Chapter 17

Agad akong bumangon sa higaan ko at  kinusot ang nanlalabong mga mata bago tumingin sa paligid ko. Nasa loob ako ng kwarto. Wala na 'yong iba. Napakurap tuloy ako. Ibig sabihin nananaginip lang ako? Hindi talaga sinabi ni Joziah Kyro na ako 'yong first kiss niya? Sabagay bakit nga ba ako maniniwala. E, sa dami ng babae ni Joziah Kyro noon posibleng ako ang first kiss niya.
Pero nagpapasalamat ako dahil panaginip lang yon kundi patay ako kapag totoo nga 'yon. Kung ano-ano pa naman din ang sinabi ko.
Pero paano ako nakarating rito? Imposible namam kasing naglakad ako ng walang kasama dahil malabo 'yon hindi ko kayang maglakad gayong lasing na lasing ako.
Lumabas ako ng kwarto namin nang medyo nawala ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko nasusuka pa rin ako. Symepre bago 'yin, naghilamos muna ako at at nagmumog bago tuluyang lumabas.
Kumunot ang noo ko nang walang nadatnan sa sala kahit sa kusina na mga kaibigan ko. Sa mga lalaki naman ay siguro tulog pa din ang iba. Pero nang lumabas ako wala din akong nakita sa labas.
Nasaan sila?
"Pumunta sila ng bayan," anang boses sa likod ko.
Nilingon ko namna 'yon at nakitang si Joziah Kyro na nagkakape habang nakasandal sa gilid ng pader.
"Lahat sila?" tanong ko, biglang hindi mapalagay.
"Yeah. Anyway, do you want coffee?" kaswal na alok niya.
Napalunok ako. So, ibig sabihin wala talagang nangyaring kababalaghan kabagi? Hindi talaga ako nagsabi ng kung ano-ano? Buti naman, hindi ko kasi alam kung paano pa humarap sa kanya kapag nangyari 'yon.
"Sige," sabi ko.
Umalis siya sa pagkakasandal at naglakad patungong kusina. Tahimik ko namna siyang sinundan. Kaso hindi niya ata alam kung anong kape ang ititimpla sa akin kaya nahihiya siyang tumingin sa direksyon ko.
Tumikhim ako."Kahit 'yong katulad na lang ng sa'yo," suhestiyon ko.
Ngumiti siya sa akin bago  nagsimulang magtimpla ng kape para sa akin. Pinanood ko lang naman siya hanggang matapos.
"Did you drink the medicine?" tanong niya nang iabot sa akin ang baso.
"Gamot? Para saan?" nagtatakang tanong ko habang naglakad kami palabas.
Tingin ko namna ay wala na siyang sama ng loob sa akin. Kanakausap niya na kasi ako tulad ng dati. Hindi ko alam pero parang nawala 'yong dinadamdam ko dahil nasabi ko ang mga saloobin ko kahit sa kanaginip lang. Parang bumalik lang kami sa dati at sobrang gaan sa pakiramdam kasi okay na kami? Ewan ko, hindi naman kami nag-away pero masaya ako kasi nakapag-usap na kami nang maayos.
"Hindi ba masakit ang ulo mo?" concern niyang tanong.
Ngumiti ako ng maliit."Minsan, masakit pero keri na 'tong kape. Mawawala din 'tong hang-over ko."
Umupo ako sa upuan na nasa labas. Bale tatlo 'yon at may isang lamesang pa square kaya doon ko nilapag ang kape ko. Umupo naman sa harap ko si Joziah Kyro.
Napasinghap ako sa sarap ng hangin ."Umaambon pala," Bulong ko. Kaya pala kahit alas otso na ng umaga ay makulimlim pa rin.
Tumayo ako at tinaas ang kamay upang sumalo ng tubig na nagmumula sa taas ng yero. Dahil nasa likod ko si Joziah Kyro ay bahagya kong tinaas ang damit ko at pinahid ang tubig na nakuha ko sa aking tiyan.
"What are you doing?"
Nilingon ko siya nang matapos ako sa ginagawa ko.
"Ah, ganito kasi ginagawa namin sa probinsya kapag matagal ng hindi umulan. Ipapahid mo 'yong tubig na kinuha mo galing sa ulan sa tiyan mo." paliwanag ko.
Kumunot ang noo niya. Parang hindi maintindihan ang sinabi ko at natawa na lang ako nang makita ang pagkalito sa mukha niya.
"Try mo kaya wala namang mawawala." suhestiyon ko.
Binasa niya ang ibabang labi at parang may iba siyang iniisip. Ni hindi nga aiya kumurap habang nakatitig lang sa akin. Bumalik na lang ako sa upuan ko.
"I remember someone saying that to me," mahinang anas niya.
"Ah, baka may kakilala ka sigurong taga probinsya na naikwento sa'yo 'yan. Halos lahat kasi ng mga ganyang weird para sa mayaman ay sa probinsya lang nangyayari." sabi ko at nagkibit-balikat.
Halos magtatanghalian na pero wala pa rin ang mga kaibigan ko. Mas lumakas din ang ulan na may kasama pang kulog at kidlat kaya pumasok na kami sa loob.
Balak ko sanang itext sina Heather kaso wala namang signal. Nahanap ng mata ko si Joziah Kyro na nakahiga sa sofa at nakapikit ang mga mata. Tulog kaya siya? Gusto ko siyang iwan dito kanina para pumasok sana sa kwarto ko kaso nakakahiya namang iwan siyang mag-isa.
"Joziah Kyro?" tawag ko.
"Hmm?"
"Nay signal ba 'yong cellphone mo?" tanong ko.
Gano'n pa rin ang pwesto niya nang kunin niya ang cellphone niya sa bulsa niya at ilahad sa akin. Napalunok ako. Hindi niya ba ako tatanungin kung anong gagawin ko sa cellphone niya?
Kinuha ko naman 'yon. Kaso nagtama ang mga balat namin at para akong nakuryete kaya muntik ko nang mahulog ang iPhone niya. Sobrang bilis tuloy ng kabog ng dibdib ko. Jusko, makakasira pa yata ako ng cellphone. At talagang iPhone pa!
"Text ko lang bsina Heather," sabi ko kahit alam kong wala naman siyang pakialam sa paliwanag ko.
Napasimangot naman ako nang makita na wala din signal sa kanya. Ano ba 'yan! Naturingang iPhone wala ding kwenta.
"Salamat kaso wala din palang signal phone mo," sabi ko.
Ibibigay ko sana ang cellphone niya kaso narinig ko ang malalim niyang  paghinga at nalaglaglag ang kamay niya na nasa noo niya. Napaawang ang labi ko. Tulog siya nang gano'n kabilis?
Napabuntong-hinga ako. Nilapag ko na lang ang cellphone niya sa lamesa at tumayo ako para lumapit sa kanya. Pinatong ko ang kamay niya sa dibdib niya at ibayos ang unan. Iba talaga kapag may favouritism. Pati sa pagtulog ang gwapo pa din. Bahagyang nakaawang ang labi niya kaya napakagay ako ng labi.
Dumiretso na lang ako sa kusina nang nakaramdam ako ng matinding gutom. Ayoko din naman magtagal doon kakatitig sa kanya, mamaya ay mahuli niya ako.
Binuksan ko ang cupboard para kumuha ng lulutuin kaso wala akong ibang nakita kundi harina lang. Tumingin pa ako sa iba pero wala na. May nakita naman ako mantika at apat na itlog kaso walang bigas na isasaing. Kaya sa huli nagluto na lang ako ng pancake.
Bago ko haluin ang harina at itlog na pinagsama ko ay namili muna ako ng kanta sa cellphone ko. Tinali ko basta ang buhok ko at nang patugtugin ko ang favorite song ko ay nagsimula na akong umindak habang hinahalo ang gagawin kong pancake.
"Magaling ka pa lang sumayaw why don't you join in dancing club?"
Halos matapon ko ang sandok sa gulat. Shet! Nakita niya ba akong kumekembot? Halos matampal ko ang noo ko. Nakalimutan kong may kasama ako at siya pa talaga ang nakakita sa akin. Nakakahiya! Marahas akong lumingon sa kanya at kunwaring matalim ang matang tinitignan siya.
"Huwag kang nang gugulat aatakihin ako puaso dahil sa'yo!" kunwaring galit kong sbai.
Natawa aiya."Okay, but really your good at dancing," tudyo ulit niya.
Namula ang aking pisngi. Hindi ko na tuloy alam kung saan ko ibabaling ang mata ko. Buti na lang ay simpleng kembot lang ang ginawa ko. Hindi talaga ako marunong sumayaw kahit pa ilang beses ko ng sinubukan. Nanakoy lanh ang buong katawan ko pagkatapos no'n.
"Tigilan mo nga ako! Gutom ako kaya huwag mo akong kausapin!" Pagsusungit ko.
"Did you registered in dance club?"
kunwaring inosenteng tanong niya.
"Isa!" banta ko.
Napansin ko ang pagngisi niya."Okay, okay, I'll stop."
Inirapan ko siya at tinalikuran.
Kumuha ako ng kawali at binuksan ang stove. Nang uminit na ay saka ko pa lang nilagyan ng mantika. Narinig ko naman ang mga yabag niya palapiy sa akin.
"Wala pa ba sila?" tanong niya.
Saglit akong sumulyap sa kanya nang sumandal siya sa sink.
"Wala," tugon ko
"Ano 'yang ginagaw mo?"
"Makakain," maikling sagot ko.
Tintikman ko ang pancake na ginawa ko kahit hindi pa luto para tignan ang lasa. Napasimangot naman ako nang hindi ko malasahan ng maayos. Humarap ako kay Joziah Kyro na nakakunot ang noo habang pinapanood ako.
Hindi ko pinansin ang pagtataka sa mukha niya bagkus ay kumuha akong kalahati sa kutsara para ipatikim sa kanya. Nakakainis 'tong sipon ko, damay pati panlasa ko.
"Tikman mo. Sabihin mo sa akin kung ayos lang 'yong lasa," sabi ko.
Isususbo ko na sana sa kanya kaso agad naman niyang inilagan kaya bahagyang nalagyan ang gilid ng pisngi niya.
Natawa ako."Walang lason 'to!"
"Kinakain ba talaga 'yan kahit hindi pa luto?" salubong ang kilay niya na tanong niya.
"Hindi pero kapag tinikman mo pwede naman." sambit ko.
Inabot ko ang tissue malapit sa akin at nag-angat ako ng tingin sa kanya na busy na ngayon sa pagtikimna nasa bowl. Napangiti tuloy ako.
"Akin na punasan natin 'yang pisngi mo. Para kang bata," Gusto kong matawa dahik paulit-paulit niya na itong tintikman.
"Kasalanan mo," paninisi niya kaya tinawanan ko lang siya.
"Hindi ba sasakit tiyan ko nito?" inosenteng tanong niya pero patuloy pa rin sa pagtikim.
Inismiran ko siya."Tikman lang ang sinabi ko hindi ko sinabing ubusin mo."
Binaba naman niya 'yong hawak niya na bowl at humarap sa akin. Tumingkayad ako para abutin ang pisngi niya kaso kusang bumaba ang mga paa ko nang siya ang yumukod sa akin. Hidni ko siya tiningnan sa mga mata habang pinapunusan ko ang pisngi niya.
Napasinghap ako nang may ipahid siya sa mukha ko. Doon ko lang nakita ang hawak niyang tissue.
"Para ka ding bata kung magluto," sabi niya.
Napanguso ako."Normal lang 'yon sa nagluluto."
Tawa lang ako nang tawa sa kanya tuwing pasubok siyang kumukha ng hindi pa luto na pancake. Habang nagluto ako ay nilalayo ko naman ang hawak kong bowl para hindi niya makuha.
"Tama na JK! Mamaya sumakit tiyan mo niyan!" natatawang sabi ko.
"Can we eat just like that?" nakangusong parang batang aniya.
Umiling ako."Hindi. Ano ka ba mamaya hindi ka sanay sa ganto tapos ang dami mo pang kinain."
"Okay," pagsuko niya.
"Ouch!"
Napangiwi ako nang may tumalsik na mantika sa kamay ko. Naakatingin kasi ako sa kanya kaya hindi ko nakita ang niluluto ko.
Bahagya akong napalayo nang tuloy tuloy ang pagtalsik ng pangalawang nilagay kong pancake. Sinuri ko ang kamay ko at nakita agad ang panimula nito.
"Are you okay?" tanong ni Joziah Kyro sa akin at lumapit para hawakan ang kamay ko.
"Oo, hindi naman gano'n napuruhan kaya ayos lang." pag-aasured ko.
Napaamang ang labi ko nang hipan niya ang kamay ko. Babawiin ko sana ang kamay ko nang mas higpitan niya pa ang paghawal dito. Hinayaan ko na lang siya pero habang ginagaw niya 'yon bumibilis ang tibok ng puso ko at parang hindi ko na maiwas ang tingin sakanya.
"Masakit pa ba?"
Saka lang ako natauhan sa tanong niya. Kumurap kurap ako at wala sa sariling umiling.
"Nawala lang kami ng ilang oras dito may landiian ngg nagaganap."
Agad akong lumayo Kay Joziah Kyro at lumingon sa mga kadarating lang na mga kaibigan ko. Kasama nila ang mga lalaki. Napangisi sila at alam ko na kung ani na naman ang iniisip nila.
Napailing na lang."Masyado kayong maissue." sabi ko.
"Deny pa ayaw pa kasing aminin," dinig kong bulong ni Harper Kaya napairap ako.
Nilapag naman ni Luke at Jade Asthon ang mga hawak nilang nakapaper bag. Nang tignan ko ang laman non ay mga lutong pagkain na kaya nagsimula na laming kumain.
Nag-usap usap lang kami sa sala pagkatapos non. Nakikisali na din si Joziah Kyro sa mga usapan. Nagbibiruan pa nga kami kaya sobrang saya ng araw ko.
"Tulog na ako," paalam ko kay Joziah Kyro. Nasa labas pa kasi kaming dalawa lang. Nasa loob na ang iba at tulog na din dahil masyado ng gabi.
Gaya ko ay tumayo din siya at pinagpag ang sarili. Nang makapasok sa loob ay humarap ulit ako sa kanya.
"Pasok na ako ha? Gabi na din kasi kaya inaantok na din ako," nakangiting sabi ko.
Ngumiti din siya at tumango.
Bago ako pumasok sa kwarto ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko kaya nilingon ko siya.
"Good night Leigh," aniya.
Nang masabi niya 'yoj ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto at humiga sa kama. Gusto kong magtatalon sa kilig. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sumigaw dahil baka magising ang mga kasama ko. Hayst, ang gandang naman ng araw ko.
Paikot-ikot lang ako sa higaan ko. Hindi ako makatulog. Halos kalahating oras na din magmula kaninang nagpaalam ako kay Joziah Kyro.
Umupo ako sa higaan ko at sinuklay ang buhok sa kamay. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya tumayo ako para kumuha ng tubig.
Pagbukas ko ng pinto ay narinig ko agad ang boses ni Farrah. Kumunot Naman ang noo ko nang makitang si Joziah Kyro ang kausap niya. Kaya ang ginawa ko ay hindi ako lumabas mula sa likod ng pinto.
"Do you like, Leigh?" iyon ang narinig kong tanong ni Farrah kay Joziah Kyro.
Napalunok naman ako. Bakit ganyan 'yong tanong niya? At bakit sila nag-uusap sa kalagitnaan ng gabi? Anong connection nila sa isa't isa?
Tahimik lang akong nakikinig dito. Pero parang gusto kong umastras at bumalik na lang sa higaan para hindi marinig ang sagot ni Joziah Kyro.
Hindi agad nakasagot si Joziah Kyro pero parang dinurog ang puso ko nang marinig ang sagot niya.
"N-no."

Komento sa Aklat (146)

  • avatar
    Geiancris Canonigo

    I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰

    31/05/2022

      0
  • avatar
    darmariel

    ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!

    25/04/2022

      0
  • avatar
    이지이

    Great story

    05/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata