Homepage/He's 5 Years Older Than Me/
Chapter 15: Buwan
KLARISSE DEVELIA POV:)
Kanina pa kong nakahiga sa kama kahit mula kanina pa, di pa ko inaabot ng antok. Mulat na mulat pa rin ang mata ko hanggang ngayon. Alas 12 na ng gabi pero mukhang ako nalang ang gising dito sa bahay.
Kanina pa kami nakarating dito ni Kuya Lloyd galing sinehan at pagkauwi namin dumeretsyo na agad ako sa kuwarto para magpahinga at matulog. Kaso nga lang, mula kanina hanggang ngayon, dilat pa rin ang mga mata ko. Wala man lang akong maramdamang antok sa aking mga mata. Kanina ko pa pinipilit matulog pero wala pa ring effect.
Siguro, kanina pa nakauwi dito sila Kuya at paniguradong tulog na silang lahat.
Naisipan kong lumabas muna ng kuwarto at magpahangin muna. Baka sakaling antukin na ako.
Paglabas ko ng kuwarto ko, naisipan kong pumunta nalang ako sa rooftop. Try ko rin kayang tumambay doon. Doon kasi minsan nagtatambay si Kuya pag gusto niyang makita ang buwan. Nakaupo siya sa bubong habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan.
Saktong full moon ngayon kaya mukhang interesting itong gagawin ko.
Tumungo agad ako sa hagdanan kung saan papunta ito sa rooftop. Kahit ni ingay dito sa labas ng sala,wala akong marinig at patay ang mga ilaw. Tulog na ata silang lahat.
Di nagtagal, nakarating na ako sa rooftop. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana at lumabas doon. Pagkalabas, nakita ko naman agad ang kaliwanagan ng buwan. Pati na ang mga bituin na kumikislap sa kagandahan.
"Wow." sambit ko.
Dahan-dahan akong gumapang. Tahimik at maingat na naupo ako. Nasa bubong ako ng malaking bahay. Nakaupo at pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan. Baka mahulog ako dito dis oras ee kaya nag-iingat ako.
Pumikit ako at dinamdam ang masarap na hangin na dumadampi sa aking balat. Ramdam ko ang lamig na tila ba magpapasko na dahil sa sobrang lamig sa labas. Di ko maiwasang mapangiti dahil sa kakaibang feelings na nararamdaman ko ngayon. Ang babaw kasi ng kaligayahan ko kahit kunti lang na ano, masaya na ako.
Pinagmamasdan ko lang ang buwan habang ang mga bituin ay panay na kumikinang sa ganda.
Itinaas ko ang kamay ko at tinuturo ang buwan na feeling ko naabot ko ito.
"Ang swerte naman ng unang taong nakapunta sa buwan. Ano kaya sa feeling? Siguro pag nandoon siya, maiisip niyang matutupad ang mga pangarap niya. Di masamang mangarap hangga't alam mo sa sarili mo na kaya mo." mahinang turan ko habang nakatingin sa buwan at kunyare naaabot ko siya ng aking hintuturo.
"Kaya pala kahit ni isa, wala pang nanliligaw sayo kasi nga di ka nila pangarap." nakarinig nalang ako ng boses na nagsalita.
Pamilyar sa akin ang tinig na iyon halos napakunot-noo ako.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Ax na nakaupo rin at sinusulyapan rin ang buwan habang umiinom ito ng beer na nasa can. Kunti lang ang distansya ang layo nito sakin.
"Kanina ka pa dyan?!" bulalas ko sa gulat.
Tiningnan ako nito ng walang ekspresyon sa mukha.
"Ano sa tingin mo?" suplado na sabi nito."Narinig ko lahat ang mga kapabebe-han mo. Ang OA mo talaga. Ang babaw ng kaligayahan mo." insulto nito sabay sulyap ulit sa taas para tanawin ang buwan sabay inom ulit ng can beer.
"Ano paki mo ah?! Wag mo ngang pakialaman ang sarili ko! Kahit kailan, unggoy ka pa rin!" galit na sabi ko dito.
"Wag ka ngang maingay dyan! Nakakabulabog ka sa mga kapit-bahay natin." suway nito."Hay naku! Tama nga ang sabi ng iba. Dalawa ang bunganga ng mga babae." sabi pa nito sabay lingon sa unahan at umiling-iling na lamang. Lumagok agad ito ng beer pagkatapos.
Tiningnan ko siya ng masama. Balak ko na sanang sugurin siya nang kumawala nalang ako ng hangin. Kailangan ko kumalma kasi baka mabulabog nga namin ang mga tao dito. Ayaw ko munang makipag-away dito dahil wala ako sa mood. Saka pag magsuntukan kami dito, baka mahulog pa kami.
Hello! Nasa rooftop kami! Ayaw ko pa mamatay no! Siya nalang muna. Atleast, mabawasan na sa mundo ang mga sinungaling at mga paasa. At isa sya doon.
Kinakalma ang sarili na sumulyap nalang ako sa unahan. Kakalimutan ko munang magka-enemy kami. Nandito ako para sulyapan ang buwan hindi para makipag-away sa kanya.
"Kamusta kana?" tanong na lamang nito.
Takang napatingin ako dito.
Tama ba ang narinig ko? Kamusta na raw ako? Wait! Yung tono ng pananalita niya. Yung pagkakasabi niyang iyon parang...parang...
"May nagugustuhan kana ba?" tanong ni Ax. Ang tono ng pananalita na nito ay banayad at para bang walang nangyari lamang kanina. Ang lambot ng boses niya na akala mo nilalambing ka at sinusuyo.
Naaalala ko na naman ang tinig at tono ng pananalita niya noon. Sobrang sweet na akala mo napakalambing niya makipag-usap. Namimiss ko tuloy yung dating bata pa kaming dalawa. Kung kailan, di pa kami magkagalit na dalawa.
"Ah?" sambit ko lang sa sobrang pagkalito at pagtataka. Nagbago kasi agad yung mood niya kaya nakakapanibago lang. "Hmm ok l-lang. K-kaw ba?" nauutal na sagot at tanong ko rin dito.
Tumingin ito sa unahan at bahagyang ngumiti ito ng natural.
"Ako? Tama lang. Minsan ok, minsan hindi." sagot nito.
"Ahh..." sabi ko nalang. Nakaka-speechless kasi. Ngayon ko lang nakausap ng maayos si Ax.
Di ko na alam ano pa itatanong ko. May gusto pa kong itanong dito pero parang ayaw gumalaw ang mga dila ko. Kahit ibuka ko ang bibig ko, di ko naman masabi. Parang nakakain ko nalang ang gusto kong sabihin.
Ibubuka ko sana ang bibig ko para tanungin siya kaso naitikom ko na naman agad dahil di ko kayang magsalita. Siguro nga'y na-i-speechless ako. Matagal na kasi ang panahon na ngayon ko lang nakausap si Ax.
Hanggang ngayon kasi nagtatampo pa rin ako sa kanya at umaasa na totohanin niya ang sinabi niya sa akin noon na....
"May gusto ka bang tanungin sakin?" turan nalang ni Ax na nagpabalik ng sarili ko.
Gulat na napatingin ako dito.
"Ah?!" Tumingin ito sakin at kita ko sa mata nito ang pagiging kalma."Ano nangyari sa kanya ba't parang naging normal ngayon siya? Kanina, galit. Ngayon? Sulitin ko na pagiging mabait niya kasi alam ko babalik ulit ang pagiging spoil brat niya." sa loob-loob kong sabi.
"Wag na wag ka munang magkaka-boyfriend. Ang bata mo pa para pumasok sa mga relasyon. Saka di lang iyon, malalagot ka sa Kuya Louis mo pag malaman niyang may syota ka. Kaya wag muna. Aral ka muna. Saka kana magpaligaw pag nasa tamang edad kana sa pakikipagrelasyon. Mga kabataan ngayon ay iba na. May marurupok at may nagpapaanggap na ng mabuting tao." payo ni Ax sa akin na halos lalo akong nagtataka sa pinagsasabi niya ngayon."May taong nararapat sayo kaya hintayin mo lang siya. Andyan lang iyon, naghihintay na maging pwede kayo."
Napadilat-dilat nalang ako sa mga sinabi nito. Wala na ee. Finish na. Block minded na ko ngayon. Speechless na ako.
Si Ax ba itong kaharap ko?
"Anyway, Goodnight. May pasok pa ko bukas. Saka ikaw, matulog kana rin. Maghahanap na kayo ni Kuya Louis mo ng papasukan mong paaralan. Wag kang magpapagabi dito sa labas. May moo-moo dito na gumagala sa village namin dito." sabi at pananakot nito.
"Ax!"
Tumawa lang si Ax.
"Ok. Goodnight ulit." malambing na sabi nito.
"Goodnight too." sabi ko rin at lumabas na siya ng bintana.
Bago pa man tuluyang makalabas, nagsalita pa ito.
"Alalahanin mo ang sinabi ko. Wag muna. Ok?" nakangiting sabi nito.
Di ko maintindihan siya kaya tumango nalang ako.
Tuluyan na nga itong lumabas at naiwan akong nag-iisip pa rin. Bakit nagpayo siya sa akin ng ganun? Bati na ba kami? Saka bakit nasasaktan ako? Siguro, yung sinabi niya sa akin noon ay pawang kasinungalingan lang.
Ngayon palang di na ako aasa na liligawan ako ni Ax. Ngayon palang sinasabihan na niya ako na wag magpapaligaw at may taong nararapat sa akin. Bakit ganun siya? Bakit nangyayari ito sa akin? Bakit umaasa ako na magiging kami ni Ax? Noon pa lang ba ni katiting di siya nagkagusto sa akin? At yung mga sinabi niya sa akin noon ay paraan lang niya para makausap ako at makapagpaalam sa akin?
Napabuntong-hininga nalang ako. Malungkot na sumulyap ako sa buwan. Naiiyak na kinausap ko ang buwan.
"Sana maabot ko siya. Hindi iyong mahawakan siya, kundi maging akin siya..." turan ko sa mahinang boses.
Alas 5 palang ng umaga, gising na ako. Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng almusal nila Kuya Louis. Alam ko kasing pagod sila kahit alam kong nakipag-date lang naman sila Kuya Kieffer at Kuya Brix sa mga syota nila.
Oo, guwapo silang limang magbabarkada. Habulin silang mga babae. May iba nang babaeng pumunta dito. Ano pa ba pakay nito ee di yung lima. Naalala ko pa, may babaeng umiiyak saka panay sigaw siya sa labas sabi...
"Kieffer, lumabas ka dyan! Kung ayaw mong lumabas, ipapakulong kita! Lumabas ka dyan!" isang babaeng galit na galit sa labas ng gate halos nagsilabasan yung ibang kapit-bahay namin dahil sa kaguluhan na iyon sa bahay.
"Uy! Kieffer! Puntahan mo na si Andrea. Ayusin mo ang gulo mo sa kanya." sabi ni Kuya Louis dito.
Nakahiga lang sa sofa si Kuya Kieffer at halatang ayaw harapin yung babaeng nasa labas.
"Ayaw ko. Sinabi na ngang break na nga kami. Sawa na ko sa kanya." sabi naman niya sabay takip ng mukha at ayaw talaga kausapin ng mahinahon yung ex niya.
Naku naman! Sa sobrang guwapo ni Kuya Kieffer may babae nang nagkakandarapa sa kanya. Halos sumugod pa ito dito.
Kay Kuya Brix naman.
"Ano ba, Brix?!! Ayaw mo na ba talaga akong makausap ah?!!" boses babae na nasa linya ng cp.
"Davia, wala na tayo. Sino ba satin ang dahilan bakit tayo naghiwalay? Di ba ikaw? Nakipagrelasyon ka kay Marshall kahit tayo." sabi ni Kuya Brix dito.
Isa na naman 'to. Magkakaroon na naman ng problema na ito.
"Magpapaliwanag ako please? Wag mo kong iwan. Please, Brix. Bumalik kana sakin. Please?" pagmamakaawa nito.
"I'm sorry, Davia. Tama na. May Marshall kana. Ayaw ko na ako pa dahilan ng pag-aaway nyong dalawa."
"Kung di ka naman magiging akin, magpapakamatay ako. Ikikitil ko ang buhay ko!!!" pananakot nalang nito kay Kuya Brix.
Nagulat naman si Kuya Brix at ako naman ay napaubo halos napamali pa ako sa pag-inom ng tubig sa narinig. Rinig ko ang pag-uusap nilang dalawa.
Nasa kusina ako at kumakain ng pang-tanghalian niyon. At sakto namang nasa kusina rin si Kuya Brix para kumuha ng can beer sa ref.
"Hoy! Davia! Itigil mo yang binabalak mo! Wag mo tapusin ang buhay mo!" tarantang suway agad ni Kuya Brix dito.
"Hindi! Magpapakamatay ako pag di ka bumalik sakin!" pananakot pa rin ng babae na halatang umiiyak na ito.
Napakamot nalang ako sa ulo kasi ba't ang mga babae obsess na obsess sa mga kuya ko? Mukha na silang aso sa ginagawa nila. Kung ayaw na sa kanila, di wag pilitin. Sus! Madaming lalaki naman dyan. Tulad nang sinabi ni Ax sakin kagabi, hintayin nalang yung taong nararapat sayo. Malay mo, andyan lang siya sa tabi-tabi.
Masyado kasing marupok at makitid ang mga utak ng ibang lalaki. Sa panahon kasi, itsura na ang tinitingnan ng lahat. Ugali, wala na. Useless na.
"Wow. Niluto mo lahat ito?"
Napatingin nalang ako sa likuran ko nang makarinig ng boses na nagsalita.
Nakita ko naman na si Kuya Lloyd iyon. Halatang kakagising lang halos magulo pa ang buhok niya. Pero di mawawala ang ka-guwapuhan nito.
"Opo, Kuya. Ako po nagluto lahat nyan." nakangiting sagot ko dito sabay baling sa ginagawa. Matatapos ko nang lutuin yung fried rice.
"Wow. Kaya pala ee. Amoy ko agad luto mo sa kuwarto ko." sabi nito sabay kumuha ng kalahating tocino na nasa mesa.
"Woah! Luto mo itong lahat, Klarisse?" halatang nagulat na tanong ni Kuya Brix.
"Tocino!" bulalas ni Kuya Kieffer na kakarating lang. Dali-daling naupo ito sa upuan."Paborito ko 'to!" sabi nito.
Napangiti nalang ako nang kinuha ko sa kabinet ang ketchup at nilagay sa mesa. Saka naman dumating si Kuya Louis kasama si...
Tumingin sakin si Ax at nginitian ko ito.
Imbes na ngitian rin niya ako, di niya ako pinansin. Naupo lang ito sa upuan at parang hangin na wala lang ako sa kanya.
Close palang kami kagabi, ano nangyari ngayon? Ba't ganun siya? Bwisit siya! Sabi na ee! Paasa siya! Kaya ganun siya kabait sakin kagabi kasi gusto niya akong makausap. Kasi nga, trip niya lang.
"Paasa ka talaga, Ax! Ax-ungot!" sa loob-loob ko nalang at kinikimkim ko nalang sa sarili ko ang inis kay Ax.
Napa-pout nalang ako. Inis na tumalikod ako at bumaling sa ginagawa ko kanina. Gusto kong tirisin si Ax. Naiinis na talaga ako sa kanya. Kahit kailan, paasa talaga siya. Tsk!
"Klarisse, tumawag ba sayo si Mama kagabi?" tanong ni Kuya Louis nang maupo ito sa upuan nito. Nakaupo na silang lima.
"Hindi, Kuya. Bakit?" tanong ko dito sabay lingon.
"Wala." sabi nalang nito.
Pinalo ni Kuya Lloyd ang kamay ni Kuya Kieffer dahil kumukuha ito ng tocino. Napa-'aray' nalang ito.
Bumaling na agad ako sa ginagawa ko. Tapos na ako magluto ng fried rice at ilalagay na ito sa lagayan ng kanina.
Di nagtagal, tapos na."Kainan na." sabi ko sabay lapag sa mesa ang fried rice.
Nagsikuha naman agad sila Kuya Kieffer at Kuya Brix na halatang gutom na silang dalawa. Saka na ako naupo at di ko maiwasang mapangiti dahil ang pinapangarap ko noon na ma-kompleto kaming anim ay nangyari ulit.
Sana hindi na kami magkakahiwalay. Mas masaya ako kasama silang lima.
Pagkatapos kumain kaming lahat, ako na ang naghugas ng pinagkaininan namin. Kanya-kanyang ayos na naman sila na halatang may pupuntahan na naman.
Naliligo na si Kuya at susunod nalang ako sa kanya pag tapos ko na ang ginagawa ko. Pupunta na kami ngayon sa mga school na gusto kong pasukan. Ready na ko sa pasukan. Panibagong kaklase at panibagong environment na naman makakasalamuha ko. Kailangan kong i-ready ang sarili ko sa mangyayari sa Senior High School Life ko lalo na't iba na naman ang mga ugali ng tao ang makakaharap ko doon.
May mabait, may masama, may mapagbigay, may naiinggit, may totoong kaibigan at meron ring traydor na kaibigan. Kaya ngayon palang, pinaghahandaan ko na ang sarili ko. Pipiliin ko ang mga taong kakaibiganin ko yung totoo at tanggap kung sino ako.
"Tulungan na kita."
Natigil nalang ang pagmumuni ko nang marinig ang boses ni Kuya Lloyd. Gulat na nakita ko itong nasa gilid ko ito.
"Kuya Lloyd, ikaw pala." sabi ko.
Tinulungan na ako nito sa paghugas. Ako ang nagsasabon ng plato at siya naman yung nagbabanlaw niyon.
"Malapit na ang pasukan nyo. Excited kana ba?" panimula nito ng topic.
"Hmm medyo excited pero medyo kinakabahan rin." sagot ko dito.
"Wag kang mag-alala. Ihahatid sundo kita. Tawagan mo lang ako pag kailangan mo ng sundo. Mga 1 minute, andun na ako." nakangiting prisinta nito.
"Thank you, Kuya pero wag na. Kaya ko na ang sarili ko pauwi dito. Malaki na ko, Kuya Lloyd. Di na ko bata." sabi ko sa kanya sabay taas-taas ng kilay ko.
"Oo na. Dalaga kana pero isip bata ka pa rin." natatawang sabi nito.
"Ah? Ako? Isip-bata? Sino nagsabi?" react ko naman agad."Dalaga na ko no! Magsi-17 na ko kuya. Teen ager na ko." sabi ko sabay ngiti ng pilya.
"Teen ager? Di halata. Bata ka pa rin. Hahaha." biro ni Kuya Lloyd halos tumawa.
Siniko ko ang braso niya na kunyare na pipikon ako sa mga sinasabi niya sakin.
"Sipain kita diyan ee. Hahaha!" biro ko rin dito.
Natigil nalang ang tawanan namin nang gulat na napatingin kami sa gilid namin. Padabog na nilagay sa mesa ni Ax yung can beer. Kumuha ulit siya ng dalawa at napakunot-noo ako dahil apat ang kinuha niyang beer sa ref.
"Ka-umaga-umaga, magbe-beer kana tol?" tanong ni Kuya Lloyd kay Ax na halos nagtaka rin ito.
Imbes sagutin si Kuya Lloyd nito, sinarado lang nito ang ref pagkatapos kinuha na niya ang apat na can beer at lumabas ng kusina.
Naiwan kaming dalawa ni Kuya Lloyd na nakatingin at napakibit-balikat. Ano problema ng lalaking iyon? Parang mukhang galit.
Naglibot na nga kami ni Kuya dito halos lahat ata ng school dito, napuntahan na namin. Lahat ayaw ko. Ewan ko, di ko feel ang kagandahan ee. May hinahanap ako na di ko alam kung ano yon.
"Ano bang school ang gusto mo ah? Gagabihin na tayo oh. Ni isa di ka pa nakakapag-pa-enroll." sabi ni Kuya na halatang pagod na. Habang nakaupo siya sa bench. Nasa isang school pa rin kami at balak nang umalis at maghanap ulit ng isa pang school.
"Kuya, gusto ko yung malapit-lapit sa school nyo. Ok lang kahit di private. Kahit yung semi-private lang, kuntento na ako doon." sabi ko dito.
"Sige. Doon ka nalang sa ****** International School. Private kasi iyon kaso nga lang mahal ang tuition. Baka di kayanin nila Mama ang bayarin doon." sabi ni Kuya.
"Wag kang mag-alala, Kuya. Maghahanap ako ng pwedeng pagkakitahan. Ako na bahala sa pambaon at pamasahe ko araw-araw. Kila mama at papa nalang yung tuition sa school. Di naman akong magastos na tao." pahayag ko.
"Sige. Tara, pumunta na tayo doon." yaya nito.
Naglakad na nga kami para pumunta sa pinag-park ng kotse ni Kuya.
Pagbaba ko sa kotse ni Kuya, namangha nalang ako sa ganda ng school. Sa labas palang alam mong maganda na sa loob dahil sa lawak at kalakihan ng gate nila.
Pumasok na nga kami sa loob, mas namangha ako dahil pagpasok palang kita mo na ang kagandahan ng school. Ang lawak na akala mo yung nababasa mo sa mga wattpad. Pang-mayaman ang school na ito.
"Wait mo ko dyan. Magtatanong muna ako kung saan nagpapa-enroll." sabi ni Kuya sakin.
"Ok, Kuya." payag ko.
Iniwan nga ako nito at pumunta sa guard para magtanong.
Ako naman ay panay lingon lang sa paligid. Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang biglang may nakabangga nalang sakin. Muntikan pa kong matumba.
"Pasensya na, Miss. Nagmamadali ako." sabi nalang ng lalaki at tumakbo na ito.
Di ko nakita ang mukha ng lalaki kasi umalis na agad ito pero di ko nalang pinansin iyon. Pinagtuunan ko ng pansin ang kapaligiran ng school. Wala akong masabi kundi ang ganda.
"Tara na, Klarisse." tawag ni Kuya sakin.
Lumapit naman ako agad dito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
An unexpected twist and a plotline were fantastic. Sometimes in love age doesn't matter at all. I love your story. I can relate I fell in love with a guy older than me, and for 18 years I fell in love with the same man. This story is a constant reminder, that love will conquer all. will defy anything. Your story is worth reading. Thank you for sharing your passion and entertain your readers. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
1ito yung dapat kasama sa Top 10. Ang galing ng pagkakagawa at puro kilig nandito. Para akong bumabalik sa pagiging teens ko. Hihihi💕 HIGHLY RECOMMEND MGA SIS‼️😍🔥💖
28/04/2022
0thankyou so much Na hook ako subra 🫶 nagulat ako sa SB19 na part .. 🫶🫶🫶🫶 💓 my A'TIN 💘
16/10
0Tingnan Lahat