Pastel Levi Randall's POV "Ganda natin ah," puri sa akin ni Mariell ng makalabas ako ng bahay. Btw ngayon na ang pasok namin. "Matagal na ngayon mo lang napansin?" nakangising sabi ko na kinatawa niya. "Hindi ka rin mahangin no Pas?" natatawang sabi niya na kinasimangot ko. "Parang hindi mo ako kaibigan ah hhmmp tara na nga baka malate pa tayo," nakasimangot na sabi ko bago naunang maglakad. "Oyy Pas papasok na kayo?" nakangising sabi ni Kyle na kinairap ko. Hindi ko nalang sila pinansin na mga sumisipol at nagpatuloy nalang sa paglalakad. "Hoy gusto niyo mabugbog," maangas na sabi ni Mariell na kinatigil nila sa pagsipol. Sumabay siya sa paglalakad sa akin at inakbayan pa ako. "Tara na bilisan mo si itay sasakyan natin," nagmamadaling sabi ni Mariell kaya tumakbo nalang kami. Pagdating namin sa labas nandon nga ang tatay niya at andon din si Albert. "Babe tara na hatid ko na kayo," yaya ni Albert pero hindi siya pinansin ni Mariell at sumakay nalang sa tricycle ng tatay niya. Nagtataka naman akong sumunod kay Mariell. "Anong nangyari sa inyo ni Albert?" tanong ko ng nasa byahe na kami. "Makikipagbreak na ako sa kaniya mamaya, pagod na ako Pas," saad niya at ngumiti pa ng mapait. "Bakit anak anong ginawa sayo ng gagong Albert na yon?" tanong ni mang Carlo, tatay ni Mariell. "Wala tay haha napagtanto ko lang na hindi ko na pala siya mahal," nakangiting sabi ni Mariell. Hinawakan ko ang kamay ni Mariell na kinatingin niya sa akin. Nginitian ko lang siya na parang sinasabi na nandito lang ako. Ilang minuto pa ang lumipas nakarating na din kami sa university. Grabi puro mamahaling kotse ang sinasakyan ng bawat estudyante mukhang kami lang ata ni Mariell ang mahirap dito. Bumaba na kami sa tricycle na kinatingin ng mga estudyante dito. Hindi namin sila pinansin at lumapit nalang sa guard na nagbabantay sa gate. "Id niyo?" tanong niya sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Mariell. "Ah manong guard transferee po kasi kami dito kukunin pa lang po namin ang id at uniform namin sa dean's office," mahinahong sabi ko na kinatingin ni manong guard. "Ah ganun ba sige pasok na kayo, nga pala nasa 2nd floor ang dean's office," ani ni manong na agad naming kinapasalamat. Naglakad na kami ni Mariell papasok at napayuko ako ng lahat ng estudyante napapatingin sa amin. "Wew bagong chix bro." "Mukhang mahirap." "Mukha siyang diyosa kahit parang basahan ang suot niya." "Transferee ba yan?" "Sana maging kaklase ko siya." Mga komento ng iba pero syempre kung may mga nampupuri meron ding mga inggitera katulad nalang nito. "Eww sila siguro ang transferee na taga squatter." "Bawal mga pulubi dito." "Ang papanget mas maganda pa kuko ko sa kanila." Napailing nalang ako sa mga bulungan at hindi nalang sila pinansin. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang may bumangga sa akin. "Owww sorry di ko sadya," maarteng sabi ng mukhang clown na ito at natatawang umalis. "Aba walang hiya yon ah," gigil na sabi nio Mariell at hahabulin na sana ang babae ng pigilan ko ito. "Mariell gusto mo ba mawalan ng scholar?" tanong ko na kinairap niya. "Walang respeto eh, anlaki laki ng daan-" "Kyaaaaa andito na sila!" "King akin ka nalang!" "Prince Draven pakasal na tayo!" "Prince Ceiron ako nalang gawing bebe mo!" "Prince Cerron iloveyou!" "Prince Aldrin sex tayo!" Naputol ang sasabihin ni Mariell ng magsigawan ang mga estudyante dito. Nanlaki pa ang mata namin ng marinig ang huling sinabi ng isang estudyante. "Jusko po babae ka," ani ni Mariell na kinatawa ko. Lumingon kami at ayon nakita namin sina Trevor nasa entrance naglalakad papunta dito kaya hinila ko na sila Mariell. Maglalakad na sana kami ng may tumawag sa akin. "Miss ganda!" sigaw ni Draven na kinahinto ko. Unti unti akong lumingon at lumawak ang ngiti nila ng makita ako. "Ikaw nga," sabi niya naglakad na sila palapit dito na kinalunok ko. Grabi kasi makatingin yong mga estudyante dito eh. "Miss ganda dito ka din pala mag aaral," nakangiting sabi ni Aldrin na kinatango ko. "Ah sige ah una na kami pupunta pa kami sa dean's office," naiilang na sabi ko. "Sakto dadaan kami sa dean's office sabay nalang tayong lahat," biglang sabi ni Trevor at basta nalang ako hinila. Agad ko namang binawi ang kamay ko at bahagyang umatras. "Ah wag na kaya na namin," alanganin na sabi ko bago hinila si Mariell patakbo ko. Tangna parang aatakihin ako sa kaba. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa may hagdan pataas sa second floor. Naglakad nakang kami. "Mukhang target ka nila Pas," biglang sabi ni Mariell na kinatingin ko. "Hindi naman siguro, baka gusto lang nila makipagkaibigan," sagot ko na kinailing niya. "Iba ang pakikipagkaibigan sa may balak," seryosong sabi ni Mariell. Napakamot naman ako sa ulo. "Oo na oo na huwag ka nga masyadong seryoso nakakatakot ka eh," alanganin na sabi ko. Nagulat ako ng tumigil siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Ito tatandaan mo Pas kailangan mo silang iwasan, kung dumating man ang araw na mahulog ka sa isa sa kanila umiwas kana huwag na huwag mong hahayaan na mahulog ka ng tuluyan, sinasabi ko sayo to kasi kaibigan kita, ayokong matulad ka sa akin na paulit ulit na sinasaktan ng taong mahal ko," ani niya at ngumiti pa ng mapait. "Don't worry Mariell tatandaan ko yan," nakangiting sabi ko na kinangiti niya. "Tara na nga malapit na 8 baka ma-late tayo first day of school pa naman ngayon," ani niya kaya nagpatuloy na kami sa pag akyat sa hagdan. Nang makarating kami sa second floor agad naming hinanahap ang dean's office. Hindi na kami nahirapan kasi ito lang ang naiibang kulay na pinto. Black kasi ito yong ibang pinto kulay white na. Kumatok na kami at nang may sumagot na pumasok, pumasok na kami. Pagkapasok namin may nakita kaming babae na nasa 30s na. "Anong kailangan niyo?" mahinahong sabi niya. Umupo muna kami sa visitor's chair. "Kukunin lang po sana namin ang schedule, id at uniform namin," magalang na sabi ko. "Ow kayo si Miss Randall at Miss Lopez?" tanong niya na agad naming kinatango.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
John Mark Ugaddan
amazing
17/10
0
DemilloJohnmark
ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10
0
EsclandaMay
subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
amazing
17/10
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat