logo text

Chapter 14: A Tour with You

"Sir, hindi pa po nakakauwi si Ma'am Valeriane,"narinig ni Valeriane na sabi ng mayordomo nila sa Ama niya. 
Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng pinto ng masyon nila. Tempyong pagdating niya ay dumating rin ang Papa niya. Kinakapa niya ang masalimuot na disenyo ng wooden frame ng pinto habang tahimik na nakikinig. Kumabog ang puso niya nang mapuna ang matalim nitong boses- malimit itong magalit pero wala itong awa magbigay ng parusa. Kinakabahan siyang pumasok. Sinisugurado na hindi gagawa ng ingay. Patay talaga siya 'pag mahuli siya nito. Madagdagan ang parusa niya.
"I want to know how she managed to leave the hospital even his own brother can't stop her,"umangil ni Angelo na binigyan diin ang pagiging owtoridad nito. Sumasabog ang ' man who was never to be crossed' na aura nito sa buong sala.  Nakasuot ito ng tailored navy-blue suit. Maayos na nakasuklay paatras ang kumikintab nitong buhok. Walang duda, mafia boss nga ito!
Samantala ang butler na walang emosyon sa mukha-ang lalaking sumilbi ng ilang taon sa ilalim nito ay napatango lamang ng marahan. "Sinabi ni Young Master na sumama ito kay Lucian Belluci at siguradong makakauwi ito ngayon."
Her father's lips thinned into a hard line, his dark eyes narrowing. "Mabuti nandoon si Lucian. Nakamanti ng kaunti pero-" hindi niya inaasahan na tignan siya nito. Papaliko na sana siya sa kusina. Nanlilisik na mata ang pinukol nito sa kanya. Marahil kanina pa nito alam na dumating siya. Sa ingay pa naman ng boots niya. Sino ba ang hindi makakarinig?
Napapigil siya ng hininga. Inayos ang tindig sabay lagay ng dalawang kamay sa likod. Pinaskil pa ang killer smile niya na may pinaghalong pa-cute. Ngunit hindi nadala ang tigasin niyang Ama. 
"Valeriane,"tawag nito sa malamig at walang awang boses. "Come here."
Mariin siyang napalunok, pinipwersa ang mga paa na lumapit dito. Kumirot ng bahagya ang ulo niya dahil sa sugat na natamo niya kagabi. Taas noo siyang umusad habang tinatago ang kanyang kahinaan. Nang nakatayo na siya sa tabi nito, nasalubong niya agad ang mga titig nito. Humalo ang katapangan at kaba niya sa kailalim ng kalma niyang anyong palabas.
"Hindi ito isang laro, cara mia!"mahigpit ang mga salitang binitawan ni Angelo na may halong dismaya. "You escape from the hospital, no regard for your health or the people worried about you?"
Pinatili niya ang pahapyaw  na ngiti sa mukha habang mahigpit ang pagkahawak sa mga kamay. "I'm fine, Papa. Ayoko ko lang mag-stay ng buon gabi sa ospital bed. You know, I hate the smell of the hospital."
"At dinamay mo pa si Lucian. Nakahanap ka na ba ng partnes sa pagrerebelde mo? Umuwi agad ako sa sobrang pag-aalala sayo. Gusto mo ba kami atakehin sa puso ng mama mo?" Nanatiling matigas ang ekspresyon nito habang nakasalpok ang mga kilay. 
Naging bato siya nang marinig ang pangalan ni Luce. "Luce is a friend. He just helping me."
"Helping you?" Naging mapanganib ang mahina nitong boses. "o baka naman gusto mong ipagkasundo ka namin sa pamilya niya. Do you want to be his wife?"
Nanlaki ang mga mata niya sabay taas ng dalawang kamay. Nakaramdaman siya ng kakaiba. Bumilis ang tibok ng puso niya. Uminit din ang pisngi niya. 
"What are you talking about, Papa?!"mabilis niyang depensa. "Wala akong gusto kay Luce! Magkaibigan lang kami. Period! Kung anuman 'yang binabalak mo, kalimutan mo na!"
Lumabot ang mukha nito. Naglaho ang usok na umaaligid  dito. Na-amused si Angelo sa kanya. Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi nito.
"Kung makatanggi, parang totoo naman na may gusto ka. Sabihin mo lang kung may gusto ka. Ako mismo ang magne-negotiate kay Alessandro."
"Papa naman! Sei cattivo proprio! (Sama mo)"pumapadyak niyang giit. Sinasabunutan na ang sariling buhok.
"Belluci  will be happy to our ally. Pero-"tumahimik ito ng saglit. Iniba ang pilyong mukha nito. Naging matigas ulit na tila mananakal ng tao. "You failed again this time."
Para siyang sinasak ng punyal sa isang pangungusap na 'yon. Kung hindi sana dumating ang mga pulis ay maayos nilang natapos ang negosasyon.
"Papa, hindi po namin inaasahan na dadating ang mga pulis,"aniya.
Pumait ang mukha nito. "Purtroppo cara mia, I cannot let it slide. For being a failure, you're going to spend the entire day at the warehouse, taking inventory. Perhaps a bit of hard work will remind you of the responsibilities."
Isang parusang inaasahan niya ngunit ang manatili sa warehouse ng buong araw ay hindi niya matatanggap. Nanlumo siya. "Pero sabado naman,"mahina niyang welga kahit batid niyang hindi niya mababago ang desisyon nito.
"Exactly,"nakataas kilay nitong saad habang tinatanggal ang leather gloves. "You have all day to think about your actions."
"Wala ka talagang pakialam kahit muntikan na akong mamatay,"nagtatampo niyang bulong.
"Ano'ng walang pakialam? Uuwi ba ako kung hindi ka naasksidente? Aking prinsesa kailangan mong matutung maging matigas para sa kinabukasan mo." Kinabig siya nito para yakapin ng mahigpit. Hinamplos nito ang buhok niya habang inuulanan siya ng halik nito sa ulo.
"Anak! Valeriane mia!"bulalas ni Maricar. Ang kanyang ina na may pag-aalala sa tono. Mabilis siyang humiwalay sa ama niya para salubungin ito ng yakap. Humihikbing niyakap siya ng kanyang ina. Napansin niyang nakasunod si Vicenzo rito. Tumango lang ito sa kanya bago lumapit sa ama nila.
Maagang dumating si Valeriane sa pinakamamahal na warehouse ng tatay niya. Nadatnan niya ang mga tauhan nitong abala na sa pagtatrabaho. Agad niyang binati ang mga ito bago tinungo ang pwesto para simulan ang  trabaho niya. Pinagmasdan niya ang mga kahon na patong-patong sa sahig at magulong nakapwesto sa shelves nito habang naglalakad siya sa kahabaan ng pasilyo na may clipboard sa isang kamay.
Sa isang malamig, madilim at maalikabok na warehouse siya napunta. Malanang lumabas at gumala ang mga kaibigan niya dahil sabado ngayon samantala na stuck siya sa isang lugar na malungkot at tila kweba, nag-i-inventory ng libre. 
"Sa kadaming parusa, bakit dito pa talaga?" Pinakawalan niya ang isang buntong hininga hatid ng kanyang frustration. Mapait ang mukhang sinusulat lahat ng numero sa listahan. Nawawalan na siya ng pasensya.
Kinakamot niya ang ulo nang tamang-tama mabangga ang isang binata. Ito ang kaibigan ni Luce, syempre kaibigan niya rin. Si Irvin Romano-ang in-charge sa smuggling goods. He was tall, with a lean build and sharp, calculating eyes that seemed to take in everthing at once. His sleeves were rolled up, and he was checking the labels on a row of boxes, his exppression one of quiet concentration.
Hindi niya naisip na makita ito rito.
 "Yo, Ivin! What a coincidence. Didn't expect to see here today,"bati niya sa hilaw na ngiti.
Pilit itong ngumiti sa kanya. Wala yata sa mood makipag-usap kagaya niya. "Ito ang part-time job ko, Valeraine. What are you doing here? Don't tell me you are making an inventory also?"
Pumalatak siya. Inis na sumandal sa pader. "It's my father's order. Alam mo bang hindi ako naging successful sa negosasyon kagabi."
"Balita ko na-car accident ka?"
"Saklap nga eh,pinadala agad ako rito," napapikit niyang pahayag saka binalik ang tingin sa listahan niya. "Sige, tatapusin ko muna tong ginagawa ko para makaalis na."
Bahagyang napatango si Irvin bago ibalik ang sarili sa ginagawa nito. Napansin niya may pagka-nonchalant ang mokong. Nakanguso siyang binalik ang sarili sa ginagawa. 
Inunat-unat niya ang leeg matapos ang mahabang pag-iikot habang nagsusulat sa maalikabok na lugar. Naisipan niyang magpahinga bago pa siya masiraan ng bait sa pabalik-balik niyang gawain. Humugot siya ng malalim na hininga at humakbang patungo sa pahingaan ng mga empleyado. Masaya siyang iniisip ang ice cream na kinain kagabi nang mahuli ng atensyon niya ang pamilyar na mukha ni Luce.
Nakasandal sa  naka-stack na cartoon habang kaswal na ini-scroll ang cellphone nito. Katabi nito si Irvin na busy sa pagpapaliwanag dito. He was dressed in his usual effortless style, a dark jacket over a white t-shirt.
Pilya siyang napangiti. Nakahanap siya ng paraan upang makatakas dito.  She walked briskly towards Luce, her heart lightening with every step. 
Pinakita ni Luce ang mapaglarong ngiti nito nang inangat nito ang ulo at makita siya. Sinundan iyon ng tingin ni Irvin. Umasim lamang ang mukha nito.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"tanong niya na nilagay sa likod ang clipboard.
"May chini-check lang. Bakit andito ka?" Nilagay ni Luce sa bulsa ang cellphone nito at inaayos ang pagtindig.
"It's a long story. But, to make a story short..."kinuha niya ang kamay nito. At walang pasintabi na hinatak ito palabas ng warehouse. 
Hindi mailarawan ang mukha nito sa marahas niyang pagkaladlakad. Nanlaki ang mga mata sa pagkagulat, "Saan mo ako balak dalhin?"
Imbes na sumagot ay tumawa siya habang hinahatak ito. Hindi na sila nagpaalam kay Irvin. Nagpupumiglas si Luce pero bumigay din kalaunan, nadala yata sa kakaiba niyang enerhiya. 
"Magandang magpanggap na mga turista tayo!"sabi niya nang makarating sila sa lungsod. Inangat ni Luce ang hawak nitong cellphone. Naguumpisa nang kuhanan siya ng mga pictures. Silent means yes. Sumang-ayon ito sa balak niya.
Hinatak niya ulit ito. Nilibot nila ang buong tourist spot ng lungsod. Mula sa Luneta, manila zoo at ocean park. Wala silang ibang inisip kundi ang kasiyahan sa sandaling iyon.Hindi siya mapakali sa excitement habang si Luce ay abala sa pagkuha ng mga pictures niya. Pinuno na yata ng mukha niya ang gallery nito. Bawat ngiti niya ay hindi nakaligtas sa camera nito.
Tila nag-iba nag mundo niya sa sandaling yon. Worth it ang pagtakas niya sa responsibilidad. Tuwang-tuwa siya nang makita si Luce. Sana hindi na matapos ang sandaling 'yon. 

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Glen Fernandez Tingcang

    Ty sayo ang ganda

    15/10/2024

      0
  • avatar
    Af Nan

    yes

    22/09/2024

      0
  • avatar
    M U TD Kahbata

    2000

    20/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata