Homepage/Pastel Levi Randall: The Poor Goddess/
Chapter 44
Chapter 44
Pastel Levi Randall's POV
"Tara na," yaya ni Insa ng mag-bell na. Sabay sabay na kaming tumayo saka niligpit ang mga gamit. Lalakad na sana ako ng may humawak sa braso ko pero agad din iyong kinuha ni Nuster.
"Anong problema mo?" madilim ang anyo na tanong ni Trevor kay Nuster. Siya pala ang humawak sa akin.
"Problema ko? wala naman sadyang ayaw lang ni boss pahawakan ang pagmamay ari niya," nakangising sagot ni Nuster. Hinila ko na si Nuster bago pa magkagulo.
"Tara na," ani ko at naglakad na palabas habang hila hila si Nuster.
"Pastel sandali! mag usap muna tayo!" rinig kong sabi ni Trevor pero hindi ako lumingon at magpatuloy lang sa paglalakad.
"Kita mo ang gagong yon kung ipagtabuyan ka dati wagas tapos ngayon hahabul habulin ka," irap na sabi ni Daisy na kinailing ko nalang.
"Hayaan niyo siya bahala siya sa buhay niya," balewalang sabi ko. Sumakay na kaming lahat sa elevator. Ilang minuto pa bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at tinungo ang cafeteria.
Naghanap kami ng mauupuan habang sina Nuster, Marlon at Devon naman ay nag order para sa pagkain naming lahat. Nagkwentuhan lang kami habang inaantay sina Nuster. Maya maya nandito na sila dala ang mga pagkain namin.
"Anyway guys bukas uuwi na kami sa probinsya," biglang sabi ni Devon habang kumakain kami. Nagkatinginan naman kaming lahat.
"Uuwi? eh nag aaral kayo," nagtatakhang tanong ni Insan.
"Babalik naman kami no," natatawang sabi ni Nathan. Napairap nalang kami at nagpatuloy na sa pagkain.
"Ano bang gagawin niyo don?" tanong ni Ashley. Nagkibit balikat sina Devon.
"Ewan basta tumawag sina mom at sinabi na kailangan daw muna naming lahat umuwi," kibit balikat na sabi ni Mark. Hindi nalang kami nagtanong pa at kumain nalang.
Habang kumakain kami bigla kaming may narinig na putok ng baril. May mga nakikita kami sa labas ng cafeteria mga estudyante na nagtatakbuhan. Napatayo kaming lahat ng may mga men in black ang pumasok sa cafeteria mga nakatakip ang mukha nila.
"Dalhin niyo sa akin ang babaeng nagngangalang Pastel Levi Randall kung ayaw niyong pasabugin ko ang mga ulo niyo isa isa!" sigaw ng mukhang leader nila na kinalaki ng mata ko. Agad na pinayuko nila ako nina Insan at pinalibutan para di ako makita.
"Ayon siya oh sa gitna ng mga lalaking yan!" sigaw ni— shit si Kyline. Tinuro niya ang pwesto namin kaya napalingon dito ang mukhang leader at nakita ako. Ngumisi ito sabay naglakad palapit sa akin.
"Kunin niyo siya!" utos niya sa mga kasamahan niya.
"Dadaan muna kayo sa bangkay namin bago niyo siya makuha!" sigaw ni Kurt at nanlaban sila. Nanlaban na din ako pero agad akong nanghina ng makarinig ng putok at matumba si Kurt sa harap ko na naliligo sa sariling dugo.
"Antapang niyo diba pwes ito ang sa inyo!" sigaw nong leader nila at binaril si Mark, Nathan at Nhate. Kasama na doon sina Nuster.
"Devon!" rinig kong sigaw ni Insan kasabay non ang isang putok.
"M-mike," rinig kong utal na sabi ni Devon. Dahan dahan akong napalingon at mas nanlumo ako ng makita si Insan na duguan. Gusto kong patayin ang mga taong ito pero hawak ako ng dalawang lalaki na doble ang laki sa katawan ko.
"Marlon!" sigaw ni Daisy na kinatingin ko dito. Mas nanghina ako ng makitang natumba din si Marlon habang sumusuka ng dugo.
Nanghihina pa din ako dahil sa pagsuntok nila sa tyan ko. Nagsigawan ang mga estudyante dito sa loob ng makita nilang binaril ng mga demonyong ito ang mga kaibigan ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mga katawan ng mga kaibigan ko na nakahandusay.
—
Nagising nalang ako sa hindi ko alam na kwarto. Nilibot ko ang tingin ko at walang ibang gamit dito bukod sa nag iisang kama. Nang maalala ko ang nangyari agad akong bumaba sa kama at lalabas na sana ng mapatigil ako dahil sa kadenang nasa paa at kamay ko.
Paulit ulit ko itong hinihila nag babaka sakaling mahuhubad ito pero tangna sobrang hirap sirain nito. Napaupo nalang ako sa sahig at napayakap sa mga tuhod. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko ng maalala ang sa cafeteria.
"Tangna kung sino man ang gumawa nito siguraduhin niya lang na hindi ako makawala dito dahil papatayin ko talaga siya," nanggagalaiting sabi ko sabay kuyom ng kamao. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at si-
Damian Prior Cardwell's POV
"What!" galit na sigaw ko ng sabihin sa akin ni Matthew na may dumukot kay Pastel at 50/50 ngayon sina Nuster sa hospital. Napakuyom ang kamao ko.
"Tawagan mo ang Red Blood sabihin mo nagpapatawag ako ng meeting mamayang gabi 10pm," malamig na sabi ko. Yumuko siya at lumabas ng office ko.
Nag isip ako ng mabuti kung sino ang gagawa nito kay Pastel. Paanong nakapasok sila sa university. Napakuyom ang kamao ko ng maisip na siguradong may nagpapasok sa kanila. Napatigil lang ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at napasuntok ako sa lamesa ng makita ang video.
"Akala mo talaga makukuha mo siya sa akin? tsk tsk poor Damian," nakangising sabi ni Trevor sa video habang nasa likod niya si Pastel na hubo't hubad at walang malay. Naitapon ko ng wala sa oras ang cellphone ko dahil sa galit.
"Tangna mo Trevor! inuubos mo talaga ang pasensya ko," nanggagalaiting sabi ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at sunod sunod na pumasok ang Red Blood.
"What are you doing here?" nakakunot noong tanong ko. Nagbiglang galang silang lahat kasama nila si Matthew.
"Nakarating na sa amin ang balita boss at mas mabuting dito na tayo mag-meeting dahil hindi safe sa hide out," ani ni Red ang leader ng Red Blood.
"Follow me," walang emosyon na sabi ko sabay lakad banda sa may kabinet at may pinindot dito. Bumukas ito at bumungad sa amin ang daan pababa.
Isa itong underground dito kami nagme-meeting pagkami lang talaga. Safe kasi dito at walang nakakaalam bukod sa akin at sa Red Blood kasama na doon sina Nuster. Nauna na akong bumaba at sumunod naman sila.
Pagkababa namin bumungad sa amin ang pabilog na mesa at may mga upuan. Umupo na ako sa upuan ko. Nagsiupuan na din naman sila.
"Dark pakitrace ang device na nasa wedding ring ng asawa ko, i will give you 30 seconds," malamig na sabi ko. Agad niyang nilabas ang laptop niya at mabilis na kinalikot ito.
"Gotcha!" bulalas niya. Pinaharap niya sa akin ang laptop at napangisi nalang ako.
"Pagsinuswerte ka nga naman," nakangising sabi ko. Yong location kasi ni Pastel katabi lang ng bar na pagmamay ari ko. Madami akong tauhan doon kaya wrong location siya.
Nagplano na kami sa gagawing paglusob mamayang 10pm. Dapat kasi 10pm pa kami magme-meeting pero dahil maaga silang pumunta dito gagamitin nalang namin ang time na iyon para durugin ang mga taong kumuha sa asawa ko.
"Magbabayad ang mga iyon sa pagbaril kay Nuster," madiin na sabi ni Kayla o mas kilalang blue. Girlfriend siya ni Nuster kaya ganyan nalang iyan magalit. Kahit naman ako.
"Chill Kay ihahatid natin sila sa empyerno ng maaga," nakangising sabi ni Gray na kinasang ayonan ng lahat.
"Okay nakaplano na ang lahat, kita kita nalang tayo mamaya sa location," huling sabi ko sabay tayo at naglakad palabas. May labasan kasi dito at deritso iyon sa parking lot. Kinuha ko muna ang cellphone ko at may tinawagan.
"Hello, keep an eye of that location," malamig na sabi ko sabay patay ng tawag. Naglakad na ako papunta sa kotse saka ito pinaandar at pinaharurot.
Devon Tyson's POV
Paulit ulit kong sinuntok ang dingding dahil sa nangyari kanina. Ako dapat iyon eh ako dapat iyong mababaril. Mike naman bakit mo sinalo.
"Tangna!" sigaw ko.
"Devon kumalma ka, ngayon ka kailangan ni President kailangan nating magpakatatag na tatlo," biglang sabi ni Daisy habang nakaupo siya sa sahig katabi niya si Ashley na nakayakap sa kaniya at umiiyak din.
Napaupo nalang ako sa sahig. Ano bang nagawa naming kasalanan bakit sinabay sabay pa sila. Napahagulgol nalang ako sa idea na 50/50 ngayon ang mga kapatid ko kasama na doon ang mahal ko. Napatayo kami ng wala sa oras ng magpanic ang mga nurse at nagkaniya kaniyang pasok sa kwarto nina Mike.
"Anong nangyayari?" kinakabahan na sabi ko. Nilapitan ko ang isang nurse na papasok dapat sa kwarto ni Mike.
"Anong nangyayari miss?" tanong ko. Agad naman siyang napalingon sa akin.
"Bigla kasing nag straight line ang monitor ni Mr. Salvatore," sagot niya na kinalumo ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. S-straight line?
"Devon, hey Devon, pumasok ka doon maririnig ka ni President bilisan mo!" sigaw ni Daisy sa akin na agad na kinagising ko. Dali dali akong pumasok sa kwarto ni Mike at paulit ulit na sinabi na lumaban siya habang hawak ang mga kamay niya.
"Mike babe please lumaban ka," nagmamakaawang sabi ko habang umiiyak. Wala akong pakialam kung may mga doctor dito. Tuloy lang naman ang mga doctor sa pagrerevive kay Mike.
Pastel Levi Randall's POV
"Hayop ka Trevor pakawalan mo ako dito!" galit na sigaw ko. Oo tama kayo si Trevor ang kumidnap sa akin.
"Ano ako tanga? nandito kana kaya hinding hindi na kita papakawalan," nakangising sabi niya na mas kinagalit ko.
"Ha! akala mo ba hindi darating si Damian para iligtas ako? hintayin mo lang," nakangisi ding sabi ko. Nakita ko ang pagbago ng expression niya at pagkuyom ng kamao niya. Lumapit siya sa akin at Hinablot ang panga ko na kinadaing ko.
"Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan ng lalaking yan sa harap ko! at sa tingin mo mapupuntahan ka niya dito? nakalimutan mo na ba? hindi niya alam kong nasaan ka," nakangising sabi niya. Hahalikan niya ako pero agad akong umiwas.
"Hayop ka bitiwan mo ako!" nagsisigaw na sabi ko habang pilit na umiiwas sa mga halik niya. Tinuhod ko ang gitna niya na agad niyang kinatigil at napahawak sa gitna niya.
"Walanghiya ka!" sigaw niya at sinampal ako na kinatabingi ng ulo ko. Nanlaki ang mata ko ng biglang humigpit ang kadena sa mga kamay at paa ko. Kaya nakatihaya ako ngayon sa kama habang nakadupa ang magkabilang kamay at nakabukaka.
Pilit akong nagpapasag pero di ko magawang makagalaw dahil sa kadena. Sinimulan niyang halik halikan ang paa ko pataas. Napaiyak nalang ako habang pilit na ginagalaw ang katawan.
"Bakit mo ba ito ginagawa," umiiyak na sabi ko na kinatigil niya. Dahan dahan siyang lumayo at umupo sa gilid ng kama.
"Dahil mahal kita-"
"Mahal Trevor? sa tingin mo pagmamahal pa ba ito!" sigaw ko.
"Ikaw ang unang nagloko diba! diba dapat sarili mo sisihin mo kong bakit ako nagmahal ng iba! Trevor alam mong mahal na mahal kita noon pero bakit? bakit mo ginawa iyon! sina Insan pilit sinasabi na niloloko mo ako non pero hindi ako naniwala gusto ko sa bibig mo manggaling iyon at maniniwala ako, Trevor sobrang sakit ng ginawa mo, kasabay ng pakikipag hiwalay mo sa akin nawala din si nanay— Trevor ngayon lang ako nabuo, kung mahal mo talaga ako hahayaan mo akong maging masaya tama na iyong pinagkait mo sa akin ang pagkakataon na maging masaya," mahabang lintanya ko habang umiiyak. Napayuko siya.
"Pero mahal kita at gusto ko ako ang maging dahilan sa tuwing nagiging masaya ka-"
"Pero hindi na ikaw ang mahal ko Trevor alam mo iyan! kung mahal mo pala ako edi sana hindi mo ako niloko dati para hindi ako napunta sa iba! ikaw din naman ang naging dahilan kung bakit nakilala ko si Damian— si Damian ang nakabili sa akin," ani ko na agad niyang kinatingin.
"Pastel nagkakamali ka, oo balak kitang ibenta non pero kinancel ko na iyon! sinabi ko na huwag nalang pero huli na kasi nakuha kana nila, Pastel patawarin mo ako kung-"
"Napatawad na kita Trevor pero dahil sa ginawa mo ngayon— dinagdagan mo lang ang galit ko! pinatay mo pa ang mga kaibigan ko! kinamumuhian kita Trevor kinamumuhian kita!" umiiyak na sigaw ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang magkabilang balikat ko. Napaingit ako dahil sa sakit.
"Bawiin mo ang sinabi mo Pastel! bawiin mo!" I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
amazing
17/10/2025
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10/2025
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat