Homepage/I'm In Love With A Playboy/
Chapter 11
"Go kuya Joziah!"
Kanina pa kami naglalaro rito sa arcade games. Hindi ko nga alam kung anong oras na. Basta natagpuam ko na lang ang sarili na kasama si Joziah Kyro at Crisanta na nasa loob ng arcade games.
Wala akong balak sumama sa kanila kahit pa niyaya ako ni Crisanta dahil maliban sa hindi naman kami totally close ni Joziah Kyro kailangan ko ding gawin 'yong project ko kaso nang kausapin ako ni Joziah Kyro habang wala 'yong bata, nalaman kong mailap si Crisanta sa mga tao at bibihira lang siya makipag-usap kaya nakakagulat dahil nilapitan niya ako ng walang pag-aalinlangan kahit pa ni-stalk lang ako ni Joziah Kyro.
Sus, 'yong lalaking 'yon todo deny pa huli na nga sa akto.
Napangiti ako nang makita ko kung gaano kasaya si Crisanta habang ang kuya Joziah Kyro niya ay nagshoshoot ng bola sa ring. May mga lalaking lumapit sa amin at inaya nung leader yata nila si Joziah Kyro roon sa basketball at hindi naman tumanggi itong lalaking 'to kaya heto ngayon taga cheer kami.
"Ate cheer mo din si kuya para mas gumaling siya!" pangungumbinsi sa akin ni Crisanta.
Tumango ako kahit hindi ko alam ang gagawin ko. Huminga ako nang malalim at bumuwelo para makatalon gaya ni Crisanta. Bahala na, hindi naman ako kilala ng mga taong nandito ngayon kaya bawas sa kahihiyan 'tong gagawin ko.
"Go! JK! Go! Jk! Go, go, Jk! Hooo!" sigaw ko habang tinaas baba 'yong hawak kong ticket na napalanuhan namin kanina sa ibang games rito sa arcades.
Ilang beses pa akong nagcheer hanggay sa napagpasyahan Kong tumigil muna. Nakakahingal pala ang ganitong gawain.
Nakangiti kong nilingon si Crisanta nang huminto siya sa pagtalon at pagsigaw.
"Tama ba ginagawa ko?" bulalas ko dahil nakatitig lang siya sa akin.
Mali ba ang ginawa ko? Siguro masyado akong o.a. Napanguso ako at nakaramdam nang kaunting hiya.
"No! ate Everleigh! You're doing good kaya. Ulitin mo 'yong ginawa mo para ganahan si kuya!" masayang untag ni Crisanta."
"Hala! Huwag na baka matalo lang siya." natatawang umiling ako.
"You're good at cheering kaya ate. Dali konting oras na lang ang natitira."
"Nakakahiya na ang daming tao o," sabi ko at bahagyang nag-angat nang ulo para tingnan ang mga taong nagsimula na naman panoorin kami.
Panigurado akong hindi ako ang target nila kundi 'yong magpinsan. Ikaw ba naman palibutan ng maganda at gwapo. Nagmukha tuloy akong kang kong rito.
"C'mon babe, I want to hear your cheer for me again. You look good when you shouting my name." bigla namang sabi ni Joziah Kyro na nasa harap ko na pala.
Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Napalunok ako at agad akong naging balisa
"Ah, sige.. basta bumalik ka na roon. Hinihintay ka na nila." pagtataboy ko sa kanya.
Grabeng bilis ang kabog nang dibdib ko ngayon. Ang gusto ko lang ay umalis na si Joziah Kyro sa harap ko dahil para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis. Kahit pa hindi ako sigurado kung gagawin ko pa ba ang pinapagawa niya lalo't pa pinapalibutan na kami ng mga tao.
Ngumuso siya."Promise, babe?"
Bakit ba babe ang tawag mo sa akin? Gusto ko sanang sabihin'yon pero hindi ko magawa dahil alam kong may dahilan siya kaya niya ako tinatawag na babe.
Please lang umalis ka na Joziah Kyro, 'yong puso ko, abnormal na yata.
"Promise."
Napangiti siya sagot ko at pagkatapos non ay bumalik na siya sa pwesto niya sa basketball. Huminga ako nang malalim at nagsimula ulit pumuwesto. Bahala na!
'Yong mga tao sa paligid naman halos lahat ay chinicheer si Joziah Kyro, symepre hindi ako nagpatalo. Ako yata ang pinakamalakas roonn. Nawala siguro 'yong hiya dahil hindi lang naman ako ang halos sumayaw, may mga bakla ding nakisali sa amin at grabe 'yong hataw nila kaya tawa kami nang tawa ni Crisanta.
Kaya nang matapos 'yon pinapalit namin lahat ng ticket na nakuha namin kaya ang nakuha namin ay isang maliit na teddy bear lang. Para lang 'yon kay Crisanta pero hindi ko alam kung paano nagawan ng paraan ni Joziah Kyro na maging dalawa 'yon kaya tig-isa kami. Hindi ko akalain na ganito pala kasaya ang maglaro sa arcade games.
Pagkatapos namin sa arcade games ay napagpasyahan naming kumain sa isang restaurant. Kaso shet! Ang mahal nung mga nasa menu. Hindi keri ng pera na dala ko kahit nga baon ko ng isang linggo ay kulang pa rin.
"Ang mahal naman nito," bulong ko.
'Yong mga napuntahan namin ng mga kaibigan kong restaurant ay napakamahal na, paano pa kaya ito? Tapos 'yong napapanood ko sa tv ang konti ng laman, parang ketchup at kaunting gulay lang for 5000 pesos!
"Nakaorder ka na, Ate Leigh?" tanong ni Crisanta.
Binaba ko ang menu at nginitian siya.
"'Yong sa'yo na lang din." sabi ko dahil maliban sa namamahalan ako hindi ko din alam kung paano basahin ang nasa menu.
Nang umalis ang waiter ay wala kaming ginawa kundi ang mag-antay. Matapos siguro ang thirty minutes ay dumating din sa wakas ang pagkain. Akala ko sa gutom ako mamamatay.
Kumain lang kami nang tahimik hanggang sa natapos kami ay kaming dalawa lang ni Crisanta ang nag-uusap.
"I had fun po Ate, ang ganda niyo kasama. Sana maulit po," masayang ani Crisanta.
"Oo, ba basta kapag hindi hectic 'yong schedule ko sa school." sabi ko.
Pababa na kami ngayon sa parking lot pero tahimik pa rin 'tong katabi ko magmula kaninang kumain kami. Ano kayang iniisip niya? Mukhang ang lalim.
"Hoy, ang tahimik mo dyan." bulong ko.
Tumingin siya sa akin kaso wala pa yatang tatlong segundo nang mag-iwas siya ng tingin. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siyang tumunganga sa kawalan.
Siguro iniisip nito 'yong mga perang ginatos niya kanina? Baka iyon nga. Ikaw ba naman magbayad nang mahigit fifteen thousand, isang kainan lang 'yon. Hay, may ipon pa naman ako, bale hati na lang kami siguro sa bayad para hindi siya lutang na ganyan.
Alam ko naman na kahit tanungin ko siya ay hindi niya sasabihin ang totoo dahil alam kong nahihiya siya. Kaya nung mahatid ni Joziah Kyro si Crisanta sa bahay nila at nang makarating kami sa harap ng dorm ko ay pinaghintay ko muna siya sa baba para kunin ang pera ko.
"O, three thousand lang 'yan sa susunod na lang 'yong iba wala na akong pera e," nahihiyang inabot ko kanya ang pera.
Tumingin ako sakanya nang hindi pa rin niya ito kinukuha. Salubong na naman ang kilay niya, umalis siya sa pagkakasandal sa kotse niya at nilabas ang mga kamay mula sa jacket kaya akala ko kukunin niya na ang perang hawak ko pero tiningnan lang niya 'yon.
