Homepage/Pastel Levi Randall: The Poor Goddess/
Chapter 43
Chapter 43
Pastel Levi Randall's POV
Ilang buwan na ang nakakalipas at nagawa ko na ang plano ko. Napapaikot ko na ngayon si Trevor sa mga kamay ko. Nakipagbalikan ako sa kaniya kahit wala naman na akong nararamdaman. Parte ito ng plano ko ang makipagbalikan sa kaniya at pag naramdaman ko na na mahal na mahal niya ako saka ko siya iiwan.
Pero kahit ganun hindi ko magawang maging masaya this past few days ramdam ko na iniiwasan ako ni Damian gusto ko siyang kausapin pero late na siya lagi umuuwi at maaga umaalis kaya talagang hindi kami nagkakaabutan.
Ngayon mga 11pm na nagpanggap lang ako na tulog sa kwarto ng pumasok si Nuster. Mga ganitong oras sigurado ang uwi niya. Hindi ako natulog para makausap lang siya. Mamatay matay na ako sa kakaisip kung ano ba ang problema niya.
Ilang minuto pa may narinig na akong ugong ng sasakyan na dumating. Bumangon ako sa pagkakahiga at dahan dahan na sumilip sa veranda. Si Damian nga. Pumasok na siya sa mansion kaya bumalik na ako sa kama.
Humiga ako patihaya at tumingin sa salamin. Babangon na sana ako para kausapin siya ng may marinig akong yabag papuntang kwarto ko. Agad akong nagpanggap na tuloy. Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko at umupo sa gilid ng kama.
"Kahit saang anggulo tingnan ang cute mo pa din," rinig kong sabi ni Damian habang hinahaplos haplos ang buhok ko. Pinilit ko talagang huwag magmulat para marinig ko pa ang ibang sasabihin niya.
"Namimis na kita alam mo ba yon? namimis ko na yong routine mong pag asikaso mo sakin sa tuwing uuwi ako dito, namimis ko na iyong mga ngiti mo pero kailangan kong iwasan ka para di na lumala itong nararamdaman ko para sayo," rinig kong sabi niya na kinabigla ko. Patuloy pa din siya sa paghaplos sa buhok ko.
"Wala akong lakas ng loob na mag-confess sayo halata naman kasing may nararamdaman ka pa sa ex mo, ayoko din na maging sagabal sa mga pinaplano mo mahal kita pero kung saan ka masaya susuportahan kita," mahinang sabi niya at may naramdaman akong malambot na bagay ang dumampi sa noo ko.
Hinalikan niya ako sa noo napamulat lang ako ng may maramdaman akong tumulo sa noo ko. Nagulat siya ng makita ako at agad na lumayo pero hinawakan ko siya sa kamay.
"Totoo ba? kaya mo ba ako iniiwasan dahil diyan?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin at hindi nagsalita. Dahil nga sa nakaupo pa din siya sa kama bumangon ako at niyakap siya.
"Mahal mo pala ako bakit hindi mo sinabi sa akin, alam mo bang halos mamatay ako kakaisip kung bakit iniiwasan mo ako," mahinang sabi ko habang nakayakap sa kaniya. Sinubsob ko ang mukha ko sa tyan niya.
"Anong ibig mong sabihin-"
"Mahal kita Prior! matagal na," putol ko sa sasabihin niya bago umayos ng upo at tingnan siya sa mata. Nakita ko ang sobrang saya sa mata niya.
"T-talaga? paano-" naputol ang sasabihin niya ng halikan ko siya sa labi. Bibitaw na sana ako pero hinawakan niya ang likod ng ulo ko at mas pinalalim pa ang halikan. Para akong nalalasing sa mga halik niya. Ilang minuto pa hindi ko namalayan na pareho na pala kaming hubo't hubad na nakahiga sa kama.
—
Nang gabing iyon nagsimula ang kwento naming dalawa. Pagkagising namin nag usap kami at sabi niya liligawan niya ako. Napatawa nalang ako kasi bakit pa siya manliligaw? matagal na kaming magkasama at mahal ko na siya.
"Wife tara na," tawag ni Damian. Kita mo wife na ang tawag sa akin haha. Ihahatid niya daw ako sa school eh. Anyway guys ititigil ko na ang paghihiganti kay Trevor. Makikipaghiwalay na din ako ngayon sa kaniya.
"Wait lang hubby!" nagmamadaling sabi ko sabay kuha ng bag ko at tumakbo palabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Umikot siya at sumakay na din sa driver's seat.
Naglagay ako sa earphone sa tenga ko bago sumandal sa upuan at pumikit. Yong isang kamay ko nakahawak sa kamay niya bale magkaholding hands kami habang nagmamaneho siya. Ilang minuto pa naramdaman ko na ang pagtigil ng sasakyan kaya minulat ko na ang mga mata ko.
"Baba na wife," ani niya na nasa labas. Hindi ko napansin na nasa labas na pala siya at pinagbuksan pa ako ng pinto. Pero napapokerface din ako agad ng marinig ang tilian ng mga estudyante ng makita nila sa Damian.
Pagbaba ko bigla silang tumahimik. Malamang sinong hindi mabibigla kung ang girlfriend ng king nila eh may kasamang ibang lalaki. Tsk akala naman nila mahal ko talaga si Trevor.
"Sunduin kita ulit dito mamaya ah," malambing na sabi ni Damian at hinalikan pa ako sa noo. Umiling iling ako.
"Ano ka ba huwag na, alam kong may trabaho ka pa-"
"Ako ang boss remember?" nakangising sabi niya na kinapokerface ko.
"Oo na oo na," ani ko sabay irap na kinatawa niya bago ako niyakap.
"Babe!" galit na tawag ng kung sino. Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Damian at nilingon ang taong nagsalita. Nagulat ako ng bigla nalang may sumuntok kay Damian kaya napasalampak siya sa semento.
"Prior!" sigaw ko sabay tulak kay Trevor na siyang sumuntok kay Damian. Agad kong nilapitan si Damian at tinulungang tumayo.
"Hubby ayos ka lang?" nag aalalang tanong ko habang chinicheck siya.
"Pastel ano? kakampihan mo pa yan! at anong tawag mo sa kaniya? hubby?" galit na sabi ni Trevor. Malamig ko siyang tiningnan.
"Oo HUBBY dahil asawa ko siya!" malamig na sabi ko at nag-smirk pa na kinadilim ng anyo niya.
"Huwag mo akong paglolokohin Pastel! akala ko ba mahal mo ako-"
"NOON Trevor! noon mahal kita pero ngayon hindi na. Haha naniwala ka talaga na ganun ko lang kadali kalimutan lahat ng ginawa mo sakin? habang kasama mo ako hindi mo ba naisip na baka isa lang iyon sa mga plano ko?" nakangising sabi ko sabay ngisi sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at sinuntok siya.
"Ayan bawi ko sa pagsuntok mo sa asawa ko," walang emosyon na sabi ko sabay talikod.
"Hindi! hindi totoo iyan diba?" galit na sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at linapitan nalang si Damian na nanatiling nakatingin sa amin.
"Hindi ka makapaniwala Willson? sinayang mo kasi eh kaya ngayon nasa akin na siya at wala na akong balak ibalik siya sayo," nakangising sabi ni Damian sabay hapit ng bewang ko.
"Anyway Willson salamat pala kasi kung hindi dahil sayo hindi siya mapupunta sa akin," ani ni Damian at nag-smirk pa.
"Hindi! hindi ako papayag akin si si Pastel! at walang sayo-"
"Tumigil kana Trevor! hindi ikaw ang nagmamay ari sa akin at para sabihin ko sayo kasal na kami! nakikita mo to?" ani ko sabay taas ng kamay ko para ipakita sa kaniya ang wedding ring na binigay ni Damian sa akin kagabi.
"Babawiin ko siya sayo tandaan mo yan," madiin na sabi ni Trevor habang nakatingin kay Damian ng masama. Tumalikod na siya at naglakad na papasok sa university.
"Huwag ka nalang kaya muna pumasok?" biglang sabi ni Damian na kinatingin ko sa kaniya.
"Ha? Eh bakit?" nagtatakhang tanong ko.
"Baka lapitan ka pa ulit ng gagong yon," nanggigigil na sabi niya na kinatawa ko. Nakangiti kong pinisil ang ilong niya.
"Ano ka ba andito naman sina Insan tyaka hindi naman ako magpapalapit sa kaniya okay?" mahinahing sabi ko pero nakasimangot pa din ang mukha niya.
"Fine, pero sa isang kondisyon papapuntahin ko sina Nuster dito para maging bantay mo," ani niya na kinanganga ko. Kailangan ba talaga akong bantayan?
"Pero hubby-"
"Wala ng pero pero wife maya maya andito na sila," balewalang sabi niya na kinasimangot ko.
"Okay fine," nakasimangot na sabi ko. Napailing naman siya at mabilis akong hinalikan sa labi. Napatingin ako sa mga estudyante ng bigla silang magtilian sa kilig.
"Ay may tao pala," nakangising sabi ni Damian na kinapokerface ko. Halata namang sinadya niya iyon kanina pa kasi masama ang tingin ng ibang estudyante sa amin. Ewan ko sa mga yan as if may pake ako.
Maya maya may dumating na sasakyan. Lumabas sina Nuster at Hardine na mas kinaingay ng mga estudyante. Napapokerface nalang ako. Hindi talaga tatahimik buhay ko pag itong mga lalaking ito ang kasama ko.
"Omg! transferee ba sila?"
"Kahit yong isa nalang sa kanila maging akin pwede na agad ako mamatay."
"Gosshhh girl ngumiti siya!"
"Kyaaaa ang gwapo!"
"Andaming fafa!"
"Teka mag aaral sila ulit hubby?" nakakunot noong tanong ko. Naka uniform kasi sina Nuster kaya napatanong ako sa kaniya. Tapos na kayang mag aral ang dalawang ito.
"Yes, tulad nga ng sabi ko magiging bantay mo sila kaya kailangan din nilang mag aral dito para makapasok sa room mo," sagot ni Damian na kinatango ko. Napatingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mata ng malapit na magbell.
"Mahal una na ako malapit na magsimula ang klase," paalam ko. Hinalikan ko muna siya sa labi sabay lakad.
"Hoy kayo malalate na tayo bilisan niyo na!" tawag ko kena Nuster na nagpapacute pa sa mga estudyante. Pagtapak ko sa entrance kasabay din non ang pag-bell. Lakad takbo ang ginawa ko para hindi ma-late.
Napamura ako ng sobrang sikip sa elevator. Maya maya bumukas ito kaya ako na ang unang lumabas. Mabilis na naglakad ako papuntang room. Pagdating ko doon wala pa si Prof. Nandoon na si Trevor. Imbis na umupo sa upuan ko doon ako umupo sa tabi ni Kurt na agad napatingin sa akin.
"Dito muna ako," nakangiting sabi ko na kinailing niya. Pinat niya ang ulo ko.
"It's okay wala namang nakaupo diyan," nakangiting sabi niya. Nararamdaman ko ang tingin ni Trevor sa akin. Unti unti ko siyang nilingon at nakatingin siya sa akin na may madilim na mukha. Naputol lang ang tinginan naming dalawa ng may katawan na humarang.
"Lady Pastel naman bakit mo kami iniwan doon?" nakasimangot na sabi ni Nuster na siyang humarang kasama nito si Hardine na mukhang mga ginahasa.
"Anong nangyari sa mga itsura niyo? mukha kayong ginahasa ng mga bakla," natatawang sabi ko na mas kinasimangot nila.
"Pinagpyestahan kami ng mga estudyante dito," pokerface na sabi ni Hardine. Napailing nalang ako at sinabihan na maghanap na sila ng upuan nila. Doon sila umupo sa likod namin ni Kurt.
"Pareng Nuster mag aaral kayo ulit?" tanong ni Kurt. Napakamot naman sa ulo sina Nuster.
"Oo eh, ito ang bagong mission namin-"
"Na bantayan si Pastel? haha hindi naman halatang possessive si Damian kay Pastel no," natatawang sabi ni Kurt na kinailing nalang nina Nuster.
"Ayaw lang ni boss na may dumikit na langaw sa ASAWA niya," nakangising sabi ni Nuster at nilakasan pa. Halatang sinadya niya iyon para marinig ni Trevor. Nakita ko sa pheriperal vision ko ang pagkuyom ng kamao ni Trevor.
"Ah Nate pwede palit tayo? hindi ako sanay dito eh," tawag ko kay Nate na nasa bandang bintana. Tig tatlo kasi ang upuan. Sa may bintana si Nate then si Kurt at ako. Napatingin siya sa akin at agad na ngumiti.
"Oo naman," nakangiting sabi niya sabay tayo. Tumayo na din ako. Inantay ko muna na makaalis siya saka ako lumipat ng umupuan. Hayyy ang sarap sa pakiramdam ng pwesto dito.
"Insan nakagawa ka ba ng project kay Prof. Manansala?" tanong ni Insan na agad kong kinakamot sa ulo. Hindi ako nakagawa— kasi naman si Damian hindi ako tinigilan.
"Wala-"
"Lady Pastel oh," putol ni Hardine sa sasabihin ko at inabot ang isang folder.
"Pinagawa iyan ni boss sa amin kasi alam niyang hindi ka makakagawa kagabi hindi pa nga kami makafocus kasi ang ingay-" naputol ang sasabihin niya ng takpan ni Nuster ang bibig niya. Namula naman ako at agad na kinuha ang folder saka umiwas ng tingin.
"Ahem, baka naman Pas may gusto kang ikwento sa amin?" nakangising sabi ni Ashley. Nasa harap ko lang kasi sila nakaupo. Hinampas ko siya ng folder pero agad din siyang nakaiwas.
"Tigilan niyo nga ako!" naiinis na sabi ko ng magsimula na silang asarin ako. Kasalanan ito ni Hardine hhmmp.
"Insan gusto ko makakita ng little Damian at little Pastel," nakangising sabi ni Insan. Napasubsob ako sa desk dahil sa kahihiyan na pinagsasabi nila. Yong mga kaklase kasi namin nakatingin na dito. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
amazing
17/10
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat