Homepage/Sold One Million Baby/
CLINGING TO THE KNIFE
Katatapos ko lang magluto ng ulam na menudo. Pinasadahan ko ng tingin ang isang plastic sa ibabaw ng round table namin na yari sa narra. Saka ako umakyat sa itaas at pumasok sa aming master bedroom.
Napansin ko na naliligo pa si David dahil lumalagaslas pa ang tubig mula sa attached bathroom ng aming kuwarto. Hindi ko maintindihan bakit dito pa ito naliligo samantalang malawak ang bathroom sa silid na inookupa nito. Kailangan ko samantalahin ang pagkakataon. Dali-dali ako bumaba at mabilisan kong kinuha ang plastic sa ibabaw ng round table. Lakad-takbo ang aking ginawa upang makarating agad sa garahe. Wala ako balak tumigil na ipakita ang pagmamahal at pag-aalala sa aking asawa.
Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawang mamahaling sasakyan na nakaparada doon. Alin kaya ang gagamitin ni David mamaya pag-alis? Mercedes Benz o BMW.
Pabulong na wika ko sa aking sarili. Mas malakas ang pulso ko sa BMW kaya doon ako tumapat. Maglalagay pa sana ako ng mensahe sa sticky note at ididikit sa labas ng plastic bag. Pero hindi ko na nagawa sa takot ko na maabutan pa ako ni David.
Luminga-linga muna ako sa paligid at nang matiyak ko na walang nakakakita sa akin. Isinabit ko ang plastic bag sa side view mirror ng sasakyan. Pagkatapos mabilis din tumalilis.
Daig ko pa yata ang isang ninja moves. Bumalik ako sa aming kuwarto. Naabutan ko na bihis na si David. Tinapunan lang niya ako ng tingin na para bang hindi ako existing na nilalang sa paligid.
Manhid na yata ang pakiramdam ko. Nasasanay na lang ako na araw-araw ganoon ang trato sa akin ni David.
“M---Mahal, papasok ka na ba? Ingat ka ha.”hindi rin ako nakatiis at inimikan ang aking asawa.
“Nakikita mo naman nakabihis na ako ‘diba? So! ibig sabihin papasok ako. Stop asking non-sense question, Jia. Nakakasira ka ng araw. Tanggap ko pa sana ang sinabi mo kung mayroong kalakip na good news.”nakangiti nga sa akin si David pero halata naman nang-iinsulto lamang.
“Mahal, nagtanong lang naman ako. Nag-aalala lang po. Pasensya na kung iba ang dating sa’yo.” Mapagpakumbaba kong wika
Napayuko na lamang ako. Nakagat ko ang aking labi. Ang kasunod kong narinig ay ang malakas na pagsarado ng pintuan. Nahawakan ko pa ang aking tainga dahil sa pakiramdam na natulig ako dahil sa lakas ng hampas. Papasok sana ako sa loob ng toilet para maghilamos ng mukha. Pero naalala ko nga pala gusto ko silipin kung ano ang kahihinatnan ng plastic bag na isinabit ko. Kahit ilang beses na ako ni-reject ng asawa ko. Hindi ko alam. Pero hindi ako magsasawa na gawin iyon ng paulit-ulit. Para sa akin ang mahalaga ay ginagawa ko ang aking obligasyon bilang isang maybahay ni David De Guia.
Nagmadali ako dumako sa terasa ng kuwarto. Mula doon ay natanaw ko na naglalakad na si David.
“BMW please!”pabulong na wika ko sa aking sarili. Dininig naman ang aking dasal. Nakahinga ako ng maluwag nang huminto si David sa tapat ng BMW car at doon pa mismo sa tapat ng side view mirror. Pigil ko ang aking hininga.
Nakikiramdam at nagmamasid kung ano ang susunod na eksena. Napapikit ako ng makita ko na kinuha ni David ang nakasabit na plastic bag. Dahan-dahang iniikot ni David ang ulo na para bang alam na alam kung nasaan ako. Gusto ko pa sana magtago na lang kesa masalubong ang mabalasik na tingin ni David. But it’s too late as our eyes met already.
Isang nang-uusig na tingin.
Isang nagtatanong na tingin.
Isang nakakainsultong tingin.
Hindi ko magawang kumurap. Sinadya ko na ipaabot ang tila pagpapaawa sa pamamagitan ng aking mga tingin.
“M---Mahal, please!”medyo garalgal ang aking boses pero pinilit ko na humiyaw na tila nagpapaawa ang boses.
Buhat doon nakita ko na umiling-iling lamang ang aking asawa. Ang swerte naman ng trash can malapit sa aking tanim na mga halaman. Dahil iyon ang sumalo ng masarap na menudo.
Kasabay ng ugong ng sasakyan ang pagbalong ng aking luha. Sino naman ang hindi maluluha kung ang pinaghirapan at pinasarap na lutong ulam itatapon lang pala sa basurahan? Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni David. Pumasok na rin ako sa loob ng kuwarto namin at pahikbi-hikbi akong napasubsob sa unan. Niyakap ko nang mahigpit ang dalawang unan. Doon ko inilabas ang lahat ng luha na gustong-gusto umalpas ng mga sandaling iyon.
“Alona nakarami ka na ba?”tanong ng isang tindera na may-ari ng katabing tindahan ng gulay. Alas-tres na iyon ng hapon at katatapos lamang kumain ng meryendang nilagang saging na saba at gulaman.
“Naku…! Patring ang tumal nga ng benta ilang araw na. Pasalamat na lang kung maka-isang libo sa isang araw.”sagot naman ni Alona na halata ang bigat sa boses.
“Mabuti naman kayo at mayroon sariling taniman ng gulay sa inyong likod-bahay. E’ paano naman kami na inaangkat pa ang mga gulay? Doble pressure at gastos para sa amin.”himutok ng babae.
“Hirap pa din. Kahit sabihing sarili namin ang taniman. Heto nga at hindi pa nareresolba ang problema ko tungkol sa operasyon ng Lola. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera upang maipa-opera siya.” Paglalabas ng saloobin ni Alona.
“Sa hirap ng buhay natin talagang kayod kalabaw tayo. Pero hindi pa rin sapat dahil sa hirap ng ekonomiya. Kaya kapag meron nagparamdam sayo na 4M’s patusin mo na para tapos ang problema mo. Maganda. Makinis. Sexy. Sigurado magugustuhan ka.”tuwang-tuwa ang babae sa pagsasalita.
“Anong 4M’s?”
“E’ di matandang mayaman madaling mamatay.”sapo ni Patring ang dibdib sa kakatawa. Napangiwi na lang ang mukha ni Alona sa sinabi ng babae.
Halos paliparin ko ang takbo ng sasakyan matapos makatanggap ng text message mula kay Alona. Isang kupas na maong pants, white loose t-shirt at blue snickers ang aking suot. Hindi ko rin kinalimutan na magsuot ng shades upang hindi mahalata ang aking mata.
Malayo pa lang ako nakangiti na si Alona sa akin. I am hoping that smile will bring a good news to me. After our conversation.
“Hi, Jia. How are you?”msiglang bungad ni Alona sa akin
“Hello, Alona. I am fine. What about you?”ganti ko rin sa masiglang boses.
“Well, I don’t want to say I’m fine because I knew that I am not fine right now.”pagbibigay ng hint ni Alona sa tatakbuhin ng aming usapan.
“Why do you want to talk with me?”kunwari kong tanong sabay pinagsalikop ko ang aking mga braso habang naghihintay ng isasagot ni Alona.
“Come on, Jia. You gave me one week, right?”pagpapaalalang wika ni Alona. Akala yata ng babaeng ito ay hindi ko alam ang tinutungo ng aming usapan.
Sa halip na sumagot. Tumawa ako ng pagak. Sabay taas ng isang kilay ko na inggrata lang ang datingan.
“Aren’t you happy? You should be happy. Finally, masusunod at matutupad na ang pangarap mo na mabigyan ng anak ang asawa mo sa pamamagitan ko. Are you satisfied with that?” isang nakakalokong ngiti ang ipinukol sa akin ni Alona. Sa totoo lang naiirita ako kapag ganito ang hitsura ni Alona. Para bang pakiramdam ko ako pa ang nanunuyo at nagmamakaawa. Dahil kung tutuusin Pareho lang naman kami magpapakinabangan sa isa’t-isa. That’s the mere fact.
Sa inis na nararamdaman ko kay Alona sa mga sandaling iyon. Hindi ako nagsalita. Sumagot lang ako sa pamamagitan ng isang tipid na ngiti. Hahayaan ko muna si Alona magsalita hangga’t gusto niya. Ang hirap pala humiram ng ibang mundo. Pero at least dito panandalian kong nararamdaman na hindi ako kawawa. Kayang-kaya ko itago ang lahat kay Alona. Para bang ang pagmamasungit at pagmamataas ko ng boses ay ginagamit ko lamang outlet upang pagtakpan ang pagiging kawawa kong maybahay ni David De Guia. Hindi maaari malaman ni Alona na ganoon kasama ang pagtrato ni David sa akin. Dahil baka mas lalo pa niya ako insultuhin. Tama na ang inaabot ko na pang-iinsulto sa aking asawa at mulas sa babaeng ito.
“Mrs. Jia Lucero-De Guia.”
“Kapit sa patalim mang maituturing.”
“Kung kagipita’y masasagip din.”
“Sino ako para tanggihan ka?”
“Batang dadalhin ko’y bilhin mo na.
“One million pesos abot-kamay na.” idinaan pa talaga ni Alona sa patula ang mga kataga na gusto kong marinig. So! this is it.
“Impressive…!”
“I like your answer. Very well-said.”
“Hindi ka lang pala magaling na egg cell seller. Isa ka pang makata.” Abot ang ngiti ko habang nagsasalita.
“Well—just like you best egg cell buyer. So! What are you waiting for? Can you close the deal now?”hindi naman masyadong excited si Alona. Lihim akong natawa. Magaling talaga ang babaeng ito ‘di yata’t tinapatan pa ang best egg cell buyer vs best egg cell buyer.
“Wow! flood excitement.”
“Masyado ka naman yata nagmamadali. Hindi pa nga umiinit ang ating usapan.”
“If I were you. Chill. Relax. Everything will fall into---” sinadya kong bitinin ang sasabihin ko para asarin din si Alona.
“Into…right place?”dugtong ni Alona sa sinabi ko.
“Into…your coconut shell.”agaw ko naman saka tumawa ako ng malutong.
Nagtagumpay ako na maasar si Alona dahil nakita ko na kumunot ang kanyang noo. Marahil nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ko sa salitang coconut shell.
“Sorry—Jia, naninigurado lang baka kasi magbago pa ang isip mo. I need one million pesos as soon as possible. Buhay ng lola ko ang nakasalalay. Sana nauunawaan mo ako.”pahayag ni Alona
“Alona, you don’t need to dictate me. I know what I’m doing. Mayroon ako isang salita. Kapag sinabi ko. Sinabi ko. Walang pwede bumawi o bumali. As I’ve said before. I can give you one million pesos right at the moment. But the thing is we need some legal document to proceed further.”determinado kong wika
“Patience is an asset. So! please no worries. You will have it.”dagdag ko pa.
Bago kami naghiwalay ni Alona ng hapong iyon. Maganda ang aming naging usapan. Smooth negotiation kumbaga. Walang maraming pasakalye kundi diretso impunto. Iisa lamang ang aming layunin matupad ang kapritso ng aming pansariling kaligayahan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
22/08
0Maravilhosa
26/06
0Is real
22/01
0Tingnan Lahat