"What was that for?"
"'Di ba hindi ako nagbayad sa kinain natin kanina? Kahit doon sa laro natin, wala akong binigay na pera? Ayan hati tayo sa bayad," sabi ko.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at umuling-iling siya saka binasa 'yong ibabang labi niya.
"I'm not going to accept that, and anyway, it's my treat. Ako ang nagyaya sa'yo at kahit ikaw pa ang nagyaya sa akin ako pa rin ang magbabayad."
Ay, yayamain talaga 'tong si Joziah Kyro.
"Weh? Bakit ang lalim ng iniisip mo kanina? Bigla kang tumahik noong kakain na tayo e. Bakit doon kasi tayo kakain ang mahal mahal."
Medyo natawa siya sa sinabi ko. Pinigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ko dahil sa pagtawa niya.
"Do you think 'yon ang iniisip ko?"
Tumango ako."Wala naman akong ibang maisip kundi dahil do'n. Gano'n kasi 'yong mga kaibigan ko dati sa high school. Tatahimik na lang basta 'yong manglilibre sa amin kapag marami na siyang nagastos."
Nang ngumiti siya kahit ang liit lang non parang may humaplos sa puso ko.
"Basta kamasa mo ako wala kang babayaran. Youre just confusing me, that's all." paos niyang sabi.
"Ha? Anong confusing ka diyan. Linawin mo nga 'di ko maintindihan." naguguluhang sabi ko
Nag-iwas na naman aiya ng tingin at tumikhim.
"Nothing. Let's just forget about it."
Napakamot ako ng pisngi ko at ngumusi.
"Ang gulo mo. Siguro kung babae ka iisipin kong may dalawa ka." pagbibiro ko.
"Pumasok ka na sa loob." utos niya.
Umiling ako."Hintayin muna kitang lumabas bago ako papasok."
Ngumisi siya."It's already night Leigh. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka papasok."
Ngumuso ako at tumango na lang. Mukhang wala talaga siyang balak umalis kapag hindi pa ako pumapasok.
"Sige, ingat ka." nakangiting sabi ko
Pagpasok ko pa lang sa dorm ko agad akong pumunta sa bintana para silipin kung umalis na siya at nagulat na lang ako nang makitang nakatingala siya at nahuli kong nakatingin siya sa binatana ko. Agad naman ko naman sinarado ang binatana kaya para tuloy akong magnanakaw na nahuli sa akto. Sinandal ko ang sarili sa pader at napahawak sa dibdib.
Siguro mga nasa limang minuto akong nakatunganga sa kawalan bago napagpasyahang magligo at kumain. Pagkatapos noon ay pumunta ako sa study table ko para gawin ang project ko. Pero bago 'yon syempre warp up ko muna ang magscroll sa social media ko kung ano ang hanap bago gawin ang dapat gawin.
Panay heart lang ako sa Instagram lahat ng picture na nakikita ko. Karamihan naman kasi sa finallow ko ay boy band, mga actor at actress sa korea na puro mga napapanood ko sa k-drama.
Napahinto ako sa pag-scroll ng feed nang makita ko ang post ni Heather. Kakapost lang niya pero may mga nagcomment at liked na agad sa post niya. Marami kasing followers si Heather kaya ganoon. Agad ko naman ni liked iyon at nagcomment.
leigh_perez: naks, kailan kasal? haha
Picture kasi iyon ni Heather kasama ang mama ni Luke kaya ang dami agad ang nag-react lalo't pa at tinag niya si Luke. At ang caption doon ay 'meet my soon to be mother in law'
Agad naman akong nireplayan ni Heather.
heatheranderson: Hoy @leigh_perez saan ka galing? Naka-uwi ka na ba? Punta ako sa dorm mo
Natawa ako sa reply niya pero agad din naman akong nagcomment.
leigh_perez: @heatheranderson diyan lang po sa tabi. Huwag ka na pumunta dito, busy ako
Pagkatapos kong i-comment 'yon ay binaba ko ang cellphone ko sa table at kinuha 'yong bag ko para kunin ang papel at ballpen ko at nagsimula nang magsulat.
Wala pa yata sa kalahati 'yong sinusulat ko nang sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko kaya wala kinuha ko Ito para tingnan. Gayon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang sabog kong notification sa instagram dahil kay Joziah Kyro.
joziahkyro liked your comment
joziahkyro liked your comment
joziahkyro liked your post
joziahkyro liked your post
joziahkyro liked your post
joziahkyro started following you
Napatanga ako sa ginawa ni Joziah Kyro. Kaya agad akong nagpunta sa message para tanungin kung ano ang pinaggagawa niya. Ayoko naman mag-assume kaya mas minabuti kong tanungin siya bago mag-overthink.
me: bored ka ano?
Napakagat ako nang labi ko dahil agad niyang maseen ang chat ko.
joziahkyro: typing...
Kaso tatlong minuto na ang lumipas typing pa rin siya.
me: Huy, ang haba naman yata ng sasabihin mo haha
joziahkyro: sent a photo
Pinindot ko agad 'yong sinend niya at ang ranging nakita ko lang ay screenshot ng account niya. Kumunot ang noo ko. Sabi na e parang may mali. Tatlong minuto tapos 'yan lang isesend niya?
me: ano gagawin ko diyan?
Halos maibabato ko 'yong cellphone ko nang tumawag at talagang video call pa. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.
Leigh, huwag kang o.a tawag lang 'yan, baka may itatanong. Hindi 'yan late night talk, okay?
Inayos ko muna ng kaunti ang buhok ko bago sinagot ang video call.
"H-hi," shet bakit ba ako nautal sa simpleng hi?
Hindi ko kita ang mukha niya dahil madilim sa pwesto niya. Pero narinig ko ang paggalaw niya. Napalunok ako at gustong i-off ang camera dahil sa hiya. Medyo magulo pala 'yong buhok ko dahil 'yong lapis ang pinantali ko tapos ang putla pa ng labi ko.
"Wait a minute," sabi niya sa namamaos na boses.
Parang napatid ang hininga ko nang marinig ang boses niya. Shuta, bakit gano'n 'yong boses niya, ang gwapo!
"There.." Tapos ay bigla na lang lumiwanag sa pwesto niya at nakita kong binuksan niya pala 'yong lamp sa tabi niya.
Napaawang ang labi ko ng makitang nakahiga siya. Tapos 'yong buhok niya ay magulo.
"Hey, you still there?"
"I do father!"
Hala! Ano ba 'yong sinabi ko?! Nakakahiya!
"What?" nakaawang ang labing tanong niya.
Ilang beses akong umiling.
"Sabi ko send mo 'yong pictures namin ni Crisanta. 'Yon lang, Bye!" sabi ko tapos agad na in-end 'yong call.
Grabe 'yong kabog ng puso ko. Napahinga ako nang malalim at hinilot ang sintido. Ano bang nangyayari sa akin? Bumaba ang mata ko sa cellphone ko nang umilaw ito.
joziahkyro: sent a photo
Sunod-sunod ang pag-send niya Ng photo na hinart ko naman.
Nalowbat kasi 'yong cellphone ko nung nasa arcade kami kaya 'yong cellphone niya ang ginamit namin.
me: thank u
joziahkyro: You're going to sleep?
Bakit ang bilis nitong magreply?
me: hindi pa gumagawa kasi ako ng project ko
joziahkyro: Okay then, I'm not going to disturb you but before that, follow me back. Good night, Leigh.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (146)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰
31/05/2022
0ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!
25/04/2022
0Great story
05/08/2025
0Tingnan Lahat