Kabanata 11

Wala namang masyadong naging ganap noong sumunod na isa pang linggo. Nag-focus ako sa studies ko. Palagi kaming nakatambay sa HashTEAg nila Ivan dahil doon kami nagre-review. Palagi rin akong kinukulit ni Wil kahit hindi ko na siya masyadong pinapansin. I already accepted his friend request but I never replied to his chats. Once, I accidentally saw his messages and I saw that he was sending me his pictures and telling updates about him. Like, what? Anong paki alam ko?
But then, I caught myself smiling when he sent me a message again. Nag-popped out lang 'yon sa notification ko pero hindi ko binasa. Ayoko siyang i-chat. Ayoko siyang maka-chat. Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Hindi dapat ako ngumingiti na siya ang dahilan.
He's a playboy.
Maybe he's doing this because I'm one of his target. Maybe tinitingnan niya kung gaano ako karupok. Maybe pinapaasa niya lang ako at kapag nahulog na ako, tsaka niya ako iiwanan. Maybe I'm just his flavor of the month.
I shook my head when I imagined him with a smirk on his face.
If I am his next target, I'll make sure that I have shield. Hindi ako magkakagusto sa kaniya. Hindi niya ako matatamaan at kung magiging marupok man ako dahil sa pagmamahal, I'll make sure na hindi siya ang paglalaanan ko noon.
Ibinaon ko sa unan ang mukha ko dahil sa mga naiisip. Bakit ko ba pumasok sa isip ko ang mga 'yon? Nag-chat lang naman siya sa akin ah? Bakit ang layo na kaagad ng napunta ng isip ko?
Tss. I'm weird.
"Anong meron sa inyo ni William Dela Vega?" tanong ni Mikyla kinabukasan noong bigyan ako ni Wil ng chuckie at sandwich. Siya pala ang salarin doon. Umamin lang siya kanina dahil siya mismo ang nagdala. Sabi niya ay kainin ko na raw dahil sayang.
"Sayang ang pagkain at sayang ang effort" that's exactly what he said.
Nalilito na ako sa kaniya. Bakit ganoon siya sa akin? Bakit binibigyan niya ko ng pagkain araw-araw at bakit sinasabi niya sa akin ang mga ganap sa buhay niya? Ano nga ba ang meron kami?
May gusto ba siya sa akin?
Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa sariling tanong.
"Nililigawan ka ba niya?" dagdag na tanong pa ni Mikyla kaya agad akong umiling.
"Of course not. I don't like him. He's a playboy. Hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yon,"
Tama! Ayoko sa kaniya. I'll never like him. If he's trying to flirt with me, hindi niya ako madadala sa mga galawang babaero niya. Ibahin niya ako sa mga babae niya.
"Good. I don't like him for you." Ngumiti si Mikyla bago ibinalik ang tinggin sa binabasang libro.
I don't like him for myself too.
Si kuya Seo kaya ang crush ko. Hindi ko siya ipagpapalit sa pinsan niyang babaero. Magkaibang-magkaiba sila. Halos kabaligtaran nila ang isa't-isa. Huminga ako nang malalim pagkapasok ko sa C.R. Nauna na si Mikyla at Ivan sa canteen. Kanina pa akong tahimik... I mean, mas tahimik kumpara sa normal na ako at alam kong nahahalata na iyon ng dalawa kong kaibigan. Hindi kasi mawala sa isipan ko si Wil at natatakot ako dahil doon.
Palagi ko na lang naiisip ang possibility na baka nga pinagti-tripan niya ako ngayon at nagtatapos iyon sa sasabihin ko sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan. The more I remind myself that I should never like him, the more I think about the possibility that I might fall. I always catch myself smiling every time he's updating me how his day went and I hate it! Kailangan ko na sigurong makita ulit si Kuya Seo para mawala na sa isip ko si Wil.
Natatakot kasi ako na sa kaiisip ko sa kaniya, unti-unti ko na siyang nagugustuhan.
At ganoon nga ang ginawa ko. Nakipagkita ako kay Kuya Seo noong Saturday. Mabuti na lang at umuwi siya rito sa Batangas. Sa Manila kasi talaga siya tumitigil noon pa man dahil marami siyang schedule roon. Nandoon din ang Mama niya. However, ako ang kailangang pumunta sa bahay nila rito sa Batangas. Ayos lang naman sa akin. Nagpaalam naman din ako kay Mama. Pumayag naman siya nang malaman na si kuya Seo ang pupuntahan ko. Iyon nga lang, mukhang may gusto siyang mangyari. Gusto niyang mapalapit ako kay kuya Seo para pumayag na ito na i-promote sa vlog nito ang resort namin. Balita ko, matagal na silang tinatanggihan ni kuya Seo for some reason.
Malaki ang bahay nila. Mula sa gate pa lang ay sumisigaw na ito ng karangyaan. Malawak na garden ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa gate. Hinatid ako ni kuya Jackson pero kaagad din siyang umalis. Babalikan na lang niya ako mamaya. Si kuya Kael ang sumalubong sa akin. Sinamahan niya ako papunta sa may pool sa likod ng bahay. May kubo roon at nandoon din ang mga pinsan niya maliban kay kuya Mitch na sabi ni kuya Kael ay sinamahan daw ang girlfriend somewhere.
Kaagad akong tumabi kay kuya Seo nang makita ko si Wil na lalapit sa akin. As much as possible, ayoko siyang tingnan. Ayoko siyang pansinin.
"Goodmorning, kuya Seo," nakangiting bati ko sa kaniya. Nginitian niya ako pabalik at binati rin.
Napasimangot na lang ako nang hindi ako nakaramdam ng kilig. Gosh. This is bad.
"How are you, Kuya? It's been a while," I tried to smile again.
Hindi pwedeng mawala ang pagkakagusto ko sa kaniya. Si kuya Seo ang crush ko! Kailangan kong kiligin ulit sa kaniya. Siya lang ang gusto kong magustuhan. Ayos lang sa akin kung hindi niya ako magustuhan pabalik basta ang mahalaga, gusto ko siya. Ayoko sa pinsan niya.
"Bakit si kuya Seo lang ang tinatanong mo? Nakakatampo ka naman," napatinggin ako kay kuya Viel.
What if siya na lang? Gosh! I'm really desperate. Ayoko kay Wil e. Ayokong masaktan. Alam ko na naman sa sarili ko na unti-unti ko na siyang nagugustuhan sa hindi ko malamang dahilan. At ilang beses ko nang sinabi at sasabihin na ayokong siya ang magustuhan ko. Habang maaga pa, ayoko nang mas mahulog pa. Sasaktan niya lang ako e. Masasaktan lang ako sa kaniya.
"Oh, sorry," nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "How are you, Kuya Viel?"
"Ayos lang naman. Gwapo pa rin," medyo mayabang niyang sabi at nag pogi sign pa.
Nagsasabi naman siya ng totoo. Actually, lahat naman sila ay attractive. Mas nangingibabaw lang nga si kuya Seo at kuya Kael para sa akin.
"What's bring you here?" seryosong tanong ni kuya Dwayne. Umiinom siya ng wine ngayon.
Nagtama ang tinggin namin ni Wil kaya kaagad kong ibinaling sa iba iyon. Mukhang hinihintay rin niya ang sagot ko.
"Gusto ko lang makita si kuya Seo," nagkatinginan sila. Halatang binibigyang malisya ang sinabi ko. Nahiya tuloy ako bigla. "May ibibigay kasi ako sa kaniya. May sasabihin din pala akong importante kay kuya Kael."
Nagsasabi ako ng totoo sa una kong sinabi. May pinapabigay si Mama kay kuya Seo. Palusot ko lang yung kay juya Kael. Kailangan ko na sigurong maghanda ng sasabihin sa kaniya para mamaya. Ano kaya? Tss.
"Kung wala raw ipinapasabi si Amanda sabi ni Dwayne," sabi ni kuya Viel.
Nagsalubong ang kilay ko. Bakit palagi na lang nadidikit ang pangalan ni Ate Amanda kay kuya Dwayne? May something ba sa kanila?
"Hindi ko itinatanong," tanggi ni kuya Dwyane.
"Wala naman po siyang ipinapasabi,"
Inaya ako ni kuya Seo sa loob. Ginamit ko na rin ang opportunity na iyon para ibigay sa kaniya ng ipinapabigay ni Mama. Invitation iyon para sa 50th Anniversary ng resort namin next week. Nahihiya akong tumingin kay Kuya Seo habang binabasa niya ang nakalagay roon.
"You're Mom wants me to attend the party and vlog it?" napailing si Kuya Seo. Bakas ang inis sa itsura niya. Nakakainis na siguro ang pangungulit sa kaniya ni Mama.
"No, kuya. Ibinigay ko lang 'yan sa 'yo dahil inutos ni Mama, but hindi mo kailangang pumunta. Alam ko naman po na sobrang busy mo,"
Huminga siya nang malalim bago ako bigyan ng isang pilit na ngiti. "I'm sorry."
Inabot niya ulit sa akin ang invitation. He has his reason at naiintindihan ko 'yon. Naiwan ako sa sala nang magpaalam siyang pupunta sandali sa kwarto. Nag-text naman ako kay Kuya Jackson na sunduin na ulit ako. Wala na naman akong ibang gagawin dito.
"Ginagamit ka ng Mama mo para makuhang endorser ng resort niyo si kuya Seo," nagulat ako nang may tumabi sa akin. Kaagad akong tumayo at lumipat ng upuan.
Hindi ko siya pinansin.
Naiinis ako sa choice of words niya pero tama naman e. Mukha ngang ginagamit ako ni Mama. Pero hindi lang naman iyon ang ipinunta ko rito. Nagpunta ako para makita si kuya Seo. Para malaman kung may crush pa ako sa kanya. Kaso nandito rin pala ang lalaking kahit ayaw ko ay unti-unti ng nagkakaroon ng puwang sa puso ko.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Janine C. Andulan

    More stories po huhuhu it’s so good

    27/06

      0
  • avatar
    Janine Andulan

    Good story

    21/06

      0
  • avatar
    Jah Wp

    nicee

    03/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata