Kabanata 38

"You're going back to South Korea again?" Mary asked while we were having our dinner.
Hindi namin kasabay si Jaeyun dahil nauna na siyang kumain kanina at nagpapahinga siya ngayon sa kwarto namin.
"Yes," uminom muna ako bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "I have to work. Alam niyo naman na may bubuksan kaming bagong business ni Maven. Kaya hindi talaga ako pwedeng magtagal dito."
"What about your Mom?" Nicko asked. "That's the reason why you go here right?"
Oo nga pala. Dahil sa nangyari kahapon, nawala na 'yon sa isip ko. Kailangan ko nga palang makita si Mama at ipakilala sa kaniya si Jaeyun. But the problem is hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Matagal na akong walang koneksyon sa kaniya.
"Kaya mo na bang kausapin si Tito Albert?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong ni Mary. "I mean, kahit para lang makita na ni Jaeyun si Tita. I'm sure that Tito Albert can help you."
Umiling ako. Hindi pwede. Ayoko. "I'm sure, Kuya Jackson can help me too. I'll try to talk to him later."
"Jackson knows nothing," sabi ni Nicko habang nasa kinakain niyang chicken ang tinggin. "Nakausap ko na siya pero wala talaga siyang alam. Si Tito Albert lang ang maasahan natin."
Naalala ko na noong sinabi ko kay Papa ang tungkol sa kalagayan ni Mama, siya ang nag-asikaso no'n. Hindi niya sinabi sa akin ang kahit anong mahahalagang detalye sa pagpapagamot kay Mama. Makakatulong nga talaga siya pero ang tanong ay kung willing ba siya na tulungan ako.
"So that means, kailangan ko rin na ipakilala sa kaniya si Jaeyun?" Tumango si Mary sa tanong ko pero kabaligtaran ang ginawa ni Nicko.
"Maguguluhan si Jaeyun. Si Tito Nicolai na ang kinikilala niyang Lolo niya. At alam natin na wala namang karapatan ang mga Valencia na makilala ang anak ni Maven." Kaagad ko siyang sinamaan sa huling sinabi niya.
"Anak namin. Anak ko na rin si Jaeyun, Nicko." Ilang beses ko bang sasabihin sa kaniya 'yon?
"Kagaya nga ng sinasabi ko, wala kang obligasyon na ipakilala si Jaeyun sa kanila. Kausapin mo lang si Tito Albert. Kunwari, hinahanap mo lang talaga si Tita Alice."
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. After naming mag-usap ni Wil kahapon, mas na-realize ko na dapat hindi na lang ako umuwi dito. Dapat hindi ko na hinayaan na makita ulit nila ako. I should have asked someone for help to find my Mom without going back here. Hindi rin talaga ako nag-iisip ng maayos minsan e. Pero sa suggestion ng pinsan kong si Nicko, mukhang hindi ko pa talaga mapuputol ang mga tali na nagkokonekta sa amin ni Wil.
"Mr. Valencia," Tumayo ako nang dumating siya.
"Papa. Please call me Papa again." Pilit akong ngumiti at tumango bago tuluyang umupo. Ganoon din ang ginawa niya.
Nakipagkita ako sa kaniya sa restaurant na madalas naming kainan noon. Iniwanan ko muna si Jaeyun sa bahay kay Mary. I knew that I shouldn't waste time, so I immediately contacted him after my conversation with Mary and Nicko. Gladly, he agreed.
"Kumusta?" Emosyonal niyang tanong. Ang bigat sa pakiramdam ng tanong niya. "Ikaw pa rin ba 'yan? Mukhang marami ng nagbago sa 'yo."
"Totoo." I nodded. "Marami na nga pong nagbago sa akin. And I'm glad I did changed. I am better now, I guess."
"Natutuwa akong marinig 'yan sa 'yo."
"How about you? How are you?" Ako naman ang nagtanong. Galit ako sa mga Valencia pero hindi sa kaniya. Kasi natatandaan ko naman na nagkaayos kami at ipinagtanggol niya pa ako. Nagtatampo lang talaga ako na pati siya ay nagawang magsaya matapos kong mawala. But who I am to feel that way? I have no rights. Hindi naman niya ako totoong anak. I can't blame him for being happy and for celebrating that he finally met his son at that time.
Gusto kong malaman kung ano na ang mga nangyari sa kaniya.
"I honestly can't sleep well ever since I saw you again," pag-amin niya. "Naisip ko na, paano kaya kung sa amin ka na lang ulit tumira?" he forced a smile. "But I know you can't do that, right?"
I nodded. I really can't.
"You've changed a lot. You look stronger and more confident. I am so proud of you, but I can't help but sometimes wonder... Why didn't you stay with us? Did we hurt you so badly?"
I nodded without hesitation. I don't want to lie. They did not just hurt me, they broke me. They deserve to know that.
"Sobrang sakit ng mga sinabi ni Ate Amanda, but I tried to stay, Papa. Binalikan ko po kayo nang makalabas ako sa hospital." Bahagya akong natawa nang mapatinggin ako sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mukha niya nang marinig ang sinabi ko. "Akala ko, sa kabila ng mga nangyari, magiging maayos pa rin ang lahat. Umasa ako na sasalubungin niyo ako ng yakap at magkakapatawaran sa mga nangyari."
Peke akong tumawa at nag-iwas ng tinggin. Akala ko hindi ko na iiyakan ang bagay na 'to pero heto at nagbabadya na naman ang mga luha ko. Hindi ko maitago sa tawa ang hinanakit ko. Ngayon na may pagkakataon na akong sabihin 'yon kahit kay Papa Albert lang, kusang lumalabas ang emosyon na matagal ko rin palang itinago. Masakit pa rin pala.
"Excited po akong bumalik no'n 'e. Ginusto ko po kayong makita at mayakap ulit. Ginusto kong ayusin ang lahat," naalala ko kung papaanong nawala ang ngiti sa labi ko noon. Naalala ko ang pakiramdam na ipinaramdam nila sa akin. Sobrang sakit. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko, hindi ko na kayang pigilan. "Pero Pa, nakakadurog palang umuwi ng walang naghihintay sa pagbabalik mo, ano?"
Hindi siya sumagot. Hinayaan niya lang akong magsalita.
"Ang saya-saya niyo po no'n e. Bigla akong nahiya. Kasi sino po ba ako para bumalik if in the first place wala naman talaga dapat ako sa inyo. Kasama niyo na ang totoo bunsong Valencia. Naipakilala niyo na siya sa mga tao. Kaya sorry kung hindi na lang ako tumuloy." Napalunok ako at pinunasan ang mga luha ko na ayaw pa ring magpaawat. "Sorry kung mas pinili ko na manatiling patay sa paningin ninyo. Ginawa ko 'yon para hindi na rin ako umasa na hahanapin niyo pa ako. Mas masasaktan kasi ako kung malalaman ko na wala kayong balak hanapin ako."
"I'm so sorry, anak,"
I forced a smile and nodded. "Sorry won't change anything, but an apology is accepted." I wiped my tears. "I guess, it was really meant to happen. Nakatadhana na masaktan ako at umalis sa puder niyo kasi dahil doon naging malaya ako. Nakaramdam ako ng pagmamahal sa totoo kong pamilya at masaya na ako ngayon."
"Amanda didn't mean to hurt you. She's sorry for what she said. Hindi totoo na hindi ka na namin kailangan. Hinanap ka namin. Bukod sa akin, si Amanda at Wil ang nahirapan na tanggapin na wala ka na noon. Huwag mo na sanang isipin na wala ka lang sa amin. Pamilya pa rin tayo. Anak pa rin kita,"
Ang sarap pakinggan ng sinabi niya. Sana narinig ko 'yon noon.
"I wanted to hear that from ate Amanda. Baka kapag sinabi niya 'yan ulit, mapatawad ko na siya." Papatawarin lang. Hindi kasama doon ang pagbabalik ng dati naming samahan. Hindi na mababalik 'yon kahit kailan kasi may lamat na. Ayoko na rin ibalik.
"About Wil—"
"He's your son."
"You had a relationship with him. Just in case you still have—"
Umiling kaagad ako kaya napatigil siya sa pagsasalita. Hindi lang pala si Wil ang patuloy na umaasa na magkakabalikan pa kami kundi pati ang Tatay namin. I took a deep sigh. "If you still treat me as your daughter, then, we are still half-siblings."
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. I looked at my watch. It's almost 10:00 pm. Paniguradong hinahanap na ako ng anak ko.
"Pa, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Dahil kailangan ko na rin pong umalis." Tumingin ako sa kaniya na naghihintay sa sasabihin ko. "I wanted to know where's Mama. Ok na po ba siya?"
Hindi na naman siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Ilang segundo kaming magkatitigan lang bago siya huminga nang malalim at yumuko.
"Papa, gusto ko pong malaman. Nasaan si Mam—"
"S-she's dead." My lips parted as my eyes widened.
She's what?
"Ang ayos-ayos po ng tanong ko," sarkatisko akong natawa habang tumutulo ang luha ko. Hindi ko na naman makontrol. "Kailangan ko rin ng maayos na sagot. Yung totoo."
"Nang malaman niyang namatay ka sa isang aksidente, sinubukan niyang tumakas sa rehabilitation center kung saan siya nagpapagaling. Kaso sa paglabas niya naaksidente rin siya. Dead on arrival na pagdating sa hospital." Mariin akong pumikit. I'm trying to process what I've just heard and when I finally did, I took a deep sigh and nodded.
Ilang minuto akong natahimik. I'm trying to calm myself. Ayoko ng umiyak. Pagod na ako. Pero hindi ko maiwasang isipin na sayang. Nakakapanghinayang. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kaniya 'e. Ganoon din siguro siya sa akin. Marami pa kaming dapat ayusin at pag-usapan. Kailangan ko pang humingi ng tawad for betraying her noong sinabi ko kay Papa ang secret niya. Kailangan niya pa ring humingi ng tawad sa akin. When I finally calmed myself, I looked at Papa. "Saan siya nakalibing? Gusto ko siyang bisitahin."
"Kanina ka pang hinahanap ni Jaeyun," sinalubong ako ni Mary pagkarating ko sa bahay. May kung ano pa siyang ipinupunas sa mukha niya. "Kumusta na ang usapan niyo? Sinabi niya ba?"
Tumingin lang ako sa kaniya at tumango. Wala ako sa mood na makipag-usap. Dire-diretsyo akong naglakad papunta sa kwarto ng anak ko. I took one deep sigh before I went inside.
"Surprised!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Sa isang iglap, napawi ang mabigat na nararamdaman ko dahil sa malakas na tawa ng anak ko at ng tatay niya. "Let's hug mommy." Binuhat niya si Jaeyun bago sila lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
Ang sarap sa pakiramdam ng yakap nila.
"Mom, are you surprised?" nakangiting tanong ni Jaeyun. Tumango naman ako at ngumiti. "I was surprised too when I saw Dad beside me. I thought I was still dreaming, so I closed my eyes again. Dad make fun of me because of that."
"I didn't." Maven denied.
"Aniyo. You did," natatawang saad niya bago tumingin sa akin. "I'm telling the truth, Mom—" he paused and furrowed his brows. "What happened to your eyes?"
Napatinggin ako kay Maven. Nagtataka na rin siya kagaya ng anak namin. Pilit akong tumawa. "Stop making fun of our baby Jaeyun. That's bad."
"I'm already a big boy, Mom. Stop saying I'm a baby." He pouted and looked at his Dad. "Right? Dad, Jaeyun's already s big boy."
"Are you?" pang-aasar ni Maven kaya napasimangot ang bata. Ang hilig talagang mang-asar. "Big boys should already be sleeping at this hour. Why are you still awake?"
Kaagad na niyakap ni Jaeyun ang Daddy niya, isiniksik niya ang ulo siya sa leeg ni Maven at nagpanggap na tulog hanggang sa tuluyan na talaga siyang makatulog.
"What happened?" tanong ni Maven nang maihiga niya si Jaeyun sa kama. Lumapit siya akin at kaagad na yumakap. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya kanina pa.
I remained silent. Niyakap ko lang siya pabalik.
"Do you want to cry?" He gently brushes my hair with his hands. "Hmm? Do you want to eat something? What do you want me to do?"
"Just hug me," mahinang sabi ko. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin at hinalikan ako sa ulo.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Janine C. Andulan

    More stories po huhuhu it’s so good

    27/06

      0
  • avatar
    Janine Andulan

    Good story

    21/06

      0
  • avatar
    Jah Wp

    nicee

    03/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata