Kabanata 12

"Goodmorning, Annavel!" bati niya sa akin sabay kindat.
Wala ako sa mood na makipaglokohan sa kaniya ngayon dahil kulang ako sa tulog at alam kong pinagti-tripan lang niya ako pero nakakainis yung puso ko. Isinama pa talaga niya ang isip ko sa kalokohan niya na magkagusto sa isang babaero. Siyempre nagmayabang ako sa harapan nila Ivan at Mikyla noon na sisiguraduhin kong hindi ako tatamaan kaya heto at sinasarili ko ngayon ang nararamdaman ko. Ako lang ang may alam na sa loob ng isang buwan, tinamaan na kaagad ako.
Meron na naman siyang dalang Chuckie at sandwich para sa akin. May gayuma yatang kasama kaya nagkagusto ako sa kaniya. Tinanggap ko pa rin naman dahil tama siya, sayang.
"Thank you. Last na sana 'to," ganyan ang palagi kong sagot pero hindi naman niya sinusunod. Palagi niya pa rin akong dinadalahan ng pagkain.
Hindi niya ako nililigawan pero alam kong pinapaasa niya ako kaya hindi ako aamin sa kanya. Mawawala rin ang feelings ko dahil hindi naman niya deserve. Hindi naman siguro masamang mag-ingat kahit nahulog na ako 'di ba? Pwede naman akong mag-iingat na makaahon para hindi mas mahulog. Magsasawa rin siyang pag-tripan ako. Sana magsawa rin akong magustuhan siya.
"Ano ka ba? Para ka namang others. Sawa ka na ba d'yan? Anong gusto mo para sa Lunes? Iibahin ko na promise," natatawa-tawa niyang ginulo ang buhok ko. "Sige na. Eat well, baby."
Inirapan ko lang siya at nginiwian kahit na sa loob-loob ko ay gusto kong tumalon sa kilig. Tinawag lang naman akong baby ng crush ko.
"Huwag kang kiligin!" sabi ko bigla sa isip ko nang mapagtanto na hindi nga pala dapat ako kinikilig kay Wil. Hindi siya ang taong paglalaanan ko ng karupukan.
He's a playboy. He's a jerk.
Isa pa.
He's a playboy. He's a jerk.
Kailangan kong itatak 'to sa sarili ko para hindi ko makalimutan.
"Sasama ka sa 'min?" tanong ni Ivan pagkatapos ng klase. Pupunta dapat kami sa HashTEAg.
"Pass. I have a lot of things to do,"
Bukas na ang celebration ng 50th Anniversary ng resort namin kaya sobrang busy sa bahay. Nagbilin si Mama na maaga akong umuwi. Ngayon na rin kasi darating ang susuotin ko para bukas.
"Makikita mo na naman si Wil doon?" tanong ni Mikyla.
Tinanggihan ni kuya Seo ang invitation para sa kaniya pero pupunta pa rin ang ibang Dela Vega. Kagaya ng sinabi ko noon, family friend namin sila. Parang ang family lang ni kuya Seo ang medyo malayo ang loob sa amin. Hindi ko sigurado pero ganoon ang napapansin ko. Hindi na nga ako masyadong kumbinsido na family friend pa rin namin sila hanggang ngayon. Si Tita Georgina lang naman ang sobrang malapit sa mga Dela Vega. Kaya nga sobrang close nila kuya Kael si Amanda e. Palagi na lang kasing inaaya ni Tita Georgina na tumambay sa Dela Vega compound si ate Amanda.
"Sa dami ng bisita baka hindi na kami magkita noon. Ano ka ba?" natatawa-tawang saad ko.
Sa dami rin nang babae roon, I don't think na lalapitan niya pa ako.
I sighed.
Ang hirap palang sarilihin ang feelings. Hindi ko masabi sa mga kaibigan ko na gusto ko rin naman na nakikita ko si Wil. Gusto ko na natatanaw siya ng mga mata ko kasi kapag hindi, natatakot akong baka nambababae siya. Wala akong karapatan at ayokong maramdaman pero masakit. Nasasaktan akong isipin 'yon. Pero hindi na rin malabo na makahanap nga siya ng bagong target doon. May inimbitahan ang mga magulang ko na mga model at artista na malalapit din sa amin. Maganda nga siguro 'yon. Maganda siguro na ibaling na niya ang atensyon niya sa iba para hindi na ako mas mahulog. Para makapag-move on na ako.
Saturday. Alas-tres na ng hapon, kanina pang umaga umalis ang mga magulang ko. Nagkaroon nang konting problema sa resort kaya sumunod na lang daw ako. Isang oras din ang lumipas bago pa ako natapos ayusan ng hairstylist at make up artist na pinapunta ni Mama rito sa bahay.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I am wearing a simple backless rose gold dress partnered with rose gold heels. Hindi ko suot ang salamin ko ngayon, contact lens ang ipinagamit sa akin. Hindi na lang ako tumanggi dahil si Mama raw ang nag-utos. Simple lang din ang inilagay nilang make up sa akin but hindi ko na itatanggi na nagmukha pa rin akong elegant. Naka pony tail ang buhok ko ngayon. Simple lang din pero masasabi kong bagay na bagay iyon sa akin. Nilagyan nila ito ng extension kaya nagmukhang mahaba at umabot pa hanggang bewang ko kahit na nakapuyod na. Muli ko pang pinasadahan ng tinggin ang sarili ko bago kinuha ang maliit na designer bag na kulay rose gold din.
"Dalagang-dalaga na talaga ang alaga ko," nakangiting saad ni Manang Belinda pagkalabas ko sa kwarto kung saan ako inayusan. Katabi niya si Ate Cherry at Ate Yan na nakasuot din ng dress na kulay rose gold. Magkaka-iba ang design ng mga ito.
Nahihiya tuloy akong ngumiti dahil sa sinabi ni Manang Belinda.
"Halika ka na, malapit na raw magsimula ang party. Naghihintay na rin si Jackson sa labas," saad ni Ate Cherry. Tumango ako at lumabas na kami.
It's been a year simula noong huli akong pumunta rito sa resort namin. Sinalubong kami ng mga tauhan namin dito na mukhang kanina pang naghihintay sa pagdating ko. Inihatid nila kami sa isang open-area kung saan marami-rami na rin ang tao. Sumisigaw ng karangyaan ang ayos ng party. Mukhang pinaghandaan talaga nila Mama at Papa. Tahimik lang akong nakamasid sa paligid. Nagbabakasaling makita ko ang mga pinsan ko.
"Good evening, ladies and gentlemen. Welcome to Valencia Resort," panimula ng emcee na naroon sa isang mini stage sa harapan. May sinabi pa siya about sa history ng resort namin bago tinawag si Papa.
"First of all, I wanted to thank all of you for coming to this important event for our family. Like what you've heard earlier, this resort starts in 1971," panimula ni Papa na ikinangiti ko. Bakas ang saya sa mukha niya "Hindi man naabutan ng mga magulang ko ang achievement nilang ito, alam kong proud at masaya sila na hindi namin pinapabayaan ang mga naiwan nila sa amin. Gusto kong magpasalamat sa aking mga kapatid, si kuya Arthur at kuya Garbriel, na katulong ko sa mga responsibilidad na iniwan sa amin"
Tito Arthur and Tito Gabriel are indeed good brothers to my Papa. Unlike sa mga napapanood kong drama at sa ibang mga kilala ko, hindi sila ang tipo ng mga kapatid na nag-iinggitan at nag-aagawan sa mga ipinama ng mga magulang nila. Nangingibabaw ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Nagtutulungan sila. Kagaya ni Papa, I'm also thankful kasi ganoon sila.
"And also, to my wife, Alice. Thank you for helping me,"
Doon ako mas lalong napangiti. Ito ang isa pa sa mga rason kung bakit tinatawag akong swerte. My family is complete and they're on good terms. We're a happy family. Never ko pang nakitang nag-away ang mga magulang ko.
"Tsss," napalingon ako nang marinig 'yon. Si Kuya Jackson. Basher talaga siya ni Mama at wala na akong magagawa sa bagay na 'yon.
"I would like to call my daughter, Beanca Annavel Valencia, ang nag-iisang taga-pagmana ni Don Jacinto at Donya Juana Valencia," nagpalakpakan ang mga tao. Nahiya tuloy ako. Hindi naman ako sinabihan na tatawagin pala ako sa unahan. Nagtama ang paningin namin ni Papa. "Come here, anak,"
Nahihiya man ay nagpunta pa rin ako sa unahan. Ano bang sasabihin ko? Wala naman akong inihandang speech.
"Good evening po sa inyong lahat," napalunok ako. "Ahhh... Thank you for coming po. I know that you're all busy pero nakapunta pa rin po kayo. Sana po mag-enjoy po kayo sa party," ibinalik ko na ulit kay Papa ang mic. Nahihiya na talaga ako.
"Cheers to fifty years!" itinaas niya ang wine glass niya at ganoon din ang ginawa ng mga bisita.
Inalalayaan akong bumaba ni Papa. Dumiretsyo kami sa table kung saan nandoon ang mga Tita at Tito ko at mga pinsan ko. Kay kuya Aries at ate Amanda ako tumabi matapos kong batiin ang mga Nanay at Tatay nila.
"Tara na! I'm excited!" sabi ni Ate Amanda. Tapos na ang program at naiwan doon ang mga matatanda. Sasakay raw kami sa yatch para mag-party. Mga kabataan lang ang kasama. Hindi ako pinayagan ni Mama pero narinig ni Tito Arthur at Tita Georgina kaya pinayagan na rin ako.
Kami ang naunang sumakay. Nakasunod sa amin ang iba. Maraming lumalapit sa amin ni Ate Amanda. Hindi na namin kasama ngayon si Kuya Aries dahil sumama na siya sa mga kaibigan niya. Plano kong isama ang mga kaibigan ko kaso hindi sila pinayagan. Sayang. Mas masaya sana rito kung nandito sila lalo na si Mary.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Janine C. Andulan

    More stories po huhuhu it’s so good

    27/06

      0
  • avatar
    Janine Andulan

    Good story

    21/06

      0
  • avatar
    Jah Wp

    nicee

    03/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata