Chapter 51

Pastel Levi Randall's POV
"What! are you out of your mind Emmanuel!" napaigtad ako dahil sa sigaw ni Lola. Nandito kami ngayon sa harap ng napakahabang dinning table at sobrang daming pagkain akala mo may handaan. Kasama ko dito ang King daw ng England which is ang lolo ko.
Nandito din ang mga pinsan ko daw sa labas, I mean may mga anak si lolo sa labas in short hindi lang si lola ang asawa niya pero basi sa mga mukha nila mahahalata mong hindi na mapagkakatiwalaan at halata naman sa mga mukha nila na ayaw nila sakin.
"That's my final decision," seryosong sabi ni lolo na kinakuyom ng kamao ko. Sinasabi niya na kailangan kong magpakasal sa isang prinsipe na napili niya para maging Queen ng England, ako daw ang aako sa responsibilidad na tinakbuhan ni Nanay noon.
"No, I will not agree," galit na sabi ni Lola. Matalim naman siyang tiningnan ni Lola.
"whether you like it or not she will married prince Elton—"
"No," pagpuputol ko sa sasabihin ni Lola. Tumayo ako at nagbigay galang saka siya tiningnan sa mata.
"I'm a married person and I have two kids now, so I won't get married like what you've said," seryosong sabi ko na kinabigla nilang lahat.
"Where's your wedding ring?" nakataas kilay na sabi ni Tefanie isa sa mga pinsan ko. Napatingin ako sa kamay ko at napakuyom nalang ng kamao ng makita na walang sing² sa daliri ko.
"I was kidnapped and the kidnapper took it from me but I can prove that I am telling the truth," matapang na sabi ko. Inirapan lang ako ng mga babae kong pinsan ang mga lalaki naman ay parang walang pake.
"Even if you have evidence, I don't care, whether you like it or not you will get married as soon as possible," mautoridad na sabi ni lolo.
"Why not my cousins? they are not married yet, I have a family waiting for me in the Philippines, my children are there who are waiting for me to comeback and my husband who has been separated from me for a long time," ani ko bago lumuhod sa harap niya.
"Please lolo I'm begging you not me, I already have a family, I don't care about the wealth and the throne it's important to me now to be with my family please," umiiyak na sabi ko. Kailangan kong gawin ito gusto ko ng makasama ang pamilya ko. Nakalaya nga ako kay Trevor pero dito naman ako napunta.
Tadhana ano ba hindi mo ba talaga kami papayagan na magsama ni Prior kahit saan ako magpunta may sagabal sa pagsasama namin. Miss na miss ko na siya.
"you and your mother are both stubborn, there is nothing you can do because your engagement party will be held tomorrow," cold na sabi niya saka tumayo at naglakad na paalis.
Nagkanya kanya na ding alis ang mga pinsan ko. Napakuyom ang kamao ko habang nakatingin kay lolo. Hindi, hindi ako papayag babalik ako sa pamilya ko.
Napatigil ako sa pag iisip ng may humawak sa kamao ko para pakalmahin ito. Tiningnan ko ito at si lola pala. Umiling iling siya na para bang sinasabi niya na siya na ang bahala. Nginitian ko lang siya at niyakap. Para ko na ding niyayakap si Nanay.
"Nay miss na miss na kita."
Nandito kami ngayon sa kwarto ko kasama ko si lola. Pagkatapos ng sa hapag kainan inaya niya ako dito iku-kwento niya daw sa akin kung paano nawala si Nanay sa kanila.
Damian Prior Cardwell's POV
Kakarating lang namin dito sa England at kinontak ko agad ang mga tauhan ko dito. Para ipabalita sa akin kung nakita na ba nila ang asawa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan.
"Nasaan na kayo?" malamig na tanong ko. Narinig ko pa ang pag-whoa nila.
"Pareng lamig walang pinagbago ah, cold as always. Otw na kami," sagot niya kaya pinatay ko na ang tawag. Sasakay na sana ako sa sasakyan ng may tatlong sasakyan ang akala mo hari kung magpatakbo. Alam ko na kung sino ang mga to. Nagsibabaan na sila at napa-tsk nalang ako kung sino ang mga to.
"Pareng lamig! Imissyou!" sigaw ng ni Zeron habang tumatakbo papunta sa akin na nakabuka ang mga kamay. Bago pa siya makayakap sa akin tinutukan ko na agad ito ng baril na kinatigil niya.
"Ito namang si pareng lamig hindi mabiro," parang bata na sabi niya. Hindi ko nalang ito pinansin at tiningnan ang dalawa pang dumating.
"Himala at napadpad ka dito," ani ng isa na kina-smirk ko.
"Hinahanap ko asawa ko," ani ko na kinalaki ng mata nila.
"What!" sabay na sigaw nila kaya napatingin ang ibang tao sa amin. Sinamaan ko sila ng tingin bago sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito. Nakita ko naman sa side mirror ng sasakyan ko na nakasunod sila.
I know hindi ako mahihirapan na hanapin ang asawa ko dahil sa kanila. Malaki ang magiging ambag nila sa paghahanap sa asawa ko.
—
"So? That's why you came here for your wife who has been missing for several years?" taas kilay na tanong ni Zynon. Nag-nod lang ako.
"Tsk ni hindi mo nga kami ininvite sa wedding mo eh," asik naman ni Zyzan.
"Tulungan niyo kaya muna ako hanapin ang asawa ko—"
"Wait, how did your wife disappear?" tanong ni Zeron. Bumuntong hininga ako at sinabi sa kanila ang buong pangyayare simula doon sa kung pano ko nakilala si Pastel hanggang sa kinidnap siya ni Trevor.
"Siguro sobrang ganda ng asawa mo— whoa! ang ganda nga!" manghang sabi ni Zeron.
"Familiar," biglang sabi ni Zynon na kinatingin ko sa kaniya. Nagkatinginan silang tatlo at maya maya pa ay sabay sabay na tumango tango.
"Pinsan namin to ah!" Sabay na sigaw nilang tatlo na kinapikit ko dahil sa inis. Pero ano daw? Pinsan nila? kailan pa nagkaroon ng pinsan si pastel dito?
"Are you sure about that?" paninigurado ko na kinatango nila.
—FLASHBACK—
Zynon Morgan's POV
"Bro are you looking for me?" tanong ni Zeron matapos siyang tawagin ni manang.
"Did you see the girl who was carried around by the royal guards in the other day?" tanong ko sa kaniya. May nakita kasi ako na dinala ng mga Royal guards kasama si lola. Pinuntahan ko yon sa kwarto niya at sobrang ganda.
"Yes, she's beautiful isn't it? Grandma said it was our cousin, aunt Melda's daughter," sagot niya na kinadismaya ng mukha ko. Nakakunot noo niya naman akong tiningnan.
"Whoa! why does your face seem show that you are disappointed with what I said? don't tell me that you have a crush on her?" panunukso niya, inirapan ko lang siya saka tumayo na para pumunta sa dinning. Nakita ko namang nakasunod siya.
Pagdating namin doon nandoon na silang lahat kasama na ang iba pa naming pinsan na babae. Nagbigay galang muna ako kay lolo saka umupo. May napansin akong isang upuan na bakante sa tabi ni Lola, mukhang sa pinsan niya namin iyon.
Maya maya pa dumating na siya at hindi ko talaga maiwasang humanga sa gandang meron siya, kamukhang kamukha niya si auntie melda.
"Bro mata mo," bulong sakin ni Zeron agad ko naman itong siniko kaya napadaing siya. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Zyzan na mukhang inaasar pa si Zeron.
Pinakilala siya sa amin ni Lola, at pastel pala ang pangalan niya. Nagsimula na kaming kumain nang maya maya sumigaw si lola kaya napatigil kami.
"What! are you out of your mind Emmanuel!"
Nakikinig lang kami sa usapan nila dito at parang mga walang gustong huminga. Halata na kasi sa mukha ni lola ang galit si lolo naman mukhang nainis na dahil sa pagsigaw ni lola sa kaniya. Pinag uusapan nila ang pagpapakasal ni Pastel kay Elton.
Napailing nalang ako ng bakit sa dami ng prince si Elton pa eh playboy ang gagong yon. Oo totoo yan readers kasi mula pagkabata kasama na namin yan hindi ko nga alam bat crush siya ng lil sis ko eh and speaking of lil sis, napatingin ako sa kaniya.
Kita ko sa mukha niya ang lungkot at parang iiyak na siya. Simula pagkabata alam ko na na may nararamdaman siya kay Elton hindi ko lang alam bakit pag nasa paligid si Elton acting maldita siya na parang walang pake sa lahat.
Maya maya pa lahat kami nagulat sa sinabi ni Pastel. Kasal na siya? At ano daw? Dalawang anak? bakit parang hindi halata na may anak na siya. Umiiyak na siya pero parang wala lang kay lolo. Ako ang naaawa sa kaniya si lolo kasi kung ano gusto niya dapat laging na susunod.
—END OF THE FLASHBACK—
Zyzan Morgan's POV
"Ibig sabihin ikaw ang asawa na tinutukoy niya?" tanong ni Zyzan na agad kong tinanguan.
"Pero paano yan bro? bukas na ang engagement party nila," ani ni Zeron.
"Tulungan niyo ako please ngayon lang ako magmamakaawa sa inyo miss na miss ko na ang asawa ko," pakiusap ni Damian na kinasinghap namin. Nagkatinginan kami at sabay na tumalon talon.
"Whoa bro! First time in the history nagsabi ka ng please sa amin," pang aasar namin kaya naka pokerface siya.
"Ano ba tutulungan niyo ba ako o hindi?" malamig na sabi niya kaya napaupo kami at umayos.
"Syempre tutulong kaso, si lolo kasi yon eh pano ka ba namin matutulungan? Yong hindi sana madawit pangalan namin baka kasi ipatapon kami ni lolo sa jail," parang bata na sabi ni Zeron kaya agad ko naman siyang binatukan.
"Kadiri pakinggan," nakangiwing sabi ko pero inirapan niya lang ako.
"Tulungan niyo lang akong makapasok at makalabas doon ng walang nakakaalam," seryosong sabi ni Damian.
"Wag mo sabihing itatakas mo si Pastel—"
"Very good tumalino kana Zyzan," putol niya sa sasabihin ko na kinasapo ko sa noo. Hirap ng pinapagawa niya ah pero dahil kaibigan namin to syempre wala kaming choice kundi ang tumulong.
"Okay fine sabihan ka nalang namin kung anong oras at kung saan ka dadaan," suko ko. Kahit hindi ito ngumiti kitang kita naman na masaya siya. Tsk akala pa naman namin bato ang puso niyo kasi kahit ang isang prinsesa ng ibang bansa hindi niya man lang magawang tingnan.
Pero masaya ako sa kaniya, simula nong mamatay ang mga magulang niya hindi na siya ngumingiti at akala mo palaging nakalunok ng ice sa sobrang lamig kung magsalita. Ngayon lang din siya nakiusap sa amin at yong kislap ng mata niya habang sinasabi ang pangalan ni Pastel ibang iba.
Damian Prior Cardwell's POV
"Hi daddy!" mukha agad ng dalawa kong anak ang bumungad sa akin and as usual seryoso ang mukha ng isa tas ang isa naman ayan nakadress na. Napasapo nalang ako sa noo dahil sa suot ng anak ko.
"Daddy did you see my mommy na ba?" tanong niya. Ngumiti naman ako.
"Hindi pa princess but I know where your mommy is," sagot ko sa kaniya na kinangiti niya.
"Kyaaaaaa daddy, iuwi mo na dito si mommy ah then can you make a little sister like me—"
"Dairel can you please stop shouting, you so uggrrr," inis na sabi ni Dairon. Agad ko naman silang sinaway. Sa ilang minuto na pag uusap namin maya maya nagpaalam na din sila. Anyway hindi ko kasama sina Matthew wala akong sinama kahit isa pinabantayan ko muna sa kanila ang mga anak ko. May mga tauhan din naman ako dito eh.
Baka kasi pagnandito ako bumalik don ang gagong Trevor at mga anak ko naman ang puntiryahin. And speaking of Trevor humanda ka sakin pagnabawi ko na ang asawa ko. Ikaw naman ang isusunod ko. Ilang taon akong nagdusa at nangulila sa mga taong kinuha mo sa akin. Simula na para ako naman ang maningil.
Hindi ako ang papatay sayo kundi ang mga taong hindi mo aakalain na tatapos sayo. Napangisi nalang ako sa mga iniisip ko. Kung pwede lang sana akong pumatay edi sana nabawi ko na si Pastel pero hindi, ayokong kamuhian ako ni Levi baka sabihin niya wala akong pinagkaiba kay Trevor. Kaya may mga naisip akong paraan yung mga taong minsan niya ng itinuring na parang mga kapatid ang mismong tatapos sa buhay niya.

Komento sa Aklat (279)

  • avatar
    John Mark Ugaddan

    amazing

    17/10/2025

      0
  • avatar
    DemilloJohnmark

    ang Ganda NYA pala HEHEHE

    16/10/2025

      0
  • avatar
    EsclandaMay

    subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter

    24/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo