Homepage/Taste of Freedom/
Kabanata 32
"Babe, get up. Nagmamadali tayo, ano ba!" sabi ni Mary habang hinihila ako paalis sa kama.
"Maaga pa," inaantok na sabi ko. Wala rin naman akong balak pumasok ngayon. Mabi-bitter lang ako sa school.
"May date tayo mamaya. Nakakaawa naman kung hindi mo sisiputin. Ipinagpaalam ka pa noong isa sa Papa mo." Patuloy pa rin siya sa paghila sa akin hanggang sa tuluyan na akong nahulog. "Bilis na. Handa na ang susuotin natin."
Wala na rin naman akong magagawa sa kakulitan ni Mary kaya tumayo na ako at pumasok sa banyo.
February 13 pa lang pero dahil Friday ngayon at walang pasok bukas ay ngayon ang celebration ng Valentine's day sa school namin. Color red pa ang ipinasuot na top sa akin ni Mary. Ganoon din naman ang sa kaniya kahit na broken din siya ngayon. Kasama ito sa ipinatupad niyang batas sa pagitan naming dalawa na iwasan at kalimutan ang dalawang Dela Vega.
Kahit pareho kaming busy, lagi ko na ulit siyang kasama. Para bang binabantayan niya ako. Hindi na nga ako nakakasama ulit kila kuya Kael at ate MJ. Ayos lang naman dahil busy rin sila sa college life nila. Tsaka aaminin ko na nakakatulong sa akin na kasama ko palagi si Mary.
Hindi ko na masyadong naiisip na maghabol kay Wil ngayon. Maybe I was just doing that before because I was feeling alone and he was the only person who could make me feel better and I think I could lean on. Kasalanan ko na hindi ko naisip ang mga kaibigan ko.
Natatangahan na rin ako sa sarili ko sa mga pinaggagawa ko!
And then I thought, it looks like Mama and I are just the same if I continue to chase Wil. Mahal ko pa rin siya, oo, pero kaya ko naman sigurong makalimot.
Kakayanin ko.
"Thank you," nakangiting sabi ko nang abutan ako ni Ivan nang tatlong red rose at isang bouquet ng chocolates. Kasama niya si kuya Joshua na kapatid ni Jessa. Nginitian niya ako bago ibinigay kay Mary ang regalo niya.
"Thank you, Joshua," sabi ni Mary at bumeso pa kay kuya Joshua. "What does this three red roses mean? 'I love you' ba?"
Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni Mary. Napansin niya yata kaya tumawa siya at sinabing joke lang.
"Si Mikyla?" tanong ko kay Ivan. Usually kasi magkasama na sila kapag dumarating ako.
"She's in the library. May pag-uusapan daw sila nung librarian," tumango na lang ako. Hindi ko rin naman ine-expect na sasali si Mikyla sa mga ganito. Pumapasok lang siya para sa attendance.
"So, double date na lang tayo ha. Doon muna tayo sa movie booth!" nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Mary.
Date?
Tumingin ako kay Ivan na nagkakamot na sa leeg niya ngayon. Sandali siyang umiwas ng tinggin bago ako tuluyang tiningnan. Mukha pang naiilang.
"You're my date?" Paninigurado ko. Pilit siyang ngumiti bago tumango.
"Ito namang si Ivan, nahihiya pa. Sa Papa niya nga ang lakas nang loob mong magpaalam," sabi ni Mary. Namula tuloy si Ivan.
"Really? Ipinagpaalam mo ako kay Papa?" tanong ko na tinanguan niya. Nakakatuwa lang dahil siya ang unang lalaki na ipinagpaalam ako kay Papa para maka-date.
Sayang lang at hindi nagawa 'yon ni Wil. Kasalanan ko.
Nginitian ko si Ivan at ikinulong ko pa ang braso ko sa braso niya. "Huwag ka na mahiya, ipinagpaalam mo naman pala ako e." Tumingin ako kay Mary at nahuli ko pa siyang nag thumbs up kay Ivan. "Tara na?"
Isang oras din bago kami nakalabas sa movie booth. Hindi naman ako nag-enjoy sa palabas dahil napanood ko na ang movie na 'yon. Na-bitter lang din ako sa mga sweet scenes doon.
Pero mas lalo akong na-bitter nang mapadaan kami sa may marriage booth.
He was wearing a red oversized shirt. May tatak doon na 'King'. He's also wearing his smile while looking at the girl beside her. Si Patricia. Nakasuot ito ng red t-shirt na may naka tatak na 'Queen'. Jejemon kung titingnan ng iba ang mga suot nila, pero naiinggit ako. Ako dapat 'yon e. Sinuotan ng belo si Patricia at nagsimula ng magsalita ang kunwaring Pari sa harapan nila.
I thought they were just friends? Akala ko babae din ang gusto ni Patricia? Bakit may paganito sila? Why does he seem to be having fun? Ever since we broke up, I haven’t been able to smile like that. Bakit siya kaya niya?
Totoo ba talaga na pinaglaruan niya lang ako?
Itataas na ni Wil ang belo nang harangan ni Ivan ang view. Nginitian niya ako at unti-unting lumuhod sa harapan ko. May hawak siyang kahon, at nang buksan niya iyon ay bumungad sa akin ang isang magandang singsing.
Napakunot ang noo ko dahil doon. Kinakabahan ako sa ginagawa niya.
"What are you doing?"
"Yes na agad!"
Naagaw namin ang atensyon ng ibang estudyante dahil sa sigaw ni Mary. Unti-unting nagkumpulan ang mga estudyante palibot sa amin.
"C-can you be my girl?" nauutal na tanong ni Ivan. Tumingin pa siya kay Mary at kay kuya Joshua sandali bago ibinalik ang tinggin sa akin, naghihintay sa sagot ko.
Tumingin din ako kay Mary. Hindi ko alam kung totoo ba ito o parte lang ng mga kalokohan na naiisip niya. Lumapit siya sa akin at bumulong pa. "Yes na agad. Nanonood si Wil,"
Napalunok ako sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili na huwag ilibot ang paningin sa paligid. Tumingin ako kay Ivan at nag-aalangang ngumiti bago tumango. "Yes,"
Naghiyawan pa ang ilan nang sumagot na ako. Ramdam ko na rin ang pamumula ng mukha ko sa sobrang hiya. Ano ba 'tong naisip ni Mary?!
I just go with the flow after that proposal.
"I'm sorry," sabi ko kay Ivan pagkahatid niya sa akin sa bahay.
Alam kong masyado ko na siyang naistorbo. Ikinasal din kasi kami kanina sa marriage booth. Ang dami pa naming audience dahil sa proposal. Alam ko na katulad ko, ayaw niya rin ng masyadong maraming tao pero hindi pa rin siya tumanggi kanina para hindi ako mapahiya at para tulungan si Mary sa kung ano man ang plano niya.
"Ok lang,"
"Sorry pa rin."
Sandali siyang natahimik bago huminga nang malalim. "To be honest, I'm thankful. I really wanted to do that with you before,"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Medyo naguluhan ako pa ako. Hindi ko masyadong naintindihan.
"I used to like you. Since first year highschool until last December I guess?" napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I don't know what to say. I mean... What? How? Why?
"Don't mind what I've said. Sinabi ko lang kasi feeling ko dapat kong sabihin. May nagugustuhan na rin akong iba ngayon."
Doon ako tuluyang nakahinga nang maluwag.
"Sino?"
Na-curious lang ako.
Nagkibit-balikat siya at sandali pang napangiti. Naisip niya siguro 'yung girl na nagugustuhan niya kaya gano'n.
"I'm happy for you," pinilit kong abutin ang buhok niya at bahagyang ginulo 'yon. "Kung sino man siya, pakisabi, gusto ko siyang maging kaibigan."
"Makakarating," sabi niya bago tuluyang nagpaalam. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob.
"Good evening, Tito Arthur," bati ko nang makasalubong ko siya nang lumabas siya sa office ni Papa.
Unlike before, tiningnan niya lang ako at hindi pinansin. Dire-diretsyo siyang lumabas sa bahay namin. Kinatok ko si Papa sa office niya dahil doon. Kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko may alam ni Tito Arthur tungkol sa pagkatao ko.
"Papa,"
"Arthur already knew," bungad niya pagkapasok ko. There was a hint in his voice that he was in trouble now.
I immediately burst into tears because of that. I was afraid of the possibilities. I was afraid of how they would react, especially Ate Amanda and kuya Aries.
Ano na ang gagawin ko? Hindi ko na alam.
Lalapitan sana ako ni Papa nang makita niya ang mga luha ko pero kaagad akong tumakbo at nagkulong sa kwarto.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Can we talk?" I asked Wil.
He's with his friends. Kanina ko pa siya inaabangan dito sa labas ng mall kung saan kami kumain dati nila Ivan at Mikyla ng mga street foods.
Nagkatinginan sila ng mga kaibigan niya bago nila kami tuluyang iwanan. Inaya ko si Wil papasok sa mall. Walang imik naman siyang sumunod sa akin. Pumasok ako sa isang tindahan at ibinili siya ng mga paborito niyang oversized na damit. Hindi naman niya alam na para sa kaniya kaya hindi niya ako pinipigilan. Hindi kami nag-uusap. Nakasunod lang talaga siya sa akin pero ok lang.
His presence was enough.
"Gutom ka na ba?" tanong ko.
Hindi ulit siya nag-salita. Tinitigan niya lang ako at para bang sinusubukan na basahin ang mga kilos ko. Nginitian ko na lang siya bago ko iniiwas ang tinggin ko.
"Hindi ka pa siguro nagugutom. Ako nga rin e. Feeling ko busog pa naman ako." Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hanggang sa mahagip ng tinggin ko ang isang tindahan. "Wait me here," inabot ko sa kaniya ang mga paper bag ng mga pinamili ko. "I'll just buy something."
Kaagad akong tumayo at nagpunta sa nakita kong tindahan ng cake. Kaagad na tumulo ang mga luha ko pagkarating ko sa tindahan. I bought a cake for my birthday. Matagal pa 'yon pero gusto kong i-celebrate ngayon kasama siya.
Ilang minuto kong ikinalma ang sarili ko bago ako bumalik sa pinag-iwanan ko sa kaniya. Nginitian ko siya bago inaya na maupo muna sandali.
Binuksan ko ang kahon ng cake at sinindihan ang kandila bago nagsimulang kumanta.
"Happy birthday to you, happy birthday—"
"Hindi mo pa birthday,"
He tried to cut me off but I continued. "Happy birthday, happy birthday, happy birthday to me,"
Malawak akong ngumiti kahit na ramdam na ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. I'm trying to act casual in front him and it hurts.
"H-happy birthday to myself. Please make a wish for me."
Halatang nawiwirduhan na siya sa mga pinaggagawa ko pero nagpapasalamat ako na sinunod niya ang sinabi ko. He closed his eyes and told me to blow the candle. Ibinaba ko ang cake sa pagitan namin at sinaraduhan ko na ulit iyon.
"Iuwi mo na lang 'to." Napalunok ako. Pinipigilan ko pa rin ang mga luha ko kahit konti na lang ay mukhang papatak na ulit ang mga ito.
"Ahmm... G-gusto ko sana, patikimin mo si kuya Kael. Pakisabi sa kaniya, t-thank you sa lahat, sa kanila ni ate MJ," I bite my lower lips. "And also to kuya Dwayne. Tell him to take care of ate Amanda. Pakisabi na boto ako kaniya."
Wala na akong nagawa nang tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Hinayaan ko na lang sila. "Si kuya Viel din. Mary told me about their complicated relationship. Sabihin mo, huwag niyang lokohin ang bestfriend ko. Marupok 'yon e. Huwag niyang abusuhin."
"Why do you sounds like you're leaving?"
Am I?
Huminga ako nang malalim at muling lumunok. Yumuko ako at pinunasan ang mga luha ko. Hindi ko pinansin ang tanong niya. "And you, alagaan mo ang sarili mo at si Eya."
Hindi ko man masyadong nakasama ang pusa na ibinigay niya sa akin, mahalaga pa rin si Eya sa akin.
"And please remember that I... Will always love you,"
"Ano ngang problema? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Marahan niyang hinawakan niya ang baba ko at pilit na pinaharap sa kaniya. Pinunasan niya pa ang mga luha ko. "Tell me."
Mapait akong ngumiti bago umiling. "Wala na tayong pag-asa na magkaayos 'di ba?"
Hindi siya sumagot.
"Wala kang plano na balikan ako,"
Hindi ulit siya sumagot.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa baba ko bago tumayo. Nanginginig ako dahil sa pagpipigil ng emosyon pero pinilit ko pa rin na makapagsalita ng hindi nauutal. "Titigilan na kita. Hindi na ako maghahabol."
Ang lakas ng kabog ng puso ko nang madatnan ang kadarating lang na sasakyan ni tito Arthur, tito Gabriel at kuya Aries. Ito na siguro 'yung araw na kinatatakutan ko. Hinayaan ko muna silang makapasok bago ako sumunod. Ganoon na lang ang panghihina ko nang bago pa man ako makapasok ay sigawan na kaagad ang naririnig ko.
Napunta sa akin ang atensyon nang makita nila ako. Kaagad akong nilapitan ni tita Georgina.
"Hanggang kailan niyo balak itago? Hanggang kailan niyo kami balak lokohin!"
"T-tita..." I tried to hold her hands.
"Don't touch me! Sagutin mo ang tanong ko!"
Hindi ko alam ang isasagot ko. I can't find the right word. Sinubukan kong tingnan silang lahat. Maliban kay Papa Albert, all I can see in their eyes is disappointment. Ang sama-sama ng tinggin sa akin ni ate Amanda. Hindi ako matingnan ni kuya Aries. At ang sakit-sakit noon sa pakiramdam.
"Hindi kasalanan ng bata," lumapit sa akin si Papa. Hinarangan niya ako kay Tita Georgina. "Bakit ba sa kaniya kayo nagagalit?"
"Because she kept on pretending that she's one of us," mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni tito Gabriel.
I already expected that this confrontation would be painful but I didn't expect that they would say that.
Kahit papaano, ang inasahan ko talaga ay maiintindihan nila ako. Kasi kung titingnan nilang mabuti, hindi ko naman talaga kasalanan. Hindi ko naman ginusto na magkaganito.
Isn't it too much?
"GABRIEL!" may halong pagbabanta sa boses ni Papa.
"Why kuya Albert? Totoo naman. Bakit kaya?" sarkatisko siyang natawa. "Is it because of the fortunes? Na kapag 18 na siya, itatakas nila 'yon ng Mama niya?!"
Parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Umalis ako sa pagkakaharang ni Papa sa akin at hinarap si tito Gabriel.
"Am I like that kind person?" I bit my lower lip as my tears continue to flow down my eyes.
"Maybe..."
Mariin akong napapikit sa sagot ni ate Amanda. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Nabibingi ako sa sinasabi nila at sa katahimikan ni tito Arthur, kuya Aries at tita Ariessa. I took a deep sigh, trying to calm myself but I can't.
"We don't know you." dagdag pa ni ate Amanda.
Hindi ko na talaga kaya.
"SA TINGGIN NIYO BA SINASADYA KO ANG LAHAT!"
"Annavel!" sigaw na naman sa akin ni Tita Georgina.
"Sa tinggin niyo ba hindi ako nasasaktan?! Para akong dinurog nang pino noong nalaman ko na hindi ako parte ng pamilya niyo. Kahit ako hindi kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako nanggaling! Hindi ko kilala ang totoo kong Tatay. And my mom is a psycho,"
Parang nag-flashback sa akin ang mga sandaling iyon. Kung may sobra pa sa higit para i-describe ang sakit na nararamdaman ko, ganoon siguro.
"During those times... All I have is myself. Mag-isa lang ako," sinabi ko 'yon ng may hinanakit dahil naalala ko yung mga panahon na walang pumapansin sa akin sa bahay. Nanahimik lang ako pero masakit 'yon.
"Nakakulong ako sa kwarto at pinipilit ibaling sa pag-aaral ang lahat para hindi ko maisip ang sabay-sabay na problema!"
Hindi ko na alam kung nakikinig pa ba sila. Hindi ko sila masyadong makita dahil sa mga luha ko pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay ilabas kung ano man ang nararamdaman ko na matagal ko ring kinimkim.
"Wala akong pakialam sa mana. Mula noon, hindi ko 'yon ginusto. Ang gusto ko lang naman maging malaya. Gusto ko lang makakilos na hindi dinidiktahan ni Mama. Gusto kong magkaroon ng sariling desisyon at maging masaya. Hindi ko maintindihan. Why are you blaming me? I am also a victim... Can't you see?"
Habol ko na ang hininga ko kaya hindi ko na masyadong maayos ang sinasabi ko. May nag-aabot sa akin ng tubig pero nasagi ko lang iyon kaya bumagsak sa sahig. Ramdam ko ang pagtama ng ilang bubog sa binti ko.
They were trying to calm me down, but I can't. Hindi ko magawa. Hindi ko kaya.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip na umalis na. Balak ko na rin namang umalis but not this soon, not now. Matagal pa sana pero hindi ko na talaga kaya. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata nila na para bang malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanila.
Lumabas ako at kinuha ang susi ng kotse sa pinaglalagyan ni kuya Jackson.
May pumipigil sa akin na pumasok sa loob, si kuya Aries ata at kuya Jackson pero mukhang malakas ako ngayon kaya nakapasok pa rin ako sa kotse.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung ano na ang sunod kong gagawin. Ang alam ko lang, ayoko na sa bahay na 'yon. Ayoko na.
I was always holding onto people, and they were always leaving with disappointed look. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang alisin na lang ako bigla sa buhay nila pagkatapos ng lahat ng mga pinagsamahan namin.
Hindi ko kayang gawin 'yon e. I never have the courage to leave permanently even when they already stopped loving me, but now, this time, I'll try.
Patuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarinig ako nang malakas na kalampag. Napatama ang ulo ko sa kung saan at mas lalo akong kinabahan nang makarinig ako ng sunod-sunod na busina at pananakit ng katawan ko.
Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso ko. Natatakot ako sa mga posible pang mangyari. Ang daming pumapasok na tanong sa isipan ko.
Is it the end? Ito na ba 'yon?
Is it the taste of freedom I'm asking?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
More stories po huhuhu it’s so good
27/06
0Good story
21/06
0nicee
03/06
0Tingnan Lahat