Special Chapter

"Everleigh, huwag kang lalayo. Huwag mong kulitin ang anak ng amo ko at Kung ayaw makipag-usap sa'yo huwag mong awayin, naiintindihan mo ba?"
Ngumuso ako saka tumango. Hindi na lang ako nagsalita kahit pa gusto kong sabihin na 'yong batang lalaking 'yon ang nang-aaway sa akin. Nakakainis! Ako pa tuloy pinapagalitan ni Nanay kahit pa gusto ko lang naman makipagkaibigan kasi wala namang bata dito sa parang mansyon na bahay kundi ako lang at 'yong batang masungit.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ng lutulutuan sa garden. Habang mag-isa ako roon may namataan akong isang maliit na paslit sa 'di kalayuan sa akin. Nakatalikod ito habang sa likod niya ay may dalang bag.
Tumayo ako para lumapit sa kanya. Naka-uwi na pala siya.
"Hi," magiliw kong sambit.
Tinignan lang niya ako saglit tapos ay tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo sa akin.
Napalabi ako."Bakit ba ang sungit mo sa'kin? Hindi namna kita inaaway tapos ako inaaway mo ko."
"Because you're so annoying!" sigaw sa akin nang batang bungi ang dalawang ngipin sa harap pero cute tignan.
Nagsimulang magtubig ang magkabilang sulok ng mata ko hanggang sa hindi ko mapigilang umiyak. Kanina pa siya nagsasalita ng alien e hindi ko naman maintindihan.
Gusto ko lang naman makipagkaibigan pero bakit may alien pang salota? Kung ganto lang din naman pala ayaw ko na siyang maging friends. Joke lang! Kahit masungit siya sa akin dapat bakit mabait ako sa kanya kasi kawawa siya dahil wala siyang kaibigan.
Nakita ko ang pagkataranta niya noong magsimula akong umiyak. Naglupasay ako sa lupa upang makita niya lalo ang paghihirap ko sa mga sinasabi niya na hindi ko naman naiintindihan. Bigla naman lumambot ang mukha niya at lumapit agad sa akin.
"Hey, I didn't meant that im sorry," parang kinakabahang sabi niya.
Bakit natatakot na siyang magsumbong ako na inaaway niya ako? Mas lalo akong napaiyak. Sorry lang ang natiindihan ko dahil ang nasa isip ko ngayon ay kaya siya nag-sorry para hindi ako magsumbong.
"Hey, stop crying."
Kahit papaano ay naintindihan ko na ang sinabibniya kaya pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"Pwede ba huwag ka magsalita ng alien? Kasi ramdam Kong malapit na dudugo ilong ko. Tapos hindi ko pa maintindihan sinasabi mo mamaya kung ano-ano na pala sinasabi mo sa akin." sabi ko.
Pinakatitigan lang ako ng ilang saglit ng batang lalaking kausap ko pagkatapos ay nagsalita siya,"Okay, huwag ka lang umiyak."
"Basta huwag ka ng mag-alien." agad ko ding sabi.
Natawa siya sa sinabi ko at parang naamuse siya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang nakatitig sa maamong mukha ng bata na kahit pa masungit sa akin.
"Hala tumawa ka? Ayie! napatawa ko siya!" pang-aasar ko na sinabayan pa ng pagkiliti sa tagiliran niya.
Tawa siya nang tawa kaya napangiti ako. Sa wakas napatawa ko din siya, ilang araw ko din siyang sinuyo 'no. Akala ko talaga hindi ko siya mapapaamo.
"Ano friends na ba tayo?" sabi ko.
"That fast?"
"Wala namang pinipiling oras o panahon ang pagkakaibigan e," nakangiting sabi ko.
"Okay youre my girlfriend now."
"Hala! mas mabilis ka pa pala e! Friends lang ang sinabi ko hindi jowa!" natatawang untag.
Humaba ang nguso niya at nakita kong bahagyang namula ang pisngi niya at paglobog mga pisngi niya kaya natakam akong kurutin ang mga 'yon.
"Magiging girlfriend din naman kita kapag malaki na tayo." deklara niya.
Umiling ako."Paano kapag friends lang tayo? Magkagirlfriend ka ng iba tapos magkaboyfriend ako ng iba?"
"Hindi ko naman hahayaan 'yon. Susuntukin ko lahat ng mga may gusto sa'yo," seryosong sabi niya.
"Hala bad 'yon! Hayaan mo na sila gusto lang naman nila ako e. Hindi namn nila ako girlfriend."
Nagulat ako nang humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata ng seryoso. Kinuha niya ang kamay ko at may pinasok siya palasingsingan ko na parang singsing pero gawa sa papel. Saan niya nakuha 'yan?
"Everleigh Perez.."
Kumunot ang noo ko."Alam mo buong pangalan ko?
Tumango lang siya."You will marry me. Yes or yes?"
Yes or No dapat 'yon 'di ba? Bakit yes or yes lang? Wala naman akong choice kundi sumagot ng yes.
"Y-yes," sabi ko na lang dahil alam kong laro laro lang naman ito e.
"This is not game, Leigh. Again say it with my name."
Ha? Dapat ba parang totoo? Mukha kasing seryoso siya. Baka nagprapractice lang siyang umakting?
Aha! Baka 'yon nga, hmm.. syempre magaling ako dyan at hindi ako papatalo. Best actress kaya ako ni Nanay.
"Ano bang pangalan mo?" tanong ko.
"Joziah Kyro but you can call me Joziah." aniya.
"Okay, gusto ko tawagin ikaw Joziah Kyro para ikaw talaga ang pakakasalan ko."
"Yes, love, call me that but I assure you, you will end up marrying me," sabi niya tapos kinuha ang kamay ko para halikan ang likod non kaya namula ang pisngi ko.
Feeling ko hindi na ito kasalkasalan. O my gosh! Seven years old pa lang ako pero alam ko na kung sino papakasalan ko!

Komento sa Aklat (146)

  • avatar
    Geiancris Canonigo

    I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰

    31/05/2022

      0
  • avatar
    darmariel

    ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!

    25/04/2022

      0
  • avatar
    이지이

    Great story

    05/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo