Kabanata 39

"Is she nice, Mom?" tanong ni Jaeyun habang nasa byahe kami papunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Mama. Tumango naman ako. Ayokong siraan si Mama sa anak ko. Kahit gano'n ang nangyari sa pagitan namin dati, naging mabuti pa rin siyang ina sa akin. "Do you think she will like me?"
"Of course. You're a nice kid. She will love you," si Maven na ang sumagot sa kaniya at inayos pa nang bahagya ang buhok ni Jaeyun.
Nang makarating kami, mapait akong ngumiti habang tinitingnan ang puntod ni Mama. Pero sa abot ng makakaya ko, pinilit kong hindi umiyak lalo pa at nandito si Jaeyun. Ayokong umiyak sa harapan niya.
"Talk to her. She can hear you," Maven pat Jaeyun's head. Nilingon naman siya ng bata. Mukhang nagdadalawang isip kung paniniwalaan ang Tatay niya. "Yes. She can hear us. Just talk to your grandma."
"Hi, Granny! I'm Jaeyun. We brought flowers for you." Inilapag ni Jaeyun ang bulaklak sa tabi ng lapida ni Mama.
Napatinggin ako kay Maven. Nakasuot siya ng itim na mask at itim na bucket hat. Balot na balot siya kahit na sobrang init. Mahirap kasi kapag may nakakilala sa kaniya. Ang tigas kasi ng ulo. Sumunod pa talaga sa amin ng anak niya dito sa Pilipinas. Hindi ko pa rin siya natatanong kung paano siya nakahanap ng oras na sumunod pa sa amin sa kabila ng promotion nila ng bagong kanta nila.
Tumingin din siya akin at inakbayan ako. Hinihintay muna namin na matapos si Jaeyun sa gusto niyang sabihin sa Lola niya.
"Can I talk to her?" Sandaling ibinaba ni Maven ang mask niya. Tumango ako at ginantihan naman niya 'yon ng ngiti bago siya humarap sa puntod ni Mama. "I'm your daughter's handsome and kind husband. Nice meeting you, Mama. Thank you for giving birth to this woman beside me. I'm grateful to have her as my son's Mom."
Malakas na umihip ang hangin kaya natawa kaming pareho pero mas naging emosyonal ako. Si Mama ba 'yon? Nandito ba siya at nakikinig sa amin?
"I guess you're thanking me too for taking care of your daughter. You're welcome. But to be completely honest, she's the one taking care of me and our son," nakangiting tumingin sa akin si Maven at pinunasan ang pumatak kong luha. "Thank you, Bea. Thank you for choosing us."
Naalala ko ang mga panahon na 'yon na ipinaglaban ko sila sa kabila ng pagtutol ni Nicko sa desisyon kong pakasalan si Maven para Jaeyun. Pero walang dapat ipagpasalamat sa akin si Maven. Ako dapat ang nagpapasalamat na binigyan niya ako ng pamilya. Na kahit hindi ako ang totoong nanay ni Jaeyun, hindi nila ako itinuturing na iba. Sila ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Wala akong pinagsisihan na kahit ano sa pagpili sa kanila.
Marami pa silang sinabi ni Jaeyun kay Mama bago sila nagpaalam at bumalik sa sasakyan. Nagpaiwan na muna ako. Sinabi ko na lang na magbabyahe o magpapasundo na lang ako pauwi. Tutal, malapit lang naman. Bawal kasing magtagal si Maven sa labas at ayaw ko ring masyadong mainitan si Jaeyun. Hinihintay ko munang tuluyang makaalis ang sasakyan bago ako umupo sa tapat ng lapida ni Mama Alice. Inayos ko ang bulaklak na dala namin at tinanggal na rin ang ilang damo na nakaharang sa lapida niya.
Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Hindi na kami nakapag-usap ng maayos. Gusto kong humingi ng pasensya sa dahil trinaydor ko siya nang sinabi ko kay Papa ang katotohanan. Pero may parte sa akin na nagsasabi na hindi ko kailangang gawin ang bagay na 'yon. Kasi ang katotohanan na 'yon ang nagtama ng lahat. Nakilala ni Papa ang totoong anak niya at nakilala namin ni Wil kung sino ang totoong Papa namin.
"Sorry for not telling you that I'm still alive. For being selfish at that time,"
Siguro sa part na 'yon, doon ko kailangang humingi ng tawad. Hindi ako nagpaalam sa kaniya na sasama na ako sa totoo kong tatay. Hindi ko nasabi na sobra akong nasaktan sa mga nangyari to the point na gusto ko na lang na manatiling patay sa paningin ng lahat. Hindi ko siya dinalaw man lang bago umalis ng bansa. Kung ginawa ko 'yon, hindi sana siya tatakas at maaaksidente. Gusto kong sisihin ang sarili ko at ang mga Valencia pero pagod na akong gawin 'yon. Gusto ko na lang talaga ng tahimik at payapang buhay. Ayoko na ng drama.
Ang dami kong gustong sabihin pero iyon lang ang nasabi ko. Umiyak lang ako nang umiyak sa puntod niya hanggang sa kusa na akong kumalma at natulala na lang sa kawalan. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Nanghihinayang pa rin ako na hindi na kami nakapag-usap at nakapagpatawaran pero wala na naman akong magagawa. Late na ako nang sobra.
"Tapos ka na na?" napalingon ako sa nagsalita. Si kuya Kael. Kaagad akong tumayo at nagpunas ng mukha.
"What are you doing here, Kuya?"
Nakangiti siyang lumapit sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko bago ako niyakap. I just hugged him back. Pinakawalan din naman kaagad niya ako. "Inutusan ako ni Nicko na sunduin ka. Tsaka balak ko rin talagang kausapin ka,"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero kahit nagtataka ay sumama pa rin ako sa kaniya. Sa HashTEAg niya ako dinala. Sa unang branch kung saan madalas kaming tumambay nila Mikyla. Marami na ang nagbago pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Mas interesado ako sa pag-uusapan naming dalawa ni Kuya Kael.
Ipipilit niya rin ba ako kay Wil? Aasarin niya rin ba ako katulad ng ginawa ni Kuya Dwayne?
"So, kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita," panimula niya habang naghihintay kami sa order namin.
"Medyo hindi ko lang inaasahan na wala na pala si Mama pero ok lang naman ako," I smiled at him to support what I said. "I'm happy with my life now."
"Naka-move on ka na?" Mabilis akong tumango at napangiti siya dahil doon. "Tama. Tama talaga ang ginawa mong pag-alis. Masaya akong masaya ka."
"Bakit?" Hindi ko napigilang itanong 'yon. Nagtataka lang ako.
"Anong bakit ka d'yan? Bawal ba akong maging masaya para sa 'yo?" natatawang tanong niya.
Hindi naman sa ganoon. Nagkibit-balikat ako. "Nagtataka lang talaga ako. Bukod sa mga kaibigan ko, ikaw lang ang nagsabi na tama ang desisyon ko noon na umalis. Kaya bakit mo nasabi 'yon?"
Napakamot siya sa batok niya. Mukhang nag-aalangan pang sumagot. "Ang matanong mo naman pero sige," huminga siya nang malalim. "sabihin na lang natin na kapatid ang turing ko sa 'yo at galit din ako sa mga nanakit sa 'yo. Hangga't sinasaktan ka pa rin nila, hindi ko sila patatawarin."
Mas lalo lang nadagdagan ang tanong ko. Hanggang saan ang alam niya sa nangyari sa akin dati?
"Bakit nga?"
Marami kaming napagkwentuhan ni Kuya Kael pero kapag tinatanong ko sa kaniya kung hanggang saan ang alam niya sa nangyari sa akin o kung kumusta na sila ni Ate MJ, 'Kumain ka pa nang marami' ang palagi niyang sagot. Kaya hindi na lang ako nangulit. Inihatid niya ako pauwi. Hindi ko na siya naipakilala kay Jaeyun at Maven dahil may pupuntahan pa pala siya. Nagpasalamat na lang ako sa pagsundo niya at paglibre sa akin.
"I have to go back to Korea," Maven told me while we were eating ramyeon. Tulog na si Jaeyun. Naglaro kasi sila halos buong maghapon. Sinulit ata ni Maven ang oras na nandito siya para makapaglaro sila ng anak namin kaya ayun, pagod na pagod si Jaeyun.
"Right. You're a busy person. How did you find time to go here anyway?" sandali ko siyang tiningnan bago kumain.
"I took a leave," sagot niya at nag-iwas ng tinggin sa akin. May tinatago ba siya?
"Maven, what did you do? Be honest to me." Tinaasan ko siya ng kilay. Namumula na kaagad siya at hindi pa rin makatinggin sa akin ng maayos. Ganito siya kapag nagsisinungaling.
"I... I actually informed my manager that I would take a leave when I'm on the plane already," sabi na nga ba may ginawa siyang kalokohan. "But later, I promise, I will book a flight to Korea."
I rolled my eyes and sighed. Loko talaga.
"Yes, please. Book a flight for us. We really have to go back, especially you." Marami pa rin akong aasikasuhin doon. Ganoon din siya.
Nagtataka niya akong tiningnan. Alam kong may gusto siyang itanong. Ilang minuto ko siyang hinintay at hindi naman nasayang 'yon. "How about your family here?"
"What about them?" tanong ko at inubos ko na ang natitirang ramyeon ko. "The only reason why I came back here was to introduce Jaeyun to my Mom. You know that. And besides, they're not my family anymore. I already talked to Papa Albert and I guess that's enough."
"How about Wil?" Napahinga ako nang malalim. I can't believe he's asking me this kind of question, but I understand him.
"Yes, he's my ex-boyfriend and it takes time for me to forget my feelings for him. But you don't have to ask me that question. You're my husband. I married you. I choose you and Jaeyun. And I don't have plans to leave you." Tumayo ako at nagsimula ng linisin ang mga kalat pero tumigil ulit ako at tiningnan siya na seryosong seryoso ang mukha. Bahagya kong ginulo ang buhok niya at nginitian siya. "Please always remember that, Maven."
"I thought you just married me because of Jaeyun," mahinang sabi niya na halos hindi ko na narinig. I sighed. "We have a deal about this, Bea. You know I can divorce you if you want to. I'm thankful and lucky to have you, but I don't want you to regret anything."
"A-are you pushing me away?" napalunok ako dahil sa kung anong nagbabara sa lalamunan ko. I understand where he's coming from, but it hurts. Napamahal na ako sa kanila ni Jaeyun. Sila na ang pamilya ko.
"I am not," mabilis niyang sagot. "Listen, Bea. I will be glad if you stay with us. But I just wanted to make sure that you will not regret anything if you still choose us. You know that I don't ask a favor often, but now I'm begging you to talk to him before you decide."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung kaya ko pa ulit kausapin si Wil.
"This is the first time I will say this," he looked at me with his teary eyes. "Bea, for the past years I learned how to love you more than being my best friend, but I'm willing to let you go. I don't want to caged you in my life if there's a part of you who wants to go out. You deserve freedom."

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Janine C. Andulan

    More stories po huhuhu it’s so good

    27/06

      0
  • avatar
    Janine Andulan

    Good story

    21/06

      0
  • avatar
    Jah Wp

    nicee

    03/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata