Chapter 33

Chapter 33
Mike Salvatore's POV
"Salamat sa inyong dalawa ah kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ang nangyari sa amin," pagpapasalamat ko kena Marlon at Damian pagkatapos nila kami ihatid sa bahay.
"Sigurado ba kayo na ayaw niyong magpadala sa hospital? lalo na yang si Pastel oh hanggang ngayon wala pa ding malay," turan ni Marlon habang nakatingin kay Pastel na nakahiga sa sofa at hanggang ngayon ay wala pa ding malay.
"Magigising din siya mamaya," sambit ko. Tumango naman sila.
"Sige alis na kami," ani ni Marlon. Tumango naman kami at kumaway na.
"Salamat ulit!" sigaw ni Daisy at Ashley habang kumakaway. Nang makaalis na sila napaupo nalang kami sa sofa. Napatingin ako kay Daisy na nanginginig.
"Akala ko talaga katapusan na natin," bulong ni Daisy. Niyakap naman siya ni Ashley na bakas pa din sa mukha ang takot dahil kanina. Anyway guys nahuli na ng mga pulis yong mga lalaki na nagtangkang gumahasa sa amin.
Noong makarating kasi sina Marlon ilang minuto lang ang nakalipas dumating ang mga pulis baka tinawagan nila Marlon. Tinawagan ko na din si tita para ipaalam ang nangyari sa amin. Mygoodness muntik nang mawala ang beauty ko sa mga manyak na iyon.
"Hhmm," napatingin kami kay Pastel na unti unting minulat ang mga mata. Nagulat kami ng bigla itong bumangon at tumayo.
"Nasan ako!" sigaw niya. Napapokerface naman ako at agad siyang hinigit paupo ulit.
"Gaga! nandito ka sa bahay niyo," malditang sabi ko na kinatingin niya sa akin bago nilibot ang tingin sa paligid.
"Paano tayo nakauwi? diba nandoon tayo sa kalsada tapos— yong mga lalaki-"
"Wala na andoon na sila sa kulungan. At kung tinatanong mo bakit tayo nakauwi kasi dumating sina Damian at Marlon tapos yon pinangbubugbog nila ang mga lalaki tapos maya maya dumating na din ang mga pulis," ani ko na kinatango niya. Napaisip naman ako.
"Pero alam mo insan ang hit ni papa Damian makipag away kyaaaa— aray!" daing ko ng batukan niya ako.
"Baliw ka ba insan? muntik na nga tayo magahasa nagawa mo pang lumandi!" asik niya sa akin na kinairap ko.
"Patulog tulog ka kasi kaya di mo nakita che! pero feeling ko nagtulog tulugan ka lang eh para buhatin ka ni papa Damian," irap na sabi ko na kinatigil niya.
"Si Damian ang bumuhat sa akin?" wala sa sariling tanong niya.
"Ay malamang insan! alangan namang ako ang magbuhat sayo mygoodness baboy ka kaya! tyaka masisira ang beauty ko," ani ko at nag-flip hair. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Pinsan ba talaga kita?" umuusok ang ilong na sabi niya. Nag-cross arm naman ako.
"Hindi, wala kasi sa lahi namin ang panget kaya hindi kita pinsan-"
"Tangina mo!" mura niya na kinatawa ko lang.
"Anak!" napatingin kami kay tita na nagmamadaling pumasok, kasunod nito sina tita at sina Devon. Isa isa kaming sinuri ni tita.
"Okay lang ba kayo? wala bang ginawa sa inyo ang mga lalaking iyon? ano ba kasing nangyari bakit napunta kayo sa ganoong sitwasyon?" sunod sunod na tanong ni tita at bakas sa mukha nito ang sobrang pag aalala. Ang kaninang mga mukha nina Ashley at Daisy napalitan ng nakangiti dahil kay tita.
"Okay kang po kami nay, kami pa ba kayang kaya namin sila!" sambit ni Insan at tinaas pa ang kamao. Napataas naman ang kilay ko.
"Kayang kaya eh ang weak mo nga eh simpleng suntok lang nahimatay agad-"
"Ano?! anak sana ka sinuntok ng mga gagong iyon?" galit na sabi ni tita na kinatakip ko sa bibig para hindi na makapagsalita.
"Nay, nay kalma okay? okay na kami look oh wala kaming galos," nakangiting sabi ni Insan.
"Malaking lamok ba ang umatake sa inyo ate Levi? si Ate Daisy kasi may mga kagat ng lamok," inosenteng tanong ni Ethan na kinatingin namin kay Daisy na agad tinago ang leeg. Kissmark iyon na gawa ng mga lalaki kanina. Mas malala kasi siya dahil siya ang inuna sa amin.
"Daisy anak patingin nga," nag aalalang sabi ni tita bago nilapitan si Daisy na agad naman kinuha ang kamay na nakatakip sa leeg niya.
"Sana kasi nagsabi nalang kayo para nasundo kayo namin," mahinahong sabi ni Devon na kinataas ng kilay ko.
"Mas nakakatakot pa kayo no tyaka diba nga galit kayo sa amin paano namin kayo pagkakatiwalaan nan," masungit na sabi ko. Nagkatinginan naman silang apat at bigla nalang lumuhod na kinagulat namin.
"Humihingi na kami ng pasensya sa ginawa namin sa inyo noong isang araw," sabay na sabi nila na kinatanga namin. Sabay sabay kasi silang nagsalita at sabay sabay ding yumuko.
"Pinagpractisan niyo ba iyan?" nakatakip ang bibig na sabi ni Ashley para maiwasang hindi matawa. Napakamot naman sila sa ulo bago tumayo.
"Pagpasensyahan niyo na ang mga yan first time kasi nila humingi ng tawad sa mga taong nagawan nila ng masama," naiiling na sabi ni tita na kinatawa namin.
"Huwag niyo nga kami pagtawanan!" sigaw ni Devon. Tumigil naman kami sa pagtawa pero nakatakip sa bibig ang mga kamay namin para maiwasang matawa.
"Okay okay, apology accepted— sorry din ah," alanganin na sabi ko. Tumango lang naman sila except kay Devon na nanatiling nakatingin sa akin habang nakangiti. Problema nito.
"Mga iha, iho sigurado ba kayo na okay lang kayo?" tanong ni tita mommy nina Devon. Nginitian lang namin si tita at sinabing okay lang.
Pastel Levi Randall's POV
Ilang araw na ang nakalipas at ngayon na ang balik namin sa Manila. Kinakabahan ako kasi—kaya ko ba silang harapin? kaya ko kayang hindi umiyak sa harap ni Trevor? haist bahala na.
Anyway guys sina Themarie nagparamdam ulit sa amin at may sinulat ulit sila sa papel. Nagpapasalamat sila kasi nabigyan na sila ng hustisya kaya payapa na sila ngayon.
"Anak bilisan niyo paalis na ang bus!" tawag ni nanay kaya nagmadali kaming tumakbo papunta sa bus at sumakay na. Bumili kasi muna kami ng pwede naming makain sa byahe. Naghanap na kami ng maupuan at sa likod namin napiling umupo.
Anyway guys kaibigan na namin sina Devon, tapos si Devon nagsisimula ulit na ligawan si insan. Ito namang pinsan ko pakipot pa. Noong nakaraang araw naman pinuntahan namin si Damian sa farm niya para sana magpasalamat ako. Ako kang kasi ang hindi nakapag pasalamat. Nagtaka din ako bakit nandito si Damian sa pagkakaalala ko sabi ni Marlon bumalik si Damian sa Manila. Pumikit nalang ako at hindi na nag isip pa.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng may yumugyog sa akin at naramdaman ko na nakatigil na ang bus. Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin si Ashley na siyang gumising sa akin.
"Andito na tayo," ani niya. Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa labas. Andito na nga kami.
"Ang bilis naman ata, gaano ba ako katagal natulog," mahinang sabi ko. Nameywang naman siya sa harap ko.
"Tatlong oras lang naman, and almost 10 minutes na kitang ginigising," asik niya na kinakamot ko sa ulo.
"Tara na andoon na sila sa baba," ani niya at nauna ng maglakad pababa ng bus. Sinukbit ko na ang shoulder bag ko bago tumayo at sumunod na aa kaniya. Pagbaba namin bumungad sa amin ang nakabusangot na mukha ni Insan.
"Sobrang tagal niyo naman akala ko kinain na kayo ng upuan," masungit na sabi niya na kinakamot ko sa ulo.
"Ito kasing si Pastel sobrang hirap gisingin," irap na sabi ni Ashley na kinatawa ni Daisy, Ethan at nanay.
"Haha hindi pa ba kayo nasanay diyan," natatawang sabi ni nanay na kinapokerface ko.
"Tara na nga maghanap na tayo ng tricycle na pwedeng masakyan nating lahat," masungit na sabi ko at inirapan pa sila bago naunang maglakad.
"No need na insan tinawagan ko na si manong para sunduin tayo dito," biglang sabi ni Insan na kinatigil ko sa paglalakad. Lumingon ako at bumalik sa kanila.
"May silbi ka din naman pala," irap na sabi ko. Susugurin niya sana ako ng pigilan siya nina Ashley.
"Naku tita yang anak niyo lagot talaga sa akin yan," umuusok ang ilong na sabi niya na kinangisi ko.
"Go insan," nakangiting sabi ko at dinilaan pa siya para asarin.
"Che! huwag na huwag kang sasakay sa kotse namin ah!" masungit na sabi niya na kinatawa ng kilay ko.
"Tingnan natin," nakangising sabi ko. Maya maya pa may sasakyan na pumarada sa harap namin. Lumabas ang driver at yumuko kay insan. Napangisi ako ng maisip na ito na ang tinawagan ni insan.
Walang pasabing sumakay ako sa backseat na kinainis ni insan. Haha alam ko namang nagjojoke lang siya tyaka madalas naman talaga kaming mag away.
"Wow ha! nauna pa sa may ari," pagpaparinig ni insan ng makapasok sila sa kotse.
"Ganyan daw kasi pag maganda," pagmamayabang ko at nag-flip hair pa.
"Edi wow," ikling sabi niya at inirapan pa ako.
"Hoy kayong dalawa tigilan niyo na yan," awat sa amin ni nanay. At dahil katabi ni nanay si insan— agad na niyakap ni insan si nanay at dinilaan ako na para bang nang aasar.
"Hindi ako naiingit bleh!" dila ko din pabalik na kinairap niya.
Ilang minuto na byahe namin. Isa isa na din na hinatid ni manong sina Ashley at Daisy then kami na ang sunod na ihahatid.
"Manong hindi po ito ang daan papunta sa bahay namin," biglang sabi ko kay manong. Napakamot naman siya sa ulo.
"Bilin po kasi ni ma'am Andrea na sa mansion nila kayo ideritso," sagot ni manong. Tiningnan ko naman si nanay na bigla nalang napangiti.
"Yeheyyyy doon na titira si Auntie! manong manong wala ka namang asawa pwede mo asawahin si Auntie she's beautiful naman!" masayang sigaw ni Ethan na kinalaki ng mata ni nanay. Napahagalpak naman kami ng tawa ni insan.
"Hoy Ethan! ikaw ang bata bata mo pa yan na agad ang iniisip mo," saway ni nanay kay Ethan na napanguso nalang. Napatingin naman ako kay manong at dahil nasa gilid ako kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya.
"What Auntie? handsome naman si manong and you are beautiful so bagay kayo, yong mga clown kasi naming yaya hinaharut si manong right kuya? hhmmp," nakasimangot na sabi ni Ethan at nag-cross arm pa.
"Tama," natatawang sabi ni insan na kinatawa ko din.
"Oo nga naman nay, hindi naman ako tutol kung mag-asawa ulit kayo gusto ko din magkaama ulit no," nakangising sabi ko na kinalaki ng mata ni nanay.
"Kayong mga bata talaga kayo tigilan niyo nga ako, matanda na ako para diyan," iiling iling na sabi ni nanay na kinalaglag ng panga namin. MATANDA DAW? Eh kung magtabi kaming dalawa parang magkapatid lang kami eh.
"Matanda kana sa lagay na yan? mukha ngang nasa 20s ka lang eh," biglang singit ni manong habang nasa daan pa din ang tingin.
"Naku! anong sinasabi mo diyan, 36 na ako kaya matanda na iyon," sagot ni nanay.
"Oh ayos, ako 37," sambit naman ni manong. Nagkatinginan kami ni insan at napanganga nalang matapos ma-out of place kaming tatlo dahil sa kanilang dalawa. Nakikinig lang naman kami dito sa mga kwentuhan nila na akala mo matagal ng magkakilala.
"Hayyy salamat nakarating din, kanina pa ako nilalanggam eh," pagpaparinig ni insan na sinabayan ko naman. Nanatiling nakatingin lang naman sa amin si nanay na parang naguguluhan pa.
"Ate, kuya wala naman pong ant dito," inosenteng sabi ni Ethan. Agad ko namang pinisil ang ilong niya.
"Panira ka talaga Ethan," natatawang sabi ko. Lumabas na kami ng kotse at agad na sumalubong sa amin si tita Andrea.
"Kyaaaaa ate!" tumatakbong sigaw nito at niyakap si nanay.
"Kami ang anak pero hindi kami ang kinamusta," napatingin ako insan ng marinig ko na bumubulong bulong ito. Mas lalong gumusot ang mukha ni insan ng bigla nalang higitin ni tita si nanay papasok sa mansion nila at hindi man lang kami pinansin.
"Kuya is mommy loves us?" biglang tanong ni Ethan. Lumuhod naman si insan sa harap ni Ethan.
"Yes baby Ethan, matagal lang na hindi nagkita sina Auntie at momny kaya ganoon, pero mamaya huwag mong papansinin si mommy ah," sabi nito kay Ethan na kinatango naman ni Ethan. Binatukan ko naman si insan na kinadaing niya.
"Sige turuan mo pa yang kapatid mo," ani ko na kinasimangot niya.
"Tara na nga," sambit niya kaya naglakad na kami papasok sa mansion nila. Yong mga gamit naman namin si manong na ang bahala magpasok dito. Namangha ako ng makapasok kami sa mansion nila.
"Ang ganda ng bahay niyo insan," namamanghang sabi ko napailing naman siya. Sinundan ko kang siya na hindi ko alam kung saan patungong. Nakarating kami sa malawak nilang sala at nandoon si nanay at tita nagtatawanan.

Komento sa Aklat (279)

  • avatar
    John Mark Ugaddan

    amazing

    17/10

      0
  • avatar
    DemilloJohnmark

    ang Ganda NYA pala HEHEHE

    16/10

      0
  • avatar
    EsclandaMay

    subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter

    24/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata