Homepage/Sour Taste of Selene (Sour Series 1)/
Chapter 13
Chapter 13
Freedom
Ang mga maids na ang bahalang mag akyat ng mga pinamili nila sa kaniya kaniyang mga kwarto. Bumili rin sila ng snacks bago umuwi para raw mamaya.
Umupo muna kami sa sofang naroon, dala ng pagod ay sari sarili kami ng space. Nasa carpet na si Serene dahil inangkin na ni Sexene ang isang buong sofa, nahiga siya roon.
Binigyan kami ng mga katulong ng baso ng tubig, nilapag lang nila ito sa lamesang naroon.
"Ano na gagawin natin?" pagod na tanong ni Seqene. Nagmulat ng mga mata si Serene.
"Te, bumili ako ng pang skin care, gawin natin habang nanonood.
Ganoon nga ang ginawa namin, sa isang malaking room kami nagtungo pagkatapos maligo at mag ayos ng lahat, sinabihan kami ni Seyene na isuot ang pinamiling ternong pajamas na binili kanina.
Parang theater room ang kwarto na pinasukan namin only that hindi upuan ang mga naroon kundi pinagdugsong gusong na mga kama. Sa gilid nila ay may malaking space pa, roon sila naupo sa lapag kesa sa kama. Mayaman ba talaga ang mga ito?
Lumalabas ang pagkakulit ko kapag sila ang kasama akala ko noong una ay kay Ivan ko lamang ito maipapakilala pero mas makulit pala ako kapag kasama sila.
"Mayaman kayo?" tanong ko.
They look at me like I said something funny.
"Hindi, sorry ito lang kami e."
"Hindi kami mayaman, si Sexene lang."
"Mga hampas lupa, lumayas kayo sa lupain ko."
"Wag pls wag."
They acted in the floor, we all just laughed at that. Sumakit na ang tiyan ko kakatawa sa kanila. Pumunta si Seqene sa pintuan at lumabas.
"Nakainom ka na ba ng alak?" tanong ni Sexene. Napakunot ang noo ko at hindi ko napagilang mapalunok. Umiling ako.
"Hindi pa."
"Pinagbabawalan ka kahit wine sa mga parties?" tumango ako sa tanong ni Selene. I remember back then when I am at the party, I saw a group of teenagers at my age that time, they are holding a glass of wine at halatang nagkakatuwaan habang ako'y nakatingin lamang sa malayo.
Dumating si Seqene na may dalang bote ng isang mamahaling alcohol, I don't know what does alcohol taste like but I can see how expensive it is by the design of the bottle.
"Hindi pa raw nakakainom 'to, beng" lumingon sa akin si Seqene na pumunta rin sa labas pagkalapag ng bote. May inabot siyang isa pang bote mula sa mga katulong.
I look at those, that's like a light alcohol compared to the first one. Pinaupo nila ako sa tabi nila. Kinuha rin nila ang mga unan at kumot at dinala sa lapag. Sumandal ako kama gaya ng ginawa nila at humarap sa malaking flat screen tv sa harap.
Narinig ko ang pagtawa nila.
"Gaga, bakit ka nakatingin sa tv?"
"Akala ko bubuksan niyo na."
"Naghihintay kami."
"Akala ko ba mag skin care muna"
Ang bibilis ng mga bunganga nila sa pagsasalita, malayong malayo sa akin. Hindi ko na rin masundan kung sino ang nagsasalita.
Sinundan ko ng tingin ng tumayo si Serene at may kinuha sa gilid. Binato niya ang isang supot kay Seqene.
"Kunware naka vlog ka" ani ni Seyene.
Tumikhim si Seqene at nagsimula sa pag aayos ng mga pakete ng mga facial mask.
"Asmr 'to? Bakit tahimik?" tanong niya, nakatingin lamang kami sa ginagawa niya.
"Bilisan mo na."
Nagbukas siya ng isang pink na pack, nilabas niya roon ang isang parang basang tissue, mabilis niya itong naayos at nailagay sa mukha.
"Bakit di kayo nakuha?" naging sign iyon ng pagkuha namin isa isa.
Nagsimula na kaming gayahin ang ginawa niya. Narinig ko ang pag angal ni Serene at nakitang napunit ang kaniya.
"Bakit napupunit pag sa akin?"
"Bawal daw sa pangit."
Sumama ang tingin nito kay Sexene, magsasalitana sana ng tinapalan siya sa mukha ni Seqene, natawa ako dahil muntik na silang mawalan ng balanseng dalawa dahil sa lakas nang paglalagay ni Seqene ng mask sa mukha ni Serene.
"Manahimik ka punyeta."
Napansin ko ang kanina pang mga salita nila, I refused to ask about that because I already know the meaning of each words.
"Anong papanoorin?" Tanong ni Sexene hawak ang remote ng T.V.
"Pogi." Seqene.
Tumango tango silang lahat. Sign ng approval.
Nagpunta si Sexene sa youtube imbis na sa Netflix. Akala ko ay movie ang papanoorin pero nagplay siya ng mga lalaking may attractive na mukha na tila modelo, they are dancing. Tumayo rin sila at nagsimulang sumayaw dahil alam daw nila ang step ng kanta.
"Hoy, sino na iinom?" Malakas na tanong ni Seyene.
" Tapos na ako, nilalasing mo ba ko?" Tumingin sa akin si Seyene at binigay ang isang shot glass. They are cheering for me.
Binigyan pa ako ng lemon at chips ni Seqene at Serene.
"Inom na beng, light lang 'yan, maya na hard."
Napatingin ako sa nagmistulang tubig lamang na nasa shot glass. Inabot ko ito at ilang segundong tinitigan bago inumin. Nasamid ako.
Narinig ko ang pagtawa nila.
"Bakit mo kasi ininom ng parang juice."
"Nilasahan ampota"
Ilang sandali pa silang tumawa habang ako ay mamatay matay na sa pagkakasamid. Gumuguhit kasi sa lalamunan ko ang init at tapang mula sa ininom.
Binigyan nila ako ng tubig at isang mabilisan kong ininom. Halos umayaw na ako ng bigyan pa ako ng isang shot ni Seqene.
"Dapat inuulit para masanay ka." Seryoso niyang sabi.
"Oo beng, dapat isang diretso hindi parang juice." Natatawa niyang sabi.
Huminga ako ng malalim bago isang diretsong ininom ang nasa baso. Agad kong kinuha ang lemon para matanggal ang pati ng panlasa. Napapikit naman ako sa asim nito.
"Sanaol maganda kahit na aasiman." sabi ni Seyene. Akala ko'y siya ang pinakatahimik because of her light features.
"Pangit ka kasi." Birong sambit ni Sexene.
Binago ni Sexene ang palabas, tinanggal na rin nila ang mask na nasa mukha, ginaya ko na lang. Sunod nito ay may pinahid silang cream.
"Gago konti lang."
"Nagsesemento ka ba Serene?"
Tawa kami ng tawa sa napaka puting mukha ni Serene dahil sa napakaraming cream na nilagay.
"Gago, bakit kasi walang salamin. Yaman yaman walang salamin." Pagpaparinig niya kay Sexene.
"Kasalanan kong umayaw si mommy sa salamin dahil masisira sa mukha mo?"
Doon nagsimula ang bangayan nila. Walang pumigil hanggang sa natigil dahil parehas binigyan ng isang shot glass. Agad silang pumikit at sumama ang timpla ng mukha.
"Gago!"
"Bakit naging hard?"
Agarang tanong nila pagka tapos maka recover.
"Ang iingay niyo kaya punyeta."
"Play the movie na Sexene."
Tinignan sila ng masama ni Sexene. "Wao ha, bahay ko pero ako utusan niyo?"
Tumango tango kami. Nasasanay na ako sa kanila hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nakikipag bangayan na rin sa ingay nila. Naging malayo sa nakagawian ko.
Nagkita kita kami sa isang café para samahan nila akong lumibot sa Maynila. Ilang araw na namin itong ginagawa. Kasama ko lamang si Sexene na naghihintay.
Tumingin ako sa relong suot ko. I am wearing a loose jeans and a purple top, Sexene is wearing the same but a blue top for her.
They are already 5 minutes late. Umorder ako ng frappe sa isang waiter, sa paglipas ng araw na kasama ko sila, unti unti kong natutunan ang mga bagay na hindi ko kailanman nagawa noon sa Sariaya.
My order came and Sexene's eyes flew into it.
"Bakit di mo ako binili?" Tanong niya, tinaasan ko lamang siya ng kilay.
"Nagsabi ka ba? Bumili ka, dami dami mong pera."
"Di man lang makapanlibre, madamot."
Inirapan ko lamang siya. Tinawag niya ang isang waiter habang umoorder siya ay biglang dumating ang tatlo.
"Kami rin pls."
" Bumili kayo ng inyo, 'di nga ako inorder ng isa riyan." Feeling ko may sama siya ng loob sa sinabi niya. Uminom lamang ako sa frappe ko at ininggit sila.
Sinamaan nila ako ng tingin at umorder ng kanila.
"Saan mo gustong pumunta?" Seqene ask while her eyes directly looking at me, the other girl's attention hit me from the glass wall outside, there's a man walking to enter the Café.
"Beng, may pogi."
Agad silang tumingin sa entrance ng café. Agad nagtahip ang kaba sa akin, the race of the horses in my heart started once again.
He is wearing a dark dotted button down sleeve, nakatupi hanggang kaniyang siko, loosely tuck in his dark pants. He looks so manly and like a model in that, his skin was highlighted because of his dark outfit.
He was about to order when his eyes met mine. The butterflies in the garden of my stomach once again became colorful but with the eyes of him as my view, the pain from the Sariaya came through my system.
Dumating ang order ng mga kaibigan ko, lalapit si Ivan sa akin kaya mabilisan kong kinuha ang gamit ko at niyaya ang mga kaibigan. They are asking questions of my sudden move. I just look at them with my eyes telling them what is happening.
They already knew that I am not talking to Ivan for the passed days at hanggang ngayon hindi pa ako handa para roon, nasa akin pa rin ang sakit.
Nanguna ako sa paglabas, akala ni Ivan ay sasalubungin ko siya lumapit siya, hahawakan niya sana ako ng mas binilisan ko ang paglalakad papunta sa pintuan na parang hindi siya napansin. Hindi rin ako lumingon sa kaniya. Hindi ko rin narinig ang boses ng mga kaibigan ko pero ramdam ko ang presensya nila sa likod at tabi ko.
Sumakay kami ng sasakyan, sila ang nagpasakay sa akin doon. Wala ako sa sarili habang nasa kotse. Hindi pa ito umaandar kaya tinignan ko sila. Seyene and Serene is beside of me, nasa gitna ako, Sexene in the driver seat while Seqene is in the passenger seat.
Serene hug me, that's like a trigger to my system to open the dam of my tears. They started flowing down to my cheeks.
My emotions mixed up that I can't name each one anymore. I just knew that I have to reached the top of it, umahon sa nakakalunod na pagbagsak ko sa dagat ng emosyon na humihila sa akin pababa.
Huminga ako ng malalim at pinilit na kumalma. Kung hindi ako titigil ay mawawala ako sa ulirat at hindi na makakabangon pa.
They are eyes is telling me that they understand me, they are telling me na hindi ako nag iisa.
It's a good feeling that I have them with me, to fight with me.
"Tara na." aya ko sa kanila. I have to forget everything but putting my attention to something, to have fun.
"Sure ka?" tanong pa ni Seqene, niyakap pa muli ako ni Serene bago umandar ang sasakyan.
We entered a large Aquarium, this is an ocean park. As I entered the beautiful sight of group of fish swimming is what I saw. It got my attention that I forgot about what happened. I forgot about him.
I enjoyed myself there, they took a picture of me and of course, they took a picture of us five. They even ask someone to do that for us.
They teach me how to use the social media. They say I should use my accounts. That is what I did.
I changed my profile and upload a picture of us on Instagram.
There's a large fish there, para akong tuwang tuwang bata na nakalabas ng bahay at napagbigyan ng mga magulang.
Pagkatapos namin mamasyal doon ay kumain lang kami, inabot din kami ng gabi sa byahe, they decided to have a sleep over once again but this time it's on Seqene's mansion.
"Doon na lang tayo sa inyo Seyene, nandon kuya mong pogi, 'di ba?"
Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Seyene.
"Kay Seqene na lang, wala si Kio." kumunot ang noo ni Seqene.
"Akala ko ba kuya mo 'yon, bakit hindi kuya tawag mo?"
"Wala 'yang respect sa kuya niya." Tawa ni Serene. Tinignan lamang siya ng naka busangot na ang mukhang Seyene.
"Wala nasa jowa niya." Nahihimigan ko ang pait sa boses niya.
"Bakit di ka masaya?" tanong ko.
"Ayoko, pangit pangit no'n." maarteng sabi niya.
Napagpasyahan naming kay Seqene na lang matulog, sabi nila'y para raw mas malibot ko ang Maynila.
That's how I feel the freedom I want years ago. I now have it. It feels new to my system but as it enter there, it gives the energy to each part of my body to function well, giving me reason why I should still be alive.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda naman kaso nakakalito names nila😭
01/08/2022
0very nice
22/07/2022
0it's so nice
19/07/2022
0Tingnan Lahat