Homepage/Pastel Levi Randall: The Poor Goddess/
Chapter 47
Chapter 47
Dairon Harington's POV
"Tama ka diyan kiddo ang gwapo namin para maging masamang tao diba," nakangising sabi ng isa sa mga lalaki na kinapokerface ko.
"Kyaaaa brother andaming fafa," tili ni Dairel na kinasapo ko sa noo. Ano bang gagawin ko dito sa kakambal kong to. Sa inis ko hinila ko siya paalis.
"Tama na ang landi mo Dairel ki bata bata mo pa tsk, tara na," walang emosyon na sabi ko na kinasimangot niya. Lumingon pa siya sa mga lalaki kanina bago sumunod sakin.
Tatawid na sana kami ng biglang may humintong van sa harap namin. Nahawakan ko ng mahigpit si Dairel ng may mga men in black ang lumabas sa van. Tatakbo na dapat kami ng agad nila kaming hinawakan at pilit na pinapasok sa van.
"Bitawan niyo ako ano ba!"
"Sino kayo! arrrggg you panget don't touch me!" nagtitili na sabi ni Dairel. Maya maya nagulat ako ng matumba ang lalaking nakahawak sa akin. Kasabay din non ang pagtumba ng iba niya pang kasama.
"Kyaaaaa brother niligtas tayo ng mga fafa!" tiling sabi ni Dairel at tumakbo pa papunta kay Mr. Cardwell na silang nagligtas sa amin.
"Sabi sayo brother hindi sila masamang tao eh hihi," nakangiting sabi ni Dairel. Tiningnan ko si Mr. Cardwell at saya? yan ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin kay Dairel.
Habang nag uusap si Dairel at Mr. Cardwell at nag uusap naman ang dalawang lalaki na kasama niya. Nakita kong bumangon ang isang lalaki at bumunot ng baril bago tinutok kay Dairel na kinalaki ng mata ko.
"Dairel tabi!" sigaw ko at tumakbo kay Dairel para humarang pero- bang!"
"Boss!" rinig kong sigaw ng lalaki at unti unti akong napalingon sa likod ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Mr. Cardwell na siyang sumalo sa bala na dapat ay tatama sa akin.
"Hindi ko hahayaan na may manakit ulit sa inyo— mga anak," bulong niya. Narinig ko pa ang huling sinabi niya na kinatuod ko sa kinatatayuan ko. Hanggang sa makarating kami sa hospital yon pa din ang iniisip ko.
"Brother? brother?" napatingin ako kay Dairel ng tawagin niya ako.
"Ano yon?" wala sa sariling sagot ko. Napakunot naman ang noo niya.
"Kanina ka pa wala sa sarili, okay ka lang ba?" nakakunot noong tanong niya. Napailing iling lang ako at sinabing okay lang. Tumango nalang siya at tumingin kay Mr. Cardwell na nasa hospital bed.
"Look brother kamukha talaga natin siya no," namamanghang sabi ni Dairel habang nilalapit ang mukha niya sa mukha ni Mr. Cardwell.
Dyland Harington / Trevor Willson's POV
"Hello nagawa niyo ba?" tanong ko sa mga tauhan ko.
"Boss hindi eh may nagialam kasi," sagit niya na kinagalit ko.
"Tangna ang tatanga niyo naman eh! simpleng mga bata lang hindi niyo pa magawa ng ayos!" galit na sigaw ko.
"Boss nandoon kasi si Mr. Cardwell eh at ang dalawang tauhan niya kaya hindi namin sila nakuha," ani niya na kinatigil ko. Cardwell? Damian hayop ka! hindi pwede! hindi mo pwede malaman ang totoo.
"Gawan niyo ng paraan para makuha ang mga bata kung kinakailangan na patayin niyo ang pesteng mga batang yon gawin niyo!" sigaw ko saka pinatay ang tawag.
Ashley Rendall's POV
It's been 5yrs since nong mamatay sila ni president kasama na ang taong pinakamamahal ko. I miss him so much.
"Umiiyak ka na naman," biglang sabi ni Daisy na kakarating lang. Pinahid ko ang mga luha ko bago siya tingnan at mapait na ngumiti.
"Limang taon, limang taon na ang nakalipas pero sariwa pa din sakin ang mga nangyayare," malungkot na sabi ko. Nakita ko ang pagtulo din ng luha niya.
"Kamusta na kaya si Pastel, nakita na kaya siya ni Damian," biglang sabi ni Daisy na kinatigil ko.
"Tawagan mo kaya si Devon baka sakaling may balita na sila," suggest ko na kinatingin niya bago dali daling kinuha ang phone niya at tinawagan si Devon.
Anyway nandito kami sa US simula nong mangyare ang trahedyang yon lumipad agad kami papuntang US nagbabakasakaling makamove on. Hindi ko talaga mapapatawad ang gagong Trevor na yon sa ginawa niya sa mga kaibigan at mahal ko.
Kung masakit samin alam kong mas nasaktan si Devon kesa samin dahil apat ang namatay sa kaniya ang tatlo niyang kapatid at si president. Kaya naiintindihan ko kung sumali siya sa grupo nina Damian para makapaghigante sa gagong yon.
"Hindi sumasagot eh," kibit balikat na sabi ni Daisy bago ibaba ang cellphone.
"Baka busy pa," natatawang sabi ko na kinailing niya.
"Saan kaya dinala ng gagong yon si Pastel," nagdidilim ang anyo na sabi ko.
"Kamusta na kaya si Pastel no sana naman may balita na sina Damian, honestly may konting galit din ako kay Pastel dahil siya ang dahilan kung bat namatay ang mga kaibigan natin at s-si Marlon," malungkot na sabi niya at bigla nalang tumulo ang luha niya. Tinapik ko naman ang balikat niya.
"And you know na biktima din si Pastel dito, siguro kung ako nasa sitwasyon ni Pastel pipiliin ko nalang na mamatay ako kesa makasama ang gagong yon, sigurado nagdudusa si Pastel ngayon sa kamay ng demonyong yon," galit na sabi ko.
"Punta na nga Lang tayo sa mall paparefresh Lang," nakangiting sabi ni Daisy kaya napatawa nalang ako.
—
Nandito na kami ngayon sa mall at syempre magsho-shopping kami. Habang namimili kami ng bag napatingin ako sa gilid ng may marinig akong pamilyar na boses pinuntahan ko ito at nagulat ako sa nakita ko.
"Pastel?" nanlalaking mata na tawag ko. Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Pastel ikaw nga," lumuluhang sabi ko habang kayakap siya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong itulak at tingnan ng masama.
"Miss anong ginagawa mo? bat ka ba nangyayakap hindi nga kita kilala eh at hindi ho Pastel pangalan ko Athena po Athena Harington," nakakunot noong sabi niya na kinatigil ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Ahh sorry, akala ko kasi ikaw yong kaibigan ko na nawawala kamukha mo kasi siya sorry talaga ah," pagpapaumanhin ko. Unti-unti naman siyang ngumiti.
"Okay Lang pero sa susunod wag ka bigla bigla nangyayakap naku," natatawang sabi niya at napailing iling Pa. Napatigil nalang ako habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Siya talaga eh siya talaga si Pastel.
"Ah ako pala si Ashley nice to meet you," nakangiting sabi ko. Bago nilahad ang kamay. Agad niya naman itong tinanggap.
"Athena, nice to meet you too," nakangiting ding sabi niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
amazing
17/10/2025
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10/2025
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat