Homepage/I'm In Love With A Playboy/
Chapter 20
It's a prank?
Literal na nakanganga ako habang nakatitig sa dalawa. Hindi ko pa din maintindihan kung anong prank ang sinasabi ni Farrah. Pinagloloko ba nila ako? Napakurap ako nang iwagayway ni Farrah ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Liegh, it's a prank!" pag-ulit ni Farrah kaya lalo akong naguluhan.
Umiling ako nang paulit-ulit.
"Anong prank?" nalilitong tanong ko.
"Hindi talaga si Joziah ang boyfriend ko kundi ai Jack talaga," pag-amin ni Farrah.
Alam ba ito ng mga kaibigan ko? Lahat ha sila ay may kinalaman rito? Nang tignan ko naman si Jack ay nginitian niya ako na parang naguilty siya na hindi sinabi agad sa akin.
"Pero 'yon ang sinabi mo sa akin," mahinang usal ko.
Kahit hindi pa ako sigurado parang
gumaan ang pakiramdam ko at naalis ang tinik sa dibdib ko nang malaman na hindi sila Joziah Kyro ang boyfriend ni Farrah. Bahagya akong yumuko para hindi nila mahalata ang mukha ko.
"Lahat ng sinabi ko totoo 'yon except sa pangalan na ginamit ko. Si Jack talaga 'yong tinutukoy ko non kaso ginawa kong Joziah." paliwanag ni Farrah.
"Pero bakit?"
"Masyado ka kasing indenial friends. Halatang may gusto ka na nga kay Joziah, todo tanggi pa 'yan naranasan mo tuloy ma heart broken ng ilang araw.
"Hindi ako heart broken ah!" Sabi ko habang pilit na pigilan ang panlmumula ng pisngi ko.
"Totoo kasi? Kayo talaga ni Jack?" pangungulit na tanong ko.
"Hindi na ba masakit puso mo?" imbes ay tanong niya.
"Hindi nga sabi e!" todo deny ko.
"Sus, sige na nga. Kami talaga ni Joziah. Joke lang naman 'yong kanina." bawi niya
"Kayo talaga ni Joziah?" parang may nagbara sa lalamunan ko nang tanungin ko 'yon.
"Aminin mo munang nasasaktan ka," hindi ko alam kung seryoso ang tanong niya biro lang.
"Bakit ako aamin kung hindi naman talaga?" pagmaang-maangan ko
"Babe that's enough. Baka hindi niya talaga gusto si Joziah baka ako talaga ang crush niya," ani Jack.
Sinong tinawag niyang babe? Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko tuloy alam kung nagsasabi sila ng totoo o pinagtritrpan lang nila ako.
"Masasapak ka talaga ni Joziah kapag narinig niya 'yan." Nanatawang untag ni Farah kay Jack.
"Ano ba kasi ang totoo Farrah?"
"Ask Joziah, masasagot niya lahat ng tanong mo," sabi niya lang at saka iniwan akong napatanga sa kawalan.
Walang pag-aalinlangang hinanap ko si Joziah Kyro. Kaso halos napuntahan ko na ang lahat pati sa sulok ng buong school ay hindi ko pa rin siya mahanap. Hinihingal na ako sa pagod kaya nagpahinga saglit ako.
"Nakita mo si Joziah Kyro?" tanong ko sa isang babae na nakasalubong ko.
Napabuntong-hinga ako. Kanina pa ako tanong ng tanong pero lahat naman ng sasabihin nila ay wala naman doon ang hinahanap ko. Feeling ko nga pinaglalaruan lang nila ako.
Hindi ko alam kung saang lumalop nagpunta ang lalaking 'yon pero hahaanapin ko siya kahit saang plantea pa siya magpunta. By hook and by crooked. Ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman ang katotohanan nang sa gano'n ay matapos na ang paghihirap ko kakaisip kung ano ba talaga ang totoo.
Gusto ko na sanang sumumko kaso napansin ko na may nagtatakbuhan na mga babae papunta sa kung saan kaya na curious ako at sinundan sila.
Dahil siguro sa pagod hindi ko na sila naabutan pero nakita kong sa field sila nagpunta. Kumunot agad ang noo ko nang may makitang mga petals sa inaapakan ko. Patuloy pa rin akong naglalakad at sinusundan ang mga napitas na rosas hanggang sa makababa ako at dalhin ako nito sa gitnan ng field.
Nakakailang kasi sa taas ng building pati sa baba at sa bench ay puno ng mga tao. May mga studyanteng nakatalikod din sa akin. Hindi ko lang natanadaan kung bakit dinala ako sa gitna nito. Gusto ko tuloy umalis pero biglang hunarap ang mga studyante sa akin na may hawak na mga malaking kartolina.
Napatingin tuloy ako sa likod ko para sana tignan kung ako lang ang tao kaso nakita ko ang terror teacher ko. Natawa ako nang mahina. Ang assuming ko naman. Akala ko ako talaga 'yong tinitignan nila.
"Ah, hello po Sir, Good afternoon," pagbati ko kay Sir.
Akala ko susungitan niya ako pero nagulat nalang ako nang nginitian niya ako. May nakain ba si Sir? Bakit mukhang ang bait niya ngayon?
"Good morning din, Hija," sabi niya saka binigay sa akin ang hawak niyang naka bouquet na sandamakmak na rosas.
Nagsalubong naman agad ang kilay ko. Tinignan ko lang ito at hindi kinuha. Mamaya assuming na nanaman ako. O baka pinapahawak ni Sir sa akin?
"Sir, para saan po 'to?" kunot-noong tanong ko.
"Para sa'yo," nakangiti pa ring sabi niya.
Hindi naman Valentine's Day ngayon ah? At mas lalong wala kaming activities sa kanya. Hindi kaya may gusto sa akin si Sir?! O my gosh! Charot! Baka gusto lang bumawi sa akin ni Sir dahil sa kasungitan niya.
Maya-maya lang ay umalis siya sa harap ko kaya nataranta ako.
"Sir!" pagtawag ko sa kanya pero hindi na siya lumingon.
Conscious tuloy akong tumingin ulit sa likod ko. Umawang ang labi ko nang isa isa nilang ibalokdtas ang hawak nilang carton. Kasabay Naman non ang pagsiagw Ng kapwa ko studyante. Nalaglag Naman ang panga ko nang mabasa ko ang mga hawak nila karton.
YOU WILL MARRY ME?
Halos mahimatay ako sa nabasa ko. Muntik pa akong matumba buti na lang ay may sumalo sa akin. Nakakaloka! Anong will you marry me? Sino bang nagplano nito? At kanino kaya 'to? In fairness ang sweet naman ng lalaking 'yon.
"Salamat pala-" natigilan ako sa sasabihin ko nung nakitang si Joziah Kyro ang may hawak sa akin.
Agad akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili.
"Hoy kayo ba talaga ni Fraah?" iyon agad ang tanong ko, baka kasi hindi ko na naman siya mahanap.
Bahagyang siyang natawa. Aba't talagang nakuha niya pang tumawa?! Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Wala ka bang tanong, Love?" malambing niyang sabi.
Bumaba ang mata ko sa hawak niyang tulips. Nagulat ako nang ibigay niya sa akin 'yon. Hindi agad ako nakagalaw at basta nakatitig lang sa bulaklak.
Tulips kasi ang favorite kong bulaklak kaya nakapagtataka kuug bakit alam niya ang bulaklak na gusto samantalang hindi ko naman nasabi sa kanya.
"Para kanino naman 'to?" tanong ko kahit pa halatang sa akin niya ito banibigay.
"For the most beautiful girl I've ever seen."
Namula naman ang buong mukha ko pero kinuha ko din sa huli.
"T-thank you," pasasalamat ko.
"Basta ikaw," sabi niya saka kinindatan ako.
"Teka bakit nga ba tayo nandito? Doon nga tayo mag-usap sa gilid nakaka-abala yata tayo sa magpropopose nito e, talagang sa gitna pa tayo." natatawang untag ko.
Ngumiti lang si Joziah Kyro sa akin pagkatapos ay may nilabas siyang kung ano sa likod ng bulsa niya. Habang ako naman ay abala sa paglibot ng paligid at muli kong tinignan ang tao sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit natawa ko sa tumatakbong lalaki na may hawak ding pulang kartolina at dumikit sa ibang studyante. Pagkatapos ay sabay nila tinaasan ang kanilang mga hawak.
YOU WILL MARRY ME AGAIN
'Iyon ang basa ko na ngayon. Again?
Shems! Baka nakakaabala na kami. Sino ba dito 'yong magproprooose? Baka 'yong prof namin na nagbibigay ng rosas sa akin? Siguro nga, saka baka pinahawak lang niya sa akin 'to dahil may kukunin siya? Pero kasal na si Sir 'di ba? Oo nga pala pwede namang ulitin niyang pakasalan 'yong asawa niya kung gugustuhin niya.
May tinatago din naman palang kasweetan si Sir.
Humarap ako kay Joziah Kyro."Alis na tayo dito--"
"I will just courty you when we get married." Iyon agad ang sbai niya.
"Huh?" Napaawang ang labi ko dahil nakaluhod ang isang tuhod niya habang nakatingala sa akin.
"Everleigh Perez will you be my wife?"
"Hindi namna April 1 kaya hindi 'to April fools. Prank ba 'to Joziah Kyro?" pinamaywangan ko siya habang nakaatas ang kilay ko.
"No, Love, so please say yes because you don't have a choice either," nakangising aniya.
"Paano si Farrah?"
"Sinabi naman niya sa'yo 'di ba na walang kami sa sinula pa lang?""
Ang bilis ng pangyayari. Parang nananaginip ako. Bahagya ko tuloy kinurot ang pulso ko para magising ako. Kanina lang nalaman ko na hindi naging kailan man naging si Joziah Kyro at Farrah. E kung hindi naman pala sila, wala na dapat akong problemahin? Tapos ngayon nagtatapat sa akin si Joziah Kyro. Ibig sabihin gusto niya ako? Pero bakit sobrang bilis naman ng lahat? Kasal agad? Hindi ba girlfriend muna?
"Teka hindi ba girlfriend muna?"
Ngumisi siya nang nakakaloko."Wife agad para wala ka nang kawala."
"Pwede bang ipaliwanag mo muna ang lahat sa akin? Naguguluhan talaga ako. Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Bakit niyaya mo agad ako ng kasal? Sa'yo ba 'tong set-up na 'to?" sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa paligid ko.
"Again, Everleigh Perez Villanueva will you be my best friend, girl friend and wife again that will bear my child?"
"Yes, I do, Joziah Kyro Villanueva ." napa 'I do' na lang ako dahil mukhang naiinip na siya at may balak pa yatang bawiin ang sinabi niya.
Aarte pa ba ako kung ilang beses ko ng napatunayan sa sarili ko na mahal ko siya?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (146)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰
31/05/2022
0ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!
25/04/2022
0Great story
05/08/2025
0Tingnan Lahat