Chapter Dos __HaNeuL SkY__

"Nice one Cierra galing kahit may dalaw ka ah!" Ingay talaga ni Jordyn.
"Shhhh ano ka ba naman!" Sita ko dito! 
"Eh, sorry narinig na nila!" Kibit balikat ito andami pa naman nila doon at may mga boys pa. 
"Ewan ko sayo!" Dali akong umalis at need ko na rin magpalit feeling ko puno na amputik.
Kahit paano kasi naging malakas ang loob ko sumali sa sport.
Gustong gusto niya talaga ang sport na yon noong elementary palang siya. Kahit nahihiya siya still she can manage through it.
"Sabay na ako naiihi na rin kasi ako!" ani Jezlyn na sumabay sa pag-alis niya.
"Di kana nasanay kay Jordyn hahaha okay lang yan normal naman yan sa atin na mga girls!" Aniya habang papunta kami ng cr. 
Nginitian niya lang ito, naiirita siya dahil maikli na nga ang shorts nila hindi siya sanay dati. Pero ngayon kasi meron siya kaya nakakairritate talaga! 
"1st day kasi malakas pa naman ang buhos kaya nakakairita talaga!" Paliwanag niya dito. 
"Oh i see sabagay i feel you buti ako patapos na!" Pag-amin niya, nagpalit din pala ito pero panty liner nalang ang ginagamit dahil patapos na nga siya. 
"Buti ka pa!" 
"Di bale tapos na ang try out!" 
"Kaya nga, congrats to us pasok ulit tayo!" 
"Yup no choice na sila, thanks tara na baka hinihintay tayo ng girls!" 
"Ay oo nga pala may gamit pa ako naiwan doon!" 
Nagmadali silang bumalik may bag pa nga pala siya. Iniwan niya dahil andon naman ang mga kaibigan ang kaso baka umalis na sila. 
Saktong nakalabas na sila ng cr ng tumawag si ate Neha nasa canteen na daw sila. And worse wala daw nakakuha sa bag niya akala nila dala niya daw.
So binalikan nila ni Jezlyn buti sinamahan siya nito mejo maarte pa naman minsan. 
Pagdating nila doon ay hindi niya na nakita ang bag niya. So tinawagan niya ulit ang mga kaibigan baka binibiro lang siya. And yes tama nga siya dala nila so lalo lang siyang nainis sa araw na yon. 
"Miss!" Isang boses ang narinig niya pero di naman siya sigurado kung sila ang tinatawag non. Pero si Jezlyn ay bumaling dito at kausap na niya yong guy. 
Hinintay ko nalang sila na matapos mag-usap mukhang type niya si Jezlyn. Sa mga tingin palang nito sa kanya pero parang mejo may kaiba sa mga tingin niya. Napalingon pa ito sa kinaroroonan niya umiwas siya ng tingin.
Palapit na rin ang kaibigan sa kanya at niyaya na siyang umalis doon.
Gusto niyang tanungin ito kung ano pinag-usapan nila pero I don't mind. Pero ang alam ko kasamahan namin sa department ibang course nga lang. Player din siya nang mens volleyball kaya kilala ko siya.
Hindi ko alam na close pala sila ni Jezlyn sabagay marami kasi nagkakagusto sa kanya. 
"Sorry nadala ko pala ang bag mo!" Si Jordyn, nakangiti ito. 
"Ikaw talaga trip mo si Cierra lagi asarin at inisin!" Pagtatanggol ni Jezlyn sa kanya. 
"Hindi naman nadala ko lang talaga kanina hehe balak ko nga iwanan. Kaso nadala ko parin pala kasi baka may mawala no, buti nga dala mo pala ang cp mo paano nalang pag naiwan ko!" Depensa nito sa sarili.
"Oo na i thank you so much, inorderan niyo kami ni Jezlyn?" Tanong ko sa kanila. 
"Hindi habol niyo na doon kakaorder lang naman namin!" 
"Okay!" 
Matapos silang kumain ay need nila magpraktis ginawa nilang excuse muna ang buong klase ngayon. So yong iba hindi na pumasok pero may ilan na sumilip pa rin at nanuod. 
Ang mahirap lang dito sa pagsali ko sa ganito ay need to please yong ibang instructor para sa grades mo. Kaya buti nalang magkakasama silang magkakaibigan so may kasama siya lagi. 
"Dearest to aka payaket: 
Hoy! Ano ka papansin? Ha? Uy piling mo naman ghurl baka pinagtatawanan ka lang ng mga yun! (Dearest daw pero pati sarili kinakausap sa sulat for someone hahaha!) Ano problema mo? Ha?
Hay naku alam (luh kinulang sa word!) hindi ka exempted eh, hakjakhak... Crush din kita...
Alam mo kung bakit SU ka rin eh, kaya ayon...
Pero iba ka nga lang sa kanila hindi sa piling pero ikaw lang sa lahat-lahat, ikaw lang ang namansin... Uuy may point... Che baka biro lang yun 'te asa ka pa' che, 
Ahk, ok, okay, k, oh k...
Gudnytz @ swtdrmez sa akhinz!!!
Always remember me just me Sora Tenshi!" 
May ganito pala akong sulat ahhahaha kaloka!!!!
Here's another one it's about him again may kaklase kasi kami na kamukha niya i think hindi ko na masyado maalala. Eh hindi ko knows ang name so binansagan or rather nickname, tinawag ko siya na payaket apelyido nong guy. 
"Dereast to:
Uhm hi?! Alam no nakita ko si aka payaket tawag namin ng pinsan ko ewan ko ba kasi nung monday bigla niya akong sinitsitan alam ko siya yun eh. (Ayan tayo nanaman!!!) Tapos ngayon meron ulit siya nagwowork ata kasi sila sa yong nagtatanim ng coffee seedling. Tingin kasi siya ng tingin(Sus baka ikaw self!), ewan ko ba(kitams). Pero syempre alam mo na kinikilig nga eh pangiti-ngiti naman daw ang ate, ayoko ng lola no.... Haaayyyy, an kapal talaga ng face ko well oo na, sige na, fyn, and whatsoever. Basta
Always remember me just me Sora Tenshi!" 
Hahahaha tawang tawa sa sarili ko ano bang tong mga to. So funny pero nakakapagpaalala ng alaala such memories na dito mo lang mababasa tapos you'll laugh at it. Wala naman siya isusulat pero gusto niya lang buklatin at nabasa niya iyan. 
___-> Yong may parenthesis comment ni character sa sarili dahil sa sinulat niya! -Author 
Kinabukasan.... 
Resume class kasi sa sabado pa ang umpisa ng sports fest nila. Gusto rin siyang isali sa Badminton pero may magagaling kasi doon sa kanya. Sa cheering kinukulit siya ng mga kaibigan na sumali siya pero ayaw niya talaga. 
"Sali kana kasi Cierra!" Pilit ni Jezlyn ito ang cheerleader nila.
Natatakot kasi siya sa heights eh balak pa mandin siya yong nasa taas lagi. Kaloka diba baka magkamali at mabalian pa ako. Pero sabi naman nila na doble lng ng isang tao ang taas. Alam kasi nila na magaan siya kasi payat eh!
"Pag-isipan ko muna!" Nagawa ko magcheering pero walang ganon puro sayaw at maganda lang ang kanilang formation kaya sila ang winner non sa highschool. 
"Sorry sinali ka na namin kaya may praktis din tayo mamaya!" Binuka nanaman ni Jordyn ang bibig late na para takpan ni Veda. 
"Ano?!" Nagulat niyang sabi nasa gym na kasi sila at nagpapahinga. Habang nanunuod sa mga nagprapraktis na, malawak ang gym nila.
May para sa basketball iba ang para sa volleyball kasama ang badminton doon at ibang need ng net.
May space din para sa mga need ng table like table tennis etc. other sports. 
Tawanan silang lahat dahil sila ang mga saralin.
Ayon nahihirapan ako mag-adjust dahil naiilang akong may nakahawak sa akin, tapos mga lalaki pa yong iba. 
Buti nalang madali lang naman ako matuto sabi nga kasi nila kung willing ka at gusto mo magagawa mo.
So ibig sabihin ganon ako hahaha mahiyain lang nga kasi talaga. Kaya kahit paano appreciated na may mga kaibigan din pero minsan talaga i prefer alone.
Lalo pag nagmumuni ako tapos hahahaha yong Crush ko ang iniisip ko. Putik na yan puro yan na ata nasa isip buti nalang di ko sila nasusulat sa mga papel. Ibig sabihin pag may notes o exam, quizzes kasi minsan sila ang iniisip niya.
Pagkatapos ng praktis, ano ba nga ba syempre uwian time na and may hinahabol kasi ako. 
"Guys mauna na ako umuwi alam niyo naman and grabe for sure sasakit ang katawan ko neto!" Inunahan ko na ng paalam, pero....
"Merienda muna tayo tsaka maaga pa kaya, uuwi ka nanaman kaagad!" Yaya ni Jordyn
"Oo nga tara!" Segunda naman ni Galatia 
Yong iba andon pa sa cr at mga nag-aayos ng make up. Kami tapos lang magbihis then out na pero nagpaalam na mauuna ito sa mga ito bago sila iniwan. 
"Hindi talaga ako pwede ano sasabay ba kayo mauuna na talaga ako. I want to rest my body I'm so tired today and i have you know!" Minsan nag-iinarte na rin ako, duhhh sakit talaga ng katawan nga eah lalo at meron ako.
"Tara na nga ang kj nito samahan niyo nalang muna ako bumili ng papanuorin kong kdrama!" Yaya ni Jordyn, kaya naaadik na rin ako ang kaso wala kaming dvd/cd player, hayst! 
"Sige tara, sama ka?!" Baling ni Galatia kay Cierra na nakatingin kung saan.
"Huh ah sige na nga!" No choice makatingin na rin kahit hanggang tingin lang naman!
Naglakad lang sila kaya bet na bet baka may makasalubong na pogi! Yan lang naman ang nasa isip ni Cierra habang naglalakad yon ang hanap. Sasakit nga lang ang kanyang muscle sa paa baka magcrumps pa!
Mapapadaan na sila sa pinapasukan ng Crush niya, or to say mga Crush kasi marami na siya nakita di niya kilala. 
Nagpapahuli ito sa paglalakad para di siya mapansin ng dalawa. 
'Hmmmm pauwi na rin kaya siya sana makasabay ko siya!' 
"Hoy Cierra bilisan mo jan ang tagal mo!" Bulyaw ni Jordyn kaya napabilis siya ng paglalakad.
'Epal naman eahhh kainis!' 
"Oo na ito na!" Muntik na siyang may makabanggaan na lalaki. Buti mabilis na umilag ito kaya di manlang sila nagkasagian.
Samantalang siya ay napatigil naman sa kinatatayuan na gulat sa nangyari.
Napalingon siya sa lalaking palayo na sa kinaroroonan niya. 
'Bwisit kainis hmmmpp....' wow siya pa naiinis eah no kaloka ka Cierra.
'Pero infairness gwapo siya!' kinilig nanaman ang bruha niyong Cierra! 
Nakarating sila sa bilihan ng mga cd/dvd grabe ang daming mga bago. Nakikihalungkat na rin sila kahit di namam bibili si Jordyn kasi nagkokoleksyon ng may english dub at tagalog dub. 
Dami nilang pinuntahan para lang mahanap ang kanyang hinahanap. 
Urrrrggghhhh dibale na nga atleast nextime pag meron na alam niya kung saan siya pupunta.
Sa wakas nahanap niya din ang trip niyang panuorin.
Sunod silang naghanap ng pwedeng meriendahin sabay kanya kanyang palaaman na pagkatapos. 
Pagdating niya sa paradahan nila hindi nanaman siya mapakali. Kasi inaantay niya kung makakasabay niya pa yong lalaking yon!
"Hoy 'san dito kana pala kanina pa kita tinetext ah!" 
"Uy, huh ay nakasilent kasi ang Cp ko tsaka pagod ako!" 
"Anong connect?!" 
"Ah basta tinatamad ako!" 
"Ahhhh kasi tamad ka!"
"Bahala ka kung anong iniisip mo!" Pasimple parin siyang nakaabang maluwag pa kasi ang loob. Hindi niya alam kung saan siya pwepwesto wala pa siya. 
"After sometimes I'm gonna make up my mind!" Biglang may napatugtog lang hahaha kaloka!
'Hindi malakas ang paniniwala ko na makakasabay ko siya ngayon, kaya wag kang epal!' pati yong nananahimik na kanta inaaway pero nag-iingay yon ha kasi dinig mo naman, nagmumula sa speaker ano pa ba?!
Nanlulumo na siya at may mga ibang pasahero nang nagsipasukan kaya napapirmi na siya kung nasan siya. 
Biglang nagliwanag ang kanyang mukha ng makita kung sino ang papasok. Nakatutok ang kanyang paningin dito pero syempre pasimple lang siya.
Kunwari napatingin sabay lingon sa kabila tapos saktong natapat sa kanya. 
'Tabihan mo ako please!!!' bukambibig niyang hiling pero lumayo siya konti maluwag pa eah! 'Wahhhh pigilan niya ako guys kinikilig nanaman ako sobra!!!!! Parang gusto ko lumabas dito sabay magtatatalon!' 
'Gaga kaloka ka sige nga gawin mo!!!!!' paghahamon ng kanyang isip, pero syempre pakimi tayo baka mahalata. Sabay lingon kuno kunwari sa harap pero siya ang hanap ng matang siya lang ang nais makita! 
Namumula nanaman ang kanyang mga tenga tapos pinagpapawisan. Ayon nagpupunas siya, ayan na malapit na mapuno umusod ako palapit ng konti sa kanya. Pero minsan pag may papasok imbes na pausod sa harap hindi kundi usod palikod para pumasok pa sa loob.
Pero iba to kasi makakatabi niya si Crush kaya naglalakas loob siya! 
'Konti nalang self push pa!' cheering myself oha may silbi pala natutunan ko kanina hahahaha....
"Psssstttt.... Umurong ka dito!" Hinila siya ng pinsan dahil may papasok na ulit. 
'No!!!!!!!' Ayon napalayo siya dito kulang nalang talaga kumapit siya dito. Ang epal naman kasi ng pinsan niya pero hindi naman niya kasi alam kaya. 
So ayon guys napuno na ang sasakyan it's time to go! Guess niyo what!!!!
'Yieeehhhhhhhhhhh...... Yeyyyy yes yes yes nakatabi ko din siya sa wakas!!!!! Ang saya saya talaga!!!!' 
Todo ang ngiti ko ngayon habang pauwi napansin ni Raniela. 
" 'San anong meron at kanina ka pa panay ang ngiti jan?!" Naglalakad na kami pauwi mejo malayo kasi kami sa main highway. 
"Ha! Wa-wala naman 'san dito na ako!" Magkaiba kasi sila ng daan at mas malayo sila. 
"Hmmmm sige ingat 'san." Napangiwi ito pero di na pinansin ng isa.
Nginitian niya lang ito sabay talikod na.
Habang naglalakad ay pakanta kanta siya excited nanaman siya to share yong happy moments niya!
Pagdating sa kanilang bahay ay mabilis siya nagbihis at nag-asikaso na ng mga dapat gawin.
Wala pa ang kanyang mga magulang panigurado na nasa taniman pa ang mga ito.
Kaya nagluto na siya ng kanilang hapunan for the night. 
Ang mga kapatid niya naman ay abala sa kani-kanilang mga takdang aralin. Nag-aaral na kasi silang lahat kaya doble doble kayod ang kanilang mga magulang. Kaya nagpapasalamat siya na kahit ganon ay tinataguyod silang lahat.
Napag-usapan din nila na sisipagan nila ang pag-aaral para makahanap ng magandang trabaho. At nang matulungan ang mga magulang. Mapaayos nila ang kanilang bahay at mabili ang lahat ng kanilang mga gusto.
Syempre pag nangyari yon hindi na kailangan magpakahirap ang kanilang mga magulang.
Pag nangyari yon siblings goal victory pero hindi parin namin maiwasan mag-aaway dahil sa mga gawaing bahay.
Kaya ang ginawa ko gumawa ng list kung sino gagawa at ano ang mga gagawin. Bilang panganay need ko din gabayan sila buti nalang nakikinig din naman sila sa akin. Bali 4 girls and 2 boys humabol si bunso na boy, 2gx1bx2gx1b(g-girl, b-boy). 
"Dear Diary,
Hi ako lang naman, siguradong kikiligin ka dito!
Nakita ko siya at hindi lang nakita! 
Nakatabi ko siya kulang nalang sasandal ako sa balikat niya! Hahahaha oha diba pero grabe talaga ang lakas ng tibok ng aking puso?
Hanggang ngayon naman habang sinusulat ko to. 
Hindi talaga ako makapaniwala i didn't expect to happen sa tagal ng panahon na hinihintay ko talaga ang moment na yon. Feeling ko the happiest day kahit dinalaw ako at napagod sa skul. May reliever ako hahaha amp*tik lang, t*ng*! Yan di na pwede burahin, ok fine T na kung T basta sa kanila lang. 
May ishashare pa ako hirap lumingon sa kanya hahaha. Baka mahalata niya paniguradong namumula din ako that time sa init ng pisngi ko. Tapos butil butil din ang pawis kung natulo buti nalang nakaopen yong tapat naming bintana. So ayon buti natulog siya nakapikit eah kaya pasimple na silip ako. Tapos ako naman nakakapit sa hawakan doon nakasandal ang ulo ko para itago ang mukha ko na nakatingin sa kanya. Hahaha' wahhhh halata niya ata ako kaya nagtutulog tulogan ako. 
Pero saglitan lang kami magkatabi kasi biglang may umupo sa pagitan namin. Hahaha diba iiyak na nga sana ako eah hehehe... May isa pa kasi and sa aming pagitan yon hindi ko nga alam kung uusod ako sa kanya o hindi. Pero okay lang ako atleast nakita ko siya.
Nakakapanlumo lalo na nong malapit na kami bumaba wahhhhh... Sana may mauna sa amin kako tapos mag-aabot ng bayad para mapalingon lang ako sa kanya! Hindi ko kasi siya makita anlaki ng katabi namin sa gitna. 
Ayon wish luck may pumara ako nag-abot ng bayad. Another wish naisip ko that time sana siya ang umabot!! 
Ambot! Kinilig nanaman ako kaya kahit paano solve na. Siya ang umabot ng bayad so simple touch makes the lips smile so bright?!!! Ano daw??? 
Ayon malapit na ako bumaba kung pwede wag na pumara at samahan nalang siya. Pero hindi naman ako ganon kadisperada masyado!
Naalala ko tuloy yong kantang "Jeepney Love Story ni Yeng Constantino"!!!! Theme song ko na yan sa aming dalawa kasi almost it's sound likes sa nangyari ngayon! 
Happiest day! Memorable day! I Love You na Crush! 
Sana tayo nalang kahit malabo pa! Kaloka!!
Luhhhh masyado na akong chismosa, bye na!
Always remember me just me Sora Tenshi!" 

Komento sa Aklat (48)

  • avatar
    MejicoBernadette

    Gandang kwento ..kakabitin ♥️♥️♥️

    21/01/2025

      1
  • avatar
    Diodembel Lampaso

    your so beautiful

    12/01/2025

      1
  • avatar
    Rian Yalung

    100

    11/01/2025

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata