Chapter 18

Nakakulong lang ako sa dorm ko simula noong umuwi kami galing Tagaytay dalawang araw na ang nakalipas. Buti nalang talaga ay may bagyo kaya maaga kaming umuwi. Nakatulong din 'yon para hindi ako masyadong lumabas. Sana lang ay hindi nila mapansin ang kilos ko kaso wala yata akong takas dahil agad napapansin ng mga kaibigan ko kung may problema ako.
Narinig ko si Danica na ilang beses akong sinubukang kausapin. Katok siya ng katok pero hindi ko siya pinagbuksan. Gusto ko lang mapag-isa at mag-isip ng maayos.
"Leigh, buksan mo naman 'to please mag-usap tayo. Dahil ba nasabi ko kay Joziah Kyro? Hayaan mo kakaupsin ko siya.." pagmamakaawa ni Danica.
Umiling-iling ako. Dahil mali ang iniisip niya. Pigil ko ang sarili na huwag buksan ang pinto at sabihing wala siyang kasalanan, wala silang kasalanan. Ako lang ang may problema at ako lang din ang may kasalanan.
Noong lasing kasi si Danica non sa Tagaytay nasabi niya ang unang plano namin laban kay Joziah Kyro. Dahil doon napansin ko na iniwasan ako ni Joziah Kyro. Wala naman akong balak magpaliwanag dahil noong una pa lang ay hindi ko na tinuloy ang balak namin. Hindi ko nga din alam na magiging kaibigan ko siya sa kabila ng lahat.
Iniisip niya na kaya ako nagkakaganito dahil kasalanan niya kung bakit ako iniiwasan ni Joziah Kyro.
Kahit anong pagbuo ng pader sa puso ko para lang huwag mahulog sa kanya hindi pa rin pala sapat. Masyado ko siyang minaliit kaya kampante kong hindi ko siya magagawang mahalin pero ano na ngayon? Bakit umasa ako na may pag-asa? Na pwede? At Bakit sobrang sakit? Sa lahat pa ng babae na gusto niya ay kaibigan ko pa?
Dati tinatawanan ko lang kung bakit sila umiiyak nang dahil lang sa isang lalaki pero ngayon naranasan ko na gusto ko nalang itawa ang lahat ng sakit na nararamdam ko ngayon.
Maghapon lang akong nagmukmok sa dorm ko. Pinipilit ko ding kumain kahit papaano dahil ayaw ko namang magkasakit at aalalahanin pa ako lalo ng mga kaibigan at pamilya ko.
Inabot ko ang cellphone ko sa higaan ko at nag-browse sa social media. Ngayon ko pa lang titignan ang social media ko simula nang umuwi kami mula sa Tagaytay.
Maraming nangamusta sa'kin pero nakatutok lang ang mga mata ko sa picture ni Joziah Kyro. Hindi siya nakaonline pero may mga chat siya sa akin.
Gusto kong basahin ang chat niya pero ayaw kong malaman niyang nakita ko 'yon. Mariing pumikit ang mga mata ko nang makita sa taas ang chat naman ngayon ni Farrah. Huminga ako nang malalim at nagsimulang magtipa. Hindi ko na binasa ang ibang chat niya.
me: Pwede ba tayong mag-usap? Sa pinakamalapit na coffee shop mamayang 5pm
Naninikip ang dibdib ko habang nagtitipa ako. Kahit hindi pa ako ready na malaman ang totoo ay pinili kong maliwanagan. Mahirap mag-overthink at mas lalong mahirap mang-akusa, kaya mas mabuting malaman ko muna ang totoo bago ko sila komprontahin.
Naligo muna ako pagkatos kong ichat 'yon kay Farrah. Alas kwarto na din kasi ng hapon kaya mabilis lang ang oras. Siguro mga bandang 4:40 pm ay umalis ako sa dorm ko para hindi ako makita ng ibang kaibigan ko.
Nagdala lang ako ng payong dahil umaambon pa at hindi din naman kalayuan 'yong coffe shop na sinasabi ko kaya nilakad ko na lang. Umupo lang muna ako sa isang tabi at tiningnan ang chat ni Farrah.
Dahil nilalamig ako ay nagorder ako ng kape ko. Maya-maya lang ay nakita ko na si Farrah sa entrance papasok rito at agad na nahanap niya ako.
Nginitian niya ako kaya pilit na lang akong ngumiti. Naguilty ako dahil nagtanim ako ng sama ng loob sa kanya noong una pero naisip ko na kaibigan ko siya at alam ko naman na may rason siya at hindi niya intensiyon 'yon. Pero hindi ko maiwasan na maalala 'yong narinig ko na sinabi niya kay Joziah Kyro. Sana kung una pa lang ay sinabi niya sa akin mas pinagbawalan ko sana ang puso ko.
Umupo siya sa harap ko na may pag-aalala ang mukha.
"Kamusta? May problema ba? You can talk to me," sunod-sunod niyang sabi.
Saglit akong nag-iwas ng tingin. Binasa ko ang natutuyong labi at kumuha ng lakas ng loob bago siya tinignan.
"Wala akong problema," pagsisinungaling ko."Medyo hindi lang talaga maganda pakiramdam ko." Alam kong hindi siya naniniwala sa rason ko pero ngumiti lang Siya.
"Okay. I thought you really have problems." pag-sakay niya sa sinabi ko.
Katahimikan ang bumalot sa akin pagkatapos non. Lumunok ako at lakas loob na nagsalita.
"Kayo na ni Joziah Kyro?"
Kinakabahan tumawa siya."Nagpapatawa ka ba Leigh? Saan mo naman nakuha 'yan?"
"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan niyo noong nasa Tagaytay tayo," pag-amin ko.
Saglit siyang natigilan at hindi agad bakapagsalita. Sa tingin pa lang niya alam kong mayroon nga silang connection sa isa't-isa kaya lalong nadurong ang puso ko.
"Sorry, Leigh, tinago namin."
Tinago? Ibig sabihin sila?
Naninikip ang dibdib ko. At hindi ko magawang inumin ang kape ko kahit pa nauuhaw ako.
"Bakit? Anong dahilan?" pormal na tanong ko kahit pa may nagbara sa lalamunan ko.
Pilit na ngayon ang ngiti niya."Family problem. Family friend kasi ang pamilya namin kaso nagkaroon ng hidwaan kaya tinago muna namin ang relasyon namin. Pero ngayong nagkaayos na sila baka pwede na namin sabihin."
Umawang ang bibig ko. Ngayon ako naman ang natahimik. Wala akong nahanap na salita dahil sa nalaman ko. Pilit kong kinakalma ang sarili. Hindi ako makapaniwala na may relasyon sila at tinatago nila 'yon dahil sa parents nila! Masyado silang magaling magtago dahil hindi ko naman nahalata na may something sa kanila.
"Kailan pa?" mahinang usal ko.
"Matagal na Leigh mga isang taon na. Balak din naming sabihin sa mga kaibigan natin sa lunes ang totoo."
Naninikip ang dibdib ko at para akong maiiyak pero ginawa ang lahat para pigilan ang paglabas ng luha ko. Pinilit ko din maging normal lang ang lahat na parang gulat ako pero hindi nasasaktan.
"Teka, may gusto ka na ba sa kanya? maingat niyang tanong.
Tinitigan niya ako at parang hinihintay ang sagot ko. Huminga ako ng malalim at kunwaring nginisihan siya.
Nagpanggap akong natatawa."Anong sabi ko sa'yo noon? :Di ba hindi ako magkagusto sa kanya lalo pa at playboy siya? Tignan mo hindi nga kami enemies pero naging friends naman at hanggang doon na lang 'yon."
"Siguro a?"
"Oo naman. Saka masaya ako na kayo pala, sana lang ay magbago na siya,"  pagbibiro ko.
"Hindi Nlnaman talag gano'n si Joziah pinalabas lang niya na gano'n siya para hindi kami mahalata ng parents namin."
Tumango-tango na lang ako na parang naiintindihan ang lahat ng sinabi niya. Nang maka-uwi ako sa dorm ko ay tulala ako hanggang gabi at pinilit kong itulog na lang lahat ng inisiip ko pero hindi ko magawang matulog. Kaya kinabuksan ay para akong panda sa laki ng itim sa ilalim ng mata ko. Nilagyan ko na lang ito ng concealer para hindi naman ganoon kahalata.
Habang nasa klase ay pinilit kong makinig sa Prof namin.
"Leigh! Okay ka na ba? Sabi ni Farrah nag-usap kayo at masama lang raw pakiramdam mo," bungad niyang tanong sa akin.
Tipid akong tumango."Sorry talaga ah, pinag-alala ko pa tuloy kayo. Tsaka huwag kayong mag-alala ayos lang ako. Hindi din naman tungkol doon sa sinabi mo kaya huwag mo na akong alalahanin."
Umiling si Danica."Hindi. Basta alam kong kahit hindi dahil sa ginawa ko kailangan ko pa rin ipaliwanag kay Joziah na hindi mo plano 'yon na hindi mo gusto at hindi natin tinuloy."
Umiling ako sa kanya kaso hindi niya ako pinakinggan at basta na lang akong hinila papunta sa cafeteria. Kumabog ng malakas ang dibdi ko. Bigla akong naging balisa. Inalis ko ang kamay ko kay Danica kaya nagtataka siyang tumingin siya sa akin.
Ilang bwses akong umiling."Huwag na please hindi naman na importante 'yon nasa kanya naman  'yon kung maniniwala siya." sabi ko.
Bumuntong-hininga siya tanda ng pagsuko. Dahil doon nginitian ko siya.
"Sige, alam ko naman na hindi ka matiiis non tsaka hindi din maniniwala 'yon sa sinabi ko."
Tumango ako bilang pag-sangayon.
"Tara na sa cafeteria libre kitang milktea pambawi ko sa'yo." aniya saka muli akong hinila.
Hinayaan ko lang siya at bahagyang natawa."Sus, wala ka naman kasalanan sa 'kin pero sige, tatangapin ko 'yang libre mo dahil alam kong malaking karangalan ang ilibre ng isang Danica Santos."
Dahil wala namang masyadong tao hindi na kami pumila. Nang makabili dumiretso kami sa mga kaibigan namin. Si Harper at Heather lang ang nadatnan namin doon.
"Si Finn?" tanong agad ni Danica kay Harper.
"May pinuntahan saglit sila ni Jade," ani Harper.
Tahimik naman akong umupo sa isahang upuan. Pasimple kong inilibot ang tingin at nagbabakasakaling ang hinahanap ko.
"Si Farrah?" kaswal na tanong ko.
Nagkibit si Harper."May pinuntahan pero babalik din 'yon."
Tumango na lang ako at uminom sa milktea ko. Biglang hindi ako mapakali at parang gusto ko na lang umalis dito. May kutob na ako kung saan pumunta si Farrah. Naalala ko na ngayon pala niya sasabihin sa mga kaibigan namin ang tungkol sa kanila ni Joziah Kyro.
Parang may nagbara sa lalamunan ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang may naramdamang parang tumutusok na karayom sa puso ko. Hindi ba pwedeng iba na lang ang mahal ni Joziah Kyro? Umaasa pa rin ako na may pag-asa pero kung wala sana kahit hindi na lang ang kaibigan ko. Ibang babae na lang sana para hindi ako nasasaktan ng ganito.
Paano kung sabihin nila sa mga kaibigan namin tapos hindi na nila itatago ang relasyon nila dahil ayos na ang lahat sa pagitan ng pamilya nila. Ayoko naman na patuloy na nasasaktan. Kung wala talaga akong pag-asa sana kahit makamove on lang ako ng maaga pero paano ko gagawin 'yon kung lagi ko silang makikitang magkasama?
"Hey babe."
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Luke. Lumapit ito kay Heather at saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Gano'n din ang ginawa ni Finn kay Danica kaya nag-iwas ako ng tingin. 
Wala bang pwesto ang mga single? Dapat pala minsan humanap na ako ng kapwa ko single para naman kapag may date ang mga 'to hindi ako mag-isa. Si Harper at Jade Asthon ay mukhang nagiging okay naman na.
"We need to wait Joziah, may sasabihin raw siya," ani Jade Ashton.
Napalunok ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ito na ba talaga 'yon? Magiging heart broken na na talaga ako ng ganito kaaga?
Nilabas ko na lang ang cellphone ko para hindi naman ako ma out of place kahit pa minsan ay sinasali nila akonsa usapan. Pakiramdam ko wala akong gana makipag-usap kahit kanino. Wala pa sigurong fifteen minutes ay narinig ko na ang pangalan ni Joziah Kyro.
Tumingin naman ako sa direksyon ni Joziah Kyro kasama nito si Jack. Nakapamulsa lang siya habang seryoso ang tingin sa mga kaibigan ko, hindi man lang dumaan kahit saglit ang mata niya sa pwesto ko kaya piniga ang puso ko dahil don.
"Seryoso natin ngayon ah," biro ni Finn kay Joziah Kyro nang makalapit sila.
Tinignan ko naman siya. Tama si Finn. Seryoso lang siya at hindi ko mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Kahit siguro kumaway o tumambling ako rito ay hindi niya ako bibigyan ng pansin.
"Kanina pa ba kayo rito?" tanong ni Heather na kararating lang.
Napunta ang atensyon ko naman sa kanya. Nakangiti lang siya at hindi halatang kinakabahan. Parang ang saya pa nga niya e. Sabagay sino ba naman hindi magiging masaya kung magiging malaya na sila ni Joziah Kyro.
"Hindi naman." mahinang sagot ko.
Parang gusto ko na lang tumakbo dito at hindi pakinggan ang sasabihin nila
"So guys since kompleto na tayo may kailangan kayong malaman," panimula ni Farrah.
"Ikaw pala 'yon Farrah pala 'yon akala ko si Joziah." untag ni Luke.
Natawa naman si Heather."Nope, pero malay ko sa susunod."
"So ano nga 'yong sasabihin mo? Mukhang excited at ang saya mo ah." ani Harper.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at kahit gusto kong umalis sa upuan ko ay hindi ko magawa parang napako ako. Lahat kami ay nakaabang sa sasabihin ni Farrah. Nag-iwas ako ng tingin nang magawi ang mata niya sa akin kaya
"I and.. Joziah are dating.. matagal na."

Komento sa Aklat (146)

  • avatar
    Geiancris Canonigo

    I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰

    31/05/2022

      0
  • avatar
    darmariel

    ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!

    25/04/2022

      0
  • avatar
    이지이

    Great story

    05/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata