Chapter 19

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang umamin si Farrah. Pero parang mahigit isang linggo na at pilit kong pinapakitang okay lang ako at hindi ako naapektuhan dahil wala naman akong gusto Kay Joziah Kyro kahit pa kabaliktaran ang sinasabi ng aking puso. Pero may pagkakataon din na gusto ko nalang mag-walk out.
Wala akong nahanap na sagot tuwing tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung ayos lang ba ako. Kung may gusto raw ba ako kay Joziah Kyro. Symepre kahit alam ko sa sarili kong may gusto ako sa lalaki, lahat ng sagot ko ay puro kasinungalingan.
Hindi ko pwedeng sabihin na gusto ko siya kasi alam ko din naman na walang patutunghan 'yon. Mas magandang sarili ko lang ang nakakaalam para wala ng masyadong problemma.
"May meeting kasi kami mamaya baka hindi na ako makasbaay sa inyo," sabi ko kay Farrah.
Napanguso naman siya."Hintayin ka nalang namin." pamimilit niya.
Agad naman akong umiling."Hindi na baka matagalan kami."
Totoo naman na may meeting kami pero alam kong hindi magtatagal ang meeting namin pero sinabi ko lang 'yon para hindi ako isama ni Farrah sa date nila ni Joziah Kyro. Hindi ko nga alam kuh sinasadya ba ng tadhana na pahirapan ako sa pagmove-on.
Talaga isasama pa nila ako? Ano ako third party? Siguro sa ibang pagkakataon papayag pa ako para ako lahat kakain sa mga bibilhin nilang pagkain dahil wala naman akong pakialam sa iba pero makakain ko pa kaya 'yong pagkain 'yong kung mapapanood ko lang silang nagsusubuan? Nagharutan at magkaholding hands?
Pinaningkitan ako ng mga mata ni Farrah.
"Umiiwas ka ba sa amin Leigh?" nagdududang tanong niya.
Natawa ako ng bahagya.
"Ano ka ba hindi 'no! Busy lang talaga ako sa school ang dami kasi naming gagawin." palusot ko.
"Sige, next time, wala ka naman nang excuse no'n ano?" paninigurado niya.
Napabuntong-hinga ako saka tumango nalang. Alam ko naman 'yon. Ubos na din naman ang mga excuse ko para iwasan lang sila.
Naghiwalay kami ni Farrah pagkatapos ng maikling pag-uusap namin kaya dumiretso nalang ako sa room ko. Nakasabay ko pa ang Prof namin kaya nagmadali akong pumasok at dumiretso sa upuan ko. Muntik pa akong matigil nang makita kong katabi ko si Joziah Kyro.
Dito din ako mahihirapan mag-move on. Hindi ko lang siya basta kaklase kundi katabi ko pa!
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Binaba ko ang bag ko at saka umupo.
"Si Farrah?" iyon agad ang bungad dinig kong tanong niya.
Pati ba naman sa klase iyon agad ang tanong niya?
"Si Farrah?" paggaya ko sa sinabi niya.
Kumunot naman agad ang noo niya at hinarap ako.
"What?"
Umirap ako sa hangin."Hanapan ba ako ng jowa? 'Di ba hindi? Siguro kung hahanapan mo ako pwede pa, pero kung sa akin mo hahanapin, sorry nalang pero wala sa bbulsa ko wala din sa bag ko at mas lalong wala sa kamay ko, okay?!" pagtataray ko.
Natawa siya kaya sumama ang tingin ko lalo sa kanya. Anong tinatawa niya d'yan? Wala namang nakakatawa. Hindi niya ba nahalata na ayaw ko siyang kausap? Sinusunugitan ko na nga lang aiya para aiya mismo ang lumayo sa akin nang saganon ay makapag move-on ako nang matiwasay.
"Are you on period?" tanong niya na nagpagulat sa akin.
Siguro kung may iniinom lang ako ngayon baka naibuga ko sa mismong mulha niya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at nawala tuloy 'yong mataray looks ko.
"Sa lahat ba nang itatanong mo 'yan talaga?!" bulyaw ko.
"Bakit ang sungit mo?" balik niyang tanong.
"Wala ka na don!"
"Ms. Perez may problema ba?" striktang tanong ng Prof namin namin.
Agad akong umayos ng upo at parang maamong tupang tumingin sa harap. Kimi akong ngumiti sa Prof namin na nakaatas ang kilay at handa na naman magbuga ng apoy.
"Ah Sir, wala naman pong problema. 'Di ba Joziah Kyro?" Pinandilatan ko siya ng mata para sabihing ayos lang talaga ang lahat.
Nginisihan lang niya ako saka tumingin sa Prof namin.
"She has no problems problem, Sir. She just on her period." kalmadong untag niya.
Gusto kong abutin si Joziah Kyro para sana hampasin kaso hindi ko magawa dahil sa hiya. Sigurado akong halata na ang pamumula ng mukha ko ngayon. Talaga pati sa klase sasabihin pa niya! Ang walang hiya! Sigurong maganda na din 'tong inisin niya ako para maalis ang nararamdaman ko sa kanya at panay pagkamuhi nalang ang matitira.
"Isa Joziah Kyro!" banta ko sa kanya. Kapag talaga Hindi niya binawi 'yon, lintik Lang ang walang ganti!
Nginisihan niya ako."Then she's just jealous, Sir."
Halos sumabog na ang mukha ko sa inis. Tumayo ako at nilapitan siya. Hindi ko pinansin ang mga nasa paligid ko tanging ang pagganti lang ang gusto kong gawin ngayon.
Pinaghahampas ko si Joziah Kyro pero agad naman niya itong naiiwasan kaya lalo tuloy akong nainis.
"Anong selos ka dyan?! Saan sa'yo? Sino ka ba, ha? Isa ka lang namang Playboy na mahilig magpapasa at  magpa-iyak ng babae tapos sasabihin mo ako nagseselos? Ka iyak-iyak ka ba?!"
"Pinaasa ba kita?" seryoso na ngayon ang mukha niya pati boses.
Saglit akong natigilan pero again ding nakabawi.
"Hindi!"
"Then, pinaiyak lang," sabi niya saka prenteng sumandal sa upuan.
Natigilan naman ako at saka ko lang naramdaman na may kung ano sa pisngi ko. Nang hawakan ko 'yon ay may nakita akong luha sa pisngi ko. Umiyak ako?
Agad ko naman tinignan ang reaksyon ng mukha ni Joziah Kyro. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at ang mariin niyang tingin sa akin.
"Ms. Perez tapos ka na bang ilabas ang galit mo?" tanong ng Prof namin.
Nilingon ko siya saka napabuntong-hininga nalang at dumiretso sa upuan ko kaso hindi pa ako nakakahakbang nang may humawak sa pulso ko. Nilingon ko si Joziah Kyro na nakatingin pa rin sa akin
"We we're not done yet, Sir. And I believe that our time is over." untag niya habang hindi pinuputol ang titigan namin.
Narinig ko ang pagtikhim ng Prof namin sa harap. "okay, class dismiss."
Nang mawala ang Prof at ibang kaklase ko ay inalis niya ang pagkakahawak sa akin.
"So explain to me now Love, you can admit that you're jealous."
Aba! Iba din'tong lalaking 'to. Paano niya nasasabi ang mga gan'yan kung may girlfriend na siya? At talagang tinawag niya pa akong love!? Ang lakas ng loob nito konti na lang talaga. Pero napansin ko na hindi niya sineseryoso ang lahat para sa kanya ay biro lang 'yon.
Sumeryoso tuloy ang mukha ko para ipakitang hindi ako nakikipagbiruan.
"Hindi ako nagbibiro Joziah Kyro. May girlfriend ka na at ang kaibigan ko pa, hindi mo dapat pinaglalaruan ang feelings ng isnag tao. Kung ayaw mong maging friends tayo ako nalang ang lalayo. Ayokong masaktan ang kaibigan ko." Kahit na nasasaktan ako.
"Pipiliin mong masaktan ka kesa sa kaibigan mo?".
Umiling ako."Hindi naman ako nasasaktan, kaya huwag kang mag-alala." pagsisinungaling ko..
Nawalan ng emosyon ang mukha niya."Bakit ba ang hirap mong aminin sa sarili mo na gusto mo ako? Kailangan pa bang gawin ang mga bagay na 'to para lang umamin ka? Hindi mo ba ako ipaglalaban?"
Wala akong nahanap na salita sa sinabi niya kaya ang ginawa ko ay tumalikod ako sa kanya at mabilis na naglakad palabas.
Ayos na sana ang lahat. Hindi na sana ako naguguluhan nang ganito. Alam ko namang wala na akong pag-asa at kahit siguro hindi naman sila ni Farrah ay wala pa rin akong pag-asa, kaya tanggap ko na. Isang sakitan na nga lang e. Hindi na ako nag-iisap nang kung ano-ano dahil ang tanginag nararamdam ko ngayon ay sakit lang.
Pero sa sinabi ni Joziah Kyro, parang may malalim na ibig sabihin ang sinabi niya na hindi ko lang gano'n maintindihan pero nararamdam ko na parang may pag-asa ako.
Pumasok ako sa room na pagmimeetingan namin. Mayroon na ang ibang kasama ko kaya hinintay pa namin ang iba. Tahimik lang akong nasa gilid habang ang ibang studyante ay may mga grupong nag-uusap. Wala pa kasi si Mayi kaya wala din akong makausap.
"Grabe sila pala talaga ano? Hindi halata kasi halos hindi sila nag-uusap, pero in all fairness bagay sila."
"Halos paubos na gwapo sa school natin puro taken."
"Deserve naman nila 'yon, Bes. Ang ganda din naman nang mga girlfriend nila."
"Si Joziah na lang nga ang walang serious na love life. Pero feeling ko sa lahat ng babae, 'yong magiging girlfriend ni Joziah ang swerte."
"Sa true lang.
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ng lalaki. Bahagyang pang tumagilid ang ulo ko baka kasi namali lang ako ng dinig.
"Tabi tayo, Leigh ah."
Napaangat ako ng tingin nang Marinig si Mayi. Tumango ako saka ngumiti ako sa kanya at inalis ko ang bag ko sa isang upuan para makaupo siya. Talagang nilagay ko 'yon para walang umupo. Tingin ko wala din tatabi sa akin dahil sa dami ng bakanteng upuan.
"Kamusta bakasyon mo?" panimula niya.
Sinulyapan ko siya."Ayos lang. Ikaw ba?"
Napanguso siya."Hindi maayos. Nasa bahay lang ako e."
Bahagya akong natawa."Akala ko ba pupunta kayong probinsya?"
"Hindi ako sumama, isang buwan raw sila doon e." wika niya.
Tumango na lang ako. Hindi na kami muling umimik pa nang dumating ang leader namin na nagsimula nang magdiscuss. Matapos ang maikling meeting ay nagsilabasan na din ang mga ibang studyante. Inayos ko ang gamit ko at hinintay si Mayi sa labas.
"Nakakagutom, Tara cafeteria mag meryenda muna tayo." aya sa akin ni Mayi.
Malugod naman akong tumango."Sige."
Habang naglalakad kami sa hallway namataan namin si Farrah at Jack na magkasama. Kumunot naman agad ang noo ko. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita silang nagtatawanan  habang magkahawak ang kamay.
"Grabe sila pala 'yong magkakatuluyan ano? Bagay naman sila, gawapo at maganda. Sanaol na lang," sambit ni Mayi habang nakatingin kanila Farrah at Jack.
"Huh?" Siguradong halata ang pagkalito sa mukha ko.
Natawa naman siya sa rekasyon mg mukha ko."Kaibigan mo si Farrah, hindi mo alam na sila ni Jack?"
Napatigalgal ako."Paaanong nangyari 'yon? E si Joziah Kyro ang boyfriend ni Farrah."naguguluhang sabi ko.
Napatitig naman sa mukha ko si Mayi. Hindi ko alam kung anong nasa-isip niya pero tingin ko iniisip niya na kung nagbibiro lang ako o hindi. Napailing-iling siya.
"Hindi ko alam kung wala ka talagang alam o binibiro mo lang ako pero Leigh, may mahal si Joziah na iba.  Kaya siya gano'n sa mga babae, kaya din niya hindi sineseryoso dahil may hinihintay siya. Nakita mo naman na maraming sumubok 'di ba? Pero walang nananolo na makuha ang puso niya dahil nasa babaeng hinihintay niya."
Para akong nanghina sa mga nalaman ko. Bakit Hindi ko 'to alam? Huminga ako nang malalim saka kumuha nang lakas ng loob para magsalitam
"Oo naalala ko na," sabi ko nalang.
Humgikgik siya."Huwag mo kasing seryosohin 'yong gagawin natin marami namang babagsak kung sakali," pagbibiro pa niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Ah, Miya, Hindi na pala ako makakasabay sa'yo. May pupuntahan pa kasi ako," ani ko.
Tumango naman agad siya."Sige, ingat ka ha. Alis na ako kita nalang tayo bukas."
Nang tumalikod siya at nagsimulang lumakad humarap naman ako sa kanila Farrah at Jack. Mabilis ang lakad kong lumapit ako sa kanila. Nang makita nila ako ay parang hindi naman sila nagulat. Bagkus nakangiti pa si Farrah sa akin.
"Niloloko mo ba si Joziah Kyro?" walang pag-aaliu tanong kay Farrah.
Kung niloloko niya nga, bakit?
Mabilis namna siyang umiling kaya nagsalubong ang mga kilay ko.
"'Di ba si Joziah Kyro dapat? Bakit si Jack ang sinasabi mo?" tanong ko kay Farrah.
Ngumisi naman siya at kinindatan ako.
"It's a prank!"

Komento sa Aklat (146)

  • avatar
    Geiancris Canonigo

    I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰

    31/05/2022

      0
  • avatar
    darmariel

    ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!

    25/04/2022

      0
  • avatar
    이지이

    Great story

    05/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata