Pastel Levi Randall's POV "Anak bakit naglako ka pa kahit gabi na," bungad sa akin ni nanay. "Inay alas sais pa lang naman," sagot ko kay inay. "Tyaka sayang din yon no kung hindi ko ilalako yon mapapanis lang iyon pagkabukas," paliwanag ko. Pumasok na kami sa bahay. "Kahit na anak delikado pa din alam mo naman kung anong lugar meron tayo diba?" sermon ni nanay na kinakamot ko sa ulo. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Sorry na po inay masasayang kasi yon eh," pagpapacute ko sa kaniya na kinabuntong hininga niya. "Oh siya tara na kakain na tayo," ani niya kaya humiwalay na ako at sumunod sa kaniya sa kusina. "Anak kamusta pala ang unang pasok mo sa school mo? wala bang nambully sayo doon?" tanong ni inay na agad kong kinailing. "Wala nay tyaka kung bubullyhin man nila ako lagot sila sakin," mayabang na sabi ko at tinaas pa ang kamao. "Naku ikaw talaga, basta ang sabi ko huwag mag boyfriend at huwag makipag away," paalala ni inay na agad kong kinatango tango. "Opo boss," sagot ko at nagsalute pa na kinatawa nalang ni nanay. Trevor Willson's POV "Kuya sabihin mo na kasi anong nangyari bilis!" pangungulit sa akin ng kapatid ko. Nasabi ko kasi sa kaniya tungkol sa kissing scene namin ni Pastel sa elevator. "Yon nga lang ang nangyari nahuli kami ng prof eh," ani ko kaya napahagalpak siya ng tawa. "Bakit kasi sa elevator niyo pa naisipan gumawa ng milagro," natatawang sabi niya na kinapokerface ko. "Pero kuya tatanungin kita, may gusto ka ba kay Pastel?" seryosong tanong niya na kinatigil ko. "Oo, hindi ko alam pero unang kita ko sa kaniya na inlove na agad ako," nakangiting sabi ko habang nakatulala sa kawalan. Pumasok ang mukha ni Pastel sa isip ko habang tumatawa. Nakakainlove. "Nakamove on kana ba kay Kyline?" biglang tanong ni Maureen na kinaiwas ng tingin ko. Tumayo ako. "Taas na muna ako may gagawin pa ako," ani ko at lumakad na. "Kung hindi ka pa nakamove on sa kaniya mas mabuti pang huwag mo ng lalapitan si Pastel at pigilan mo yang nararamdaman mo, kasi hindi pagmamahal ang nararamdaman mo kay Pastel kung hanggang ngayon si Kyline pa din. Kahit kakakilala ko pa lang kay Pastel kuya ayaw ayaw ko pa ring masaktan siya," mahabang sabi niya na kinatigil ko. Napakuyom ako ng kamao at tumaas na bago pumasok sa kwarto. Pagkapasok ko bumungan sa akin ang picture naming dalawa ni Kyline. Kinuha ko ito at hinaplos ang picture ni Kyline. Isang taon na noong maghiwalay kami. Ako yong nakipaghiwalay sa kaniya dahil sa niloko niya ako. "Bakit mo kasi ako niloko, edi sana tayo pa din ngayon, kayakap pa sana kita ngayon," sabi ko sa picture ni Kyline. Bumalik sa isip ko ang mga alaala ni Kyline simula noong una ko pa kang siya nakilala. Katulad ni Pastel sa squatter din siya nakatira pero nang mapunta siya sa mga totoong magulang niya naging magkapitbahay na kami dahil sa mayaman ang parents niya. Maganda din siya sobra. Kaya sa tuwing nakikita ko si Pastel siya ang naaalala ko. May pagkapareho kasi sila ng ugali kaya siguro mabilis kong nagustuhan si Pastel dahil magkapareho sila ni Kyline. Humiga ako sa kama habang yakap ang picture namin ni Kyline. Inaamin ko mahal ko pa siya kahit sobrang sakin nong ginawa niya. -FLASHBACK- Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumunog. Tiningnan ko ito at nagulat ako matapos makita si Kyline ang gf ko na may kayakap na ibang lalaki. May ibang pictures pa na magkasama silang dalawa sa kama. Napakuyom ang kamao ko matapos makita iyon. "Babe andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap," malambing na sabi ni Kyline ng makapasok siya sa kwarto ko. "Kyline ano to?!" sigaw ko at binigay sa kaniya ang cellphone ko na kinalaki ng mata niya. "Kailan pa Kyline! kailan mo pa ako niloloko?" galit na sigaw ko na kinaigtad niya. "Babe hindi totoo ito," umiiling iling na sabi niya at nagsimula ng umiyak. "Hindi? then explain mo lahat sakin yan!" sigaw ko. Napayuko lang siya na kinalumo ko. Napaupo ako sa kama habang tuloy tuloy na tumutulo ang mga luha ko. "Kyline ano bang kulang sa akin? ginawa ko naman ang lahat ah, kulang pa ba?" mahinang sabi ko at napasabunot nalang sa buhok ko. "B-babe-" "Get out!" sigaw ko bago siya malamig na tiningnan. Wala na siyang nagawa at lumabas nalang. Pagkalabas niya pinagtatapon ko lahat ng mga gamit na nahahawakan ko. "Putangina!" sigaw ko at napasalampak nalang sa sahig. Napahagulgol ako ng maalala ulit ang mga pictures nila. -END OF THE FLASHBACK- Napakuyom ako ng kamao. Pagkatapos kong makipagbreak sa kaniya non at pumunta ako sa states doon ko nalaman sa kapatid ko na hindi pala totoong niloko ako ni Kyline. Pinadala lang pala yon ng isa sa mga babaeng may gusto sakin para maghiwalay kami ni Kyline. Puro edited picture lang pala yon. Ang tanga tanga ko naniwala ako agad at hindi hinayaang mag explain si Kyline. Umuwi ako dito sa pilipinas ng malaman yon pero huli na ang lahat, nakaalis na sina Kyline papuntang UK para doon na manirahan. Tinanong ko pa ang mga kaibigan niya sakaling alam nila kung saan sa UK ang bahay nina Kyline pero ni isa walang nagsabi sakin. Lahat sila galit sa akin. Naiintindihan ko naman sila kasi dahil sa akin napalayo sa kanila si Kyline. Kung hindi sana ako agad naniwala sa putanginang picture yon edi sana masaya kami ngayon ni Kyline. Isang taon pa lang ang lumipas kaya sariwa pa sa akin ang sakit. Hanggang ngayon umaasa pa din ako na sana isang araw maisipan niya na bumalik dito sa pilipinas. Mis na mis ko na siya. Yong pakiramdam na inaalagaan niya ako, mukha niyang nakangiti ang laging bumubungad sa akin. Pero ngayon wala na dahil sa katangahan ko. "Sising sisi na ako Kyline sana bumalik kana. Babawi pa ako sayo please bumalik kana, sobrang namimiss na kita," mahinang bulong ko at napatulo pa ang mga luha. Malungkot akong ngumiti at unti unting pinikit ang mga mata.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
John Mark Ugaddan
amazing
17/10
0
DemilloJohnmark
ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10
0
EsclandaMay
subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
amazing
17/10
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat