Marcus povs: Before new year ay lumipad na kami papuntang Seoul kasama ang mommy nya. Hindi ko inexpect na may pagmamay-ari ding mansion doon ang pamilyang Montreal. "Saan yung sa inyo dito, jagi? "tanong ko sa kanya. "Sa Busan ang sa amin. Actually kakabigay lang sa akin yun bilang parte ko sa mana. "sagot nya. Ako na ang nagprisenta na magbitbit ng gamit nya. "Jagi, paano kapag dinumog tayo ng fans mo dito? "nag-aalalang tanong nya ng palabas na kami sa Gimhae International Airport. "Hindi yan. Hindi na kami gaano kasikat tsaka pandemic pa din ngayon kaya mahigpit pa din ang protocols dito, "paniniguro ko sa kanya. Nagulat ako ng kinurot nya ako bigla. "Anong hindi sikat. Tumingin ka pa lang sa facebook page. Buhay pa din ang Cassia noe.... "saad nya pa at sinamaan ako ng tingin. "Easy ka lang jagi, kung nagseselos ka pwede ko namang ipangalanadakan dito na in relationship na ako para hindi na ako dudumugin ng kahi-"tinakpan nya ang bibig ko. "Don't, ayoko masira career mo ng dahil sa akin. Ituloy mo muna ang career mo then kapag nagtagumpay ka na at naabot mo na ang pangarap mo pwede -"I didn't give her a chance to continue to speak. Habang nakatalikod ang mommy nya habang kausap ang isang kakilala ay mabilis ko syang hinalikan. Mabuti nasa kotse naman kami. "Mas ayoko namang nakatago ang relasyon natin. Parang kinakahiya naman kita non. Pero sige, pagbibigyan kita. Total sa susunod na taon na ang kasal natin jagi,"sabi ko. Dumeretso muna kami sa isang hotel para mag-check in ng isang linggo while they are waiting sa maghahatid sa kanila sa busan. "bu-in / seonsaengnim, joesonghajiman yeogi hotel yeyag-i kkwag chassseubnida." (madam/sir sorry but the reservation here at the hotel is full.) sabi ng hotel stuff kaya napagdesisyunan kong doon na lang sa bahay ko sila patuluyin. "Hanap na lang tayo ng ibang hotel, "sabi naman ng mommy ni Alexa. "Ah no need na po tita... Doon na lang po kayo sa bahay ko. "aya ko. "Pero paano yung family mo? They might be strict as my brother "nag-aalalang tanong ni Alexa, umiling ako. "Na-ah, ako lang ang nakatira doon. Iba ang family house ng mga Kim ay nasa Suwon-si, "sabi ko naman sa kanya. "And no need to worry. Magugustuhan ka nila. Actually naekwento na nga kita sa kanila and they really want to meet you jagi,"sabi ko at bumaling sa ina nito. "Ayos lang po ba tita kung ipakilala ko na po kayo sa parents ko habang nandito pa po kayo... "pag-hingi kung ng pahintulot dito. Ngumiti sya sa akin. "Of course dear! Gusto kong makilala ko muna ang mga magulang mo bago mo pakasalan ang anak ko. And para makapag-plano na din about sa kasal sa susunod na taon,"nagagalak nyang sabi. ... "Wow! Ang ganda naman ng bahay mo. Kaya gustong-gusto kung tumira dati sa korea dahil gusto ko ang desinyo ng bahay dito, "wika ng ina nito at tsaka inabala ang sarili na libutin ang bahay. "Pagpasensyahan mo na si mommy. Sadyang fangirl lang talaga sya ng korea. Lalo nat koreana naman talaga ang mommy ko, "she laughed at naupo sa couch. "Napagod ka ba? "I asked, tumango sya. "Tara matulog muna tayo jagi. Hayaan mo na muna si mommy magtour sa bahay mo"she said at ipinilig ang ulo sa dibdib ko. Hindi na ako umangal,niyakap ko sya at parehas nga kaming nakatulog sa ganong position sa couch. ... "Hon, gising na. Malapit na yung countdown, dali na! "pang-gigising sa akin ni Alexa. Ng imulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang mala-anghel na imahe nito. I smiled. "Hoy ano ngini-ngiti mo dyan. Halika na, panuorin natin yung fireworks sa roof deck mo"sabi nya sabay hila. Kaya tumayo na ako. Pagkakababa namin ay naroon at abala ang mommy nya sa pag-hain ng mga handa. Narito din sa bahay ko ang family Montreal at Kim. "Marcus, wae oneul il-eo nass-eo? sonnim-i yeogi issgo eumsigdo junbidoeeossseubnida. o neon eolyeoseo nampyeondo dobji anh-ass-eo?"(Marcus, bakit ngayon ka lang nagising ha? narito na ang mga bisita, nakahanda na din ang mga pagkain. naku kang bata ka, hindi mo man lang tinulungan ang asawa mo) bungad na sermon ni eomma sa akin. "a, gwaenchanh-ayo, imo ... jib-e jangsig-eulhaneun geosdo jichyeoss-eoyo. gedaga, imo, dangsin adeul-eun yeojeonhi nae namja chingu-ibnida."(naku ayos lang po tita.... napagod din po kasi sya sa paglagay ng dekorasyon sa bahay. tsaka tita,boyfriend ko pa lang po ang anak nyo. )nahihiyang sambit nito sa eomma ko. Nginitian naman sya nito at ilang oras muna syang dinaldal ni eomma bago kami pumunta sa roof deck dala ang wine at ibang pagkain. Nagsimula na ang countdown. Sinigurado kung nasa bulsa ko ang regalo ko sa kanya. Bale magtotwo month na kami ni Alexa. And thankfully ay kahit may tampuhan kami ay naayos naman. 10 9 8 7 "Ayan na, jagi! Ready ko na yung camera, "excited na sabi nya at pinindot ang high-tech camera nya. 6 5 4 3 "Two! "sigaw pa namin, nakangiti sa isat isa. At ang hiling ko sana. Lagi tayong ganito. 1 Pagkasabay ng paglipana ng mga fireworks ay dali ko syang hinalikan. Na nakuha for sure sa camera. Naka-live yun kaya talagang sinadya kung ganun. "Happy new year and happy 2nd monthsarry jagi! "I greeted ng matapos ang halik. Mahina nya pa akong pinalo habang naiiyak. Inilibas ko ang Tiffany and Co. na necklace na regalo ko. "Happy New York and Happy 2nd monthsarry din jagi!"she greeted at ako naman ang nabigla ng bigal nya akong siilin ng halik. "M-marcus... "wika nya, pinatalikod ko sya para mailagay ko ang necklace. "Beautiful... "I mumbled after I put it on her neck at nakita kong ngang mas bumagay sa kanya ang necklace na may nakaingrave na falling star. Sa likod nun ay ang pangalan naming dalawa. "I love you jagi! "she hugged me. "I love you too jagi! "I said at inaya na sya sa upuan. I prefer a date for us. At ngayong nasa huling kabanata na kami ng magulo at puno ng aksyon na buhay namin. Alam kong ito nanaman ang bagong panimula para sa maganda at tahimik na buhay namin.... If I fall again.... I wish to the star to fall again in this girl.... Dahil hinding-hindi ako mapapagod na mahulog sa kanya at mahalin sya ng paulit-paulit. Sya ang naging dahilan ko para sa panibagong paglalakbay ko sa kalawakan ng buhay ko. I love you Alexa Alice Alliah Montreal... My one and only planet that I will fall for...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Phạm Thịnh
fgg
15/09
0
Virna Sarmiento
done
12/04
0
Hann-jeff De Fiesta
hala !!! maganda sana kaso kulang at nalito ako bout kay knight!! ay basta kulang !! cguro may kadugtong pa 2??
fgg
15/09
0done
12/04
0hala !!! maganda sana kaso kulang at nalito ako bout kay knight!! ay basta kulang !! cguro may kadugtong pa 2??
24/06/2023
0Tingnan Lahat