Mariell Lopez' POV "Pastel! bilisan mo naman!" sigaw ko sa loob ng cr dito sa mall habang kinakatok ang pinto ng cubicle. Andito na kasi kami sa mall para bumili ng mga gamit pero ito nga bigla daw naihi yong gaga pero antagal. Maya maya bumukas na ang pinto ng cubicle. "Akala ko nilunok kana ng toilet bowl," irap na sabi ko na kinakamot niya sa ulo. "Sorry na, sige na tara na baka gabihin pa tayo mamaya," saad niya bago ako hilain. Kita mo to siya pa nagmamadali. Sumabay nalang ako sa kaniya sa paglalakad. Nakarating kami sa mga gamit pang eskwela. Kumuha lang ako ng tatlong notebook and etc. Ilang minuto na pamimili namin ni Pastel sa wakas natapos na din. Napatingin ako sa gilid at nangunot ang noo ko ng wala akong makitang Pastel. Naglakad ako at hinanap ko siya at ayon nakita ko na nakikipag away sa sales lady na nagbabantay dito. "Mukha ngang wala kang pambayad nitong bag eh," malditang sabi ng sales lady at hinablot pa ang bag na hawak ni Pastel. Pinanood ko lang sila tsk tsk kung maldita ako mas maldita yang si Pastel bahala siya diyan si Pastel pa kilaban niya. Pastel Levi Randall's POV "Teka lang ha! for your information may pambayad ako kaya akin na yan!" naiinis na sabi ko. Kanina pa ako nagpipigil dito ah pumipili lang naman ako ng bag at nang makapili pupuntahan ko na sana si Mariell pero hinarangan ako ng clown na to. "Ay huwag ako girl bulok na yan, lahat ng mga magnanakaw yan ang sinasabi," maarteng sabi niya. Napakuyom naman ang kamao ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Mariell na nakangiting nakatingin sa akin. Kinindatan niya pa ako sign na lumaban ako. "So sinasabi mo na magnanakaw ako?" malamig na sabi ko. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa. "Ay bakit hindi ba? tingnan mo nga yang damit mo siguro hindi ka binibilhan ng mama mo ng damit no o di kaya pulubi din mama mo katulad mo-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng agad ko siyang sinuntok na kinasalampak niya sa sahig. Nagsigawan naman ang nakakita pero wala akong pakialam. Hinablot ko ang kwelyo niya at sinuntok ulit siya sa sikmura. Napadaing ako ng higitin niya ang buhok ko at sabunutan kaya lumaban ako. "You bitch how dare para saktan ako!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. "Huwag na huwag mo idadamay ang nanay ko dito!" galit na sigaw ko at sinipa siya na mas lalo niyang kinaiyak. Maya maya may mga guard na dumating at inawat kami. "Anong nangyayari dito!" sigaw ng isang magandang babae. Sa damit niya mukhang ito ang manager. "Ikaw ba ang manager dito?" tanong ko na kinatingin niya sa akin. "Oo bakit?" nakakunot noong tanong niya. Winaksi ko ang kamay ng dalawang guard na nakahawak sa akin. "Next ma'am bago kayo mag-hired ng mga sales lady siguraduhin niyo muna na marunong silang rumespeto sa iba, kahit pa sabihin na ganito ang mga damit namin wala pa din siyang karapatan na sabihan kami ng magnanakaw," walang emosyon na sabi ko. Pinulot ko ang mga gamit na hawak ko kanina pati ang bag bago naglakad papuntang counter kasama si Mariell na sumunod pala sa akin. Binayaran na namin ang mga gamit na binili namin bago naglakad palabas ng mall. "Nakakainis na babaeng yon, ang lakas naman ng loob niya na idamay si inay," gigil na sabi ko. Habang naglalakad kami palabas ng mall. "Naku Pas kung ako yon, siguro nasa hospital na ang gagang yon," iiling iling na sabi ni Mariell na kinatingin ko sa kaniya. "Gaga! edi kulong ako," irap na sabi ko na kinatawa niya. "Ipapakita lang naman natin sa kaniya si San Pedro eh," nakangising sabi niya na kinailing ko. "Tara na nga bilisan na natin, na-text mo na ba si Albert na sunduin tayo dito?" tanong ko na kinawala ng ngiti niya. Ng mapatingin siya sa akin agad siya ngumiti pero alam kong pilit. "Ah oo kanina, maya maya andito na yon," saad niya kaya naghintay pa kami ng ilang minuto dito. "Boss maya na po ang meeting niyo with Mr. Santos," napatingin kami sa hindi kalayuan na kotse sa amin. May lumabas doon na lalaki at sa tansya ko nasa 20+ na siya. Infairness ang gwapo niya. Napapalibutan siya ng mga men in black. "Sino yon Mariell," tanong ko kaya napatingin siya sa tinitingnan ko. "Ah yan si Damian Prior Cardwell siya yong bata pa lang naging successful na, alam mo ba takot sa kaniya ang mga tao pagdating sa business kasi sabi nila pag natripan daw ni Damian ang isang company hindi daw yan naaabutan ng ilang oras malalaman nalang ng mga tao na bagsak na ang company na tinarget niya at siya din ang may ari nitong mall," ani niya na kinatango tango ko. "Ilang taon na siya?" tanong ko habang nakatingin kay Damian daw. "22 years old," ikling sabi ni Mariell. "Mabuti pa siya no bata pa lang naging successful na," ani ko bago tingnan si Mariell. "Siguro mayaman pamilya niya," dagdag ko pa na kinatango ni Mariell. "Ang yaman yaman ng pamilya niyan pero ayon sa nabasa ko sa article sariling sikap niya daw ang naabot niya ngayon, sabi don sobrang talino niya kaya 16 years old pa lang siya graduated na ng college," sambit ni Mariell na kinalaki ng mata ko. "Seryoso??" tanong ko na agad niya naman kinatango tango. "Oy tara na," napatingin kami kay Albert na kakarating lang pala. Tumayo na kami ni Mariell bago sumakay sa tricycle. Tiningnan ko ulit si Damian at napalaki ang mata ko ng lumingon siya dito kaya agad akong umiwas ng tingin. "Pas okay ka lang bat namumula ka?" nagtatakhang tanong ni Mariell na agad kong kinailing. "Wala, wala," iiling iling na sabi ko habang nakangiti. Halata niya siguro na wala akong balak magsabi kaya hindi na siya nagtanong pa. Kalma self hindi ikaw ang tiningnan niya huwag kang assuming. Isang oras na byahe namin at sa wakas nakarating na din kami sa labasan ng lugar namin. Kailangan nalang namin ngayon maglakad kasi hindi naman kasya ang tricycle eh makipot ang daanan dito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
John Mark Ugaddan
amazing
17/10
0
DemilloJohnmark
ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10
0
EsclandaMay
subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
amazing
17/10
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat