Kinagabihan, sa library na ako pinatulog. Dinalhan lang ako ni Manang Belinda ng dinner bago ikinandado ang pinto mula sa labas. Bakas ang awa sa mata niya noong iwanan niya ako. Naka aircon naman ako rito at may ilaw kaya ayos lang. Na-renovate na ito two years ago kaya hindi ko na kailangang magtiis sa kandila. Hindi naman sobrang mahirap ang parusa ni Mama sa akin pero sana last na 'to. Ayoko nang maulit. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Mama kay Papa para hindi siya magtaka kung bakit hindi ako sumabay sa hapunan nila. Hindi ko rin alam kung alam ni Papa na nakakulong ako rito sa library pero hinihiling ko na sana hindi na niya malaman ang ginagawa ni Mama dahil baka mag-away pa sila. Ayokong mangyari 'yon. Ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nakakulong ngayon. Humiga ako sa foam na inilatag ni Ate Yan kanina. Hindi ko alam gaano ako katagal na nakatitig lang sa kisame habang pinapanood ang dalawang butiki roon. I can't sleep. Hindi ko rin naman magawang magbukas ng social media at tawagan si Mary dahil sinamsam din ang cellphone ko. Pinapalibutan ako ng mga libro pero wala ako sa mood na magbasa. Isa pa ay wala akong salamin na dala rito. Nabasag na 'yung paborito kong gamitin kanina noong sinugod ako ni Jessa. Meron pa akong dalawa pero dahil hindi ko naman masyadong ginagamit ay nakatago ang mga 'yon. Ipapakuha ko na lang siguro iyon bukas kay Manang Belinda. Ang daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam ang unang iisipin. Hindi ko rin alam kung tama ba na naiisip ko 'to. Siguro ay masyado lang akong emosyonal ngayon. Na-realize ko na hindi pala magiging madali. Mahirap din pala ang parusa ni Mama. Sabi niya ay intindihin ko siya at sabi ko kanina ay i-intindihin ko siya. Kaso ngayon naiisip ko... Sobra naman si Mama sa akin. Hindi ko naman ginusto ang makipag-away. Hindi naman ako lumaban pabalik kay Jessa. Hindi ko naman gustong magkaroon ng kalmot sa mukha at masabunutan. Hindi ko naman ginusto na mapahiya. Tiniis ko ang sakit kanina. Bakit kailangang ikulong ako ng isang linggo rito? Pwede naman niyang sabihin na grounded ako ng isang linggo. Walang kaso sa akin kung tatanggalan nila ako ng gadgets pero hindi ganito na mag-isa lang ako at nakakulong. Hinayaan kong tumulo ang luha ko habang yakap yakap ang unan. Nakatulugan ko 'yon kaya ang bigat ng mata ko pagkagising kinabukasan. Iniligpit ko ang pinaghigaan ko pagkabangon. Napatinggin ako sa nakasabit na orasan. 10:30 AM na pero wala pa ring pagkain. Nagugutom na ako. Kumukulo na ang tiyan ko. Nakalimutan kaya nilang nandito ako? Nagkibit-balikat na lang ako at piniling maligo na lang muna. May maliit na C.R dito na siyang ipinagpapasalamat ko dahil kung sakali, hindi ako makakaligo. Tanghali na noong dumating ang pagkain ko. Tubig lang at isang platitong spaghetti pero ayos lang. Ayos lang talaga sa akin. "Pasensya ka na. Utos lang ng Mama mo," pilit akong ngumiti kay Ate Cherry kahit parang pinupunit ang puso ko. Kasama rin pala sa parusa ko ang magutom. Tama pa ba 'to? May karapatan na naman siguro akong magtampo ngayon kahit papaano. Grabe naman si Mama. "I'm o-okay, Ate Cherry," I said while bursting into tears. Mas lalo pa akong naiyak noong makita ko si Kuya Jackson sa pinto. Pumasok siya at kaagad na lumapit sa akin. Hindi ko masyadong mahawakan ang tinidor dahil nanginginig ako kaya sinubuan na niya ako. Madali lang naman akong natapos dahil konti lang ang pagkain. Iniwanan muna kami ni Ate Cherry para ligpitin ang pinagkainan ko. Tapos na akong umiyak pero ang bigat pa rin sa dibdib. Hindi ko inakala na kayang gawin 'to sa akin ni Mama. "Isumbong na kaya natin sa Papa mo? Sobra na ang Mama mo sa 'yo," sabi ni Kuya Jackson habang pinapanood akong kumain ng ibinigay niyang icecream. Kaagad akong umiling. "Huwag. Ayoko, kuya," "So, magtitiis ka na lang?" tumango ako. "Yes. For the better," "For the better, huh? Paano ka? Isipin mo ang sarili mo, huwag 'yung Nanay mong bait-baitan lang," Kaya ko naman siguro? Tsaka mas pipiliin kong magtiis na magutom at mag-isa rito kaysa mag-away ang mga magulang ko. Alam ko naman na mas may kapangyarihan ako kaysa kay Mama rito sa bahay pero bilang respeto, ayokong gamitin 'yon. Kapag nalaman ni Papa at nila Tita Georgina ang ginagawa ni Mama, magiging kaawa-awa siya. Magkakagulo at ang mas malala pa ay baka kasuhan nila si Mama. Ayoko namang mangyari 'yon. Nanay ko pa rin siya at siguro nadadala lang siya ng emosyon niya kaya ganito niya ako tratuhin ngayon. Hangad niya ang ikabubuti ko. Hindi ko man masyadong maintindihan ngayon, pipilitin ko pa ring intindihin. Mahal naman ako ni Mama e. Iniwanan ako ni Kuya Jackson ng biscuits at tubig. Wala naman daw si Mama. Sadyang takot lang na sumuway ang mga katulong namin dito sa bahay dahil ayaw nilang mawalan ng trabaho. Naiintindihan ko naman at ayoko rin na mangyari 'yon sa kanila dahil sa akin. Sapat na sa akin na alam kong may pakialam sila sa akin kahit papaano. Iniwanan din ni Kuya Jackson ang cellphone niya sa akin, 'yung de keypad na lang muna ang gagamitin niya. Ayoko pa sanang tanggapin pero tinakot niya akong magsusumbong siya kay Papa kaya tinanggap ko na rin. Kaagad kong tinawagan si Mary pero hindi siya sumasagot kaya nagbukas na lang ako ng Facebook ko. May mga chat sa akin si Ivan at Mikyla. They were asking if I was ok and I replied 'Yes'. Seo's calling... Nagulat ako sa nakita ko sa screen. Tumatawag si kuya Seo? Kailan pa siya nagkarameron ng number ni kuya Jackson? Close ba sila? I shook my head. Ay baka ibang Seo 'to. Marami namang may pangalan na Seo. Ano ba 'tong naiisip ko? Lumalabas na naman ang pagka-crush ko do'n. "Hello po," bati ko nang sagutin ko ang tawag. "this is Beanca. Nasa labas po si kuya Jackson," "Beanca huh?" I heard him chuckled. "Opo. Beanca Annavel po. Nasa labas po si kuya Jackson. Gaano po ka-importante ang sasabihin niyo? Hindi po kasi ako pwedeng lumabas kaya baka mamaya pa pong gabi niya kuhanin ang cellphone niya sa akin," ididikta ko na lang ang number ni Manang Belinda kung sakali. "Do you want me to rate it?" tanong niya. "It's up to you po," mas maganda nga siguro kapag ganoon. "It's ten," "Hala! Sobrang importante pala," si kuya Jackson naman kasi e. Iniwan pa ang cellphone niya sa akin. Kaya ko namang walang cellphone. "Do you have paper and pen with you? I'll dictate his Mom's number. 0975—" Napatigil ako nang makarinig ng tawanan mula sa kabilang linya. Nagpakunot ang noon nang may mapamilyarang isang tawa na nangingibabaw sa kanilang lahat. Unti-unti rin namang humina ang tawanan na 'yon. Lumayo ata ang may hawak ng cellphone sa mga maiingay niyang kasama. "Si kuya Seo mo 'to, Annavel," napahinga ako nang malalim. Bakit ang lambing ng boses niya ngayon? Iyon pa lang ang sinasabi niya pero naiiyak na ulit ako. "Pasensya ka na sa mga pinsan ko. Naka-loud speaker kasi kanina kaya narinig nila." Kaya pala pamilyar 'yung isang tawa. Si kuya Kael nga 'yon. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Bakit ka po napatawag, Kuya Seo? Kumusta ka naman?" "Iniwanan talaga ni Jackson ang cellphone niya para makausap kita. I'm good. Ikaw? Kumusta ka na? Are you ok?" Parang may nagbara sa lalamunan ko na pinipigilan akong magsalita. Lumunok ako pero nandoon pa rin. Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan namin hanggang sa namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. I hate it. I hate it when someone asks if I am fine during the times that I am not. I hate it because I can feel their concern and it makes me feel comfortable but at the same time—weak. It made me cry. "K-kuya Seo..." Parang gusto ko bigla magsumbong pero bago ko pa magawa ay pinigilan ko ang sarili ko. "Hey, shhhh. It's ok. It's ok, Annavel. Everything will be ok."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
More stories po huhuhu it’s so good
27/06
0Good story
21/06
0nicee
03/06
0Tingnan Lahat