Trevor Willson's POV "Kuya pwede mo bang i-excuse si Pastel hindi kasi siya nakakain ng lunch kanina," mahinang sabi sa akin ni lil sis at kinindatan pa ako. Napangisi naman ako dahil sa ginawa niya. "Hoy Maureen ano bang sinasabi mo-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Pastel at nagtaas na ng kamay para mag excuse kay prof. Pagkakataon ko na ito para masolo siya. "Prof excuse," saad ko. Napalingon naman si prof sa akin at nagpacute. "Ene yen Mr Willson," pabebeng tanong niya na kinangiwi ko. "Sumasakit tyan ni Miss Randall sasamahan ko lang siya sa clinic," sagot ko bago hinatak si Pastel na agad napatayo. Hindi pa nakakasalita si prof pero lumabas na kami. "Oy teka sandali baka napagalitan tayo," biglang sabi ni Pastel at hinila ang kamay niya pero hindi ko ito binitawan. "Nag excuse naman tayo ah," nakangiting sabi ko. "Owkay pero yong kamay ko muna," saad niya at tinuro pa ang kamay niya na hawak ko. Umiling ako at hinatak na ulit siya papasok ng elevator. Sakto kaming dalawa lang nandito. Hanggang sa makapasok kami hindi ko pa din binibitiwan kamay niya. "Y-yong kanina pala-" "Wala kang kasalanan, balak sana kitang iligtas para di ka matumba ang kaso lang pagkahatak ko sayo biglang nadulas ang sapatos ko kaya pareho tayong natumba," paliwanag ko na kinatingin niya. "Pero infairness ang tamis ng mga labi mo," biglang sabi ko na kinapula niya. Napangisi ako ng makitang namumula ang tenga niya. "S-sayo din naman," sabi niya na kinatingin ko. Nang marealize niya ang sinabi niya agad niyang tinakpan ang bibig niya na may panlalaking mata. "Talaga? gusto mo ulit tikman?" nakangising sabi ko. Kinuha ko ang kamay niya na nakatakip sa mga labi niya bago nilapit ang mukha. Napalunok ako ng mapako ang tingin ko sa mga labi niya. Unti unti kong nilapit ang mukha ko at nakita kong napapikit siya. Nang maglapat ang mga labi naming dalawa naramdaman kong napahawak siya ng mahigpit sa laylayan ng coat ko. Pastel Levi Randall's POV Nang gumalaw ang labi niya napahawak ako ng mahigpit sa coat niya para kumuha ng lakas dahil feeling ko anytime matutumba ako dahil sa pamamanhid ng tuhod ko. Mas lumalim pa ang halikan naming dalawa. Hindi ko alam pero sa simpleng hawak niya lang nadadala na agad ako. "Ahem," agad kong naitulak si Trevor at lumayo ng may tumikhim. Namula ako ng makita na si prof pala ito. "Kung gusto niyo gumawa ng milagro huwag dito, doon kayo sa hotel para walang makaistorbo," nakangising sabi niya na mas kinahiya ko. Nang bumukas ang elevator nauna na akong lumabas kasunod si Trevor. Hanggang sa makarating kami sa cafeteria walang nagsasalita sa amin at nanatiling tahimik lang. Pupunta na sana ako sa counter ng hawakan niya ako. "Ako na," sabi niya alanganing kinatango ko. Humanap na ako ng pwesto at umupo habang hinihintay si Trevor. Nang makarating siya nagpasalamat lang ako at nilantakan na ang pagkaing ini-order niya. — "Inay andito na po ako!" sigaw ko ng makapasok ako sa bahay namin. Kakauwi ko lang galing school. "Anak andito ako sa kusina," sagot ni nanay kaya pumunta ako doon. Nakita ko siyang nagluluto. Nagpaalam muna ako sa kaniya na magbibihis at lalabhan ko muna ang uniform ko. Pagkatapos ko ngang magbihis nilabhan ko na ang dalawang pares ng uniform ko at sinampay dito sa loob. Pinahingan ko ng electric fan para mabilis na matuyo. Napatingin ako sa kay nanay ng marinig ko ang sunod sunod na pag ubo niya. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para i-check si nanay. "Inay inuubo na naman kayo, ako na muna diyan pahinga na kayo," sabi ko sa kaniya ng makapasok ako sa kusina. "Anak kaya ko na ito tyaka ubo lang naman yon eh," natatawang sabi niya pero tiningnan ko lang siya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sundin ako. Lumabas na siya at pumunta sa kwarto para magpahinga. Alam kong pagod na si inay dahil nag aaral na ako at mga 5 ang uwian namin kaya hindi ko siya na tutulungan sa palengke. Hindi pa naman matanda si inay pero sakitin yon eh. Kung pwede nga lang na ako nalang ang magtrabaho kaso ayaw niya ako patigilin eh gusto niya daw makaakyat sa stage habang sinasabi sa akin ang medalya ko. Napatingin ako sa mesa at doon nakita ko ang mga kakanin niya na hindi man lang naubos. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 5:30pm pa. Nang maluto ang niluluto ko hinain ko na ito at nilagay sa mesa bago nilagyan ng takip. Kinuha ko ang jacket ko sa sampayan bago sinuot at kinuha ang mga kakanin ni inay. Lumabas na ako at nagsimulang maglako. Madaming tambay dito pero sanay na ako diyan. "Pastel iha gabi na naglalako ka pa," biglang sabi ni mang erning na kinakamot ko sa ulo. "Hindi kasi naubos ibenta ni inay kanina, pag hindi ko nilako to masasayang lang," nakangiting sabi ko. "Swerte talaga sayo ni Melda biruin mo mabait na maganda pa at higit sa lahat masipag," puri ni mang erning na kinatawa ko nalang. "Sige po mang erning una na ako maglalako pa ako," paalam ko na kinatango niya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa basket. May sampong piraso pa. Limang biko at limang sapin sapin. Habang naglalakad ako sa daan biglang may mga sasakyang itim ang huminto sa gilid ko. May isang lalaki ang lumabas at lumapit sa akin. Aalis na sana ako kasi baka kidnapper ito pero nagkamali ako. "Teka miss bibili ako," ani niya na kinatigil ko. Naglabas siya ng pera na 1k at binigay sa akin. "Bibilhin ko na yan lahat," sabi niya na kinapasalamat ko. Kumuha ako ng plastik at nilagay doon lahat bago binigay sa kaniya. "Keep the change nalang miss," hiling sabi niya bago pumasok sa sasakyan at umalis na. Napatingin naman ako sa iba pang sasakyan na nagsimula na ding umandar. "Bigatin siguro yon, biruin mo andaming kotse na nakasunod paniguradong mga bodyguard yon," ani ko sa sarili ko. Nakangiti akong umuwi sa bahay habang hawak ang walang laman na basket.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (279)
John Mark Ugaddan
amazing
17/10/2025
0
DemilloJohnmark
ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10/2025
0
EsclandaMay
subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
amazing
17/10/2025
0ang Ganda NYA pala HEHEHE
16/10/2025
0subrang Ganda po ng story Kilan kaya po Yung ibang chapter
24/06/2025
0Tingnan Lahat