Chapter 9

Bibili sana ako ng pagkain kaso hinila  ni Heather 'yong braso ko para paupuin ulit. Magtatanong sana ako kung may ipapabili pa siya kaso abala siyang nakatingin sa kung saan kaya tumingin din ako sa tinitignan nila.  Umayos naman agad sila ng upo at natatarantang nag-ayos ng mga sarili nang makita naming papunta sina Joziah Kyro at mga kaibigan niya sa pwesto namin.
As usual, nakasunod 'yong mga mata ng buong studyante dito sa cafeteria kanila Joziah Kyro. Dahil ako lang yata 'yong hindi nakatingin sa kanila ay pinagmasadan ko na din 'yong apat. Grabe, siguro kung ako 'yong titignan kapag dadaan lang ako, baka umandar na naman 'yong anxiety ko. Sino bang hindi! Pero sabagay, puro mga magandang komento 'yong nakukuha nila.
Para silang model. Alam mo 'yong F4, gano'n 'yong linya nila. Tapos si Dao ming sui si Joziah Kyro. Hehe. 'Yong linya lang nila, hindi 'yong ugali. Mabait naman 'tong mga kumag na 'to 'yon nga lang playboy.
Ang swabe ng bawat lakad nila. Pinagmasadan ko 'yong lakad ni Joziah Kyro, dahil siya 'yong nauunang maglakad. Hindi ko alam pero habang tumatagal parang nags-slow motion 'yong paligid ko tapos parang ang labo lahat pero si Joziah Kyro, lang 'yong malinaw sa paningin ko.
Nag-iwas ako nang tingin nang makalapit na sila.
"Hi, Finn!"
"Hello, Luke, Kamusta?"
Makakamusta parang hindi nagkita kahapon, ah? I mean, para hindi sinundan.
"Anong ginagawa niyo dito?" pormal na tanong ni Harper.
Napangiti ako nang hindi niya batiin si Jade Ashton. Hindi rin siya nakatingin dito at nang tingnan ko naman 'yong lalaki ay nakita kong nakatitig siya sa kaibigan ko.
Who ka you ngayon! Haha.
Tumingin silang lahat kay Joziah Kyro para bang nasa kanya ang sagot. Tiningnan ko din siya dahil sa akin naman siya nakatingin.
"Sabi ni Luke samahan raw namin siya na pumunta dito para kay Heather." Kumakamot sa ulong sabi nito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilang ngumiti. Maliban pala sa gwapo at hot kaya rin pala niyang maging cute? Haha. Namumula 'yong tainga at mukha niya kaya nagyuko siya ng ulo para siguro hindi namin makita.
At kailan pa siya naging ganyan?
"Iba 'yong usapan natin kanina. Bakit ako? Pwede naman si Finn o Jade." reklamo ni Luke.
Ang walang hiyang si Heather muntik pang maibuga 'yong iniinom niyang tubig buti na lang ay naagapan agad niya.
"Talaga?" Nangnining 'yong mga mata niya tapos 'yong ilang hibla ng buhok niya ay nilagay niya sa likod ng tainga niya.
"Seryoso ba siya?" bulong ni Farrah.
"Okay lang ba sa inyo, Everleigh?" nakangiting tanong ni Finn.
Si Finn talaga 'yong pala kaibigan at mabait sa kanila kaso sa sobrang bait lalo na sa mga babae kaya lang nauuwi 'yon sa friends into fling. Kaya isa din siyang playboy!
Nagkibit ako ng balikat."Tanungin niyo mga kaibigan ko." Hindi ko pa natatapos ng tuluyang sinasabi ko nang umurong si Heather at Danica na para bang welcome nga sila na makiupo sa amin.
"Luke, dito ka tabi tayo." Tinapik ni Heather 'yong upuan na sinasabi niya.
"Sure," cool na ani Luke.
"Kung gusto mo ikaw na lang umupo dito 'tas kandong na lang ako sa'yo." sabi ni Heather bago humagikgik.
Halos mapasinghap kami sa sinabi ni Heather. Tumawa lang si Luke tapos si Finn at Jade ay napangisi lang, si Joziah Kyro naman ay walang imik. Parang ang lalim nga ng iniisip eh.
Si Luke naman siya 'yong cool type of person. Laging g sa lahat ng bagay kaya kapag inalok siya ng babae na gumawa ng kababalaghan g lang siya g. Iyon ang sabi ni Heather.
"Tabi ako sa'yo, Dan?" ani Finn kay Danica.
Hala, at kailan pa nagkaroon ng nickname si Danica?
Nagblush si Danica."Oo naman. Laki kaya ng space kaya saan ka pa?" aniya tsaka bahagyang umusog para bigyan ng space si Finn.
Nagtawanan kami sa sinabi ni Danica tsaka lang kami natahimik nang  pasimpleng umupo na sa tabi ko si Joziah Kyro. Umusog din ako ng kaunti dahil malaki masyado si Joziah Kyro; kalahati lang ng pwet niya ang makakaupo kapag hindi ako umurong.
Tumikhim ako at tumingin sa kanya.
"Anong ginagawa niyo dito?" bulong na tanong ko.
"We're best friends 'di ba?"
"Kaibigan pa lang, wala akong sinabing best friends. 'Di pa nga ako sure kung kaibigan na talaga kita." nakasimangot na sabi ko.
Nag-iwas siya ng tingin at bahagya pang humaba 'yong nguso niya. Gagi, ang cute niya talaga! Si Joziah Kyro ba talaga 'tong kaharap ko? Baka may kambal siya. Matanong nga sa susunod.
"Totoo ba 'yong sinabi ni Leigh, na gusto mo siyang maging kaibigan?" sabat naman ni Danica.
Tipid na tumango si Joziah Kyro.
"Sus! Akala namin nagbibiro lang siya para pagtakpan na kayo."
Sumimangot ako. Ayaw kasi nilang maniwala, e. Akala mo naman papatulan ko si Joziah Kyro. Tsaka paanong magiging kami kung sinampal ko siya noong isang linggo tapos ngayon lang kami nagkausap ng matino.
Maya-maya lang ay parang may sarili na silang mundo kung mag-usap. Si Farrah naman ay nakikisali sa usapan nila Danica. Samantalang 'tong Heather kung makaharap kay Luke kala mo may aagaw sa sa kausap niya.
Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Medyo na awkwardan ako sa sitwasyon namin ngayon. Tuwing naiisip ko na magkakasama lang kami sa isang table ay hindi ko maiwasang matawa. Dati naman na kasing kasakasama ng mga kaibigan ko sila Joziah Kyro, pero ako lang 'to hindi sumasama sa kanila tuwing yayain nila ako. Pero ngayon 'yong lalaking kinaiinisan ko at nanguha ng first kiss ko tapos gusto niya akong maging friends na ngayon ay katabi ko na.
"Baby Luke, pwede bang samahan mo 'ko sa canteen?" pagpapabebe ni Heather.
Nakangiting namang tumango si Luke. Tumayo silang dalawa at naglakad palayo sa amin. Napairap ako. As if naman canteen lang 'yong pupuntahan nila. Ang landi kaya ni Luke, tapos itong kaibigan ko ay ang rupok.
Sumunod na tumayo si Danica at Finn na parang alam nila kung saan sila pupunta dahil nakita ko 'yong titigan nila na parang doon sila nag-usap. Tapos walang saving umalis din. No hindi man lang nagsabi kung saan pupunta. Kaya ang ending, si Farrah, Harper at ako na lang. Tapos si Joziah Kyro at si Jade Ashton.
Lalo tuloy akong nakaramdam ng awkwardness nang makita ko si Harper na pilit tinitignan si Jade Ashton.
Tumikhim si Jade Ashton at umayos ng upo.
"Harper, let's talk." mababang boses na ani Jade Ashton.
Tumingin naman agad ako sa kaibigan ko para subaybayan ang sagot niya. Nakita kong ilang beses siyang napalunok at huminga ng malalim.
"Kung ayaw mo Farrah, okay lang." pigil ko agad sa kanya. Para kasi siyang sasagot ng 'sige' kahit pa alam kong napipilitan lang siya.
Tiningnan ako ni Harper at pilit na ngumiti.
"Hindi. Okay lang." sabi niya sa akin na para bang ayos lang talaga dahil kailangan din niya ng closure kaya hinayaan ko na lang.
Tumayo si Jade Ashton at hinawakan ang kamay ni Harper para patayuin at umalis.
Sisitahin ko sana si Jade Ashton sa ginawa niya pero tumahimik na lang ako. Naisip ko na kahit bawalan ko ang playboy na 'yon ay wala akong magagawa dahil si Harper nga walang reklamo e.
"Sundan ko lang sila. Baka ibang let's talk ang mangyari e."
Natawa ako sa sinabi ni Farrah at tumango. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi din malabong mangyari 'yon. Napailing-iling ako nang makitang sinundan nga talaga niya 'yong dalawa.
"Anong ibig niyang sabihin?"
Muntik na akong mapatalon at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Nilingon ko 'yong nagsalita at mapanganga ako dahil nandito pa pala si Joziah Kyro. Hindi ko na malayan na dalawa na lang pala kami ngayon.
"Ano ba kasing ginagawa niyo dito, Joziah Kyro?" imbes ay sabi ko.
"Anong ibig niyang sabihin?" balik ulit niyang tanong. Nakita ko kung gaano siya ka curios.
Namula ang pisngi ko sa tanong niya. Tumikhim ako."Hindi ko alam may pagkachismoso ka din pala."
Ngumuso siya."I just heard it." sabi niya at sa paraan ng pagkakasabi niya yparang sinasabing niya na 'paano 'ko hindi maririinig want lapit ko lang sa'yo?'
"Wala 'yon. Hindi naman mahalaga." kunwaring pagtataray ko.
"So why you two are laughing?"
Napakunot ang noo ko."'Di ba englishero ka? Bat 'di mo alam ibig sabihin ng let's talk?"
Hindi siya nakaimik at parang biglang may malalim na iniisip. Siguro sa ibang pagkakataon madali lang explain ang let's talk na tinutukoy namin kanina at kanina ko pa sana nasabi sa kanya ang ibig sa sabihin non para tumigil siya pero hindi gano'n kadali 'yon.
Hindi ko alam na may pagkakulit din pala siya.
Napatingin siya sa akin saka umayos ng upo at tumikhim.
"Then let's talk."
Namula agad ang pisngi ko sa narinig. Nang-aasar na siya? Alam ko naman na alam niya ang ibig sabihin ng let's talk maliban sa usap dahil gawain niya 'yon. Pero nung sulyapan ko 'yong mukha niya wala akong bakasan na kahit ano kundi ang insodenteng mukha lang niya.
"A-ano bang pag-uusapan natin?" nauutal na sabi ko.
Nagsalubong 'yong kilay niya nung titigan niya ang mukha ko. Bumaling tuloy sa ibang direksyon ang ulo ko para hindi niya makita ang kabuuan ng mukha ko.
"Bakit namumula ka?" Hindi ko alam kung may halong pang-aasar 'yong sinabi niya o curious lang talaga siya bakit ako namumula.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ng akong bulsa. Nakalimutan ko pa lang i-off ang data kaya ang ingay tuloy dahil sunod-sunod 'yong chat. Nang buksan ko ang cellphone ko ay puro tadtad ng chat sa gc namin at halos lahat ng 'yon ay nakamention ang name ako.
Binasa ko ang mga chat nila. Nangunguha sa chat ay si Heather.
Heather: @Everleigh Perez sama ka
Danica: bawal tumanggi, friends na kayo 'di ba ni Joziah? @Everliegh Perez
Napakunot agad ang noo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila kaya agad akong nagtipa.
me: hoy, anong pinagsasabi niyo?
Binulsa ko na ulit 'yong cellphone ko dahil nag-offline na silang apat. Ang weird lang dahil sabay sabay pa sila.
Napalingon ako kay Joziah Kyro na tahimik lang sa tabi ko.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya.
"Bakit nga pala kayo nandito? Tingnan mo 'yong mga kaibigan mo kung saan saan dinala mga kaibigan ko." sabi ko.
Napaawang ang labi ko sa tawa niya.
"Baka kaibigan mo ang nagdala sa mga kaibigan ko?" ani Joziah Kyro.
Napanguso ako."Ang landi kasi ng kaibigan mo."
Nagkibit lang siya ng balikat para sinasabi niya na hindi niya na kasalanan 'yon.
"Ano nga pala 'yong sinasabi ng kaibigan ko sasama raw ako?" biglang tanong ko nang maalala na binanggit 'yong pangalan niya sa chat. Alam kong may kinalaman siya roon.
"I'd like to invite you and your friends but you see they're up to in the party next week." pag-aamin niya saka ngumisi.
Naka-isip ako. Parang dati stranger lang kami tapos noong nakaraang linggo halos isumpa ko siya dahil galit ako sa kanya tapos ngayon parang kaibigan niya na talaga ako kung yayain niya ako.
Nagkunwari akong nag-isip.
"Baka may gagawin ako non." kunwaring pakipot ko.
Hindi naman din kasi ako sanay sa mga party pero may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga kaibigan ko kaso sa tabi lang ako. Hindi ako comfortable na uminom dahil mababa pa naman 'yong tolerance ko sa alcohol. Knowing na lahat ng kaibigan ko ay malalasing mas hindi ko ma-enjoy na uminom. Minsan pa nga ako 'yong nagiging look up sa mga kaibigan kong lasing.
"C'mon, wala kang gagawin sa araw na 'yon dahil holiday at weekends." pamimilit niya.
Tiningnan ko siya at pinaningkitan ng mata.
"Bakit ba gusto mo akong sumama? May balak ka, no? Gusto mo akong gantiha" suspetsa ko.
"Your friends are there do you think they let me harm you? Alam kong in love sila sa mga kaibigan ko pero hindi nila hahayaan na masaktan ka."
Napatanga ako sa narinig. Si Joziah Kyro ba talaga ang nasa harap ko? Tinikom ko ang nakaawang na bibig ko at umayos ng upo. Mabilis kong hinawakan ko ang noo niya muntik pa siyang lumayo dahil sa gulat.
"What?" takang tanong niya.
"Magaling ka naman na." sabi ko.
"What do you mean?
"Anong alam mo sa love?" pormal na tanong ko.
Nagkibit-balikat siya."You just don't know me at all. You depend in my injudicious tantum that you think of me I don't know what love is.
Ang lalim non, ah? Mukhang hindi ko nga pa talaga lubusang kilala si Joziah Kyro. Masyado siguro akong nadala sa mga pinaggagawa niya sa school kaya 'yon na ang tumatak sa isip ko na ugali niya. Naisip ko din na hindi naman siguro siya ganyan dahil gusto niya. May dalawang uri lang naman ng tao; 'yong isa brat dahil nasanay sa marangyang buhay at pinili niyang ganoon ang ugali niya. 'Yong pangalawa naman ay nagpapanggap maging masama kahit ayaw niya dahil may malalim na dahilan.
At tingin ko si Joziah Kyro 'yong pangalawa. Nauunawaan ko na siya kahit papaano.
Ramdam ko naman na seryoso siya sa sinasabi niya at hindi nagbibiro.
"Say please muna?" pagbibiro ko para wala ang mabigat na tenyon sa pagitan naming dalawa.
"Sama ka na para best friends na tayo."
Natawa ako."Hindi ka pa thankful sa alok kong friends muna?"
Pero natulala ako sa sinabi niya.
"Please?"

Komento sa Aklat (146)

  • avatar
    Geiancris Canonigo

    I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰

    31/05/2022

      0
  • avatar
    darmariel

    ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!

    25/04/2022

      0
  • avatar
    이지이

    Great story

    05/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata