Homepage/Taste of Freedom/
Kabanata 15
Limang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Wil. Limang araw na niya akong hindi pinapadalhan o dinadalhan ng Chuckie at sandwich kagaya ng ginagawa niya noong mga nakaraang linggo. Naninibago ako pero mabuti na rin na ganito. At least hindi na ako mas masasaktan. Ito naman talaga ang gusto ko e, ang tumigil na siya para makapag-move on na ako. Natauhan at nakonsensiya yata siya sa sinabi ko noong nakaraan.
Hindi naman kasi talaga kami laruan. Tao kami at hindi bagay na pwedeng kuhanin kapag natipuhan at iwanan kapag pinagsawaan. Alam kong hindi lahat ng lalaki ay ganoon. Hindi rin lahat ng babae ay biktima dahil meron din sa amin na mga playgirl. Nakakalungkot na may mga taong ganoon. Wala silang pakialam kung makasakit man sila basta ang mahalaga nag-enjoy at masaya sila. Ang selfish lang.
Hoy! Happy birthday, Patpat! Sana tumaba ka na sa susunod. More birthdays to come with free Lomi! Iyon lang naman, pasabi kay Nanay the best ang luto niya!
Iyan ang bumungad sa akin sa Facebook. Minsan ko na nga lang binubuksan, picture pa nila ang una kong nakita. Birthday noong babaeng inakbayan niya sa fishball stall sa harap ng mall na siya ring babae na kasama niya sa party noong Sabado. Magkaakbay sila sa picture at parehong may icing sa mukha. May mga balloons sa background nila. Five minutes ago pa lang noong nag-post si Wil at marami na kaagad comments at reacts.
Pinindot ko ang itinag ni Wil. Patricia ang pangalan. Kakapalit lang niya ng profile picture. Naka-public ito kaya nakikita ko kahit hindi ko siya friend. Magkapareho lang ang suot niya sa post ni Wil atsaka sa profile picture niya pero rito wala siyang icing sa mukha. May hawak siyang number 1 at 7 na balloons. Kulay black ang mga 'yon.
Yay! 17 na ako! Isang taon na lang pwede na akong uminom🥂
Credits: William Dela Vega my best photographer 📸
Best photographer o boyfriend? Bagay naman sila pero seryoso kaya si Wil doon sa babae? Kawawa naman si Patricia kung sasaktan niya lang.
Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Nag-scroll pa ako sa timeline ni Patricia. Sa halos lahat na picture na nakita ko, present si Wil. Meron pa nga rin na kasama ang lahat ng Dela Vega. Hindi ko tuloy maiwasang magselos. Normal lang naman 'to dahil may gusto pa rin ako sa kaniya pero sisiguraduhin ko na mawawala rin 'to.
May girlfriend na pala siya e. Bakit pa niya ako nilalandi? Bwiset. Player talaga e. Pinatay ko na ang cellphone ko kaysa kung ano-ano pa ang makita ko.
Maaga akong nagising kinabukasan. Sabado ngayon kaya napagpasyahan na mag-jogging papunta sa tree house. Maaga akong umalis kaya kay ate Yan lang ako nakapagpaalam. Siya pa lang kasi ang gising. Tsaka wala naman sila Mama at Papa. May inaasikaso si Mama sa Zambales habang si Papa naman sa Baguio. Ilang araw na silang hindi umuuwi. Nakasuot lang ako ng itim na Adidas leggings at itim na sports bra. May suot din akong itim na belt bag kung saan nakalagay ang cellphone ko at konting cash just in case na may magustuhan akong bilhin sa mga madadaan kong tindahan. Nag-pony tail na lang ako. Wala rin akong suot na salamin ngayon. Hindi na ako nagdala dahil nahihirapan akong mag-jogging ng may suot na salamin. Nagsuot ako ng airpods bago ako nagsimula.
Malayo-layo na rin ang natakbo ko nang tumigil ako sa tapat ng isang bakery malapit sa HashTEAg. Bumili lang ako ng tubig at dalawang Spanish bread. May sementong upuan doon kaya umupo muna ako. Kakasikat pa lang ng araw at hindi pa masyadong mainit kaya siguro marami-rami pa rin akong nakikitang katulad ko na nagjo-jogging. Tumakbo na ulit ako pagkaubos ko ng pagkain. Malapit na ako sa tree house nang makasalubong ko si Wil, nagjo-jogging din. Nagkagulatan pa kami nang makita ang isa't isa.
I remembered what Mary told me last week. That I should stop hiding my feelings. These past few days I realized that moving on is not easy. Also, it will hurt me more knowing that I did nothing but hide and bury my feelings than showing how much I love and care for him. He said he likes me and I know in myself that I love him but, there's always a but after that three words.
I love him, but I'm not sure if he's telling the truth. I love him, but he sees girls as his toys. I love him, but he's a player. And confessing my feelings to a playboy is a dangerous decision for my fragile heart.
Nilampasan ko siya. Nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Will loving him from a far, will make it hurt less?
"A," tumigil ako sa pagtakbo at lumingon sa kaniya nang tawagin niya ako. Here he is again, calling me in the first letter of my second name.
"Bakit?" tanong ko.
We're meters apart and it's awkward. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Seeing his face again in person after a week made me admit to myself that I've missed him. Parang bumagal ang lahat nang maglakad siya papalapit sa akin. Ito ba kaya ang spark na sinasabi ng iba?
"Saan ka pupunta?" napalunok ako sa tanong niya.
Papaanong ang boses niya na isa sa mga kinaiinisan ko noon ay naging maganda na ngayon sa pandinig ko?
Malala na ang tama ko.
"S-sa Tree house," naiilang na sagot ko.
"Ikaw lang?" nag-aalangang tanong niya.
"May nakikita ka bang iba kong kasama?" hindi ko sinasadyang magtunog piloposo pero ganoon ang nangyari.
He shook his head and forced a smile. "Mauna na ako,"
Tumango na lang ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya. Sobrang awkward! Hindi naman dating ganito ah! Bwiset na feelings 'to!
He continued to jog and I did the same. We took a different path.
Nagpahinga muna ako pagkarating ko sa tree house bago naligo. Dinalhan ako ni Ate Cherry ng umagahan at tanghalian pero umuwi rin kaagad dahil may aasikasuhin pa sa bahay. Ipapasundo na lang daw niya ako kay kuya Jackson mamaya. Nakatulog ako sa couch noong tanghali at naalimpungatan dahil sa katok sa pinto ng tree house. Bumangon ako at pagbukas ko nang pinto ay bumungad sa akin si Wil.
"What's your problem?" nakakunot noong tanong ko. Ayaw na ayaw ko pa man din na ginigising ako.
"Natutulog ka pala," may sumilay na ngiti sa labi niya. "Sorry, nagising kita."
"Istorbo ka ha," nginiwian ko siya at inirapan. "Tara samahan mo ako!" naghihikab akong bumaba sa tree house at sumunod naman siya hanggang sa makapasok kami sa isang malapit na coffee shop.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 30 minutes pa lang pala akong natutulog. Nakakaantok pa.
"What do you want?" tanong ni Wil na kanina pang nakangiti. Parang ewan.
"Matulog,"
"I mean, do you want coffee, tea or cake? Or maybe me?"
Umiling ako. Hindi naman ako nagugutom e. Inaantok ako. Gusto kong matulog.
"Bakit ka nagpasama kung wala ka naman palang kakainin dito?" tanong niya.
Nakatulala lang akong tumango sa kaniya. Tama naman siya. Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit ako nagpasama rito. Wala talaga akong kwenta kausap kapag bagong gising e. "Coffee please,"
Nakangiti pa rin siyang umorder hanggang sa makabalik. Muli na naman akong humikab. Nakakaantok talaga.
Inilapag niya sa table naman ang dalawang cup na may nakabalot na tissue sa gitna. Iniabot niya sa akin ang isa at agad ko namang ininom. Mabuti na lang iced coffee. Kung hindi, baka napaso ang dila ko.
"Pwede magtanong?"
Tumingin ako sa kaniya at tumango. May choice pa ba ako e nagtatanong na siya?
"Where's your eye glasses?" kinapa ko ang mata ko. Hindi ko pala suot?
"Nasa bahay," iniwan ko nga pala kanina. "Aray!"
Bigla na lang niyang pinisil ang pisngi ko noong sumagot ako. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Ano bang problema ng lalaking 'to?
"Sorry. Ang cute mo kasi,"
Sinamaan ko siya ng tinggin. Sino siya para sabihan akong cute? Teka, bakit ako naiinis? Compliment na nga e. Bakit naman parang ang swerte ko na ganito ang crush ko sa akin?
"Daig mo pa ang lasing kapag bagong gising ka. Ibang Annavel yata ang kausap ko ngayon." Tuluyang nawala ang antok ko nang parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan noong hawiin niya ang ilang hibla ng buhok ko at iniligay iyon sa likod ng tenga ko.
Ang weird. Bakit may kuryente? At saka bakit may gumagalaw sa t'yan ko? Don't tell me natatae ako ngayon? Teka, hindi naman siguro. Parang magkaiba naman ang pakiramdam na iyon sa nararamdaman ko ngayon. Ito na ba yung sinasabi nilang nararamdaman kapag inlove?
"A-ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo iniistorbo ang tulog ko?" umayos ako ng upo at tinaasan siya ng kilay.
Nagseryoso siya bigla at ang cute niya pala kapag ganito siya? Ngayon ko lang napansin. Tiningnan niya ako ng diretsyo kaya agad akong nag-iwas ng tinggin. Kinakabahan na naman ako.
"About doon sa liligawan kita... Seryoso ako," hindi ako sumagot. Nararamdaman ko kasi ang sincerity niya kaya natatakot ako sa posible kong masabi. "I really like you, A"
Naglakas-loob akong tingnan siya ulit. He's biting his lower lip. Halata sa kaniyang kinakabahan din siya. Ramdam na ramdam ko ang init sa buong mukha ko. Kinikilig ako pero nandoon pa rin ang takot. Hindi ko maaalis sa sistema ko na matakot dahil nakakatakot naman talaga siyang mahalin.
"I know I'm such a jerk back then. I understand if you're doubting my feelings but please allow me to prove myself. Let me court you,"
Ang sarap pakinggan noong mga sinabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na iyong taong mahal mo may nararamdaman din para sa 'yo. Ang sarap sa pakiramdam kaya nakakatuksong maniwala. Para siyang dream come true. Hindi naman kasi lahat ng tao nagugustuhan pabalik ng mga nagugustuhan nila. Marami man ang mga taong masaya ngayon dahil sa pag-ibig, marami rin sa kanila ang nasaktan muna ng todo bago sumaya. Kaya pakiramdam ko ngayon ang swerte ko. Gusto niya rin ako. Gusto ako ni Wil.
Pero nakakatakot...
Nakakatakot sumugal.
Nakakatakot magbakasakali.
Nakakatakot matalo.
Nakakatakot masaktan.
"A-alam mo bang masamang magsinungaling?" tanong ko at tumango siya.
"Alam mo rin bang bawal manloko? Bawal paglaruan ang feelings ng isang tao. Bawal manakit. Bawa—"
"I know," huminga siya nang malalim at diretsyong tumingin sa mga mata ko. "Alam ko, Annavel. And if you're thinking that I'll do that to you, don't worry, I won't. Wala akong balak na magsinungaling, manloko, maglaro ng feelings at manakit." Nakataas pa ang mga kamay niya na parang nanunumpa sa akin habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. And I hate myself for trusting his words.
Bumuntong-hininga ako. Hinihintay na niya ang sagot ko ngayon. At hindi ko pa rin alam kung anong ibibigay ko sa kaniya. Should I try it? Kakayanin ko ba ang sakit? Kakayanin ko bang manghinayang sa mga mabubuo naming memories kung sakali man na hindi mag-work ang relasyon na bubuuin namin? Nakakalito.
Kapag nagbabasa ako ng mga libro at nanood ng teleserye, naiinis talaga ako sa mga babaeng ang tagal bago sumagot kapag may lalaki na nagtatanong kung pwedeng manligaw sa kanila. Nagrereklamo ako kapag pabitin pa sila pero ngayon na nandito na ako sa ganoong sitwasyon, mahirap pala talagang sumagot. Hindi pala talaga dapat basta-basta na lang magdedesisyon. Kailangan talagang pag-isipang mabuti ang bawat salitang sasabihin.
Oo at hindi.
Mahirap pala talagang pumili.
Alin man sa dalawa ang piliin ko, hahabulin pa rin ako ng mga "what if's" and "maybe's". Hindi nila ako tatantanan.
What if pumayag ako? Worth it ba? What if hindi ako pumayag? Worth it din ba? Maybe kung ginawa ko 'yon ganito siguro ang mangyayari. Maybe if I choose to do that hindi ako masasaktan ng ganito.
Naalala ko tuloy yung poem na pinabasa sa amin noong Grade 10 sa English subject namin. Yung The Road Not Taken na isinulat ni Robert Frost.
Ang babaw ko yata para ihalintulad ang tulang iyon sa pamimili sa isasagot kay Wil pero parang ganoon din naman e. Hindi ko alam kung tama ang pagkakatanda ko pero may nakasulat doon na. . .
Two roads diverged in a yellow wood,
And sorry I could not travel both
And be one traveler, long I stood
And looked down one as far as I could
To where it bent in the undergrowth
Sabi ni Sir Gomez noon, the yellow wood in the poem represent the choice. The traveler needs to choose between the two choices. Hindi niya alam ang naghihintay sa dulo ng dalawang pagpipilian niya. That's why he's spending too much time standing at center. Doon niya kasi parehong natatanaw ang parehong pagpipilian.
I think that's the reason why I remember that poem right now. Just like the traveler in the poem, hindi rin ako makapili ngayon. Nandito pa rin ako sa gitna. I can't answer both yes and no. I need to answer either yes or no. Even if it's hard, I need to choose between them. Isang sagot lang.
"Annavel..."
I closed my eyes and sighed. "Seryoso ka ba talaga?"
When I opened my eyes, I saw him nodding. Seryoso ang mukha niya pero bakas ang takot sa mata. At alam ko na dahil doon nakapili na ako ng desisyon.
I'm ready to face my fears. I will take the risk. Handa na akong magbakasakali at sumugal. Handa na akong matalo sa pag-ibig. I'm also ready for the possible pain it might cause. But before anything else, before I feel that pain, handa na rin akong maging masaya. Hindi man ako sigurado kung magtatagal, atleast hindi na ako lugi sa sakit kasi magiging masaya naman ako.
"Sige," umaliwalas ang mukha niya. "I'll let you prove yourself to me."
Siya na yata ang pinakamasayang taong nakilala ko noong marinig niya ang sagot ko. Yung mga ngiti niya na siguro ang pinakatotoo at magandang ngiti na nakita ko. I smiled back.
For some reason, I feel free. I didn't asked my Mom's permission. For the first time I let myself decide.
"Talaga?" tanong niya na para bang naninigurado.
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ko pabalik.
Umiling-iling naman siya at nakangiting humigop sa kape niya. "Sabi ko nga pumayag ka e."
Muntik na akong masamid sa iniinom ko nang bigla niyang idinukdok ang mukha niya sa lamesa. Agad din naman niyang tumunghay sa akin. Pulang-pula ang mukha.
"Don't mind me," sabi niya at tumalikod naman ngayon.
Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pag-inom ko habang pinapanood siyang kiligin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
More stories po huhuhu it’s so good
27/06
0Good story
21/06
0nicee
03/06
0Tingnan Lahat