Homepage/I'm In Love With A Playboy/
Chapter 10
"Balak niyo ba akong iset-up kay Joziah Kyro?" may pagdududang tanong ko kay Heather.
"Hindi ah. Praning ka masyado Leigh, alam naman namin na ayaw mong ituloy 'yong plano natin. Isa pa, malay mo lang magbago si Joziah Kyro kahit friends kayo 'di ba?" tanggi agad naman ni Heather.
Hindi pa rin ako naniniwala sa sagot niya kahit ilang beses na nilang itinanggi. Simula kahapon napansin ko na ilang beses nila akong sinubukan na iwan kay Joziah Kyro. Kunwaring magpapasama ang isa sa kanila na pupunta sa kaibigan ni Joziah Kyro pero sa huli iiwan din ako mag-isa kay Joziah Kyro, kaya hindi ako naniniwala na wala silang binabalak.
"Nasaan pala sina Danica?" tanong ko na lang.
"May date raw sila ni Finn," sagot niya sa akin habang naglalagay ng liptint sa labi niya.
"May pupuntahan ka?" tanong ko kahit obvious naman sa suot niya.
Tumango siya at ngumiti. Pagkatapos ay tumayo at tiningnan ang sarili sa salamin.
"Papakilala ako ni Luke sa future mother in law ko." masayang balita niya.
Nanlaki 'yong mga mata ko. Kaya pala parang aligaga siya kanina halos hindi siya makapili ng damit na susuotin niya, kaya tinawag niya ako para tulungan siyang pumili ng damit. Nagtaka pa nga ako nung una dahil hindi naman kasi siya 'yong tipong magpapatulong na pumili ng susuotin na damit kasi siya ang maganda ang taste pagdating sa pananamit.
"Good luck!" sabi ko at nagthumbs up pa bago lumabas sa dorm niya. Alam ko naman kasing paalis na din siya.
Pumasok ako sa dorm ko at agad na kinuha ang twalya sa likod ng pintuan ng at nagpunta sa cr. Wala akong choice kundi pumunta mag-isa sa mall para bumili ng project ko sa isang major subject. Papasama sana ako kay Heather kaso pati siya ay may pupuntahan. Sakto kasing sabado ngayon tapos may sari-sariling lakad ang mga kaibigan ko.
Matapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng simple dress at pinares ko sa flat shoes. Naglagay din ako ng liptint sa labi ko para hindi naman maputla tignan pagkatapos ay kinuha ko na 'yon ng sling bag ko at lumabas.
Habang nasa loob ako ng elevator nilabas ko ang cellphone ko tapos ay nagchat sa gc.
me: ayoko pa maging ninang kaya please lang gamit din ng protection pag may time :-)
Nang makalabas ako ng elevator agad akong pumara ng jeep. Pagkarating ko sa mall ay marami ang tao kahit sa labas pa lang. Pumasok na ako roon at nagsimula ng hanapin ang mga kailangan kong bilihin. Pagkatapos ay umalis na din ako kaso may nakita akong pamilyar na lalaki malapit sa arcade, may kasama itong batang babae.
"Everleigh?"
Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nagulat ako nang makita ko 'yong kaklase ko noong high school.
"Ikaw pala Rose," sabi ko at saka ngumiti sa kanya.
"Kamusta?" pangangamusta niya.
Ngumiti ako."Ah, okay lang naman. Ikaw?"
"Ayos lang din. Balita ko nakapasok ko sa isang sikat at mamahaling university?" tanong niya.
"Oo," tipid kong sagot."Ano pala ginagawa mo dito?"
"Namamasyal lang, dito na kasi kami nakatira sa manila. Lumipat kami noong isang taon kaya dito na ako nag-aaral." pagkwento niya.
Napatango na lang ako. Medyo naiilang kasi ako sa kanya dahil noong huling pagkikita namin ay hindi maganda ang naging usapan namin. Pero sa itsura niya ngayon mukhang ayos naman na siya sa akin at hindi na masama ang loob kaua nakahinga ako nang maluwag.
"Oo nga pala, labas naman tayo minsan," pag-aya niya.
Wala naman akong masyadong ginagawa at saka gusto ko din kunin ang pagkakataon na 'to para makausap siya.
"Sige, chat mo na lang ako kung kailan." tugon ko.
Nakangiting tumango si Rose."'Yong Leigh Perez ba gamit mong account sa facebook?"
Bahagyang napangiwi ako nang maalalang ang dami ko pa lang account sa facebook kaya siguro kinalangan niya pang siguraduhin kung ayon nga. Tapos naka friends to friends lang kasi 'yong mga post ko kaya wala talagang makikita masyado roon.
"Ah, oo e. Nakalimutan ko na kasi 'yong password ng ibang account ko kaya hindi ko ginagamit." paliwanag ko.
Natawa siya."Okay, sige chat na lang kita. Matutuwa si Clyde nito."
Napaawang ang bibig ko nang marinig ang panaglan ng lalaking gusto kong makausap bago ako umalis sa probinsya namin. Bigang nanlamig 'yong mga kamay ko at nakagat ko na lang ang labi dahil sa guilty na nararamdam.
May sasabihin pa lang sana ako kay Rose kaso may humila sa laylayan ng palda ko kaya yumuko ako para tignan kung sino 'yon.
"Mommy, can I play, please? Daddy won't let me play, he's so kill joy." nakangusong sabi nung cute na bata.
Napatitig sa batang babae. Mga around 4 siguro siya.
"Sige-" Agad akong natigilan at napasinghap.
Lumaki 'yong mga mata ko nang maintindihan ang sinabi niya. Mommy? Anong nakain ng batang 'to at tinawag akong mommy?! At saka napakaganda nito para maging anak ko. I mean, hindi sa wala akong tiwala sa genes ko at sa future husband ko kaso mukha siyang manika.
Narinig ko ang pagsinghap ni Rose kaya napatingin ako sa kanya. Nataranta naman ako at alanganing ngumiti sa aknya.
"Hindi ko siya anak. Hindi ko nga kilala kung sino siya at saka nbsb ako." agad kong paliwanag para maliwanagan siya sa kung ano mang balak niyang isipin.
Parang hindi naniniwala sa akin si Rose pero ngumiti pa rin siya. Lalo tuloy akong naloka. Ano ba 'yan, pumunta lang ako ng mall para bumili ng project ko pero hindi ko nainform na may anak na pala ako.
"Mommy let's go to daddy's he's waiting to us na."
Napabuntong-hinga ako at kahit naguguluhan ay kinuha ko ang kamay ng bata sa damit ko at umupo para pantayan siya.
"Baby.." Hindi ko alam kung nakakaintindi siya ng tagalog o kailangan ko pa siyang englishin para maintindihan niya. Bigla ko tuloy naalala si ano..
"Please?" ngumuso ulit siya. Napangiti tuloy ako sa ginawa niya at pigil ang sariling hindi pisilin ang mala shopao niyang pisngi.
"Ah, baby, hindi ako 'yong Mommy mo okay? Naliligaw ka ba?" malambing kong sabi.
"Crisanta? Where are you?" narinig ko ang pamilyar na boses K
Kaya nag-angat ako ng tingin at nakita si Joziah Kyro na frustrated na nakawak sa abuhok niya.
Binitawan ako nung bata tapos ay bigla na lang tumakbo patungo kay Joziah Kyro kaya napatanga ako lalo pa nung narinig ko kung ano ang tawag niya kay Joziah Kyro.
"Daddy! Mommy is here!"
Dahil doon tumingin si Joziah Kyro sa pwesto namin at nang makalapit 'yong bata sa kanya ay agad na kinuha 'yong kamay at hinala palapiy sa amin. Napalunok ako at biglang pinag-pawisan. Ito ba 'yong batang kasama niya kanina?
Nang makalapit sa amin ay salubong ang kilay ni Joziah Kyro na nakatutok ang mata sa akin. Nakasuot siya ng sombrero at naka leather jacket.
"Leigh what are you doing here?" tanong ni Joziah Kyro.
"Yay! Sabi na e siya si mommy Leigh!" natutuawang sabi nung bata na kasama ni Joziah Kyro.
Tumingin si Joziah Kyro sa bata at pinaningkitan ng mata."Stop it, Crisanta. You're creeping her out."
"May anak ka na pala Leigh." untag ni Rose sa likod ko.
Agad naman akong humarap sa kanya. Ano ba 'yan, pumunta lang naman ako ng mall pero hindi ko akalain na mai-stress ako.
"Wala pa akong anak! NBSB nga ako e." sabi ko at umuling-iling pa.
"But mommy, I am your daughter! Am I ampon ba?" nagdradramang ani Crisanta.
Napahawak namansa sintido si Joziah Kyro dahil siguro sa mga sinasabi nung bata. Kahit naman ako ay sumasakit ang ulo dahil aa mga pinagsasabi nung cute pero ma-issyung bata. Hindi ko alam kung bakit anong purpose noon. Pero jusko, sa harap pa talaga ni Rose?
"Rose, wala talaga akong anak, baka kamukha ko lang 'yong mommy niya kaya nasasabi kita 'yon." Hindi talaga ako susukong magpaliwanag hanggat nakikita ko sa mukha niya ang pagdududa.
Tumango na lang si Rose saka ngumiti.
"Boyfriend mo?" tukoy ni Rose sa likod ko.
Marahas naman akong umiling."Hindi ah!"
"Sige Leigh, alis na ako ha? Chat na lang kita, tsaka na tayo mag-usap, may pupuntahan pa kasi ako." nahihiyang paalam niya.
Pagnatapos noon ay umalis na siya at ang tanging nagawa ko na lang ay tumunganga. Naniniwala kaya siyang may anak na talaga ako? Kailangan ko talaga siyang maka-usap para ipaliwanag sa kanyang wala akong anak.
Boyfriend nga wala ako e, anak pa kaya?
Huminga ako nang malalim at
humarap sa dalawa saka pinamaywangan si Joziah Kyro.
"Ano bang tinuturo mo sa bata Joziah Kyro?" sabi ko habang nakataas ang kilay ko.
Kumunot ang noo niya saka namulsa siya.
"Wala akong tinuturo sa bata. She's just like that doing acting." sabi niya saka binasa ang ibabang labi.
Mas lalong tumaas ang kilay ko."Ah, ganoon ba? Kaya ba badlata na lang siyang lalapit sa hindi niya kakilala at sasabihan ako ng mommy?" sarkastikong sabi ko.
"Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang ideyang 'yon pero I'm sure na hindi ko tinuro sa kanya 'yon, okay?" parang nauubusan ng pasenyang sabi niya.
Humalukipkip ako."Ah, parang kasalanan ko pa na tinawag niya akong mommy, samantalang ako itong naloka dahil kung ano iniisip Ng kaibigan ko."
"Can you please forget about this, she's just a kid."
"Haynaku, Joziah Kyro, huwag mo akong daanin sa ganyan ha, hindi ko sinisisi 'yong bata.." naistress na sabi ko.
"Is it my fault, then?"
"Oo, sino ba mas matanda sa inyo?" singal ko.
"Ate Leigh and kuya Joziah, don't fight na okay? Look, pinagtitinginan na kayo ng mga people and they're thinking na maghusband and wife kayo." biglang sabi ni Crisanta.
Natigilan ako at nilinbot ang tingin sa papilgid ko. Saka lang ako sinaniban Ng Hiya nang makita kung gaano karami ang taong nanonood sa amin.
"Don't worry po, my mommy and daddy are good po." Sabi ulit ni Crisanta Sa mga Tao.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi ko magawang suwayin 'yong bata dahil masyado akong nacu-cute-an sa kanya para pagsabihan siya. Lalo pa nung tingnan niya ako gamit 'yong nangungusap niyaang mga mata.
"Ate Leigh please don't away kuya Joziah. He's not his fault naman po e."
Kaninong anak 'to? Napakagaling manghipnotismo. At saka kilala na niya ako? Sabi na e may kinalaman dito si Joziah Kyro, kaya nang tingnan ko ko siya ay pinanlakihan ko siya ng mata pero inirapan lang niya ako.
Aba, siya may ganang mag ganyan, samantalang siya na nga ang may kasalanan.
"Tara na po," Hinila ni Crisanta ang kamay ko at kamay ni Joziah Kyro palayo sa mga tao.
Nang masigurong wala ng tao ang nanonood sa amin ay huminto na ako kaya pati 'yong dalawa ay napahinto sa paglalakad.
"Teka nga, kilala ba ako ng batang 'to Joziah Kyro?"
Nag-iwas siya ng tingin."I-I don't know."
Umirap ako."Weh? Ako na pinagloloko mo Joziah Kyro?"
"I really don't know. But I'm sure na hindi ka niya kilala dahil nakauwi lang niya galings state noong isang linggo. And besides kaibigan lang naman Kita kaya wala naman akong balak ipakilala Kita."
"Ay, wow, makakaibigan lang kita dyan kala ko hindi nagplease," pang-aasar ko.
Sinimanutan niya ako at hindi na lang umimik.
."Baby.. paano ko ako nakilala? Saka bakit mo ako tinawag na mommy kanina?" Sabi ko agad para makuha ko agad ang sagot.
"Eh kasi po I saw Kuya Joziah earlier searching your name in Facebook and I even so him typing something kaso hindi ko na nakita kasi nakita niya ako s alikod niya so I just search your name po and I thought girlfriend kanpo niya." mahabang Sabi niya.
"That's not true!" defensive agad na sabi ni Joziah Kyro kahit Hindi ko pa Siya tinatanong.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako.
"Sorry ate kanina Kasi tinawag kitang mommy bkasi ganoon talaga ako sa mga naging girlfriend ng kuya ko e."
Umawang ang labi ko."Kuya mo siya?"
Umiling bsi Crisanta."Hindi po pero pinsan ko siya."
Tumango na lang ako at parang tanga na ngumingiti.
"Stop smiling, that's not true.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (146)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰
31/05/2022
0ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!
25/04/2022
0Great story
05/08/2025
0Tingnan Lahat