Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 23: Indirect Kiss
KLARISSE DEVELIA POV:)
"Ano?!!" gulat na sambit ni Ate Lope samantala ako ay nanlalaki mata sa nalaman.
"Ano? May fiancé na si Clyde?" sa loob-loob ko at nagulat ako sa nalaman.
"Oo, sabi ng mga estudyanteng taga doon sa school nila nung nandodoon pa ko. Pinagkasundo sila ng magulang nila dahil sa business." patuloy na paliwanag ni Ate Mirah.
Di ko alam pero uso pa pala sa panahong ito yang mga pinagkakasundo. Ewan ko pero nakakabigla lang kasi. Sabagay, di naman kami masyadong mayaman kaysa doon sa Clyde at Cyianne daw kuno. Halatang mga bread winner sila, pinagkasundo nga silang dalawa ee dahil sa business ng mga magulang nila.
"Kailan pa sila naging mag-fiancé?" tanong pa rin ni Ate Lope na halatang di makapagpaniwala sa nalaman.
"I think nung monday pa ata raw. Basta, yun sabi sakin ng taga doon sa kabilang school." sabi ni Ate Mirah na halatang napipikon na sa kakatanong ni Ate Lope sa kanya."Wait! Bakit mo ko tinatanong? Mukha ba akong T.V at nasa akin lahat ng balita? Alam mo na ngang di ako nag-aaral doon panay tanong ka pa." nainis na sabi nito dito.
"Aba! Ikaw yung nagsimula nang chismis na iyan. Syempre, tatanungin ka kasi sayo nanggaling ang balitang iyan." pilosopo ni Ate Lope dito.
"Wag na kayong maingay! Ingay nyo!" suway ng mga babaeng nasa likod namin."Kung mag-iingay kayo, sa labas kayo. Wag dito." sabi pa nito nila Ate Mirah.
Nagbago nalang ang ekspresyon ng mukha nito. Nakakatakot ang mga mata na sabay na lumingon ang dalawa sa likuran nila. Akala mo kakainin na nilang dalawa yung mga babae na nasa likod namin.
Napalunok naman ang mga babae halos napatikhim at umiwas tingin. Halatang natakot sa dalawa kong ate at naupo ito ng maayos.
Ewan ko, pabibo rin kasi yung babae ee. Pero takot naman sa dalawa. Hahaha!
Nagulat nalang kami dahil may mga grupo na naupo sa harapan namin. Nanlaki mata kami nang makilala kung sino ang mga grupong iyon.
"May nakaupo ba dito?" tanong ng babae sa amin.
"W-wala." nautal na sagot ni Ate Mirah dito.
"Thank you." sabi nito sabay ngiti ng matamis. Nakatingin lang ako dito at sa simpleng ngiti niya alam mong mabibihag kana sa kagandahan niya.
Naupo na nga ito kasama ang mga kagrupo nito.
"Si Cyianne." mahinang bulong ni Ate Mirah.
"Oo nga. Kanina palang natin sya pinag-uusapan, ngayon nasa harapan na natin sya." mahinang bulong rin ni Ate Lope.
Tahimik na nakatingin lang ako sa Cyianne iyon. Ang ganda niya kahit naka-side na siya. Kita ko pa rin yung ngiti niya at pamumula ng mga pisngi niya sa bawat tawa niya.
Ang swerte ng Clyde na iyon kasi maganda ang fiancé niya at halata sa mukha na mabait ito.
Magsisimula ulit ang laban kasi nag-time out muna. Mukhang nagpalit ng isang miyembro sa kabilang grupo. Naka-pwesto na ito sa kanya-kanya posisyon para maglaro ulit.
Maya-maya narinig ko nalang na bumulong ang isang babae kay Cyianne na katabi nito.
"Pagkatapos ng laban, lapitan mo siya. Ipamukha mo sa lahat na pag-aari mo na si Clyde, Cyianne." sabi nito dito.
Tumango lang ito at nanood ulit ng laban ni Clyde.
Nagsimula na nga. Na kay Kuya Brix ang bola. Tumatakbo ito habang nagdi-dribble na agad siya hinarangan ng isang kalaban. Di napansin, nakuha ni Clyde ang bola kay Kuya Brix kaya nasa kalaban na ang bola.
Mabilis na pumunta sa ring si Clyde at walang kalaban na humaharang sa kanya, na-shoot nya yun.
Nagsi-ingay naman sa court dahil sa naka-2 points na ang kabila. Halos yung grupo na nasa harapan namin, nagsigawan din halos napatayo pa ang iba.
May puntos na ang kabila. Malayo pa at di pa nila maaabot sila Kuya Louis.
Habang tumatagal, umiinit ang laban. Nasa 4th quarter na at dikit na ang kani-kanilang iskor ng dalawang team. Ang iskor sa kabila ay 46 at sila Kuya ay 47. Ang natitirang oras nalang ay 5 minutes. Pag nag-three points shot sila Kuya, malabo nang makaabot ang kalaban.
Dapat kailangan nila mag-depensa. Ingatan nila ang bola na di mapunta sa kabila.
"Go, Louis!"
"Go, Lloyd!"
"Go, Brix!"
"Go, Kieffer!"
"Go, Ax!"
"Go, Clyde!"
Yan naririnig kong cheer ng mga tao dito sa gym. Mukhang silang anim ang pinakakilala at pinakasikat dito.
Napansin kong may isang estudyanteng lalaki na taga dito na naglilibot at halatang nagpapataya.
"Taya na kayo! Kung sino mananalo sa dalawang Team. Ang makatama, mado-double yung perang tinaya! Taya na!" sabi ng lalaki.
Yung mga nagkakandarapa naman sa sikat na dalawang team na iyon, tumaya agad halos pinaglibutan na ng mga kababaihan yung lalaki para tumaya.
"Team Louis ako!"
"Team Clyde!"
"Team Clyde!"
"Team Louis!"
"Team Louis ako!!!"
Sabi nung mga tumataya dito sa lalaki at binibigyan ng pera.
"Wait lang. Mahina ang kalaban." sabi ng lalaki."Pangalan mo?" tanong nito sa babae na tataya.
"Andrea Toledo." sagot ng babae. At binigay ang 1000 na pera."Team Louis.
"Ikaw?"
"Janice Lopes. Team Clyde." sabi naman ng babae na tataya ng 500.
Ewan ko pero natatawa ako sa lalaking iyon. Gusto lang ata niya kumita kaya nagpapataya siya. Ewan ko, ginagawa niyang sabong ang laban nila Kuya Louis.
"Hoy! Ano yan, Sid?!! Naglo-lottoo style ka na naman." si Ate Mirah.
Kilala pala ito ni Ate Mirah? Hahaha!
"Kailangan, Mirah. Sayang opportunity. Hehehe." parang timang na sagot ng lalaking nangangalang Sid at tinatanggap yung mga tumataya."Sino pa? Taya na!"
"Ewan ko. Kahit kailan talaga, may pagka-monggoloids yang si Sid. Laging naghahanap ng gulo. Hayyy." sabi nalang ni Ate Mirah at napa-face palms.
Tumawa nalang kami ni Ate Lope.
Nalaman ko nalang kay Ate Mirah na kaklase pala nila iyon. Masyado talaga daw malapit sa gulo yung Bryan na yun. Wala yun sinasanto kundi pera lang.
Kanina ay umiinit na ang laban, ngayon ay mas umiinit pa lalo ang laban. Mukhang gusto manalo ng dalawang grupo na iyon. Lagi sila nag-aagawan ng bola at di pa sila nakaka-shoot. May 4 minutes nalang at ganun pa rin ang iskor nila. Magkadikit pa rin.
"Brix, pasa dito!" sigaw ni Kuya Louis."
Pinasa naman dito ni Kuya Brix pero biglang lumusot nalang kahit saan si Clyde at nakuha nito yung bola na ipapasa na sana ni Kuya Brix kay Kuya Louis. Napunta ulit sa kalaban ang bola.
"Habulin nyo!" sigaw ni Kuya Louis at tumakbo naman agad sila Kuya Lloyd.
"Bantayan nyo! Wag nyo hahayaan maka-shoot sila!" sabi ni Kuya Kieffer at binabantayan niya yung isang kalaban.
"Ax!" sigaw ni Kuya Louis nang tumalon si Clyde at isho-shoot na ang bola.
Nalampasan naman niya yung taong nagbabantay sa kanya at tumalon para pigilan na i-shoot ni Clyde ang bola.
Akala isho-shoot ni Clyde ang bola. Nakangiti na pinasa nito galing sa likuran ni Ax ang bola sa kalaban at nakuha naman ito. Kahit sa malayo, shi-noot nito.
Naka-shoot naman at naka-three points sila.
Nagsiingay naman sa loob ng court halos lahat ng tao sa gym, iba-iba ang mga hawak nilang kagamitan na pang-cheer. May plastic bottle na may laman na bato at pinagshi-shake iyon kaya mas lalong umiingay sa loob dito.
May 49 na ang sa kalaban at 47 palang sila Kuya. Naabutan na sila ng kabila. Kailangan nila kuya mag three points shot para lamangan pa nila to.
May natitira nalang na oras na 1 minute and 24 seconds. Kailangan na nila mag-focus at kailangan nila manalo.
"Go, Kuya Louis!" cheer ko.
Na kay Kuya Lloyd ang bola at pinasa nito kay Ax. Pagkakuha nang bola, nasa harapan na nito si Clyde. Mukha ito ang magbabantay kay Ax.
"Di ko hahayaang maka-iskor pa kayo, Ax." nakangiting nakakainsulto sabi nito nang pinipigilan nito si Ax na makarating sa ring."Tanggapin nyo na kasi na talo talaga kayo at mas magaling kami sainyo." insulto ng Clyde na iyon kay Ax.
"Di mo kilala ang grupo namin, Clyde. Di kami sumusuko basta-basta." sabi ni Ax dito na agad pumaikot ito at nakatakas kay Clyde.
Sinundan naman siya ni Clyde para pigilan.
Malayo sa ring na nagposisyon si Ax sabay talon at shinoot ang bola. At....
*Toootttt!!!*
Nagulat nalang si Ax nang tumalon rin si Clyde at nasa harapan na niya ito. Nakangiting nakakainsulto na agad na pinigilan nito ang pagtangkang pag-shoot ng bola kaya tumilapon nalang kahit saan ang bola.
"Sh*t." sambit ni Ax pagkababa.
Tumakbo agad sila Kuya para habulin ang bola na nasa kabilang grupo. Hindi pa dapat maka-iskor ang kalaban. Kailangan nila maka-three points para sigurado nang sila ang mananalo bago matapos ang laro.
Sari-sari ang chini-cheer nila. Makikita mo sa lahat ng estudyante dito sa room na may kanya-kanya silang mga ini-idolo.
"Ilan nalang oras ang natitira?" tanong ni Ate Mirah na halatang kinakabahan na.
"49 seconds nalang." namumutla nang sabi ni Ate Lope na halatang kinakabahan na sa mangyayari.
"Jusko. Sana manalo." mahinang sambit ni Ate Mirah."LOUIS! WAG KANG TATANGA-TANGA!!! IPA-SHOOT NYO YAN! UMAYOS KA! AAWAYIN ULIT KITA PAG DI MO IYAN NAI-SHOOT!" sigaw ni Ate Mirah at para iyon kay Kuya Louis.
Narinig naman ni Kuya ang sigaw ni Ate Mirah. Naging desidido naman si Kuya. Dali-daling nakahanap ito ng paraan at nakaalis ito sa kalabang nagbabantay sa kanya at nakuha niya sa kalaban ang bola. Di kasi siya nito napansin dahil kay Kuya Brix ito nakatutok kung saan ito ang nagbabantay sa may hawak kaninan ng bola.
Tumakbo naman ang lahat papunta sa kabilang ring.
"Kieffer!" sigaw ni Kuya at pinasa kay Kieffer.
Nakuha naman ni Kuya Kieffer at nalampasan niya yung kalaban.
"Lloyd!" sigaw ni Kuya Kieffer at pinasa dito.
Pagkakuha, tinapon niya iyon kaagad mula sa ibaba ng paa nung kalabang nagbabantay sa kanya. Nag-bounce iyon na agad nakuha ni Ax na mas lalong nagsi-ingay sa gym.
"My god, Ax!!! I-shoot mo yan!!!" sigaw ng mga kababaihan nang na kay Ax na yung bola.
Mabilis na hinarangan ni Clyde si Ax. May natitirang 12 seconds nalang.
Hindi makaalis si Ax dahil binabantayan talaga siya ng maigi nito.
Walang magawa si Ax, tinapon niya yung bola mula sa mga paa nito. Dahil na-distract si Clyde, nakalusot siya dito at nakuha yung bola na nag-bounce pa.
"Sh*t." napamura na sambit ni Clyde nang nalampasan siya ni Ax.
Nasa ring na si Ax sabay talon at...
*tooot!*
Shi-noot niya iyon halos nagkalambitin pa siya sa ring. Ni-rebound niya iyon.
Nagsi-ingay naman sa gym dahil sa ginawa ni Ax. Nakaabot ang grupo nila Kuya pero tie sila.
49-49
Walang nanalo at walang talo. Patas ang laban.
Ito na ang last laban dahil maggagabi na at di na pinayagan ng school na maglaro pa ulit dahil di pala humingi ng pahintulot ang mga ito sa president ng school nito. Halatang nagalit sa ginawa nito.
Lumapit si Ax kay Clyde at di pinapahalata na may sinabi dito si Ax.
"So, panu yan? Tie ulit." paiinis ni Ax dito."Tandaan mo, hindi kami basta-basta sumusuko, Clyde." seryosong mahinang sabi nito dito at naglakad na para pumunta na sa pwesto nito.
Nagsialis na nga ang iba sa gym at halata sa mukha nila ng pagkabitin ng laro.
"Ang bitin naman! Tie na naman." sabi ng ibang naririnig ko.
"Kainis naman ee! Alas 4 palang oh! Di pa gabi. Ang kuripot talaga ng may-ari ng school na 'to!"
"Sa Intrams natin mapapanood ang totoong laban." sabi ng naririnig ko.
Sa totoo talaga, nakakabitin. Wala nanalo sa dalawang grupo pero nakaka-enjoy naman yung laban nila. Nakaka-kaba at nakaka-intense ang nangyari kanina sa laban. Akala ko nga matatalo na sila Kuya mabuti naka-2 points si Ax. Mabuti na yan na tie atleast di talo sila Kuya.
Lumapit naman agad kami kila Kuya na halatang pagod na pagod silang lima.
Umiinom ng tubig na nasa bottle sila Kuya Brix at Kieffer. Samantala si Kuya Lloyd ay nagpupunas ng pawis niya gamit ang bimpo. Sila Kuya Louis naman at Ax, malayo-layo sa kinaroroonan namin. May pinag-uusapan silang dalawa na sila lang nakakarinig.
Ewan ko pero may something sa pinag-uusapan nila. Napaka-seryoso kasi nila ee.
"Uy!"
Nagulat nalang ako nang hawakan ako ni Kuya Lloyd sa balikat. Napatingin naman ako dito na pinupunas pa rin ang pawis na nasa leeg.
"Kuya Lloyd." sambit ko sa pangalan nito.
"Nag-enjoy ka ba kanina?" tanong nito.
"Sa laban nyo? Oo naman. Nakaka-intense nga e---"
"I mean, sa pamamasyal mo dito sa school. Hahaha halatang nag-cheer ka samin talaga no? Hahaha!" pagtatama nito at tumawa dahil sa naging reaksyon ko kanina.
"Oo, ganda nga ng school nyo ee. Saka oo, ang ganda ng laro nyo. Ang galing mo pala mag-basketball, Kuya Lloyd. Dami nagshi-cheer sayo. Saka dami nagkakandarapa sayo. Hihihi." tawang pabebe na sabi ko.
"Di naman. Chamba lang yun. Hahaha." sabi lang ni Kuya Lloyd. Ang cute niya talaga ngumiti kasi pati mata niya sumasabay rin at sumisingkit.
Ang cute, jusko!
Tumawa nalang ako.
"Lloyd, tubig oh! Sorry, kakabili lang." sabi nung lalaking sumulpot nalang.
"Oh?" sambit ko nang makilala yung lalaki.
Sino pa ba? Ee di yung nagpapataya kanina sa mga estudyante. Yung parang ginawa nang sabong itong laro kanina nila Kuya Lloyd.
"Salamat, Sid." sabi lang dito ni Kuya Lloyd at kumuha ng dalawang mineral bottle na nasa plastic."Ba't ganyan mukha mo na naman?" tanong nito dito.
"Dapat kasi pinanalo nyo laban. Ee di sana may pera ako pang-bar. Sayang talaga yung opportunity kanina ee. Hayst!" sagot nito na halatang namomroblema nga.
"Ewan ko sayo, Sid. Mukhang pera ka talaga. Hahaha." sabi at tawa nalang ni Kuya Lloyd.
"Sige. Bibigyan ko pa sila Louis ng tubig." paalam nito.
Itinaas lang ni Kuya Lloyd ang kamay bilang paalam dito.
Umalis na nga yung Sid na iyon. Mukhang close na close rin ito ni Kuya Lloyd. Siguro, taga bili lang siya ng tubig. Pero parang hindi ee. May itsura din yung lalaki kaya halatang isa ito sa kaibigan nila.
"Tubig, Princess." baling sakin ni Kuya Lloyd at binigyan ng tubig.
"Salamat, Kuya." pasalamat ko. Ang sweet talaga ni Kuya Lloyd ee. Di talaga niya ako pinababayaan.
Binuksan na niya yung tubig na nasa kanya. Akala ko iinumin na niya pero kinuha niya sakin yung binigay niyang tubig at pinagpalit niya.
Namula naman ako kasi di talaga ako pinababayaan ni Kuya. Alagang-alaga niya ako. Ito yung napapanood ko sa korean drama e. Bubuksan yung bottle ng tubig at ibibigay iyon sa leading girl.
Megad! Ang swerte ng magiging jowa ni Kuya Lloyd. Maalaga siya ee. (pumuso-puso yung mata)
"Salamat, Kuya." nakangiti ko lang sabi nito.
Ngumiti lang siya ng matamis sakin. Pagkatapos, uminom na siya. Ewan ko natulala akong nakatingin dito. Yung bawat lagok niya ng tubig, yung adams apple niyang gumagalaw at yung pawis pa niyang dumadaloy sa kanyang leeg, jusko!
Nakakaakit na bata ka! Yummy!
Natigil nalang ang pagnanasa ko kay Kuya Lloyd nang nagulat nalang ako nang kunin ni Ax yung tubig ko at ininom niya iyon.
Galit na galit na tiningnan ko siya.
Pagkainom pinunas nito ang mga labi at nakangiting nakakainsulto na tumingin ito sakin.
"Salamat sa napakasarap na tubig." sabi nito sakin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay paikot ng mata.
"Uy! Ba't mo yun ininom? Para kay Princess yun." singit ni Kuya Lloyd nang makita iyon na ginawa ni Ax.
"Di niya naman iniinom ee kaya ako na uminom. Sayang naman kasi ee. Sabi nga, save the water." rason lang ni Ax.
"Kasi naman, Ax. Di pa umiinom si Princess. Nauuhaw na siya." patuloy na pinagtatanggol ako ni Kuya Lloyd kay Ax.
Yan! Go lang, Kuya Lloyd. Ipaglaban mo ko sa kanya. Umaabuso na ee. Tsk!
"Ee di hati kami sa tubig. Meron pa oh." sabi nito sabay lagay sa kamay ko. Halos napakunot-noo ako sa pagbigay ng tubig na ininom na niya."Inumin mo na yan. Sayang ang tubig." sabi nito sakin.
"Wag mo yan iinumin, Princess. May laway na yan." sabi lang ni Kuya Lloyd at tinawag si Kuya Sid."Sid, may tubig pa ba?" tanong nito dito.
"Ay! Wala na." sagot nito.
"So, pano yan?" nakangiti lang na sabi ni Ax.
Sa totoo lang, nauuhaw na talaga ako. Mula kanina di pa ko umiinom masyado. Paano ito? Iinumin ko ba ito? Ininom na ito ni Ax ee. May laway niya 'to.
"Inumin mo na. Inumin mo na. Inumin mo na..." sabi ng devil self ko."Naku naman! Iinumin ko ba?" sa isip ko.
"Wag mo na inumin, Klarisse. Bibilhan nalang k-kit-a---" di na napatuloy pa ni Kuya Lloyd ang sasabihin pa nang makita niyang uminom na ako ng tubig.
Pagkainom, pinunas ko na ang labi ko gamit ang palad ko. Naubos ko yung natirang tubig.
Nakita ko ring gulat na nakatingin sakin si Ax. Napansin kong bahagyang namula pa pisngi nito. Siguro, nainis siya. Akala niya kasi di ko magagawa yun ee. Akala nya lang yun!
"Bakit mo i-ininom?" nautal na sambit ni Kuya Lloyd.
"Nauuhaw na kasi ako ee." turan ko.
Sila Kuya Louis, nahinto rin dahil sa ginawa ko. Lahat sila, nakatingin sakin.
"Yuyy!" panimulang asar ni Kuya Brix at Ate Mirah.
Takang napatingin ako sa kanila. Bakit nagyu-'yuy' sila. Anong mali sa ginawa ko?
"B-bakit?" takang tanong ko.
"Nag-kiss sila ni Ax. Hahahaha!" sabi ni Kuya Brix sabay tawa.
Tumawa rin si Ate Mirah at Kuya Kieffer.
Samantala, seryoso lang nakatingin sa amin si Kuya Louis at Ate Lope. Mukhang di nagustuhan ni Kuya ang ginawa ko. Ano ba ang mali sa ginawa ko? Uminom lang naman ako.
"Hindi! Di kami nag-kiss ni Ax!" tanggi ko naman halos kinabahan ako. Ano yung sinasabi nilang nag-kiss kami ng palakol na 'to?
"Hindi nga pero ng indirect kiss kayo." kinikilig na sabi ni Ate Mirah.
Nanlaki mata naman ako sa nalaman. Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Tiningnan ko sila isa-isa. Nakatingin lang sa malayo si Ax at bahagyang namumula ang mukha niya na di ko alam kung bakit.
Napahawak nalang ako sa lips ko. Nag-kiss kami ni Ax?!! Sa bottle ng tubig?!!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10
0Tingnan Lahat