logo text

Unexpected Visitor

Ilalapag ko na lamang ang isang bowl na kulay puti sa ibabaw ng center table na naglalaman ng fried peanut. Kasalukuyan kaming nasa sala habang nanonood ng television pampalipas oras bago matulog ng bigla tumunog ang doorbell. Tumingin sa akin si David. Hindi ako sigurado kung pareho kami ng iniisip ng mga sandaling iyon. Hindi ko rin maintindihan sa aking sarili kung bakit mayroon biglang sumigid na hindi maipaliwanag na kaba sa isang bahagi ng aking puso.
Tumayo si David mula sa kanyang kinauupuan pero agad kong pinigilan.
“Love, ako na. Please stay there.” Sabi ko na agad tinungo ang pinto para buksan iyon at manglaki ang mata matapos ko makilala ang isang babae na nakatayo sa labas ng pinto. Hindi ko pa nga agad nakilala ang babae dahil ang laki ng physical enhancement na nangyari rito simula sa mukha at pananamit. Dinaig pa yata nito ang isang taong mayroong sakit na hepatitis. Bakit naman? E’ kasi nga naninilaw na halos sa dami ng alahas na nakapalamuti sa katawan. Kung hindi ako nagkakamali mamahalin na branded bag na Louis Vuitton ang nakasukbit sa balikat nito. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip o’ ayaw ko din naman manghusga agad kaya naisip ko nab aka ginamit lang nito sa tamang negosyo ang perang ibinigay ko. Maaaring nag-click ang negosyo kaya nabibili na nito ang mga personal luxuries.
Hindi rin mababakas ang anumang reaksyon sa mukha ng babae. Kaswal ang awra ng mukha nito na wala man lang kangiti-ngiti na para bang hindi ako itinuturing na kakilala man lang. For me, it’s something weird.
“W---What are you doing here?” limang salita na namutawi sa aking bibig nang makabawi sa kasalukuyang eksena.
Mukhang walang balak na sumagot ang babae sa akin dahil nananatili lamang iyon nakatingin sa akin na para bang nang-iinsulto ang dating sa paraan ng pagtingin sa akin.
Palinga-linga ang babae sa paligid habang manaka-naka ay nanghahaba ang leeg nito na waring mayroong sinisipat sa loob ng aming bahay na lalong ikinabahala ng isang sulok ng aking isip. Bakit ganito ang galawan ng babaeng ito? Bigla ko tuloy binalikan sa aking isip noong mga panahong niluluto pa namin ang plano kung paano niya dadalhin ang aming anak ni David. Pero ngayon ay sadyang ibang-iba na nga ito. Pakiramdam ko ay mayroong nabago sa pakikitungo nito sa akin. Saka maliwanag ang naging kasunduan na matapos ang lahat ay kusa na itong lalayo sa kanilang pamilya kaya nagtataka lang ako bakit nandito ang babaeng ito.
“Hey! A---Alona?” muli ay wika ko na sinadya ko na diinan ang boses na parang nang-uuyam din.
“W---What?” sagot ni Alona na halatang sarkastiko ang tono ng pananalita.
“I’m asking you ano ang ginagawa mo dito?” pigil na tanong ko sabay lingon ko sa gawi ng aming sala.
“Wala naman. Gusto ko lang dumalaw sa inyo.” Nakairap ang mga mata ni Alona at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mapaklang ngiti.
“Wait…! Wait…! Alona” ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin at gumanti din ng isang mapaklang ngiti.
“Dumating ako bilang isang bisita dapat lang naman istimahin at tanggapin mo ako ng maayos bilang isang bisita.”mapanuyang sagot ni Alona ikinumpas-kumpas din ang kamay at nagpalakad-lakad pa sa aking harapan.
“A---Alona, alam mo kung paano ako nakisama sa iyo at alam mo din na malinaw ang ating usapan at kasunduan tungkol sa bagay na ito. Hindi ko maintindihan kung anong hangin ang nagdala sa’yo para magpakita pa sa amin pagkatapos ng mahigit isang taon.”
“J---Jia, malinaw sa aking isip ang napag-usapan at napagkasunduan natin kaya lang…” naputol ang sasabihin ni Alona ng bigla na lamang sumulpot mula sa likuran si David na malawak ang ngiti at hindi kakahalataan na nagulat ito pagkakita kay Alona.
“Hi…!” nakangiting bati ni Alona kay David na nagkagat labi pa. Kunwari naman ay hindi pinansin ni David ang pagbati ni Alona pero halata na iwas ang pasulyap ngunit nagpupukol ng tingin kay Alona sa pailalim na paraan lamang. Mahirap basahin ang katotohanan sa ikinikilos ni David. Hindi malaman kung ito ba ay nahihiya lamang o sadyang natural na iyon pagdating sa pakikitungo sa isang babae.
Bilang asawa ayaw ko din pag-isipan si David ng hindi maganda dahil alam kong hindi iyon makakatulong sa pag-unlad ng aming pagsasama bilang mag-asawa. Kaya minabuti ko na ipokus ang aking isip sa mga positibong bagay. Ano nga bang malay ko kung naisipan lang talaga ni Alon ana dumalaw sa aming bahay bilang isang kaibigan. Wala naman nga siguro masama dahil tao itong dumating at nararapat lamang na tanggapin din siya bilang isang tao.
“Love, bakit hindi mo siya papasukin? Mayroon pala tayong unexpected visitor hindi mo man lang ako sinabihan agad.” Himig pagbibiro ni David na tinapunan ng tingin si Alona.
“Ha…! Love, e’ kasi…”natitilihan kong sagot kay David na nakatingin kay Alona at binabasa ang kilos sa mga mata nito. Pangiti-ngiti lamang si Alona na tila kampante ang hitsura na hindi kasalaminan ng anumang pagkahiya o pagkailang.
“Hmmm----mabuti pa ang mister mong si David naaalala ako samantalang ikaw mukhang nagbago ka na sa akin pagkatapos ng misyon natin. Kung sabagay hindi na ako magtataka na ganito ang mangyayari sa pagitan natin dahil mas malalim naman ang pinagsamahan namin ng mister mo kesa sa ating dalawa.” Sarkastiko at nakakalokong pasaring ni Alona na talaga namang hindi ko nagustuhan dahil mahahalatang mayroon tinutumbok na kahulugan ang banat na salita nito.
“Excuse me! Kung pumunta ka lang dito para insultuhin ang buong pagkatao ko mas mabuti pa na umalis ka na lang.” hindi ko napigilan na itaboy si Alona dahil sa salitang natanggap ko mula rito. Hindi ako papayag na basta bastusin ang aking pagkatao pagkatapos ng lahat nang nangyari.
“Love…” naramdaman ko na hinawakan ni David ang aking braso saka tumingin kay Alona na parang humihingi ng dispensa sa aking ginawa.
“Pagpasensyahan mo na ang misis ko ha, medyo mainit lang ang kanyang ulo katatapos kaso maluto. Please come inside, tuloy ka.” Turan ni David na labis kong ikinagulat pero wala na rin ako nagawa. Pumasok na sa loob ng bahay si Alona na iginiya pa ni David papunta sa sala. Naiwan ako na natutulala na nakatayo malapit sa pintuan. Ilang segundo pa ang lumipas at naramdaman ko na nilapitan ako ni David at pinisil ang aking braso na tila nagpapaunawa at sinasabi na pagbigyan ko na ang pagdating ng bisita na si Alona. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga at napasunod kay David na pumunta sa kusina.
“Sige…love, ikaw ang masusunod. Hindi ko lang kasi maiwasan na…” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil lumapat na ang labi ni David sa aking labi na tinugon ko naman ng buong pagmamahal.
“Huwag kang mag-alala at matibay naman na ang ating pagsasama bilang mag-asawa dahil mayroon na tayong anak. Iba noon. Iba na ngayon.” Medyo napanatag ang aking kaooban dahil sa sinabi ni David.
Walang kaalam-alam ang mag-asawa na mayroong isang nilalang na nakatayo sa may gilid ng pinto at matamang nakikinig sa sa kanilang usapan. Nahawakan pa ni Alona ang kanyang labi ng makita na hinalikan ni David ang labi ng asawang si Jia.
“Ehem…ang sweet n’yo naman mag-asawa. Nakakainggit naman kayo.” Isang kapilyahan ang pumasok sa isip ni Alona ng tuluyan itong bumulaga sa harapan ng mag-asawa na naglalambingan sa loob ng kusina.
“Alona, alam kong mahaba ang biniyahe mo sana nag-stay ka na lang sa sala at hinintay ang pagkain na hinahanda namin para sa iyo.” Malumanay kong pahayag na sinadya ko yumapos sa baywang ni David para ipakita na maigting ang aming paglalambingan ng mga sandaling iyon.
“Sorry naman kung naistorbo ko kayo sa paglalambingan ninyo dito sa kusina. Na-curious lang kasi ako masyado at hindi nakatiis na silipin kung ano ang ginagawa ninyo dito sa loob ng kusina dahil kung tutuusin pwede naman na iisa lang ang maghanda ng pagkain para sa akin ‘di ba?” nakangising hirit pa ni Alona.
“Alam mo Alona, sa tingin ko naman kahit anong gawin namin ng asawa ko dito sa loob ng pamamahay namin ay malaya kaming gawin iyon kasi legal naman kaming mag-asawa. Siguro nga kahit maglove making kami dito sa loon ng kusina ay walang pakialam ang kung sino.” Ganting wika ko na tumaas ang isang kilay na tila hindi patatalo sa pagtapon ng maanghang na salita.
“Alam mo Jia, nauunanawaan ko naman kung bakit ganoon na lang ang selos at bitterness na nararamdaman mo ngayon sa iyong sarili. Ang masasabi ko lang magtiis ka kasi ginusto mo naman ang sitwasyon na ganito dahil sa pagmamahal mo sa iyong asawa.” Mas lalo pa lumapit si Alona na tila nagpapapansin sa presensya ni David ng mga sandaling iyon.
“Ano ang ibig mo sabihin?” namumula na ang mukha ko dahil sa magkahalong galit at pagkapahiya at dahil doon ay mas lalo ko hinigpitan ang hawak sa braso ni David. Gusto ko sana marinig mula kay David kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ni Alona tungkol sa akin pero mukhang mabibigo ako dahil nanatiling nakatikom ang bibig ni David na panay lamang ang sulyap sa aming dalawa ni Alona.
“Wala naman ako ibig sabihin. Ang punto ko lang naman ay sigurado ka ba na mayroong love ang pagtatalik na nagaganap sa inyo ng mister mo? David, pero aminin mo kaninong labi ang mas masarap humalik kay Jia na legal wife mo pero hindi ka naman nabigyan ng anak o si Alona na nagbigay sa iyo ng anak at biological mother ni David, Jr.” sarkastikong sabi ni Alona sabay tumawa na parang nakakaloko na parang sinisilihan ang puwitan at naaalala ang maiinit na pinagsaluhan noon at mabuo si David, Jr.
“How dare you? Stop it…Alona. Hindi ka na nakakatuwa ha. Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin ang mga bagay na iyan?” nanginginig ang aking labi habang nagsasalita na tuluyan kong napiga ang braso ni David. Gusto kong magwala sa loob ng kusina dahil hindi ko man lang kakitaan si David na nag-aalala sa akin ng mga sandaling iyon.
“Ikaw naman masyadong mainit ang ulo at seryoso. I’m just kidding only, Jia. Alam mo naman ang ugali ko sa simula pa lamang ‘di ba? Huwag mo seryosohin ang mga sinasabi ko kasi kahit anong gawin ko ikaw pa rin ang legal wife ni David.” Sabi ni Alona na tinapunan ng tingin si David na bumitaw ng pagkakahawak sa braso ni Jia.
“Ladies…please tama na ‘yan. Hindi naman kayo dapat nag-aaway ang mahalaga ay narito si David, Jr. at ikaw naman Alona nagpapasalamat kami sa iyo dahil sa pagdadala o pagbibigay mo sa amin ng anak at tatanawin namin iyan na isang malaking utang na loob. Mahal na mahal ko ang aking asawa at anak.” sabi ni David na muling hinawakan ang aking palad at tuluyan na ngang napawi ang mga agam-agam sa aking isip nang marinig ko ang mga salita ni David. Ngayon ay nakakasiguro na nga ako na hindina ako magagawang lokohin ng aking asawa.
Maayos naming inasikaso ang aming bisita. Habang kumakain si Alona ay umakyat naman ako sa itaas ng bahay upang iayos ang guest room na tutulugan ni Alona. Siguro nga ito na rin ang pagkakataon upang tanawin ko ang isang malaking utang na loob na kung hindi dahil sa babaeng ito ay wala kami magiging anak ni David.

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    RosasMark

    nice

    22/08

      0
  • avatar
    Amanda Alme

    Maravilhosa

    26/06

      0
  • avatar
    Barasumalinog Baki

    Is real

    22/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata