Homepage/Pastel Levi Randall: The Poor Goddess/
Chapter 45
Chapter 45
Pastel Levi Randall's POV
"At bakit ko naman babawiin! tingin mo ba mapapatawad pa kita sa ginawa mo! nagsisisi na akong minsan kitang minahal-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin na kinatabingi ng mukha ko.
"Babe, sorry sorry hindi ko sinasadya," ani niya ng marealize niyang sinampal niya ako hahawakan niya sana ako sa pisngi ng agad kong nilayo ang mukha ko.
Hindi ako nagsalita at nanahimik lang sa gilid habang siya patuloy na humihingi ng tawad. Napatigil lang siya ng makarinig kami ng putok ng baril sa labas. Hindi lang isa kundi sunod sunod na putok ng baril.
Bigla siyang nagpanic at may kinuha na injection sa bulsa niya na kinalaki ng mata ko. Lalayo ako ng biglang humigpit ang kadena kaya hindi ko maigalaw ang katawan ko. Napasigaw ako ng bigla niyang iturok sa akin iyon. Pagkatapos nun bigla akong nakaramdam ng antok. Bago ako mawalan ng malay nakita ko pa si Trevor na nakangiting nakatingin sa akin.
"Akin ka lang Pastel," huling narinig ko bago nawalan ng malay.
Trevor Willson's POV
"Ha! akala mo ba Damian mababawi mo siya sa akin," nakangising sabi ko. Sumampa ako sa kama katabi ni Pastel saka pinindot ang remote na nasa bulsa ko. Kasabay non ang pagbukas ng sahig sa ilalim ng kama at unti unting bumababa ang kama.
Nang nasa underground na kami napatingin ako sa taas ng may marinig akong mga yabag. Hinaplos haplos ko ang mukha ni Pastel.
"Akin kana ngayon," malademonyong sabi ko. Bumaba ako sa kama para kuhanin ang gamot na inihanda ko. Panatag naman ako na walang makakahanap sa amin dito dahil walang pinto ito. May pinto nga isa pero hindi iyon mahahalata at kung mahalata man nila hindi nila mabubuksan iyon dahil nasa akin ang remote.
Nakangisi kong tiningnan ang injection saka dahan dahang lumapit kay Pastel. Tinurok ko ito sa kaniya. Hhmm sigurado paggising niya ako na ulit ang mahal niya.
Damian Prior Cardwell's POV
—5 YEARS LATER—
"Tangna! 5years na ang nakakaraan bakit hanggang ngayon wala pa din kayong lead kung nasaan sila!" galit na sigaw ko sa mga tauhan ko. Limang taon na ang nakakalipas simula ng lusubin namin ang lugar kung saan dinala ni Trevor si Pastel.
Hindi ko alam kung paano nakaalis doon sina Trevor dahil sa pagkakaalam ko napapalibutan naming lahat ang lugar. Napakuyom ang kamao ko. Kung sino man ang traydor sa grupo sisiguraduhin kung mananagot siya.
"Boss," napatingin ako sa kakapasok lang.
"Devon," tama kayo si Devon nga. Simula ng mamatay si Mike nagpumilit siya na sumali sa grupo ng red dragon para tugisin din si Trevor. Sa mga nabaril ni isa walang nakaligtas kasama na doon sina Nuster. Yong dalawang babae na kaibigan ni Pastel nawala nalang bigla pagkatapos ng lamay ng lahat.
Hindi biro ang mga natamo nilang tama. Bago pa may makarescue sa kanila sa cafeteria tinadtad na sila ng bala— sinigurado talaga na hindi sila mabubuhay.
"What is it?" malamig na tanong ko. Binaba niya ang isang brown envelope. Kinuha ko ito at binuksan. Napatigil ako matapos bumungad sa akin ang mukha ni Pastel.
"She's Athena Harington asawa ni Trevor o mas kilala bilang Dyland Harington at may dalawa silang anak, alam mo naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin diba?" nakangising sabi niya na kinakuyom ng kamao ko.
"Pinalitan niya ang pangalan ni Pastel para hindi natin sila mahanap-"
"Subaybayan niyo sila at huwag na huwag kayong kikilos hangga't wala akong sinasabi got it?" walang emosyon na sabi ko. Tumango siya bago nagbigay galang at lumabas na.
Tiningnan ko ulit ang mga litrato ni Pastel kasama ang dalawang bata. Napangiti ako ng mapait ng mapatitig sa mukha ni Pastel.
"Mahal ko, namimiss na kita sobra," mahinang bulong ko. Napatingin naman ako sa dalawang batang lalaki. Ako lang ba o talaga sila.
"Dairon Harington, Dairel Harington," basa ko sa mga pangalan nila. Halatang magkambal silang dalawa— magkamukha eh. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan si Matthew.
"Imbestigahan mo ang magkambal na Dairon Harington at Dairel Harington, bukas dapat may lead kana," ani ko sabay patay ng tawag. Tiningnan ko ulit ang mga litrato at napakuyom nalang ng kamao.
"Pastel bakit sumama ka sa kaniya," mapait na sabi ko. Napasubsob ako sa office table ko dahil sa frustration.
Athena Harington's POV (Pastel Levi Randall)
"Mommy bakit hinahayaan mo lang na lokohin ka ni daddy," tanong sakin ng anak ko. Andito kami sa taas nakatingin sa baba kung saan nandoon si Dyland ang asawa ko at ang bago niya na namang babae.
Hindi naman siya ganyan dati, naging ganyan lang siya nong malaglag ang pangatlo naming anak. Ilang beses ko siya kinausap about sa ginagawa niya pero binubulyawan niya lang ako. Minsan naisip ko na umalis nalang kami dito pero ayoko lumaki ang mga anak ko na walang ama.
"Right mom, i hate dad na," maarteng sabi naman ng isa pang anak ko. Actually kambal sila parehong lalaki kaso yong isa naging bakla at ang isa naman seryoso. Sila si Dairon Harington ang panganay at si Dairel Harington ang bunso. Si Dairel at ang binabae si Dairon naman ang parang matured na kung mag isip.
"Hey kids, intindihin niyo nalang daddy niyo okay? siguro masakit pa sa kaniya ang nangyari sa kapatid niyo-"
"Stop being reasonable mom, hindi na kami bata para hindi malaman kung ano ang ginagawa ni dad," putol ni Dairon sa sasabihin ko saka tumalikod at pumasok sa kwarto nila.
"Mom i know na ginagawa mo lang ito for us but isipin mo naman sana yong self mo, we're big boy na i mean big girl kaya na namin ng walang daddy," maarteng sabi ni Dairel saka sumunod sa kakambal niya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Wala akong naintindihan sa sinabi niya," sapo sa noong bulong ko. Hindi ko alam saan nagmana ng kaartehan iyon. Napailing iling nalang ako saka bumaba sa hagdan.
Dahan dahan akong naglakad papunta kena Dyland na naglalandian sa sofa. Hindi ko alam pero wala akong naramdaman na galit o ano. Nakakaramdam lang ako ng pandidiri na ewan.
"Dyland-"
"Magluto kana gutom na kami," putol niya sa sasabihin ko. Napatingin ako sa babaeng kasama niya na nakatingin din pala sa akin habang nakangisi.
"Dyland pwede ba tayo mag-usap?" lakas loob na sabi ko. Nilingon niya ako at tiningnan ng walang emosyon.
"Tsk magluto kana muna nagugutom na kami," malamig na sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako saka tumalikod. Nakarating na ako sa kusina at nagsimula ng magluto. May dalawang katulong naman kami dito pero ako lagi ang inuutusan niya.
"Anak ganito ka dapat magluto."
"Nay naman eh bago pa lang kasi ako."
"Huwag mong damihan ng asin aalat iyan," nabitawan ko ang hawak kong sandok ng may mga imahe ng tao ang pumasok sa isip ko.
"Sino sila?" naguguluhang sabi ko. Sandali akong napahawak sa ulo ko ng bigla itong kumirot. Hindi ko alam kung sino sila sobrang labo ng mga mukha nila.
Napahawak ako sa pisngi ko ng may maramdaman akong tumulo sa pisngi ko. Butil ng luha. Naguluhan ako ng makaramdam na naman ako ng lungkot.
"Bakit ganito," bulong ko. Palagi akong nanaginip ng mga hindi ko kilalang tao at nakakaramdam agad ng lungkot. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
"Ma'am okay lang ba kayo?" tanong ni Marie isa sa mga katulong dito.
"Ito ma'am inumin niyo muna," ani niya sabay abot ng gamot at tubig. Kinuha ko ito at agad na ininom. Napahinga ako ng maluwag ng mawala ang kirot sa ulo ko.
"Thank you Marie," nakangiting sabi ko. Ngumiti lang siya pabalik at bumalik na sa trabaho niya.
Dairel Harington's POV
"Brother ano na next plan natin?" i asked my handsome twin.
"Antayin natin gumabi," malamig na sagot niya sakin na kinanguso ko.
"Why your so malamig ba twinny," nakangusong sabi ko na kinailing niya lang saka nagbasa ulit. Napa cross arm ako at maya maya napangisi.
"Lagot sakin mamaya ang froglet na yon," nakangising sabi ko. Sandali akong tiningnan ni twin kaya ngitian ko siya ng matamis. Umirap lang siya at nagbasa ulit.
"Saan kaya nagmana ito," nakangusong bulong ko. Sobrang cold niya eh.
—
"Brother papunta sa cr si froglet," bulong ko sa kaniya na kinangisi niya. Tiningnan namin ang cctv ng buong bahay.
"Nasa kwarto si daddy tulog, kaya malaya nating magawa ang plano natin," nakangising sabi ni brother.
"Ayon si mom," ani ko sabay turo sa monitor. Nasa kusina si mom nagluluto. Nag-focus kami kay froglet. Pagpasok niya pa lang sa cr agad na pinindot ko ang remote na hawak ko.
Bumukas ang sahig at nalaglag si froglet sa baba. Nag-apir kaming dalawa ni kambal saka nilipat ang monitor. Nasa underground si froglet na kaming dalawa lang ni brother ang nakakaalam.
Gusto niyo malaman kung ano gagawin namin sa froglet na kabit ni daddy? tatakutin lang naman namin siya yong mababaliw talaga siya. Pinindot ko ang red bottom at napahagalpak ako ng tawa ng magtatalon talon si froglet sa takot.
Lumabas lang naman ang mga iba't ibang parte ng tao na mga inuuod na. Hindi mo gugustuhin na mapunta sa underground dahil sa itsura non at amoy. Hindi kami pumatay ah, binili namin ang mga katawan na iyan para ilagay diyan. Lahat ng nagiging kabit ni dad iisa lang ang binabagsakan. Yon ay ang mental hospital.
"Brother paliguan mo nga," nakangising sabi ko. Napangisi naman siya saka pinindot ang yellow bottom. Nagmistulang basang sisiw si froglet habang naliligo sa dugo ng mga hayop na kami mismo ang umipon.
"Arrgghhh!" nagsisigaw na sabi ni froglet. Tawa kami ng tawa dahil sa ginagawa niya pag ikot ikot sa loob ng basement na nasa underground. Pinaglaruan pa namin siya hanggang sa.
"Foods!" sigaw niya at tumatakbong lumapit sa isang braso ng tao saka ito kinagatan. Parehong napatakip kami ng bibig ni brother sa nakita.
"Brother stop na yan, ewwww kadiring froglet yan," nandidiring sabi ko. Napatakbo ako sa cr ng makita ang mga uod na nasa bibig ni forglet.
Agad akong sumuka ng makapasok ako sa cr. Yuckksss kadiri talaga. Naghilamos muna ako sa lumabas ulit. Paglabas ko nakita kong naligpit na lahat, wala na ang mga monitor at nakaupo na si brother sa kama habang nagbabasa.
"Anong ginawa mo sa kaniya?" tanong ko kay brother. Nagkibit balikat lang siya saka inabot sakin ang cellphone niya. Kinuha ko ito at napanganga ng kagat kagatin ni froglet ang braso ng pulis na kumuha sa kaniya.
"Brother bakit police?" naguguluhang sabi ko. Nagkibit balikat lang siya na kinasimangot ko.
"Your so panget kausap talaga," masungit na sabi ko saka tumayo at naglakad palabas ng room.
"Mommy!!!!!!" sigaw ko habang pababa ng hagdan. Nakita kong tumatakbong lumabas si mom sa kusina at may hawak pa itong sandok.
"Anak anong nangyari?" nagpapanic na tanong ni mom at hahawakan sana ako sa balikat ng agad akong umatras. Alam ko na gagawin non eh. Yuyugyugin ako nan panigurado.
"Nothing mom trip ko lang tawagin ka," nakangiting sabi ko na kinapokerface ng mukha niya. Hahampasin niya sana ako ng sandok ng agad na tumakbo ako.
"Ikaw na bata ka bumalik ka dito!" sigaw ni mommy na kinatawa ko.
"I love you mommy!" natatawang sigaw ko habang tumatakbo papuntang garden.
"Hihi atleast napangiti ko si mom," bulong ko. Nakita ko kasi kanina sa cctv ang lungkot sa mukha niya habang nagluluto. Sigurado naman ako na dahil na naman iyon kay dad.
"Hey kiddo nakita mo ba si Andrea?" napalingon ako sa taong nagsalita. Si dad pala.
"Who's Andrea?" maarteng tanong ko.
"Yong kasama ko kanina," balewalang sagot niya. Napairap ako sa kawalan.
"Oh yong froglet, why me tinatanong mo? mukha bang hanapan ng nawawalang froglet si self," masungit na sabi ko saka siya iniwan doon. Tsk kahit kailan hindi ko siya rerespetuhin.
"Saan ka pupunta kinakausap pa kita!" sigaw niya pero hindi ako lumingon at tuloy ang sa paglalakad.
"Walang respeto, mana nga kayo sa ama niyo," rinig kong sabi niya na kinatigil ko sa paglalakad. Lumingon ako sa kaniya pero naglakad na siya paalis.
"Ama namin?" nakakunot noong bulong ko. "Paano niya nasabing ama namin? hindi ba siya ang ama namin?" tumakbo ako papunta sa taas para sabihin kay brother ang narinig ko. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
amazing
17/10/2025
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10/2025
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat