede bang mayaya kitang mag-sine pagkatapos mong makuha yung I.D mo?" yaya Dalton.
Nang dahil sa sinabi nito, biglang pumreno si Ax at muntikan pa ko mauntog. Mabuti pala naka-seatbelt ako. Inis na tiningnan ko si Ax. Nakita kong namumula na ito sa di ko maintindihan kung bakit.
Tinakpan ko ng kamay ko ang cp ko sabay sabi kay Ax na...
"Pwede ba? Ayusin mo pagmamaneho mo." mahinang sabi ko dito.
"Tsk!" sambit lang nito sabay nagmaneho ulit.
"Hmm sige, try ko, Dalton. If di ako busy sa araw na yun---" di ko pa napatuloy pa ang sasabihin ko kay Dalton nang kunin ni Ax ang cp ko sabay..."Ax!" galit na sambit ko nang shinut-down nya ang cp ko.
Pagkapatay, nilagay niya sa lagayan yung cp ko kung saan niya nilalagay yung cp niya. Salubong ang kilay na tiningnan ko siya sa kanyang ginawa.
"Ano ka ba?! Di ko pa tapos kausap si Dalton!" inis na sabi ki dito.
"Walang date na mangyayari next week." matigas na sabi niya at kita ko sa mukha niya ang galit.
Yan na naman. Magfi-feeling kuya na naman siya sakin. Tapos ano? Pagsasalitaan na naman niya ako ng masakit na salita? Nakaka-bwisit na siya!
"Di naman ako makikipag-date ah?!" nakataas-kilay na sagot ko.
"Hindi ba yun, date?" salubong ang kilay na tumingin siya sakin."Mag-behave ka, Klarisse. Baka isumbong kita kay Kuya mo." pananakot nito sakin sabay baling sa daan.
"Ano akala mo sakin babaeng malandi? Lumalandi ng mga lalaki? Umiinom at naninigarilyo?!!" tumaas ang boses na sumbat ko dito.
"Wala akong sinabing ganun. Sinasabi ko lang na mag-behave ka---"
"Wala naman akong ginagawang masama ah?! Tell me, nakita mo na ba akong nagbibisyo ah?! Tell me! Tell me, Ax! Sabihin mo!" naiinis ko nang singhal dito.
Nakita kong pansamantalang pumikit si Ax sabay humugot ng hininga. Maya-maya pa kumalma na siya at binababa na niya ang pride niya.
"Di pa. Pasensya na. As your Kuya, concern lang ako sayo----"
Nasaktan nalang ako sa sinabi niya. As a Kuya? Parang nalungkot ako na di ko malaman na dahilan pero nasaktan ako.
"Ok." sabi ko nalang sabay upo ng maayos. Sumulyap ako sa labas at pinipigilan kong di tumulo ang luha sa aking mga mata.
Nasaktan ako dahil turing nya sakin ay isang kapatid. Inaamin ko sa sarili ko, gusto ko pa rin si Ax at siya pa rin talaga ang only crush ko noon pa man.
Tahimik kami sa buong byahe hanggang makarating na kami sa bahay ampunan na wala pa rin kaming imikan na dalawa.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Fhem De Castro

    An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      1
  • avatar
    ChannelCedricca

    ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖

    28/04/2022

      0
  • avatar
    AgudaRhona

    thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘

    16/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata